Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Ma‘ārij   Ayah:

Al-Ma‘ārij

سَأَلَ سَآئِلُۢ بِعَذَابٖ وَاقِعٖ
Humingi ang isang humihingi ng isang pagdurusang magaganap.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لِّلۡكَٰفِرِينَ لَيۡسَ لَهُۥ دَافِعٞ
Para sa mga tagatangging sumampalataya, wala para ritong isang tagahadlang
Ang mga Tafsir na Arabe:
مِّنَ ٱللَّهِ ذِي ٱلۡمَعَارِجِ
laban kay Allāh na may mga pampanik.
Ang mga Tafsir na Arabe:
تَعۡرُجُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٖ كَانَ مِقۡدَارُهُۥ خَمۡسِينَ أَلۡفَ سَنَةٖ
Papanik ang mga anghel at ang Espiritu[1] sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon.
[1] Si Anghel Gabriel.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَٱصۡبِرۡ صَبۡرٗا جَمِيلًا
Kaya magtiis ka nang pagtitiis na marilag.[2]
[2] na walang panghihinawa at waking paghihinaing
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّهُمۡ يَرَوۡنَهُۥ بَعِيدٗا
Tunay na sila ay nagtuturing na [ang pagdurusang] ito ay malayo
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَنَرَىٰهُ قَرِيبٗا
samantalang nagtuturing Kaming ito ay malapit,
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَوۡمَ تَكُونُ ٱلسَّمَآءُ كَٱلۡمُهۡلِ
sa Araw na ang langit ay magiging para bang latak ng langis,[3]
[3] O lusaw na tanso, O lusaw na tingga, O lusaw na pilak.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ
ang mga bundok ay magiging para bang nilipad na lana,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا يَسۡـَٔلُ حَمِيمٌ حَمِيمٗا
at walang magtatanong[4] na isang kaanak[5] sa isang kaanak,
[4] O manghihingi ng anuman
[5] O kaibigan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Ma‘ārij
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara