Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Ar-Rahmān   Ayah:

Ar-Rahmān

ٱلرَّحۡمَٰنُ
Ang Napakamaawain [na si Allāh]
Ang mga Tafsir na Arabe:
عَلَّمَ ٱلۡقُرۡءَانَ
ay nagturo ng Qur’ān,
Ang mga Tafsir na Arabe:
خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ
lumikha ng tao,
Ang mga Tafsir na Arabe:
عَلَّمَهُ ٱلۡبَيَانَ
nagturo rito ng paglilinaw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ بِحُسۡبَانٖ
Ang araw at ang buwan ay ayon sa [itinakdang] pagtutuus-tuos.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلنَّجۡمُ وَٱلشَّجَرُ يَسۡجُدَانِ
Ang bituin at ang punong-kahoy ay nagpapatirapa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلسَّمَآءَ رَفَعَهَا وَوَضَعَ ٱلۡمِيزَانَ
Ang langit ay inangat Niya ito at inilagay Niya ang timbangan
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَلَّا تَطۡغَوۡاْ فِي ٱلۡمِيزَانِ
upang hindi kayo magmalabis sa timbangan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَقِيمُواْ ٱلۡوَزۡنَ بِٱلۡقِسۡطِ وَلَا تُخۡسِرُواْ ٱلۡمِيزَانَ
Magpanatili kayo ng pagtitimbang ayon sa pagkamakatarungan at huwag kayong manlugi sa timbangan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلۡأَرۡضَ وَضَعَهَا لِلۡأَنَامِ
Ang lupa ay inilagay Niya para sa mga kinapal.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فِيهَا فَٰكِهَةٞ وَٱلنَّخۡلُ ذَاتُ ٱلۡأَكۡمَامِ
Dito ay may bungang-kahoy at ang mga [punong] datiles na may mga saha,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلۡحَبُّ ذُو ٱلۡعَصۡفِ وَٱلرَّيۡحَانُ
at ang mga butil na may mga uhay at ang mga mabangong halaman.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Ang mga Tafsir na Arabe:
خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِن صَلۡصَٰلٖ كَٱلۡفَخَّارِ
Lumikha Siya ng tao mula sa kumakalansing na luwad gaya ng palayukan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَخَلَقَ ٱلۡجَآنَّ مِن مَّارِجٖ مِّن نَّارٖ
Lumikha Siya sa jinn mula sa walang usok na liyab ng apoy.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Ang mga Tafsir na Arabe:
رَبُّ ٱلۡمَشۡرِقَيۡنِ وَرَبُّ ٱلۡمَغۡرِبَيۡنِ
[Siya] ang Panginoon ng dalawang silangan at ang Panginoon ng dalawang kanluran [sa tag-init at taglamig].
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Ar-Rahmān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara