Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Ash-Shu‘arā’   Ayah:
مَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يُمَتَّعُونَ
Ano ang naidulot para sa kanila ng anumang dating ipinatatamasa sa kanila?
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَآ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةٍ إِلَّا لَهَا مُنذِرُونَ
Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan malibang habang mayroon itong mga tagapagbabala
Ang mga Tafsir na Arabe:
ذِكۡرَىٰ وَمَا كُنَّا ظَٰلِمِينَ
bilang paalaala, samantalang hindi Kami naging tagalabag sa katarungan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا تَنَزَّلَتۡ بِهِ ٱلشَّيَٰطِينُ
Hindi nagbabaan kalakip nito[14] ang mga demonyo.
[14] Ibig sabihin: kalakip ng Qur’an.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا يَنۢبَغِي لَهُمۡ وَمَا يَسۡتَطِيعُونَ
Hindi ito nararapat para sa kanila at hindi sila nakakakaya [na magbaba nito].
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّمۡعِ لَمَعۡزُولُونَ
Tunay na sila buhat sa pagdinig ay talagang mga ibinukod.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَا تَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُعَذَّبِينَ
Kaya huwag kang dumalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa para ikaw ay [hindi] maging kabilang sa mga pagdurusahin.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَنذِرۡ عَشِيرَتَكَ ٱلۡأَقۡرَبِينَ
Magbabala ka sa angkan mong mga pinakamalalapit na kaanak.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِمَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Magbaba ka ng loob mo para sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِنۡ عَصَوۡكَ فَقُلۡ إِنِّي بَرِيٓءٞ مِّمَّا تَعۡمَلُونَ
Ngunit kung sumuway sila sa iyo ay sabihin mo: “Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱلۡعَزِيزِ ٱلرَّحِيمِ
Manalig ka sa Makapangyarihan, Maawain,
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلَّذِي يَرَىٰكَ حِينَ تَقُومُ
na nakakikita sa iyo kapag bumabangon ka
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَتَقَلُّبَكَ فِي ٱلسَّٰجِدِينَ
at sa paggalaw-galaw mo sa mga nagpapatirapa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.
Ang mga Tafsir na Arabe:
هَلۡ أُنَبِّئُكُمۡ عَلَىٰ مَن تَنَزَّلُ ٱلشَّيَٰطِينُ
Magbabalita kaya Ako sa inyo kung sa kanino nagbababaan ang mga demonyo?
Ang mga Tafsir na Arabe:
تَنَزَّلُ عَلَىٰ كُلِّ أَفَّاكٍ أَثِيمٖ
Nagbababaan sila sa bawat manlilinlang na makasalanan,
Ang mga Tafsir na Arabe:
يُلۡقُونَ ٱلسَّمۡعَ وَأَكۡثَرُهُمۡ كَٰذِبُونَ
habang nagpupukol sila ng napakinggan at ang higit na marami sa kanila ay mga sinungaling.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلشُّعَرَآءُ يَتَّبِعُهُمُ ٱلۡغَاوُۥنَ
Ang mga manunula ay sumusunod sa kanila ang mga nalilisya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَلَمۡ تَرَ أَنَّهُمۡ فِي كُلِّ وَادٖ يَهِيمُونَ
Hindi mo ba nakita na sila sa bawat larangan ay tumatahak,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَنَّهُمۡ يَقُولُونَ مَا لَا يَفۡعَلُونَ
at na sila ay nagsasabi ng hindi nila ginagawa,
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَذَكَرُواْ ٱللَّهَ كَثِيرٗا وَٱنتَصَرُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا ظُلِمُواْۗ وَسَيَعۡلَمُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ أَيَّ مُنقَلَبٖ يَنقَلِبُونَ
maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nag-alaala kay Allāh nang madalas, at naiadya matapos na labagin sila sa katarungan. Makaaalam ang mga lumabag sa katarungan[15] kung sa aling uwian uuwi sila.
[15] dahil sa pagtatambal kay Allāh at pangangaway sa mga lingkod Niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Ash-Shu‘arā’
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara