Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Baqarah   Ayah:
وَمَآ أَنفَقۡتُم مِّن نَّفَقَةٍ أَوۡ نَذَرۡتُم مِّن نَّذۡرٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُهُۥۗ وَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنۡ أَنصَارٍ
Ang anumang ginugol ninyo na gugulin o ipinanata ninyo na panata, tunay na si Allāh ay nakaaalam nito. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang mga tagaadya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِن تُبۡدُواْ ٱلصَّدَقَٰتِ فَنِعِمَّا هِيَۖ وَإِن تُخۡفُوهَا وَتُؤۡتُوهَا ٱلۡفُقَرَآءَ فَهُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡۚ وَيُكَفِّرُ عَنكُم مِّن سَيِّـَٔاتِكُمۡۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Kung maglalantad kayo ng mga kawanggawa ay kay inam ng mga ito! Kung magkukubli kayo ng mga ito at magbibigay kayo ng mga ito sa mga maralita, iyon ay higit na mabuti para sa inyo. Magtatakip-sala si Allāh para sa inyo ng ilan sa mga masagwang gawa ninyo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ لَّيۡسَ عَلَيۡكَ هُدَىٰهُمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَهۡدِي مَن يَشَآءُۗ وَمَا تُنفِقُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَلِأَنفُسِكُمۡۚ وَمَا تُنفِقُونَ إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ وَجۡهِ ٱللَّهِۚ وَمَا تُنفِقُواْ مِنۡ خَيۡرٖ يُوَفَّ إِلَيۡكُمۡ وَأَنتُمۡ لَا تُظۡلَمُونَ
Hindi nasa iyo ang pagpatnubay sa kanila, subalit si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan ay ukol sa mga sarili ninyo. Hindi kayo gumugugol malibang sa paghahangad [ng ikalulugod] ng mukha ni Allāh. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan ay lulubus-lubusin tungo sa inyo [ang kabayaran] at kayo ay hindi lalabagin sa katarungan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لِلۡفُقَرَآءِ ٱلَّذِينَ أُحۡصِرُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ لَا يَسۡتَطِيعُونَ ضَرۡبٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ يَحۡسَبُهُمُ ٱلۡجَاهِلُ أَغۡنِيَآءَ مِنَ ٱلتَّعَفُّفِ تَعۡرِفُهُم بِسِيمَٰهُمۡ لَا يَسۡـَٔلُونَ ٱلنَّاسَ إِلۡحَافٗاۗ وَمَا تُنفِقُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ بِهِۦ عَلِيمٌ
[Ang mga kawanggawa ay] ukol sa mga maralitang naitalaga ayon sa landas ni Allāh; hindi sila nakakakaya ng paglalakbay sa lupain [upang maghanapbuhay]. Nag-aakala sa kanila ang mangmang na mga mayaman [sila] dahil sa pagpipigil na manghingi. Nakakikilala ka sa kanila dahil sa tanda nila: hindi sila nanghihingi sa mga tao nang may pamimilit. Ang anumang ginugugol ninyo na mabuti, tunay si Allāh dito ay Maalam.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُم بِٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ سِرّٗا وَعَلَانِيَةٗ فَلَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ وَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Ang mga gumugugol ng mga yaman nila sa gabi at maghapon nang palihim at hayagan ay ukol sa kanila ang pabuya sa kanila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Baqarah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara