Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Hāqqah   Ayah:

Al-Hāqqah

Ilan sa mga Layon ng Surah:
إثبات أن وقوع القيامة والجزاء فيها حقٌّ لا ريب فيه.
Ang pagtitibay na ang pagkaganap ng [Araw ng] Pagbangon at Pagganti roon ay katotohanang walang pag-aalinlangan hinggil dito.

ٱلۡحَآقَّةُ
Bumabanggit si Allāh ng oras ng Pagbangon [ng mga patay] na magkakatotoo sa lahat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَا ٱلۡحَآقَّةُ
Pagkatapos dinakila ang kalagayan niyon sa pamamagitan ng tanong na ito: Aling bagay ang Magkakatotoo?
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡحَآقَّةُ
Ano ang nagpaalam sa iyo kung ano ang Magkakatotoong ito?
Ang mga Tafsir na Arabe:
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ وَعَادُۢ بِٱلۡقَارِعَةِ
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd na mga kalipi ni Ṣāliḥ at ang [liping] `Ād na mga kalipi ni Hūd sa Pagbangon [ng mga patay] na dadagok sa tao dahil sa tindi ng mga hilakbot niyon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَمَّا ثَمُودُ فَأُهۡلِكُواْ بِٱلطَّاغِيَةِ
Kay tungkol naman sa [liping] Thamūd, nagpahamak nga sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng sigaw na umabot sa pinakarurok sa tindi at hilakbot.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَمَّا عَادٞ فَأُهۡلِكُواْ بِرِيحٖ صَرۡصَرٍ عَاتِيَةٖ
Tungkol naman sa [liping] `Ād, nagpahamak nga sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng isang hanging matindi ang lamig, na mabalasik na umabot sa pinakarurok sa kabalasikan sa kanila,
Ang mga Tafsir na Arabe:
سَخَّرَهَا عَلَيۡهِمۡ سَبۡعَ لَيَالٖ وَثَمَٰنِيَةَ أَيَّامٍ حُسُومٗاۖ فَتَرَى ٱلۡقَوۡمَ فِيهَا صَرۡعَىٰ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٍ خَاوِيَةٖ
Nagpadala nito si Allāh sa kanila sa loob ng pitong gabi at walong araw na lumilipol sa kanila nang lahat-lahat. Kaya makakikita ka sa mga tao sa mga tahanan nila na mga napahamak na ibinuwal sa lupa. Para bang sila, matapos ng pagpapahamak sa kanila, ay mga puno ng datiles na bumagsak sa lupa, na nabubulok.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَهَلۡ تَرَىٰ لَهُم مِّنۢ بَاقِيَةٖ
Kaya nakakikita ka ba para sa kanila ng isang kaluluwang natitira matapos ng tumama sa kanila na pagdurusa?
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الصبر خلق محمود لازم للدعاة وغيرهم.
Ang pagtitiis ay isang kaasalang pinapupurihan na kinakailangan sa mga tagapag-anyaya sa Islām at iba pa sa kanila.

• التوبة تَجُبُّ ما قبلها وهي من أسباب اصطفاء الله للعبد وجعله من عباده الصالحين.
Ang pagbabalik-loob ay nag-oobliga [ng pagpapatawad] sa [pagkakasalang] nauna rito. Ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng paghirang ni Allāh sa tao at paggawa rito kabilang sa mga maayos na lingkod Niya.

• تنوّع ما يرسله الله على الكفار والعصاة من عذاب دلالة على كمال قدرته وكمال عدله.
Ang pagsasarisari ng ipinadadala ni Allāh na pagdurusa sa mga tagatangging sumampalataya at mga tagasuway ay isang katunayan sa kaganapan ng kakayahan Niya at kaganapan ng katarungan Niya.

وَجَآءَ فِرۡعَوۡنُ وَمَن قَبۡلَهُۥ وَٱلۡمُؤۡتَفِكَٰتُ بِٱلۡخَاطِئَةِ
Si Paraon, ang bago niya kabilang sa mga kalipunan, at ang mga pamayanang pinagdusa sa pamamagitan ng pagtaob sa mataas sa mga iyon sa mababa sa mga iyon, na mga kababayan ni Lot, ay naghatid ng mga gawaing mali
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَعَصَوۡاْ رَسُولَ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَهُمۡ أَخۡذَةٗ رَّابِيَةً
sapagkat sumuway ang bawat isa kabilang sa kanila sa sugo Niya na ipinadala Niya sa kanila, at nagpasinungaling sila roon kaya dumaklot sa kanila si Allāh sa isang pagdaklot na nakadaragdag sa nagpapalubos ng kapahamakan nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّا لَمَّا طَغَا ٱلۡمَآءُ حَمَلۡنَٰكُمۡ فِي ٱلۡجَارِيَةِ
Tunay na Kami, noong lumampas ang tubig sa kataasan sa hangganan nito, ay nagdala sa mga taong kayo ay nasa mga gulugod nila sa daong na nagpapatianod na niyari ni Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ayon sa utos Namin, kaya iyon ay naging isang pagdadala para sa inyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لِنَجۡعَلَهَا لَكُمۡ تَذۡكِرَةٗ وَتَعِيَهَآ أُذُنٞ وَٰعِيَةٞ
upang gumawa Kami sa daong at kasaysayan nito bilang pangaral na ipampapatunay sa pagpapahamak sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagliligtas sa mga alagad ng pananampalataya, at [upang] mag-ingat dito ang isang taingang tagapag-ingat sa naririnig nito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِذَا نُفِخَ فِي ٱلصُّورِ نَفۡخَةٞ وَٰحِدَةٞ
Kaya kapag umihip ang anghel na itinalaga sa pag-ihip sa sungay nang nag-iisang pag-ihip, ang ikalawang pag-ihip,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَحُمِلَتِ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ فَدُكَّتَا دَكَّةٗ وَٰحِدَةٗ
at inangat ang lupa at ang mga bundok, saka binayo ang mga ito nang nag-iisang pagbayo na matindi, kaya napisa ang mga bahagi ng lupa at ang mga bahagi ng mga bundok,
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَيَوۡمَئِذٖ وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ
sa araw na mangyayari iyon sa kabuuan niyon ay magaganap ang Pagbangon [ng mga patay].
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱنشَقَّتِ ٱلسَّمَآءُ فَهِيَ يَوۡمَئِذٖ وَاهِيَةٞ
Magkakabiyak-biyak ang langit sa araw na iyon dahil sa pagbaba ng mga anghel mula roon sapagkat ito sa araw na iyon ay mahina matapos na ito dati ay matibay na siksik.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلۡمَلَكُ عَلَىٰٓ أَرۡجَآئِهَاۚ وَيَحۡمِلُ عَرۡشَ رَبِّكَ فَوۡقَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ ثَمَٰنِيَةٞ
Ang mga anghel ay nasa mga gilid nito at mga bingit nito. May magpapasan sa Trono ng Panginoon mo sa dakilang araw na iyon na walong anghel na inilapit [kay Allāh].
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَوۡمَئِذٖ تُعۡرَضُونَ لَا تَخۡفَىٰ مِنكُمۡ خَافِيَةٞ
Sa Araw na iyon ay itatanghal kayo, O mga tao, kay Allāh; walang nakakukubli kay Allāh mula sa inyo na isang tagakubli maging alinman ito, bagkus si Allāh ay Maalam dito, Nakababatid dito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ فَيَقُولُ هَآؤُمُ ٱقۡرَءُواْ كِتَٰبِيَهۡ
Kaya tungkol naman sa bibigyan ng talaan ng mga gawa niya sa kanang kamay niya, siya ay magsasabi dala ng galak at saya: "Kunin ninyo; basahin ninyo ang talaan ng mga gawa ko.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنِّي ظَنَنتُ أَنِّي مُلَٰقٍ حِسَابِيَهۡ
Tunay na ako ay nakaalam sa Mundo at nakatiyak na ako ay bubuhayin at makikipagkita sa pagganti sa akin."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَهُوَ فِي عِيشَةٖ رَّاضِيَةٖ
Kaya siya ay nasa isang pamumuhay na nagpapalugod dahil sa makikita niya na kaginhawahang palagi,
Ang mga Tafsir na Arabe:
فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٖ
sa isang harding angat ang lugar at ang kalagayan,
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُطُوفُهَا دَانِيَةٞ
na ang mga bunga niyon ay malapit sa sinumang kukuha ng mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَآ أَسۡلَفۡتُمۡ فِي ٱلۡأَيَّامِ ٱلۡخَالِيَةِ
Sasabihan bilang pagpaparangal sa kanila: "Kumain kayo at uminom kayo ng makakain at maiinom na walang kasiraan dito dahil sa ipinauna ninyo na mga gawang maayos sa mga araw na lumipas sa Mundo."
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِشِمَالِهِۦ فَيَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي لَمۡ أُوتَ كِتَٰبِيَهۡ
Tungkol naman sa bibigyan ng talaan ng mga gawa niya sa kaliwang kamay niya, magsasabi siya dahil sa tindi ng pagsisisi: "O kung sana ako ay hindi binigyan ng talaan ng mga gawa ko dahil sa taglay nito na mga gawang masagwa na nag-oobliga ng pagdulot ng pagdurusa sa akin.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَمۡ أَدۡرِ مَا حِسَابِيَهۡ
O kung sana ako ay hindi nakakilala ng alinmang bagay na magiging pagtutuos sa akin!
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَٰلَيۡتَهَا كَانَتِ ٱلۡقَاضِيَةَ
O kung sana ang kamatayan na ikinamatay ko ay naging ang kamatayan na hindi ako bubuhayin matapos nito magpakailanman!
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَآ أَغۡنَىٰ عَنِّي مَالِيَهۡۜ
Hindi nakapagtanggol para sa akin sa anuman ang yaman ko laban sa pagdurusang dulot ni Allāh.
Ang mga Tafsir na Arabe:
هَلَكَ عَنِّي سُلۡطَٰنِيَهۡ
Naglaho sa akin ang katwiran ko at ang dating sinasandigan ko na lakas at reputasyon."
Ang mga Tafsir na Arabe:
خُذُوهُ فَغُلُّوهُ
Sasabihin: "Kunin ninyo siya, O mga anghel, at igapos ninyo ang kamay niya sa leeg niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ثُمَّ ٱلۡجَحِيمَ صَلُّوهُ
Pagkatapos ipasok ninyo siya sa Apoy upang magdusa siya sa init nito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ثُمَّ فِي سِلۡسِلَةٖ ذَرۡعُهَا سَبۡعُونَ ذِرَاعٗا فَٱسۡلُكُوهُ
Pagkatapos ipasok ninyo siya sa isang tanikalang ang haba nito ay pitumpung bisig."
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّهُۥ كَانَ لَا يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ ٱلۡعَظِيمِ
Tunay na siya dati ay hindi sumasampalataya kay Allāh, ang Sukdulan,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ
at hindi nag-uudyok sa iba sa kanya sa pagpapakain sa dukha.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَيۡسَ لَهُ ٱلۡيَوۡمَ هَٰهُنَا حَمِيمٞ
Kaya walang ukol sa kanya sa Araw ng Pagbangon na isang malapit na magsasanggalang sa kanya laban sa pagdurusa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• المِنَّة التي على الوالد مِنَّة على الولد تستوجب الشكر.
Ang kagandahang-loob sa magulang ay isang kagandahang-loob sa anak na nag-oobliga ng pasasalamat.

• إطعام الفقير والحض عليه من أسباب الوقاية من عذاب النار.
Ang pagpapakain sa maralita at ang paghimok dito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkasanggalang laban sa Apoy.

• شدة عذاب يوم القيامة تستوجب التوقي منه بالإيمان والعمل الصالح.
Ang tindi ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay nag-oobliga ng pagpapasanggalang laban dito sa pamamagitan ng pananampalataya at gawaing maayos.

وَلَا طَعَامٌ إِلَّا مِنۡ غِسۡلِينٖ
at walang ukol sa kanya na pagkaing kakainin niya kundi mula sa katas ng mga katawan ng mga maninirahan sa Impiyerno.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَّا يَأۡكُلُهُۥٓ إِلَّا ٱلۡخَٰطِـُٔونَ
Walang kakain ng pagkaing iyon kundi ang mga tagapagtaglay ng mga pagkakasala at mga pagsuway.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَآ أُقۡسِمُ بِمَا تُبۡصِرُونَ
Sumusumpa si Allāh sa anumang nasasaksihan ninyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا لَا تُبۡصِرُونَ
Sumusumpa Siya sa anumang hindi ninyo nasasaksihan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٖ كَرِيمٖ
Tunay na ang Qur’ān ay talagang pananalita ni Allāh na binibigkas sa mga tao ng Sugo Niyang marangal.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَاعِرٖۚ قَلِيلٗا مَّا تُؤۡمِنُونَ
Hindi ito sinabi ng isang manunula dahil ito ay hindi ayon sa pagkataludtod ng tula. Kaunti ang sinasampalatayanan ninyo!
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا بِقَوۡلِ كَاهِنٖۚ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ
Hindi ito sinabi ng isang manghuhula sapagkat ang pananalita ng mga manghuhula ay isang bagay na naiiba sa Qur'ān na ito. Kaunti ang isinasaalaala ninyo!
Ang mga Tafsir na Arabe:
تَنزِيلٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Subalit ito ay isang ibinaba mula sa Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَوۡ تَقَوَّلَ عَلَيۡنَا بَعۡضَ ٱلۡأَقَاوِيلِ
Kung sakaling nagsabi-sabi si Muḥammad laban sa Amin ng ilang mga sabi-sabi na hindi Namin sinabi,
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَأَخَذۡنَا مِنۡهُ بِٱلۡيَمِينِ
talaga sanang naghiganti Kami sa kanya at dumaklot Kami sa kanya sa pamamagitan ng lakas mula sa Amin at kapangyarihan,
Ang mga Tafsir na Arabe:
ثُمَّ لَقَطَعۡنَا مِنۡهُ ٱلۡوَتِينَ
pagkatapos talaga sanang pumutol Kami mula sa kanya ng ugat na karugtong ng puso.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَمَا مِنكُم مِّنۡ أَحَدٍ عَنۡهُ حَٰجِزِينَ
Kaya walang kabilang sa inyo na magsasanggalang sa Amin sa kanya, kaya malayong magsabi-sabi siya laban sa Amin alang-alang sa inyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّهُۥ لَتَذۡكِرَةٞ لِّلۡمُتَّقِينَ
Tunay na ang Qur’ān ay talagang isang pangaral para sa mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّا لَنَعۡلَمُ أَنَّ مِنكُم مُّكَذِّبِينَ
Tunay na Kami ay talagang nakaaalam na sa gitna ninyo ay may nagpapasinungaling sa Qur'ān na ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّهُۥ لَحَسۡرَةٌ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ
Tunay na ang pagpapasinungaling sa Qur'ān ay talagang isang pagsisising sukdulan sa Araw ng Pagbangon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّهُۥ لَحَقُّ ٱلۡيَقِينِ
Tunay na ang Qur’ān, talagang ito ay ang katotohanan ng katiyakan na walang pag-aalangan at walang pag-aalinlangan na ito ay mula sa ganang kay Allāh.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ
Kaya magpawalang-kaugnayan ka, O Sugo, sa Panginoon mo sa anumang hindi naaangkop sa Kanya at banggitin mo ang ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• تنزيه القرآن عن الشعر والكهانة.
Ang pagpapawalang-kaugnayan sa Qur'ān sa tula at panghuhula.

• خطر التَّقَوُّل على الله والافتراء عليه سبحانه.
Ang panganib ng pagsabi-sabi laban kay Allāh at paggawa-gawa [ng kasinungalingan] laban sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.

• الصبر الجميل الذي يحتسب فيه الأجر من الله ولا يُشكى لغيره.
Ang pagtitiis na marikit na inaasahan dito ang pabuya mula kay Allāh at hindi naghihinaing sa iba.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Hāqqah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara