Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qalam   Ayah:

Al-Qalam

Ilan sa mga Layon ng Surah:
شهادة الله للنبي بحسن الخُلق، والدفاع عنه وتثبيته.
Ang pagsaksi ni Allāh sa Propeta sa kagandahan ng kaasalan [nito] at ang pagtatanggol dito at ang pagpapatatag dito.

نٓۚ وَٱلۡقَلَمِ وَمَا يَسۡطُرُونَ
Nūn. Nauna ang pagtalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Sumumpa si Allāh sa panulat at sumumpa Siya sa anumang isinusulat ng mga tao sa pamamagitan ng panulat nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَآ أَنتَ بِنِعۡمَةِ رَبِّكَ بِمَجۡنُونٖ
Hindi ka, O Sugo, dahil sa ibiniyaya ni Allāh sa iyo na pagkapropeta, isang baliw. Bagkus ikaw ay walang-kaugnayan sa kabaliwan na ipinaratang sa iyo ng mga tagapagtambal.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّ لَكَ لَأَجۡرًا غَيۡرَ مَمۡنُونٖ
Tunay na ukol sa iyo ay talagang isang gantimpala sa ipinagdurusa mo dahil sa pagpasan ng mensahe tungo sa mga tao, na hindi mapuputol, at hindi isang kagandahang-loob ng isa man sa iyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّكَ لَعَلَىٰ خُلُقٍ عَظِيمٖ
Tunay na ikaw ay talagang nasa kaasalang sukdulan na inihatid ng Qur'ān sapagkat ikaw ay nag-aasal ayon sa nasa Qur'ān sa pinakaganap na paraan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَسَتُبۡصِرُ وَيُبۡصِرُونَ
Kaya makakikita ka mismo at makakikita ang mga tagapagpasinungaling na ito
Ang mga Tafsir na Arabe:
بِأَييِّكُمُ ٱلۡمَفۡتُونُ
kapag nabunyag ang katotohanan ay liliwanag kung nasa alin sa inyo ang kabaliwan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay nakaaalam sa kung sino ang lumihis palayo sa landas Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan doon sapagkat nalalaman Niya na sila ay ang mga naligaw palayo roon at na ikaw ay ang napatnubayan doon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَا تُطِعِ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
Kaya huwag kang tumalima, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling sa inihatid mo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَدُّواْ لَوۡ تُدۡهِنُ فَيُدۡهِنُونَ
Nagmithi sila na kung sana nagpakalambot ka sa kanila at nagpakabait ka sa kanila kapalit ng kapinsalaan ng Relihiyon, saka magmamalambot sila sa iyo at magpapakamabait sila sa iyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا تُطِعۡ كُلَّ حَلَّافٖ مَّهِينٍ
Huwag kang tumalima sa bawat marami ang panunumpa sa kabulaanan, na kalait-lait,
Ang mga Tafsir na Arabe:
هَمَّازٖ مَّشَّآءِۭ بِنَمِيمٖ
marami ang panlilibak sa mga tao, marami ang paglalako ng satsat sa gitna nila upang magpawatak-watak sa kanila,
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَّنَّاعٖ لِّلۡخَيۡرِ مُعۡتَدٍ أَثِيمٍ
marami ang pagkakait ng kabutihan; tagalabag sa mga tao sa mga ari-arian nila, mga dangal nila, at mga buhay nila; marami ang mga kasalanan at mga pagsuway,
Ang mga Tafsir na Arabe:
عُتُلِّۭ بَعۡدَ ذَٰلِكَ زَنِيمٍ
magaspang na malupit, bastardo sa mga kalipi niya, sampid.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَن كَانَ ذَا مَالٖ وَبَنِينَ
Yayamang siya ay naging tagapagtaglay ng yaman at mga anak, nagpakamalaki siya palayo sa pagsampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا قَالَ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Namin, nagsasabi siya: "Ito ay ang isinasatitik mula sa mga mitolohiya ng mga sinauna."
Ang mga Tafsir na Arabe:
سَنَسِمُهُۥ عَلَى ٱلۡخُرۡطُومِ
Maglalagay Kami ng isang palatandaan sa ilong niya, na magpapangit sa kanya at kakapit sa kanya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• اتصاف الرسول صلى الله عليه وسلم بأخلاق القرآن.
Ang pagkalarawan sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa mga kaasalan ng Qur'ān.

• صفات الكفار صفات ذميمة يجب على المؤمن الابتعاد عنها، وعن طاعة أهلها.
Ang mga katangian ng mga tagatangging sumampalataya ay mga katangiang kapula-pula, na kinakailangan sa mananampalataya ang paglayo sa mga iyon at [ang paglayo] sa pagtalima sa mga nagtataglay ng mga ito.

• من أكثر الحلف هان على الرحمن، ونزلت مرتبته عند الناس.
Ang sinumang nagparami ng panunumpa ay naging hamak sa Napakamaawain at bumaba ang reputasyon niya sa ganang mga tao.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qalam
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara