Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qalam   Ayah:
إِنَّا بَلَوۡنَٰهُمۡ كَمَا بَلَوۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ إِذۡ أَقۡسَمُواْ لَيَصۡرِمُنَّهَا مُصۡبِحِينَ
Tunay na Kami ay sumubok sa kanila kung paanong sumubok Kami sa mga may-ari ng hardin noong sumumpa ang mga ito na talagang pipitas nga ang mga ito doon pagkaumaga.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا يَسۡتَثۡنُونَ
Hindi sila humihiling ng pahintulot [kay Allāh].[4]
[4] O Hindi sila nagnanais na maglaan [para sa maralita].
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَطَافَ عَلَيۡهَا طَآئِفٞ مِّن رَّبِّكَ وَهُمۡ نَآئِمُونَ
Kaya may umikot doon [sa hardin] na isang umiikot [na apoy] mula sa Panginoon mo habang sila ay mga natutulog.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَصۡبَحَتۡ كَٱلصَّرِيمِ
Kaya kinaumagahan iyon ay naging para bang madilim na gabi.[5]
[5] O para bang inanihan O itim na tigang na lupa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَتَنَادَوۡاْ مُصۡبِحِينَ
Kaya nagtawagan sila kinaumagahan,
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَنِ ٱغۡدُواْ عَلَىٰ حَرۡثِكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰرِمِينَ
na [mga nagsasabi]: “Magpakaaga kayo sa taniman ninyo kung kayo ay mga mamimitas.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَٱنطَلَقُواْ وَهُمۡ يَتَخَٰفَتُونَ
Kaya humayo sila habang sila ay nagbubulungan,
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَن لَّا يَدۡخُلَنَّهَا ٱلۡيَوۡمَ عَلَيۡكُم مِّسۡكِينٞ
na [nagsasabi]: “Wala ngang papasok ngayong araw sa inyo na isang dukha.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَغَدَوۡاْ عَلَىٰ حَرۡدٖ قَٰدِرِينَ
Nagpakaaga sila sa layon habang [nag-aakalang] mga makakakaya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَمَّا رَأَوۡهَا قَالُوٓاْ إِنَّا لَضَآلُّونَ
Ngunit noong nakita nila iyon [na nasunog] iyon ay nagsabi sila: “Tunay na tayo ay talagang mga naliligaw;[6]
[6] sa daan papunta sa hardin
Ang mga Tafsir na Arabe:
بَلۡ نَحۡنُ مَحۡرُومُونَ
bagkus tayo ay mga pinagkaitan [ng mga bunga]!”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ أَوۡسَطُهُمۡ أَلَمۡ أَقُل لَّكُمۡ لَوۡلَا تُسَبِّحُونَ
Nagsabi ang pinakamaigi sa kanila: “Hindi ba nagsabi ako sa inyo na bakit kasi hindi kayo nagluluwalhati [kay Allāh]?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالُواْ سُبۡحَٰنَ رَبِّنَآ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ
Nagsabi sila: “Kaluwalhatian sa Panginoon natin! Tunay na tayo dati ay mga tagalabag sa katarungan.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَلَٰوَمُونَ
Kaya lumapit sila sa isa’t isa habang nagsisisihan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَآ إِنَّا كُنَّا طَٰغِينَ
Nagsabi sila: “O kapighatian sa atin; tayo dati ay mga tagapagmalabis.
Ang mga Tafsir na Arabe:
عَسَىٰ رَبُّنَآ أَن يُبۡدِلَنَا خَيۡرٗا مِّنۡهَآ إِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا رَٰغِبُونَ
Marahil ang Panginoon natin ay magpalit sa atin ng higit na mabuting [harding] kaysa roon; tunay na tayo sa Panginoon natin ay mga naghahangad.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
كَذَٰلِكَ ٱلۡعَذَابُۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Gayon ang pagdurusa [sa Mundo] at talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na malaki, kung sakaling sila ay nakaaalam.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ عِندَ رَبِّهِمۡ جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala, sa piling ng Panginoon nila, ang mga hardin ng kaginhawahan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَفَنَجۡعَلُ ٱلۡمُسۡلِمِينَ كَٱلۡمُجۡرِمِينَ
Kaya gagawa ba Kami sa mga Muslim gaya ng mga salarin?
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ
Ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ لَكُمۡ كِتَٰبٞ فِيهِ تَدۡرُسُونَ
O mayroon kayong isang kasulatan na doon ay nag-aaral kayo,
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ لَكُمۡ فِيهِ لَمَا تَخَيَّرُونَ
na tunay na ukol sa inyo roon ay talagang ang minamabuti ninyo?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ لَكُمۡ أَيۡمَٰنٌ عَلَيۡنَا بَٰلِغَةٌ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ إِنَّ لَكُمۡ لَمَا تَحۡكُمُونَ
O mayroon kayong mga pinanumpaan sa Amin, na aabot hanggang sa Araw ng Pagbangon, na tunay na ukol sa inyo ay ang hinahatol ninyo?
Ang mga Tafsir na Arabe:
سَلۡهُمۡ أَيُّهُم بِذَٰلِكَ زَعِيمٌ
Magtanong ka sa kanila kung alin sa kanila roon ay tagaako.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ لَهُمۡ شُرَكَآءُ فَلۡيَأۡتُواْ بِشُرَكَآئِهِمۡ إِن كَانُواْ صَٰدِقِينَ
O mayroon silang mga pantambal [kay Allāh]? Kaya magdala sila ng mga pantambal nila kung sila ay mga tapat,
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَوۡمَ يُكۡشَفُ عَن سَاقٖ وَيُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلسُّجُودِ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ
sa Araw na may itatambad na isang lulod [ni Allāh] at tatawagin sila [na mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw] tungo sa pagpapatirapa ngunit hindi sila[7] makakakaya.
[7] Ibig sabihin: ang mga tagatangging sumampalataya at ang mga mapagpaimbabaw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qalam
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara