Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Ar-Rūm   Ayah:
قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلُۚ كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّشۡرِكِينَ
Sabihin mo: “Humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa niyan. Ang higit marami sa kanila noon ay mga tagapagtambal.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَقِمۡ وَجۡهَكَ لِلدِّينِ ٱلۡقَيِّمِ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا مَرَدَّ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِۖ يَوۡمَئِذٖ يَصَّدَّعُونَ
Kaya magpanatili ka ng mukha mo para sa relihiyong matuwid bago pa may pumuntang isang araw na walang pagtulak para roon mula kay Allāh. Sa Araw na iyon, magkakawatak-watak sila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَن كَفَرَ فَعَلَيۡهِ كُفۡرُهُۥۖ وَمَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا فَلِأَنفُسِهِمۡ يَمۡهَدُونَ
Ang sinumang tumangging sumampalataya ay laban sa kanya ang kawalang-pananampalataya niya. Ang sinumang gumawa ng maayos ay para sa sarili nila naghahanda [ng pagpasok sa Paraiso]
Ang mga Tafsir na Arabe:
لِيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡكَٰفِرِينَ
upang gumanti Siya sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos mula sa kabutihang-loob Niya. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagatangging sumampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَن يُرۡسِلَ ٱلرِّيَاحَ مُبَشِّرَٰتٖ وَلِيُذِيقَكُم مِّن رَّحۡمَتِهِۦ وَلِتَجۡرِيَ ٱلۡفُلۡكُ بِأَمۡرِهِۦ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Kabilang sa mga tanda Niya na magsugo Siya ng mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at upang magpalasap Siya sa inyo mula sa awa Niya, upang maglayag ang mga daong ayon sa utos Niya, at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ رُسُلًا إِلَىٰ قَوۡمِهِمۡ فَجَآءُوهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَٱنتَقَمۡنَا مِنَ ٱلَّذِينَ أَجۡرَمُواْۖ وَكَانَ حَقًّا عَلَيۡنَا نَصۡرُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Talaga ngang nagsugo Kami bago mo pa [O Muḥammad] ng mga sugo sa mga tao nila kaya naghatid sila sa mga iyon ng mga malinaw na patunay saka naghiganti naman Kami sa mga nagpakasalarin. Laging isang tungkulin sa Amin ang pag-aadya sa mga mananampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي يُرۡسِلُ ٱلرِّيَٰحَ فَتُثِيرُ سَحَابٗا فَيَبۡسُطُهُۥ فِي ٱلسَّمَآءِ كَيۡفَ يَشَآءُ وَيَجۡعَلُهُۥ كِسَفٗا فَتَرَى ٱلۡوَدۡقَ يَخۡرُجُ مِنۡ خِلَٰلِهِۦۖ فَإِذَآ أَصَابَ بِهِۦ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦٓ إِذَا هُمۡ يَسۡتَبۡشِرُونَ
Si Allāh ay ang nagsusugo ng mga hangin, saka nagpapagalaw ang mga iyon ng mga ulap, saka naglalatag sa mga ito sa langit kung papaanong niloloob Niya, at gumagawa sa mga ito bilang mga tipak kaya nakikita mo ang ulan habang lumalabas mula sa loob ng mga ito. Kaya kapag nagpatama Siya ng mga ito sa mga niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, biglang sila ay nagagalak.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِن كَانُواْ مِن قَبۡلِ أَن يُنَزَّلَ عَلَيۡهِم مِّن قَبۡلِهِۦ لَمُبۡلِسِينَ
Kahit pa man sila dati bago pa ibinaba ito sa kanila, bago pa nito, ay talagang mga nalulumbay.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَٱنظُرۡ إِلَىٰٓ ءَاثَٰرِ رَحۡمَتِ ٱللَّهِ كَيۡفَ يُحۡيِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَآۚ إِنَّ ذَٰلِكَ لَمُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Kaya tumingin ka sa mga bakas ng awa ni Allāh kung papaano Siyang nagbibigay-buhay sa lupa matapos ng kamatayan nito. Tunay na Iyon ay talagang magbibigay-buhay sa mga patay. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Ar-Rūm
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara