Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Muhammad   Ayah:
وَلَوۡ نَشَآءُ لَأَرَيۡنَٰكَهُمۡ فَلَعَرَفۡتَهُم بِسِيمَٰهُمۡۚ وَلَتَعۡرِفَنَّهُمۡ فِي لَحۡنِ ٱلۡقَوۡلِۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ أَعۡمَٰلَكُمۡ
Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ipinakita Namin sa iyo sila kaya talaga sanang nakilala mo sila sa pamamagitan ng mga tatak nila at talaga sanang makikilala mo nga sila sa himig ng pagkakasabi [nila]. Si Allāh ay nakaaalam sa mga gawa ninyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَنَبۡلُوَنَّكُمۡ حَتَّىٰ نَعۡلَمَ ٱلۡمُجَٰهِدِينَ مِنكُمۡ وَٱلصَّٰبِرِينَ وَنَبۡلُوَاْ أَخۡبَارَكُمۡ
Talagang susubok nga Kami sa inyo hanggang sa maghayag Kami sa mga nakikibaka [sa pakikipaglaban] kabilang sa inyo at mga nagtitiis at sumubok Kami sa mga gawain ninyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَشَآقُّواْ ٱلرَّسُولَ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ ٱلۡهُدَىٰ لَن يَضُرُّواْ ٱللَّهَ شَيۡـٔٗا وَسَيُحۡبِطُ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya, sumagabal [sa mga tao] sa landas ni Allāh, at nakipaghidwaan sa Sugo matapos na luminaw para sa kanila ang patnubay ay hindi makapipinsala kay Allāh sa anuman at magpapawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَلَا تُبۡطِلُوٓاْ أَعۡمَٰلَكُمۡ
O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo, at huwag kayong magpawalang-saysay sa mga [magandang] gawa ninyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ ثُمَّ مَاتُواْ وَهُمۡ كُفَّارٞ فَلَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh – pagkatapos namatay sila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya – ay hindi magpapatawad si Allāh sa kanila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَا تَهِنُواْ وَتَدۡعُوٓاْ إِلَى ٱلسَّلۡمِ وَأَنتُمُ ٱلۡأَعۡلَوۡنَ وَٱللَّهُ مَعَكُمۡ وَلَن يَتِرَكُمۡ أَعۡمَٰلَكُمۡ
Kaya huwag kayong panghinaan at [huwag] kayong mag-anyaya sa pakikipagpayapaan samantalang kayo ay ang mga pinakamataas at si Allāh ay kasama sa inyo. Hindi Siya magbabawas sa inyo sa [gantimpala sa] mga gawa ninyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا لَعِبٞ وَلَهۡوٞۚ وَإِن تُؤۡمِنُواْ وَتَتَّقُواْ يُؤۡتِكُمۡ أُجُورَكُمۡ وَلَا يَسۡـَٔلۡكُمۡ أَمۡوَٰلَكُمۡ
Ang buhay na pangmundo ay isang paglalaro at isang paglilibang lamang. Kung sasampalataya kayo at mangingilag kayong magkasala ay magbibigay Siya sa inyo ng mga pabuya ninyo at hindi Siya hihingi sa inyo ng mga yaman ninyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِن يَسۡـَٔلۡكُمُوهَا فَيُحۡفِكُمۡ تَبۡخَلُواْ وَيُخۡرِجۡ أَضۡغَٰنَكُمۡ
Kung hihingi Siya sa inyo niyon saka magpipilit Siya sa inyo ay magmamaramot kayo at magpapalabas Siya sa mga poot ninyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
هَٰٓأَنتُمۡ هَٰٓؤُلَآءِ تُدۡعَوۡنَ لِتُنفِقُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَمِنكُم مَّن يَبۡخَلُۖ وَمَن يَبۡخَلۡ فَإِنَّمَا يَبۡخَلُ عَن نَّفۡسِهِۦۚ وَٱللَّهُ ٱلۡغَنِيُّ وَأَنتُمُ ٱلۡفُقَرَآءُۚ وَإِن تَتَوَلَّوۡاْ يَسۡتَبۡدِلۡ قَوۡمًا غَيۡرَكُمۡ ثُمَّ لَا يَكُونُوٓاْ أَمۡثَٰلَكُم
Kayo nga itong tinatawagan upang gumugol kayo sa landas ni Allāh ngunit mayroon sa inyo na nagmamaramot. Ang sinumang nagmamaramot ay nagmamaramot lamang sa sarili niya. Si Allāh ay ang Walang-pangangailangan samantalang kayo ay ang mga maralita [sa Kanya]. Kung tatalikod kayo ay papalitan Niya [kayo] ng mga taong iba sa inyo, pagkatapos hindi sila magiging mga tulad ninyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Muhammad
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara