Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qiyāmah   Ayah:
كَلَّا بَلۡ تُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ
Aba’y hindi! Bagkus iniibig ninyo ang Panandaliang-buhay
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَتَذَرُونَ ٱلۡأٓخِرَةَ
at hinahayaan ninyo ang Kabilang-buhay.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٖ نَّاضِرَةٌ
May mga mukha, sa Araw na iyon, na nagniningning,
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِلَىٰ رَبِّهَا نَاظِرَةٞ
sa Panginoon nila ay nakatingin.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَوُجُوهٞ يَوۡمَئِذِۭ بَاسِرَةٞ
May mga mukha, sa Araw na iyon, na nakangiwi.
Ang mga Tafsir na Arabe:
تَظُنُّ أَن يُفۡعَلَ بِهَا فَاقِرَةٞ
Nakatitiyak sila na gagawa sa kanila ng isang makababali ng likod.
Ang mga Tafsir na Arabe:
كَلَّآ إِذَا بَلَغَتِ ٱلتَّرَاقِيَ
Aba’y hindi! Kapag umabot [ang kaluluwang] ito sa balagat,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقِيلَ مَنۡۜ رَاقٖ
at sasabihin: “Sino ang lulunas?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَظَنَّ أَنَّهُ ٱلۡفِرَاقُ
Nakatiyak siya na ito ay ang pakikipaghiwalay.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلۡتَفَّتِ ٱلسَّاقُ بِٱلسَّاقِ
Pupulupot ang binti sa binti.[3]
[3] Ibig: sa pagkamatay o paghahanda para ilibing.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِلَىٰ رَبِّكَ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡمَسَاقُ
Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pag-aakayan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَا صَدَّقَ وَلَا صَلَّىٰ
Ngunit hindi siya nagpatotoo[4] at hindi siya nagdasal,
[4] sa inihadtid ng Propeta
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَٰكِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ
subalit nagpasinungaling [sa mensahe] siya at tumalikod siya [rito].
Ang mga Tafsir na Arabe:
ثُمَّ ذَهَبَ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ يَتَمَطَّىٰٓ
Pagkatapos pumunta siya sa mag-anak niya, na nagmamayabang sa paglakad.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰ
Higit na malapit [na pagdurusa] ay ukol sa iyo saka higit na malapit [na pagdurusa]!
Ang mga Tafsir na Arabe:
ثُمَّ أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰٓ
Pagkatapos higit na malapit [na kasawian] ay ukol sa iyo saka higit na malapit [na kasawian]!
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَيَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَن يُتۡرَكَ سُدًى
Nag-aakala ba ang tao na iiwan siya nang napababayaan?[5]
[5] na hindi naaatangan ng batas
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَلَمۡ يَكُ نُطۡفَةٗ مِّن مَّنِيّٖ يُمۡنَىٰ
Hindi ba siya dati ay isang patak mula sa punlay na ibinuhos?
Ang mga Tafsir na Arabe:
ثُمَّ كَانَ عَلَقَةٗ فَخَلَقَ فَسَوَّىٰ
Pagkatapos siya ay naging isang malalinta, saka lumikha [si Allāh] saka bumuo [sa kanya].
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَجَعَلَ مِنۡهُ ٱلزَّوۡجَيۡنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰٓ
Saka gumawa Siya mula sa kanya ng magkapares: ang lalaki at ang babae.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَلَيۡسَ ذَٰلِكَ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يُحۡـِۧيَ ٱلۡمَوۡتَىٰ
Hindi ba Iyon ay Nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay?
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qiyāmah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara