Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Ash-Sharh   Ayah:

Ash-Sharh

Ilan sa mga Layon ng Surah:
المنة على النبي صلى الله عليه وسلم بتمام النعم المعنوية عليه.
Ang kagandahang-loob sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – dahil sa pagkaganap ng mga biyayang espirituwal sa kanya.

أَلَمۡ نَشۡرَحۡ لَكَ صَدۡرَكَ
Talaga ngang nagpaluwag Kami para sa iyo ng dibdib mo saka nagpaibig Kami sa iyo ng pagtanggap ng kasi.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَوَضَعۡنَا عَنكَ وِزۡرَكَ
Nagpatawad Kami sa iyo ng nagdaan sa mga pagkakasala mo at nag-alis Kami sa iyo ng pabigat ng mga araw sa Panahon ng Kamangmangan na ikaw dati ay nasa mga iyon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• منزلة النبي صلى الله عليه وسلم عند ربه لا تدانيها منزلة.
Ang kalagayan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa ganang Panginoon niya ay hindi napapantayan ng isang kalagayan.

• شكر النعم حقّ لله على عبده.
Ang pagpapasalamat sa mga biyaya ay tungkulin para kay Allāh ng lingkod Niya.

• وجوب الرحمة بالمستضعفين واللين لهم.
Ang pagkakailangan ng pagkaawa sa mga sinisiil at ang kabanayaran sa kanila.

ٱلَّذِيٓ أَنقَضَ ظَهۡرَكَ
na pumagod sa iyo hanggang sa halos mabali ang likod mo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَرَفَعۡنَا لَكَ ذِكۡرَكَ
Nagpataas Kami para sa iyo ng pagbanggit sa iyo sapagkat ikaw ay naging binabanggit sa adhān at iqāmah at sa iba pa sa dalawang ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِنَّ مَعَ ٱلۡعُسۡرِ يُسۡرًا
Kaya tunay na kasama sa katindihan at kagipitan ay kagaanan, kaluwagan, at tuwa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ مَعَ ٱلۡعُسۡرِ يُسۡرٗا
Tunay na kasama sa katindihan at kagipitan ay kagaanan, kaluwagan, at tuwa. Kapag nalaman mo iyon ay huwag ngang magpahilakbot sa iyo ang pananakit ng mga kababayan mo at huwag ngang bumalakid sa iyo ito sa pag-aanyaya tungo kay Allāh.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِذَا فَرَغۡتَ فَٱنصَبۡ
Kaya kapag nakatapos ka sa mga gawain mo at nagbigay-wakas sa mga ito ay magsipag ka sa pagsamba sa Panginoon mo,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِلَىٰ رَبِّكَ فَٱرۡغَب
at maglagay ka ng pagmimithi mo at paglalayon mo kay Allāh lamang.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• رضا الله هو المقصد الأسمى.
Ang pagpaparangal ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pag-angat para sa kanya ng alaala sa kanya.

• أهمية القراءة والكتابة في الإسلام.
Ang pagkalugod ni Allāh ay ang pinakamatayog na pakay.

• خطر الغنى إذا جرّ إلى الكبر والبُعد عن الحق.
Ang kahalagahan ng pagbabasa at pagsusulat sa Islām.

• النهي عن المعروف صفة من صفات الكفر.
Ang panganib ng pagkamayaman kapag humatak ito tungo sa pagmamalaki at paglayo sa katotohanan.

• إكرام الله تعالى نبيه صلى الله عليه وسلم بأن رفع له ذكره.
Ang pagsaway sa nakabubuti ay isang katangian kabilang sa mga katangian ng kawalang-pananampalataya.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Ash-Sharh
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara