Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Ash-Shu‘arā’   Ayah:
قَالَ فَعَلۡتُهَآ إِذٗا وَأَنَا۠ مِنَ ٱلضَّآلِّينَ
Nagsabi [si Moises]: “Nagawa ko iyon nang sandaling iyon habang ako ay kabilang sa mga naliligaw [bago dumating ang kapahayagan].
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَفَرَرۡتُ مِنكُمۡ لَمَّا خِفۡتُكُمۡ فَوَهَبَ لِي رَبِّي حُكۡمٗا وَجَعَلَنِي مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Kaya tumalilis ako mula sa inyo noong nangamba ako sa inyo ngunit nagkaloob sa akin ang Panginoon ko ng karunungan at nagtalaga Siya sa akin kabilang sa mga isinugo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَتِلۡكَ نِعۡمَةٞ تَمُنُّهَا عَلَيَّ أَنۡ عَبَّدتَّ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ
Iyon [ay isang biyayang ipinanunumbat mo sa akin: na nang-alipin ka sa mga anak ni Israel!”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ فِرۡعَوۡنُ وَمَا رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Nagsabi si Paraon: “At ano ang Panginoon ng mga nilalang?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِينَ
Nagsabi [si Moises]: “Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay naging mga nakatitiyak.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ لِمَنۡ حَوۡلَهُۥٓ أَلَا تَسۡتَمِعُونَ
Nagsabi [si Paraon] sa nakapaligid doon: “Hindi ba kayo nakikinig?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ رَبُّكُمۡ وَرَبُّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Nagsabi [si Moises]: “[Siya rin] ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga ninuno ninyong sinauna.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ إِنَّ رَسُولَكُمُ ٱلَّذِيٓ أُرۡسِلَ إِلَيۡكُمۡ لَمَجۡنُونٞ
Nagsabi [si Paraon]: “Tunay na ang sugo ninyo na isinugo sa inyo ay talagang baliw.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ رَبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُمۡ تَعۡقِلُونَ
Nagsabi [si Moises]: “Ang Panginoon ng silangan at kanluran at anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay naging nakapag-uunawa.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ لَئِنِ ٱتَّخَذۡتَ إِلَٰهًا غَيۡرِي لَأَجۡعَلَنَّكَ مِنَ ٱلۡمَسۡجُونِينَ
Nagsabi [si Paraon]: “Talagang kung gumawa ka ng isang diyos na iba pa sa akin ay talagang gagawa nga ako sa iyo kabilang sa mga ibinilanggo.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ أَوَلَوۡ جِئۡتُكَ بِشَيۡءٖ مُّبِينٖ
Nagsabi [si Moises]: “Kahit pa ba naghatid ako sa iyo ng isang bagay na malinaw?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ فَأۡتِ بِهِۦٓ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Nagsabi [si Paraon]: “Kaya maglahad ka nito kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَلۡقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعۡبَانٞ مُّبِينٞ
Kaya pumukol [si Moises] ng tungkod niya saka biglang ito ay isang ulupong na malinaw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَنَزَعَ يَدَهُۥ فَإِذَا هِيَ بَيۡضَآءُ لِلنَّٰظِرِينَ
Humugot siya ng kamay niya saka biglang ito ay maputi para sa mga tagatingin.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ لِلۡمَلَإِ حَوۡلَهُۥٓ إِنَّ هَٰذَا لَسَٰحِرٌ عَلِيمٞ
Nagsabi [si Paraon] sa konseho sa paligid niyon: “Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na maalam.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يُرِيدُ أَن يُخۡرِجَكُم مِّنۡ أَرۡضِكُم بِسِحۡرِهِۦ فَمَاذَا تَأۡمُرُونَ
Nagnanais siya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway niya; kaya ano ang ipag-uutos ninyo?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالُوٓاْ أَرۡجِهۡ وَأَخَاهُ وَٱبۡعَثۡ فِي ٱلۡمَدَآئِنِ حَٰشِرِينَ
Nagsabi sila: “Mag-antala ka sa kanya at sa kapatid niya [na si Aaron] at magpadala ka sa mga lungsod ng mga tagakalap,
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَأۡتُوكَ بِكُلِّ سَحَّارٍ عَلِيمٖ
na magdadala sa iyo ng bawat mapanggaway na maalam.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَجُمِعَ ٱلسَّحَرَةُ لِمِيقَٰتِ يَوۡمٖ مَّعۡلُومٖ
Kaya tinipon ang mga manggagaway para sa itinakdang oras ng isang araw na nalalaman.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقِيلَ لِلنَّاسِ هَلۡ أَنتُم مُّجۡتَمِعُونَ
Sinabi sa mga tao: “Kayo kaya ay mga magtitipon?
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Ash-Shu‘arā’
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara