Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: An-Nahl   Ayah:
لِيَكۡفُرُواْ بِمَآ ءَاتَيۡنَٰهُمۡۚ فَتَمَتَّعُواْ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
upang magkaila sila sa anumang ibinigay Namin sa kanila. Kaya magpakatamasa kayo sapagkat makaaalam kayo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيَجۡعَلُونَ لِمَا لَا يَعۡلَمُونَ نَصِيبٗا مِّمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡۗ تَٱللَّهِ لَتُسۡـَٔلُنَّ عَمَّا كُنتُمۡ تَفۡتَرُونَ
Nagtatalaga sila para sa [mga anito], na hindi nakaaalam, ng isang bahagi mula sa itinustos Namin sa kanila. Sumpa man kay Allāh, talagang tatanungin nga kayo tungkol sa dati ninyong ginagawa-gawa [na kasinungalingan].
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيَجۡعَلُونَ لِلَّهِ ٱلۡبَنَٰتِ سُبۡحَٰنَهُۥ وَلَهُم مَّا يَشۡتَهُونَ
Nagtatalaga sila para kay Allāh ng mga babaing anak – kaluwalhatian sa Kanya – at para sa kanila ng ninanasa nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِٱلۡأُنثَىٰ ظَلَّ وَجۡهُهُۥ مُسۡوَدّٗا وَهُوَ كَظِيمٞ
Kapag binalitaan ang isa sa kanila[2] hinggil sa [pagkasilang ng anak na] babae, ang mukha niya ay naging nangingitim habang siya ay hapis.
[2] Ibig sabihin: ang isa sa mga tagapagtambal noon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَتَوَٰرَىٰ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ مِن سُوٓءِ مَا بُشِّرَ بِهِۦٓۚ أَيُمۡسِكُهُۥ عَلَىٰ هُونٍ أَمۡ يَدُسُّهُۥ فِي ٱلتُّرَابِۗ أَلَا سَآءَ مَا يَحۡكُمُونَ
Nagtatago siya sa mga tao dahil sa kasagwaan daw ng ibinalita sa kanya. Magpapanatili ba siya nito sa pagkahamak o magbabaon siya nito sa alabok? Pansinin, kay sagwa ang ihinahatol nila!
Ang mga Tafsir na Arabe:
لِلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ مَثَلُ ٱلسَّوۡءِۖ وَلِلَّهِ ٱلۡمَثَلُ ٱلۡأَعۡلَىٰۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Ukol sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ang paglalarawan ng kasagwaan at ukol kay Allāh ang paglalarawang pinakamataas. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَوۡ يُؤَاخِذُ ٱللَّهُ ٱلنَّاسَ بِظُلۡمِهِم مَّا تَرَكَ عَلَيۡهَا مِن دَآبَّةٖ وَلَٰكِن يُؤَخِّرُهُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗىۖ فَإِذَا جَآءَ أَجَلُهُمۡ لَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ سَاعَةٗ وَلَا يَسۡتَقۡدِمُونَ
Kung sakaling magpapanagot si Allāh sa mga tao dahil sa kawalang-katarungan nila ay hindi sana Siya nag-iwan sa ibabaw nito ng anumang gumagalaw na nilalang subalit nag-aantala Siya sa kanila hanggang sa isang taning na tinukoy. Kaya kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapaantala ng isang sandali at hindi sila makapagpapauna.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيَجۡعَلُونَ لِلَّهِ مَا يَكۡرَهُونَۚ وَتَصِفُ أَلۡسِنَتُهُمُ ٱلۡكَذِبَ أَنَّ لَهُمُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ لَا جَرَمَ أَنَّ لَهُمُ ٱلنَّارَ وَأَنَّهُم مُّفۡرَطُونَ
Nagtatalaga sila para kay Allāh ng kinasusuklaman nila [na pagkakaroon ng anak na babae]. Naglalarawan ang mga dila nila ng kasinungalingan na ukol daw sa kanila ang pinakamaganda. Walang pasubali na ukol sa kanila ang Apoy at na sila ay mga pababayaan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
تَٱللَّهِ لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰٓ أُمَمٖ مِّن قَبۡلِكَ فَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَهُوَ وَلِيُّهُمُ ٱلۡيَوۡمَ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagsugo sa mga kalipunan bago mo pa ngunit ipinang-akit sa kanila ng demonyo ang mga gawa nila kaya siya ay tagatangkilik nila sa araw na ito at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّا لِتُبَيِّنَ لَهُمُ ٱلَّذِي ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Hindi Kami nagpababa sa iyo ng Aklat kundi upang maglinaw ka sa kanila ng nagkaiba-iba sila hinggil doon, at bilang patnubay at bilang awa para sa mga taong sumasampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: An-Nahl
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara