Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Baqarah   Ayah:
وَلَا تَقُولُواْ لِمَن يُقۡتَلُ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أَمۡوَٰتُۢۚ بَلۡ أَحۡيَآءٞ وَلَٰكِن لَّا تَشۡعُرُونَ
Huwag kayong magsabi hinggil sa mga namamatay ayon sa landas ni Allāh na mga patay [sila], bagkus mga buhay [sila], subalit hindi ninyo nararamdaman.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَنَبۡلُوَنَّكُم بِشَيۡءٖ مِّنَ ٱلۡخَوۡفِ وَٱلۡجُوعِ وَنَقۡصٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡوَٰلِ وَٱلۡأَنفُسِ وَٱلثَّمَرَٰتِۗ وَبَشِّرِ ٱلصَّٰبِرِينَ
Talagang susubok nga Kami sa inyo sa pamamagitan ng isang anuman kabilang sa pangamba at gutom, at ng isang kabawasan mula sa mga ari-arian, mga buhay, at mga bunga. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga nagtitiis,
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلَّذِينَ إِذَآ أَصَٰبَتۡهُم مُّصِيبَةٞ قَالُوٓاْ إِنَّا لِلَّهِ وَإِنَّآ إِلَيۡهِ رَٰجِعُونَ
na mga kapag tinamaan sila ng isang kasawian ay nagsasabi sila: “Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay tungo sa Kanya mga babalik.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أُوْلَٰٓئِكَ عَلَيۡهِمۡ صَلَوَٰتٞ مِّن رَّبِّهِمۡ وَرَحۡمَةٞۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُهۡتَدُونَ
Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na mga pagbubunyi mula sa Panginoon nila at awa. Ang mga iyon ay ang mga napapatnubayan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ إِنَّ ٱلصَّفَا وَٱلۡمَرۡوَةَ مِن شَعَآئِرِ ٱللَّهِۖ فَمَنۡ حَجَّ ٱلۡبَيۡتَ أَوِ ٱعۡتَمَرَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِ أَن يَطَّوَّفَ بِهِمَاۚ وَمَن تَطَوَّعَ خَيۡرٗا فَإِنَّ ٱللَّهَ شَاكِرٌ عَلِيمٌ
Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh. Kaya ang sinumang nagsagawa ng ḥajj sa Bahay[33] o nagsagawa ng `umrah ay walang maisisisi sa kanya na magpabalik-balik sa pagitan ng dalawang iyon. Ang sinumang nagkusang-loob ng isang kabutihan, tunay na si Allāh ay Tagapagpasalamat, Maalam.
[33] Ang “Bahay” na nagsisimula sa malaking titik B ay tumutukoy sa Ka`bah sa Makkah.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡتُمُونَ مَآ أَنزَلۡنَا مِنَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلۡهُدَىٰ مِنۢ بَعۡدِ مَا بَيَّنَّٰهُ لِلنَّاسِ فِي ٱلۡكِتَٰبِ أُوْلَٰٓئِكَ يَلۡعَنُهُمُ ٱللَّهُ وَيَلۡعَنُهُمُ ٱللَّٰعِنُونَ
Tunay na ang mga nagtatago ng anumang pinababa na mga malinaw na patunay at patnubay [tungkol sa Propeta] matapos na naglinaw nito sa Kasulatan, ang mga iyon ay isinusumpa ni Allāh at isinusumpa ng mga tagasumpa.[34]
[34] Ang mga tagasumpa ay ang mga anghel at ang mga mananampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ وَأَصۡلَحُواْ وَبَيَّنُواْ فَأُوْلَٰٓئِكَ أَتُوبُ عَلَيۡهِمۡ وَأَنَا ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ
Maliban sa mga nagbalik-loob, nagpakaayos, at naglinaw [ng katotohanan] sapagkat ang mga iyon ay tatanggapan Ko ng pagbabalik-loob at Ako ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maaawain.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَمَاتُواْ وَهُمۡ كُفَّارٌ أُوْلَٰٓئِكَ عَلَيۡهِمۡ لَعۡنَةُ ٱللَّهِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ وَٱلنَّاسِ أَجۡمَعِينَ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at namatay habang sila ay mga tagatangging sumampalataya, ang mga iyon ay ukol sa kanila ang sumpa ni Allāh, ng mga anghel, at ng mga tao nang magkakasama,
Ang mga Tafsir na Arabe:
خَٰلِدِينَ فِيهَا لَا يُخَفَّفُ عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابُ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ
bilang mga mananatili roon. Hindi pagagaanin sa kanila ang pagdurusa ni sila ay palulugitan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلرَّحۡمَٰنُ ٱلرَّحِيمُ
Ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos; walang Diyos kundi Siya, ang Napakamaawain, ang Maawain.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Baqarah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara