Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qalam   Ayah:
خَٰشِعَةً أَبۡصَٰرُهُمۡ تَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٞۖ وَقَدۡ كَانُواْ يُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلسُّجُودِ وَهُمۡ سَٰلِمُونَ
Kaaba-aba ang mga paningin nila, may bumabalot sa kanila na isang kaabahan at isang pagsisisi samantalang sila nga dati sa Mundo ay hinihiling na magpatirapa kay Allāh habang sila ay nasa isang kalusugan mula sa anumang nasa kanila sa Araw na ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَذَرۡنِي وَمَن يُكَذِّبُ بِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِۖ سَنَسۡتَدۡرِجُهُم مِّنۡ حَيۡثُ لَا يَعۡلَمُونَ
Kaya pabayaan mo Ako, O Sugo, at ang sinumang nagpapasinungaling sa Qur'ān na ito na pinababa sa iyo; mag-aakay Kami sa kanila tungo sa pagdurusa nang antas sa antas mula sa hindi nila nalalaman na iyon ay isang panlalansi sa kanila at isang pagpapain para sa kanila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأُمۡلِي لَهُمۡۚ إِنَّ كَيۡدِي مَتِينٌ
Mag-aantabay Ako sa kanila sa isang panahon upang magpatuloy sila sa kasalanan nila. Tunay na ang pakana Ko sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling ay malakas kaya hindi sila makalulusot sa Akin at hindi sila maliligtas sa parusa Ko.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ أَجۡرٗا فَهُم مِّن مَّغۡرَمٖ مُّثۡقَلُونَ
O humihiling ka ba mula sa kanila, O Sugo, ng isang gantimpala sa ipinaaanyaya mo sa kanila, kaya sila dahilan doon ay pumapasan ng isang bagay na mabigat at ito ay dahilan ng pag-ayaw nila sa iyo? Ang reyalidad ay salungat doon sapagkat ikaw ay hindi humihiling sa kanila ng isang pabuya, kaya ano ang pumipigil sa kanila sa pagsunod sa iyo?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ عِندَهُمُ ٱلۡغَيۡبُ فَهُمۡ يَكۡتُبُونَ
O taglay ba nila ang kaalaman sa Lingid kaya sila ay nagsusulat ng minamatamis para sa kanila na mga katwiran na ipinangangatwiran sila sa iyo?
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تَكُن كَصَاحِبِ ٱلۡحُوتِ إِذۡ نَادَىٰ وَهُوَ مَكۡظُومٞ
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa anumang inihatol ng Panginoon mo na pagpapain sa kanila sa pamamagitan ng pag-aantabay at huwag kang maging tulad ng kasamahan ng isda na si Jonas – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa pagkasuya niya sa mga kababayan niya, noong nanawagan siya sa Panginoon niya habang siya ay namimighati sa kadiliman ng dagat at kadiliman ng tiyan ng isda.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَّوۡلَآ أَن تَدَٰرَكَهُۥ نِعۡمَةٞ مِّن رَّبِّهِۦ لَنُبِذَ بِٱلۡعَرَآءِ وَهُوَ مَذۡمُومٞ
Kung sakaling ang awa ni Allāh ay hindi nakaabot sa kanya, talaga sanang ihinagis siya ng isda sa lupaing hungkag samantalang siya ay sinisisi.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَٱجۡتَبَٰهُ رَبُّهُۥ فَجَعَلَهُۥ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Ngunit pumili sa kanya ang Panginoon niya, saka gumawa sa kanya kabilang sa mga lingkod Nitong maayos.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِن يَكَادُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَيُزۡلِقُونَكَ بِأَبۡصَٰرِهِمۡ لَمَّا سَمِعُواْ ٱلذِّكۡرَ وَيَقُولُونَ إِنَّهُۥ لَمَجۡنُونٞ
Tunay na halos ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Sugo Niya ay talagang magpapabuwal sa iyo sa pamamagitan ng mga tingin nila dahil sa tindi ng pagpapatalim ng pagtinging sa iyo noong nakarinig sila sa Qur'ān na ito na pinababa sa iyo at nagsasabi sila bilang pagsunod sa mga pithaya nila at bilang pag-ayaw sa katotohanan: "Tunay na ang Sugo na naghatid nito ay talagang isang baliw."
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Walang iba ang Qur'ān na pinababa sa iyo kundi isang pangaral at isang pagpapaalaala para sa tao at jinn.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الصبر خلق محمود لازم للدعاة وغيرهم.
Ang pagtitiis ay isang kaasalang pinapupurihan na kinakailangan sa mga tagapag-anyaya sa Islām at iba pa sa kanila.

• التوبة تَجُبُّ ما قبلها وهي من أسباب اصطفاء الله للعبد وجعله من عباده الصالحين.
Ang pagbabalik-loob ay nag-oobliga [ng pagpapatawad] sa [pagkakasalang] nauna rito. Ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng paghirang ni Allāh sa tao at paggawa rito kabilang sa mga maayos na lingkod Niya.

• تنوّع ما يرسله الله على الكفار والعصاة من عذاب دلالة على كمال قدرته وكمال عدله.
Ang pagsasarisari ng ipinadadala ni Allāh na pagdurusa sa mga tagatangging sumampalataya at mga tagasuway ay isang katunayan sa kaganapan ng kakayahan Niya at kaganapan ng katarungan Niya.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qalam
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara