Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Toor   Ayah:
أَمۡ تَأۡمُرُهُمۡ أَحۡلَٰمُهُم بِهَٰذَآۚ أَمۡ هُمۡ قَوۡمٞ طَاغُونَ
O nag-uutos ba sa kanila ang mga isipan nila [ng paratang] na ito o sila ay mga taong tagapagmalabis?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ يَقُولُونَ تَقَوَّلَهُۥۚ بَل لَّا يُؤۡمِنُونَ
O nagsasabi ba silang nagsabi-sabi siya [ng Qur’ān na] ito? Bagkus hindi sila sumasampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلۡيَأۡتُواْ بِحَدِيثٖ مِّثۡلِهِۦٓ إِن كَانُواْ صَٰدِقِينَ
Kaya maglahad sila ng isang salaysay tulad [ng Qur’ān] kung sila ay mga tapat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ خُلِقُواْ مِنۡ غَيۡرِ شَيۡءٍ أَمۡ هُمُ ٱلۡخَٰلِقُونَ
O nilikha sila ng hindi isang anuman o sila ay ang mga tagalikha?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ خَلَقُواْ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَۚ بَل لَّا يُوقِنُونَ
O lumikha sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ عِندَهُمۡ خَزَآئِنُ رَبِّكَ أَمۡ هُمُ ٱلۡمُصَۜيۡطِرُونَ
O taglay ba nila ang mga imbakan ng Panginoon mo, o sila ay ang mga tagapangibabaw?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ لَهُمۡ سُلَّمٞ يَسۡتَمِعُونَ فِيهِۖ فَلۡيَأۡتِ مُسۡتَمِعُهُم بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ
O mayroon ba silang isang hagdan [paakyat sa langit] na nakakapakinig sila roon? Kaya [kung gayon] ay maglahad ang tagapakinig nila ng isang katunayang malinaw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ لَهُ ٱلۡبَنَٰتُ وَلَكُمُ ٱلۡبَنُونَ
O ukol sa Kanya ay ang mga anak na babae at ukol naman sa inyo ay ang mga anak na lalaki?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ أَجۡرٗا فَهُم مِّن مَّغۡرَمٖ مُّثۡقَلُونَ
O nanghihingi ka ba [O Propeta Muḥammad] sa kanila ng isang pabuya[4] kaya sila dahil sa isang pagkakamulta ay mga napabibigatan?
[4] sa pagpapaabot mo ng mensahe mula sa Panginoon mo
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ عِندَهُمُ ٱلۡغَيۡبُ فَهُمۡ يَكۡتُبُونَ
O taglay ba nila ang [kaalaman sa] nakalingid kaya sila ay nagsusulat [nito]?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ يُرِيدُونَ كَيۡدٗاۖ فَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ هُمُ ٱلۡمَكِيدُونَ
O nagnanais ba sila ng isang panlalansi [laban sa iyo O Propeta] ngunit ang mga tumangging sumampalataya ay ang mga nilalansi?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ لَهُمۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
O mayroon ba silang diyos na iba pa kay Allāh? Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang itinatambal nila!
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِن يَرَوۡاْ كِسۡفٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ سَاقِطٗا يَقُولُواْ سَحَابٞ مَّرۡكُومٞ
Kung may makikita sila na isang tipak mula sa langit na bumabagsak ay magsasabi sila: “Mga ulap na ibinunton.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَذَرۡهُمۡ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي فِيهِ يُصۡعَقُونَ
Kaya pabayaan mo sila hanggang sa makipagtagpo sila sa araw nila na doon ay malilintikan sila,
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَوۡمَ لَا يُغۡنِي عَنۡهُمۡ كَيۡدُهُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ
sa Araw na hindi makapagdudulot para sa kanila ang panlalansi nila ng anuman ni sila ay iaadya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ عَذَابٗا دُونَ ذَٰلِكَ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan[5] ay isang pagdurusang iba pa rito [sa Mundo] subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
[5] sa mga sarili nila dahil sa Shirk at mga pagsuway
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ فَإِنَّكَ بِأَعۡيُنِنَاۖ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ حِينَ تَقُومُ
Magtiis ka sa hatol ng Panginoon mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa mga mata Namin[6] at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo kapag bumangon ka.
[6] Ibig sabihin: sa ilaim ng paningin, pangangalaga, at pagsasanggalang Namin
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡهُ وَإِدۡبَٰرَ ٱلنُّجُومِ
Sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Kanya at sa paglubog ng mga bituin [sa madaling-araw].
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Toor
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara