Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Furqān   Ayah:

Al-Furqān

تَبَارَكَ ٱلَّذِي نَزَّلَ ٱلۡفُرۡقَانَ عَلَىٰ عَبۡدِهِۦ لِيَكُونَ لِلۡعَٰلَمِينَ نَذِيرًا
Napakamapagpala ang nagbaba ng [Qur’ān bilang] pamantayan sa Lingkod Niya upang ito para sa mga nilalang ay maging isang mapagbabala,
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَمۡ يَتَّخِذۡ وَلَدٗا وَلَمۡ يَكُن لَّهُۥ شَرِيكٞ فِي ٱلۡمُلۡكِ وَخَلَقَ كُلَّ شَيۡءٖ فَقَدَّرَهُۥ تَقۡدِيرٗا
na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa, hindi gumawa ng isang anak, hindi nagkaroon sa Kanya ng isang katambal sa paghahari, at lumikha ng bawat bagay saka nagtakda rito ng isang pagtatakda.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةٗ لَّا يَخۡلُقُونَ شَيۡـٔٗا وَهُمۡ يُخۡلَقُونَ وَلَا يَمۡلِكُونَ لِأَنفُسِهِمۡ ضَرّٗا وَلَا نَفۡعٗا وَلَا يَمۡلِكُونَ مَوۡتٗا وَلَا حَيَوٰةٗ وَلَا نُشُورٗا
Gumawa sila sa bukod pa sa Kanya ng mga diyos na hindi lumilikha ng anuman samantalang sila ay nililikha. Hindi sila nagmamay-ari para sa mga sarili nila ng isang pinsala ni isang pakinabang at hindi sila nagmamay-ari ng isang kamatayan ni isang buhay ni isang pagkabuhay.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ إِفۡكٌ ٱفۡتَرَىٰهُ وَأَعَانَهُۥ عَلَيۡهِ قَوۡمٌ ءَاخَرُونَۖ فَقَدۡ جَآءُو ظُلۡمٗا وَزُورٗا
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Walang iba ito kundi isang kabulaanang ginawa-gawa niya, at may tumulong sa kanya rito na mga ibang tao,” ngunit naghatid nga sila ng isang kawalang-katarungan at isang kasinungalingan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالُوٓاْ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٱكۡتَتَبَهَا فَهِيَ تُمۡلَىٰ عَلَيۡهِ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا
Nagsabi sila: “Mga alamat ng mga sinauna [ito], na itinala niya saka ang mga ito ay idinidikta sa kanya sa umaga at hapon.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ أَنزَلَهُ ٱلَّذِي يَعۡلَمُ ٱلسِّرَّ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّهُۥ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Sabihin mo: “Nagpababa nito ang nakaaalam ng lihim sa mga langit at lupa. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad, Maawain.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالُواْ مَالِ هَٰذَا ٱلرَّسُولِ يَأۡكُلُ ٱلطَّعَامَ وَيَمۡشِي فِي ٱلۡأَسۡوَاقِ لَوۡلَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِ مَلَكٞ فَيَكُونَ مَعَهُۥ نَذِيرًا
Nagsabi sila: “Ano ang mayroon sa Sugong ito na kumakain ng pagkain at naglalakad sa mga palengke? Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang anghel para ito kasama sa kanya ay maging isang mapagbabala?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَوۡ يُلۡقَىٰٓ إِلَيۡهِ كَنزٌ أَوۡ تَكُونُ لَهُۥ جَنَّةٞ يَأۡكُلُ مِنۡهَاۚ وَقَالَ ٱلظَّٰلِمُونَ إِن تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلٗا مَّسۡحُورًا
O [bakit kasi walang] ipinupukol sa kanya na isang kayamanan, o [bakit kasi hindi] siya nagkakaroon ng isang hardin na kakain siya mula roon?” Nagsabi ang mga tagalabag sa katarungan: “Hindi kayo sumusunod kundi sa isang lalaking nagaway.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱنظُرۡ كَيۡفَ ضَرَبُواْ لَكَ ٱلۡأَمۡثَٰلَ فَضَلُّواْ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ سَبِيلٗا
Tumingin ka kung papaanong naglahad sila para sa iyo ng mga paghahalintulad kaya naligaw sila saka hindi sila nakakakaya [na magkaroon] ng isang landas [sa pagtuligsa sa Propeta].
Ang mga Tafsir na Arabe:
تَبَارَكَ ٱلَّذِيٓ إِن شَآءَ جَعَلَ لَكَ خَيۡرٗا مِّن ذَٰلِكَ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ وَيَجۡعَل لَّكَ قُصُورَۢا
Napakamapagpala ang kung niloob Niya ay gumawa Siya para sa iyo ng higit na mabuti kaysa roon: mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, at gagawa Siya para sa iyo ng mga palasyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
بَلۡ كَذَّبُواْ بِٱلسَّاعَةِۖ وَأَعۡتَدۡنَا لِمَن كَذَّبَ بِٱلسَّاعَةِ سَعِيرًا
Bagkus nagpasinungaling sila sa Huling Sandali. Naglaan Kami para sa sinumang nagpasinungaling sa Huling Sandali ng Liyab.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِذَا رَأَتۡهُم مِّن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ سَمِعُواْ لَهَا تَغَيُّظٗا وَزَفِيرٗا
Kapag nakakita ito sa kanila[361] mula sa isang pook na malayo ay makaririnig sila para rito ng isang pagngingitngit at isang pagsinghal.
[361] Ibig sabihin: Kapag nakakita ang Impiyerno sa mga tagatangging sumampalataya…
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِذَآ أُلۡقُواْ مِنۡهَا مَكَانٗا ضَيِّقٗا مُّقَرَّنِينَ دَعَوۡاْ هُنَالِكَ ثُبُورٗا
Kapag ipinukol sila mula roon sa isang lugar na masikip habang mga pinaggagapos ay mananawagan sila roon ng pagkagupo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَّا تَدۡعُواْ ٱلۡيَوۡمَ ثُبُورٗا وَٰحِدٗا وَٱدۡعُواْ ثُبُورٗا كَثِيرٗا
Huwag kayong manawagan ngayong Araw ng pagkagupong nag-iisa. Manawagan kayo ng pagkagupong marami.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ أَذَٰلِكَ خَيۡرٌ أَمۡ جَنَّةُ ٱلۡخُلۡدِ ٱلَّتِي وُعِدَ ٱلۡمُتَّقُونَۚ كَانَتۡ لَهُمۡ جَزَآءٗ وَمَصِيرٗا
Sabihin mo: “Iyon ba ay higit na mabuti o ang hardin ng kawalang-hanggan na ipinangako sa mga tagapangilag magkasala?” Ito para sa kanila ay magiging isang gantimpala at isang kahahantungan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَّهُمۡ فِيهَا مَا يَشَآءُونَ خَٰلِدِينَۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ وَعۡدٗا مَّسۡـُٔولٗا
Ukol sa kanila roon ang anumang niloloob nila habang mga mamamalagi. Laging iyon sa Panginoon mo ay isang pangakong hinihiling.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيَوۡمَ يَحۡشُرُهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ فَيَقُولُ ءَأَنتُمۡ أَضۡلَلۡتُمۡ عِبَادِي هَٰٓؤُلَآءِ أَمۡ هُمۡ ضَلُّواْ ٱلسَّبِيلَ
[Banggitin] ang araw na kakalap si Allāh sa kanila[362] at sa anumang sinasamba nila bukod pa sa Kanya[363] saka magsasabi Siya: “Kayo ba ay nagligaw sa mga lingkod Kong ito o sila ay naligaw sa landas?”
[362] Ibig sabihin: sa mga tagapagtambal
[363] Gaya ni Jesus, Maria, Espiritu Santo, mga jinn, mga propeta, at iba pa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالُواْ سُبۡحَٰنَكَ مَا كَانَ يَنۢبَغِي لَنَآ أَن نَّتَّخِذَ مِن دُونِكَ مِنۡ أَوۡلِيَآءَ وَلَٰكِن مَّتَّعۡتَهُمۡ وَءَابَآءَهُمۡ حَتَّىٰ نَسُواْ ٱلذِّكۡرَ وَكَانُواْ قَوۡمَۢا بُورٗا
Nagsabi sila: “Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi naging nararapat para sa amin na gumawa Kami bukod pa sa Iyo ng anumang mga katangkilik, subalit nagpatamasa Ka [sa Mundo] sa kanila at sa mga magulang nila hanggang sa nakalimot sila sa paalaala. Sila noon ay mga taong napariwara.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَقَدۡ كَذَّبُوكُم بِمَا تَقُولُونَ فَمَا تَسۡتَطِيعُونَ صَرۡفٗا وَلَا نَصۡرٗاۚ وَمَن يَظۡلِم مِّنكُمۡ نُذِقۡهُ عَذَابٗا كَبِيرٗا
Magpapasinungaling nga sila sa inyo sa sinasabi ninyo saka hindi kayo makakakaya ng isang paglilihis ni isang pag-aadya. Ang sinumang lalabag sa katarungan [dahil sa pagtatambal kay Allāh] kabilang sa inyo ay magpapatikim Kami sa kanya ng isang pagdurusang malaki.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا قَبۡلَكَ مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ إِلَّآ إِنَّهُمۡ لَيَأۡكُلُونَ ٱلطَّعَامَ وَيَمۡشُونَ فِي ٱلۡأَسۡوَاقِۗ وَجَعَلۡنَا بَعۡضَكُمۡ لِبَعۡضٖ فِتۡنَةً أَتَصۡبِرُونَۗ وَكَانَ رَبُّكَ بَصِيرٗا
Hindi Kami nagsugo bago mo ng mga isinugo malibang tunay na sila ay talagang kumakain ng pagkain at lumalakad sa mga palengke. Gumawa Kami sa ilan sa inyo para sa iba pa bilang pagsubok. Makatitiis ba kayo? Laging ang Panginoon mo ay Nakakikita.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ وَقَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ لِقَآءَنَا لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ أَوۡ نَرَىٰ رَبَّنَاۗ لَقَدِ ٱسۡتَكۡبَرُواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ وَعَتَوۡ عُتُوّٗا كَبِيرٗا
Nagsabi ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin: “Bakit kasi hindi pinababa sa amin ang mga anghel o [hindi] kami nakakikita sa Panginoon namin.” Talaga ngang nagmalaki sila sa mga sarili nila at nagpakasutil sila sa isang pagpapakasutil na malaki.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَوۡمَ يَرَوۡنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ لَا بُشۡرَىٰ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُجۡرِمِينَ وَيَقُولُونَ حِجۡرٗا مَّحۡجُورٗا
Sa Araw na makikita nila ang mga anghel, walang balitang nakagagalak sa araw na iyon para sa mga salarin at magsasabi [ang mga anghel]: “[Ang balitang nakagagalak ay naging] isang hadlang na hinadlangan!”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَدِمۡنَآ إِلَىٰ مَا عَمِلُواْ مِنۡ عَمَلٖ فَجَعَلۡنَٰهُ هَبَآءٗ مَّنثُورًا
Tutuon Kami sa anumang ginawa nila na gawain saka gagawa Kami rito na gaya ng alabok na ikinalat.[364]
[364] Ibig sabihin: walang kabuluhan dahil sa kawalang-pananampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ يَوۡمَئِذٍ خَيۡرٞ مُّسۡتَقَرّٗا وَأَحۡسَنُ مَقِيلٗا
Ang mga maninirahan sa Paraiso sa Araw na iyon ay higit na mabuti sa pagtitigilan at higit na maganda sa pahihingahan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيَوۡمَ تَشَقَّقُ ٱلسَّمَآءُ بِٱلۡغَمَٰمِ وَنُزِّلَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ تَنزِيلًا
[Banggitin] ang araw na magkakabiyak-biyak ang langit na may mga ulap at ibababa ang mga anghel sa [maramihang] pagbababa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلۡمُلۡكُ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡحَقُّ لِلرَّحۡمَٰنِۚ وَكَانَ يَوۡمًا عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ عَسِيرٗا
Ang paghahari, sa Araw na iyon, na totoo ay ukol sa Pinakamaawain. Iyon ay magiging isang Araw na mahirap laban sa mga tagatangging sumampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيَوۡمَ يَعَضُّ ٱلظَّالِمُ عَلَىٰ يَدَيۡهِ يَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي ٱتَّخَذۡتُ مَعَ ٱلرَّسُولِ سَبِيلٗا
[Banggitin] ang araw na kakagat ang tagalabag sa katarungan sa mga kamay niya, na nagsasabi: “O kung sana ako ay tumahak kasama sa Sugo sa landas.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَٰوَيۡلَتَىٰ لَيۡتَنِي لَمۡ أَتَّخِذۡ فُلَانًا خَلِيلٗا
O kapighatian sa akin! Kung sana ako ay hindi gumawa kay Polano bilang matalik na kaibigan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَّقَدۡ أَضَلَّنِي عَنِ ٱلذِّكۡرِ بَعۡدَ إِذۡ جَآءَنِيۗ وَكَانَ ٱلشَّيۡطَٰنُ لِلۡإِنسَٰنِ خَذُولٗا
Talaga ngang nagligaw siya sa akin palayo sa pag-alaala matapos noong dumating ito sa akin. Laging ang demonyo para sa tao ay mapagkanulo.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالَ ٱلرَّسُولُ يَٰرَبِّ إِنَّ قَوۡمِي ٱتَّخَذُواْ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ مَهۡجُورٗا
Nagsabi ang Sugo [sa Araw na iyon]: “O Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay gumawa sa Qur’ān na ito bilang isinasaisang-tabi.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَكَذَٰلِكَ جَعَلۡنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوّٗا مِّنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَۗ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ هَادِيٗا وَنَصِيرٗا
Gayon Kami nagtalaga para sa bawat propeta ng isang kaaway kabilang sa mga salarin. Nakasapat ang Panginoon mo bilang Tagapagpatnubay at bilang Mapag-adya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلۡقُرۡءَانُ جُمۡلَةٗ وَٰحِدَةٗۚ كَذَٰلِكَ لِنُثَبِّتَ بِهِۦ فُؤَادَكَۖ وَرَتَّلۡنَٰهُ تَرۡتِيلٗا
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Bakit kasi hindi ibinaba sa kanya ang Qur’ān nang nag-iisang kabuuan?” [Ang pagbababang] gayon ay upang magpatatag Kami sa pamamagitan niyon sa puso mo. Bumigkas Kami nito nang [unti-unting] pagbigkas.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا يَأۡتُونَكَ بِمَثَلٍ إِلَّا جِئۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَأَحۡسَنَ تَفۡسِيرًا
Hindi sila nagdadala sa iyo ng isang paghahalintulad malibang naghatid Kami sa iyo ng katotohanan at isang higit na maganda sa pagpapaliwanag.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلَّذِينَ يُحۡشَرُونَ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ إِلَىٰ جَهَنَّمَ أُوْلَٰٓئِكَ شَرّٞ مَّكَانٗا وَأَضَلُّ سَبِيلٗا
Ang mga kakalapin [na nakasubsob] sa mga mukha nila patungo sa Impiyerno, ang mga iyon ay higit na masama sa lugar at higit na ligaw sa landas.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلۡنَا مَعَهُۥٓ أَخَاهُ هَٰرُونَ وَزِيرٗا
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan at gumawa Kami kasama sa kanya ng kapatid niyang si Aaron bilang katuwang.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَقُلۡنَا ٱذۡهَبَآ إِلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا فَدَمَّرۡنَٰهُمۡ تَدۡمِيرٗا
Kaya nagsabi Kami: “Pumunta kayong dalawa sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin.” Kaya winasak Namin sila nang [lubusang] pagwasak.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَوۡمَ نُوحٖ لَّمَّا كَذَّبُواْ ٱلرُّسُلَ أَغۡرَقۡنَٰهُمۡ وَجَعَلۡنَٰهُمۡ لِلنَّاسِ ءَايَةٗۖ وَأَعۡتَدۡنَا لِلظَّٰلِمِينَ عَذَابًا أَلِيمٗا
Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo, ay nilunod Namin at ginawa Namin sila para sa mga tao bilang tanda. Naglaan Kami para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang pagdurusang masakit.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَعَادٗا وَثَمُودَاْ وَأَصۡحَٰبَ ٱلرَّسِّ وَقُرُونَۢا بَيۡنَ ذَٰلِكَ كَثِيرٗا
[Nagpahamak Kami] sa [liping] `Ād, Thamūd, mga kasamahan ng balon, at sa maraming salinlahi sa pagitan niyon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَكُلّٗا ضَرَبۡنَا لَهُ ٱلۡأَمۡثَٰلَۖ وَكُلّٗا تَبَّرۡنَا تَتۡبِيرٗا
Sa bawat isa ay naglahad Kami ng mga paghahalintulad at sa bawat isa ay dumurog Kami nang isang [matinding] pagdurog.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَقَدۡ أَتَوۡاْ عَلَى ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلَّتِيٓ أُمۡطِرَتۡ مَطَرَ ٱلسَّوۡءِۚ أَفَلَمۡ يَكُونُواْ يَرَوۡنَهَاۚ بَلۡ كَانُواْ لَا يَرۡجُونَ نُشُورٗا
Talaga ngang pumunta sila sa pamayanan [ni Propeta Lot] na pinaulanan ng ulan ng kasagwaan. Kaya hindi ba dati sila nakakikita niyon? Bagkus sila noon ay hindi nag-aasam ng isang pagkabuhay.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِذَا رَأَوۡكَ إِن يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا ٱلَّذِي بَعَثَ ٱللَّهُ رَسُولًا
Kapag nakakita sila sa iyo ay wala silang ginagawa sa iyo kundi isang pangungutya, [na nagsasabi]: “Ito ba ang ipinadala ni Allāh bilang sugo?
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِن كَادَ لَيُضِلُّنَا عَنۡ ءَالِهَتِنَا لَوۡلَآ أَن صَبَرۡنَا عَلَيۡهَاۚ وَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ حِينَ يَرَوۡنَ ٱلۡعَذَابَ مَنۡ أَضَلُّ سَبِيلًا
Tunay na halos talaga sanang nagligaw siya sa atin palayo sa mga diyos natin kung hindi dahil nagtiis tayo sa mga ito.” Malalaman nila kapag nakikita na nila ang pagdurusa kung sino ang higit na ligaw sa landas.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَرَءَيۡتَ مَنِ ٱتَّخَذَ إِلَٰهَهُۥ هَوَىٰهُ أَفَأَنتَ تَكُونُ عَلَيۡهِ وَكِيلًا
Nakakita ka ba sa sinumang gumawa bilang diyos niya sa pithaya niya? Kaya ikaw ba sa kanya ay magiging isang pinananaligan?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ تَحۡسَبُ أَنَّ أَكۡثَرَهُمۡ يَسۡمَعُونَ أَوۡ يَعۡقِلُونَۚ إِنۡ هُمۡ إِلَّا كَٱلۡأَنۡعَٰمِ بَلۡ هُمۡ أَضَلُّ سَبِيلًا
O nag-aakala ka na ang higit na marami sa kanila ay dumidinig o nakapag-uunawa? Walang iba sila kundi gaya ng mga hayupan, bagkus sila ay higit na ligaw sa landas.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَلَمۡ تَرَ إِلَىٰ رَبِّكَ كَيۡفَ مَدَّ ٱلظِّلَّ وَلَوۡ شَآءَ لَجَعَلَهُۥ سَاكِنٗا ثُمَّ جَعَلۡنَا ٱلشَّمۡسَ عَلَيۡهِ دَلِيلٗا
Hindi ka ba nagsaalang-alang sa Panginoon mo kung papaano Siya bumanat ng anino? Kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang ginawa Niya ito na nakatigil. Pagkatapos ginawa ang araw bilang gabay rito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ثُمَّ قَبَضۡنَٰهُ إِلَيۡنَا قَبۡضٗا يَسِيرٗا
Pagkatapos nag-urong Kami nito tungo sa Amin nang isang unti-unting pag-urong.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ لِبَاسٗا وَٱلنَّوۡمَ سُبَاتٗا وَجَعَلَ ٱلنَّهَارَ نُشُورٗا
Siya ang gumawa para sa inyo ng gabi bilang damit[365] at ng pagtulog bilang pamamahinga, at gumawa ng maghapon bilang pagkabuhay [para maghanap-buhay].
[365] na nagtatakip sa inyo ng dilim nito
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ ٱلرِّيَٰحَ بُشۡرَۢا بَيۡنَ يَدَيۡ رَحۡمَتِهِۦۚ وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ طَهُورٗا
Siya ay ang nagsugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak bago ng awa Niya. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig na kadali-dalisay
Ang mga Tafsir na Arabe:
لِّنُحۡـِۧيَ بِهِۦ بَلۡدَةٗ مَّيۡتٗا وَنُسۡقِيَهُۥ مِمَّا خَلَقۡنَآ أَنۡعَٰمٗا وَأَنَاسِيَّ كَثِيرٗا
upang magbigay-buhay Kami sa pamamagitan niyon sa isang bayang patay at magpainom Kami niyon sa kabilang sa nilikha Namin na maraming hayupan at tao.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَٰهُ بَيۡنَهُمۡ لِيَذَّكَّرُواْ فَأَبَىٰٓ أَكۡثَرُ ٱلنَّاسِ إِلَّا كُفُورٗا
Talaga ngang nagsarisari Kami nito sa gitna nila upang magsaalaala sila ngunit tumutol ang higit na marami sa mga tao [sa anuman] maliban sa kawalang-pasasalamat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَوۡ شِئۡنَا لَبَعَثۡنَا فِي كُلِّ قَرۡيَةٖ نَّذِيرٗا
Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagpadala Kami sa bawat pamayanan ng isang mapagbabala.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَا تُطِعِ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَجَٰهِدۡهُم بِهِۦ جِهَادٗا كَبِيرٗا
Kaya huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at makibaka ka sa kanila nang isang pakikibakang malaki.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ وَهُوَ ٱلَّذِي مَرَجَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ هَٰذَا عَذۡبٞ فُرَاتٞ وَهَٰذَا مِلۡحٌ أُجَاجٞ وَجَعَلَ بَيۡنَهُمَا بَرۡزَخٗا وَحِجۡرٗا مَّحۡجُورٗا
Siya ay ang nagpaugnay sa dalawang dagat: itong isa ay naiinom na matamis at itong isa pa ay maalat na mapait. Naglagay Siya sa pagitan ng dalawang ito ng isang halang at isang hadlang na hinadlangan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَهُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ مِنَ ٱلۡمَآءِ بَشَرٗا فَجَعَلَهُۥ نَسَبٗا وَصِهۡرٗاۗ وَكَانَ رَبُّكَ قَدِيرٗا
Siya ay ang lumikha mula sa tubig ng isang tao saka gumawa rito ng kamag-anakan sa angkan at kamag-anak sa pag-aasawa. Laging ang Panginoon mo ay May-kakayahan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُهُمۡ وَلَا يَضُرُّهُمۡۗ وَكَانَ ٱلۡكَافِرُ عَلَىٰ رَبِّهِۦ ظَهِيرٗا
Sumasamba sila sa bukod pa kay Allāh, na hindi nakapagpapakinabang sa kanila at hindi nakapipinsala sa kanila. Laging ang tagatangging sumampalataya laban sa Panginoon niya ay mapagtaguyod [sa demonyo].
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا مُبَشِّرٗا وَنَذِيرٗا
Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang tagapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ مَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍ إِلَّا مَن شَآءَ أَن يَتَّخِذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا
Sabihin mo: “Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya maliban sa sinumang lumuob na gumawa patungo sa Panginoon niya ng isang landas.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱلۡحَيِّ ٱلَّذِي لَا يَمُوتُ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِهِۦۚ وَكَفَىٰ بِهِۦ بِذُنُوبِ عِبَادِهِۦ خَبِيرًا
Manalig ka sa Buhay na hindi namamatay at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Kanya. Nakasapat Siya sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang Mapagbatid.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ ٱلرَّحۡمَٰنُ فَسۡـَٔلۡ بِهِۦ خَبِيرٗا
[Siya] ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono.[366] [Siya] ang Napakamaawain, kaya magtanong ka sa Kanya bilang Mapagbatid.
[366] sa paraang naaangkop sa kadakilaan Niya
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱسۡجُدُواْۤ لِلرَّحۡمَٰنِ قَالُواْ وَمَا ٱلرَّحۡمَٰنُ أَنَسۡجُدُ لِمَا تَأۡمُرُنَا وَزَادَهُمۡ نُفُورٗا۩
Kapag sinabi sa kanila: “Magpatirapa kayo sa Napakamaawain,” nagsasabi sila: “Ano ang Napakamaawain? Magpapatirapa ba kami sa ipinag-uutos mo sa amin?” Nakadagdag ito sa kanila ng isang pagkaayaw [sa pananampalataya].
Ang mga Tafsir na Arabe:
تَبَارَكَ ٱلَّذِي جَعَلَ فِي ٱلسَّمَآءِ بُرُوجٗا وَجَعَلَ فِيهَا سِرَٰجٗا وَقَمَرٗا مُّنِيرٗا
Napakamapagpala ang gumawa sa langit ng mga pulutong ng bituin at gumawa roon ng sulo at isang buwang tagapagbigay-liwanag.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ خِلۡفَةٗ لِّمَنۡ أَرَادَ أَن يَذَّكَّرَ أَوۡ أَرَادَ شُكُورٗا
Siya ay ang gumawa sa gabi at maghapon na magkasalitan para sa sinumang nagnais na magsaalaala o nagnais ng pasasalamat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَعِبَادُ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلَّذِينَ يَمۡشُونَ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ هَوۡنٗا وَإِذَا خَاطَبَهُمُ ٱلۡجَٰهِلُونَ قَالُواْ سَلَٰمٗا
Ang mga lingkod ng Napakamaawain ay ang mga naglalakad sa lupa sa kababaang-loob at kapag kumausap sa kanila ang mga mangmang ay nagsasabi sila ng kapayapaan.[367]
[367] Ibig sabihin: nagsasabi sila ng nakabubuti at hindi nag-aassal-hanggal
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلَّذِينَ يَبِيتُونَ لِرَبِّهِمۡ سُجَّدٗا وَقِيَٰمٗا
[Sila] ang mga nagpapagabi para sa Panginoon nila habang mga nakapatirapa at mga nakatayo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا ٱصۡرِفۡ عَنَّا عَذَابَ جَهَنَّمَۖ إِنَّ عَذَابَهَا كَانَ غَرَامًا
[Sila] ang mga nagsasabi: “Panginoon namin, maglihis Ka palayo sa amin ng pagdurusa sa Impiyerno; tunay na ang pagdurusa roon ay laging makapit.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّهَا سَآءَتۡ مُسۡتَقَرّٗا وَمُقَامٗا
Tunay na iyon ay kay sagwa bilang pagtitigilan at bilang panananatilihan!”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلَّذِينَ إِذَآ أَنفَقُواْ لَمۡ يُسۡرِفُواْ وَلَمۡ يَقۡتُرُواْ وَكَانَ بَيۡنَ ذَٰلِكَ قَوَامٗا
[Sila] ang mga kapag gumugol ay hindi nagpapakalabis at hindi sila nagkukuripot, at laging nasa pagitan niyon ay katamtaman.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلَّذِينَ لَا يَدۡعُونَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ وَلَا يَقۡتُلُونَ ٱلنَّفۡسَ ٱلَّتِي حَرَّمَ ٱللَّهُ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَلَا يَزۡنُونَۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ يَلۡقَ أَثَامٗا
[Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa niyon ay makatatagpo siya ng kaparusahan sa kasalanan:
Ang mga Tafsir na Arabe:
يُضَٰعَفۡ لَهُ ٱلۡعَذَابُ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَيَخۡلُدۡ فِيهِۦ مُهَانًا
pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon at mamalagi siya roon na hinahamak,
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِلَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ عَمَلٗا صَٰلِحٗا فَأُوْلَٰٓئِكَ يُبَدِّلُ ٱللَّهُ سَيِّـَٔاتِهِمۡ حَسَنَٰتٖۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng mga gawang maganda ang mga gawang masagwa nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَن تَابَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَإِنَّهُۥ يَتُوبُ إِلَى ٱللَّهِ مَتَابٗا
Ang sinumang nagbalik-loob at gumawa ng maayos, tunay na siya ay nagbabalik-loob kay Allāh nang [tanggap na] pagbabalik-loob.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلَّذِينَ لَا يَشۡهَدُونَ ٱلزُّورَ وَإِذَا مَرُّواْ بِٱللَّغۡوِ مَرُّواْ كِرَامٗا
[Sila] ang mga hindi sumasaksi sa kabulaanan at kapag naparaan sila sa satsatan ay dumaraan sila bilang mga marangal.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ لَمۡ يَخِرُّواْ عَلَيۡهَا صُمّٗا وَعُمۡيَانٗا
[Sila] ang mga kapag pinaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon nila ay hindi sumubsob dahil sa mga ito bilang mga bingi at mga bulag.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا هَبۡ لَنَا مِنۡ أَزۡوَٰجِنَا وَذُرِّيَّٰتِنَا قُرَّةَ أَعۡيُنٖ وَٱجۡعَلۡنَا لِلۡمُتَّقِينَ إِمَامًا
[Sila] ang mga nagsasabi: “Panginoon namin, magkaloob Ka sa amin mula sa mga asawa namin at mga supling namin ng ginhawa ng mga mata, at gumawa Ka sa amin para sa mga tagapangilag magkasala bilang tagapanguna.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
أُوْلَٰٓئِكَ يُجۡزَوۡنَ ٱلۡغُرۡفَةَ بِمَا صَبَرُواْ وَيُلَقَّوۡنَ فِيهَا تَحِيَّةٗ وَسَلَٰمًا
Ang mga iyon ay gagantihan ng Silid[368] dahil nagtiis sila at sasalubungin doon ng pagbati at kapayapaan
[368] sa pinakamataas sa mga antas ng Paraiso
Ang mga Tafsir na Arabe:
خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ حَسُنَتۡ مُسۡتَقَرّٗا وَمُقَامٗا
bilang mga mananatili roon. Kay ganda iyon bilang pagtitigilan at bilang panananatilihan!
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ مَا يَعۡبَؤُاْ بِكُمۡ رَبِّي لَوۡلَا دُعَآؤُكُمۡۖ فَقَدۡ كَذَّبۡتُمۡ فَسَوۡفَ يَكُونُ لِزَامَۢا
Sabihin mo: “Hindi sana nagmamalasakit sa inyo ang Panginoon ko kung hindi dahil sa panalangin ninyo, ngunit nagpasinungaling nga kayo[369] kaya ito ay magiging kumakapit.”
[369] sa Sugo sa inihatid niya sa inyo mula sa Panginoon ninyo
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Furqān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) - Indise ng mga Salin

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an sa wikang Filipino (Tagalog). Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng website ng Islamhouse: www.islamhouse.com.

Isara