Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: An-Noor   Ayah:

An-Noor

سُورَةٌ أَنزَلۡنَٰهَا وَفَرَضۡنَٰهَا وَأَنزَلۡنَا فِيهَآ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖ لَّعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ
[Ito ay] isang kabanata [ng Qur’ān] na pinababa Namin at isinatungkulin Namin. Nagpababa Kami sa loob nito ng mga talatang naglilinaw, nang sa gayon kayo magsasaalaala.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلزَّانِيَةُ وَٱلزَّانِي فَٱجۡلِدُواْ كُلَّ وَٰحِدٖ مِّنۡهُمَا مِاْئَةَ جَلۡدَةٖۖ وَلَا تَأۡخُذۡكُم بِهِمَا رَأۡفَةٞ فِي دِينِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۖ وَلۡيَشۡهَدۡ عَذَابَهُمَا طَآئِفَةٞ مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Ang [di-nakapag-asawang] babaing nangangalunya at ang [di-nakapag-asawang] lalaking nangangalunya ay humagupit kayo sa bawat isa sa kanilang dalawa ng isang daang hagupit. Huwag kayong tangayin ng pagkahabag sa kanilang dalawa sa Relihiyon ni Allāh kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Sumaksi sa pagdurusa nilang dalawa ang isang pangkatin kabilang sa mga mananampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلزَّانِي لَا يَنكِحُ إِلَّا زَانِيَةً أَوۡ مُشۡرِكَةٗ وَٱلزَّانِيَةُ لَا يَنكِحُهَآ إِلَّا زَانٍ أَوۡ مُشۡرِكٞۚ وَحُرِّمَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Ang lalaking nangangalunya ay hindi mag-aasawa kundi ng isang babaing nangangalunya o isang babaing tagapagtambal. Ang babaing nangangalunya ay hindi mag-aasawa kundi ng isang lalaking nangangalunya o isang lalaking tagapagtambal. Ipinagbawal iyon sa mga mananampalataya.[1]
[1] Ibig sabihin: ang pagpapakasal sa gayong tao ay bawal maliban na magbalik-loob siya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلَّذِينَ يَرۡمُونَ ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ ثُمَّ لَمۡ يَأۡتُواْ بِأَرۡبَعَةِ شُهَدَآءَ فَٱجۡلِدُوهُمۡ ثَمَٰنِينَ جَلۡدَةٗ وَلَا تَقۡبَلُواْ لَهُمۡ شَهَٰدَةً أَبَدٗاۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Ang mga nagpaparatang [ng pangangalunya] sa mga malinis na babae, pagkatapos hindi nakapaglahad ng apat na saksi, ay hagupitin ninyo ng walumpung hagupit at huwag kayong tumanggap sa kanila ng isang pagsasaksi magpakailanman – ang mga iyon ay ang mga suwail –
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ وَأَصۡلَحُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
maliban sa mga nagbalik-loob matapos na niyon at nagsaayos sapagkat tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلَّذِينَ يَرۡمُونَ أَزۡوَٰجَهُمۡ وَلَمۡ يَكُن لَّهُمۡ شُهَدَآءُ إِلَّآ أَنفُسُهُمۡ فَشَهَٰدَةُ أَحَدِهِمۡ أَرۡبَعُ شَهَٰدَٰتِۭ بِٱللَّهِ إِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Ang mga nagpaparatang [ng pangangalunya] sa mga maybahay nila samantalang hindi sila nagkaroon ng mga saksi maliban sa mga sarili nila, ang pagsaksi ng isa sa kanila ay apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tapat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلۡخَٰمِسَةُ أَنَّ لَعۡنَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡهِ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Ang [pagsaksing ikalima ay na ang sumpa ni Allāh ay sumakanya kung siya ay naging kabilang sa mga sinungaling.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيَدۡرَؤُاْ عَنۡهَا ٱلۡعَذَابَ أَن تَشۡهَدَ أَرۡبَعَ شَهَٰدَٰتِۭ بِٱللَّهِ إِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Magtutulak ng pagdurusa palayo [sa maybahay na] ito na sumaksi ito nang apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na [ang asawang] iyon ay talagang kabilang sa mga sinungaling.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلۡخَٰمِسَةَ أَنَّ غَضَبَ ٱللَّهِ عَلَيۡهَآ إِن كَانَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Ang ikalimang [pagsaksi] ay na ang galit ni Allāh ay sumakanya nawa kung siya ay kabilang sa mga sinungaling.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ وَأَنَّ ٱللَّهَ تَوَّابٌ حَكِيمٌ
Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya, at na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob, Marunong, [nagmadali sana Siya sa pagparusa sa inyo.]
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: An-Noor
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara