Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Mursalāt   Ayah:

Al-Mursalāt

وَٱلۡمُرۡسَلَٰتِ عُرۡفٗا
Sumpa man sa mga [hanging] isinusugo nang sunud-sunod,
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَٱلۡعَٰصِفَٰتِ عَصۡفٗا
saka sa mga [hanging] umuunos sa isang pag-unos;
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلنَّٰشِرَٰتِ نَشۡرٗا
sumpa man sa mga [hanging] nagkakalat [ng ulan] sa isang pagkakalat,
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَٱلۡفَٰرِقَٰتِ فَرۡقٗا
saka sa mga [anghel na] nagbubukod sa isang pagbubukod,
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَٱلۡمُلۡقِيَٰتِ ذِكۡرًا
saka sa mga [anghel na] naghahatid ng isang paalaala
Ang mga Tafsir na Arabe:
عُذۡرًا أَوۡ نُذۡرًا
bilang pagdadahilan [sa tao] o bilang pagbabala [sa tao];
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَوَٰقِعٞ
tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang magaganap.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِذَا ٱلنُّجُومُ طُمِسَتۡ
Kaya kapag ang mga bituin ay pinawi,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ فُرِجَتۡ
kapag ang langit ay biniyak,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ نُسِفَتۡ
kapag ang mga bundok ay pinalis,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِذَا ٱلرُّسُلُ أُقِّتَتۡ
at kapag ang mga sugo ay tinaningan,
Ang mga Tafsir na Arabe:
لِأَيِّ يَوۡمٍ أُجِّلَتۡ
para sa aling araw inantala sila?
Ang mga Tafsir na Arabe:
لِيَوۡمِ ٱلۡفَصۡلِ
Para sa Araw ng Pagpapasya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagpapasya?
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa inihatid ng mga sugo]!
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَلَمۡ نُهۡلِكِ ٱلۡأَوَّلِينَ
Hindi ba Kami nagpahamak sa mga sinauna?
Ang mga Tafsir na Arabe:
ثُمَّ نُتۡبِعُهُمُ ٱلۡأٓخِرِينَ
Pagkatapos nagpasunod Kami sa kanila ng mga huli.
Ang mga Tafsir na Arabe:
كَذَٰلِكَ نَفۡعَلُ بِٱلۡمُجۡرِمِينَ
Gayon ang ginagawa Namin sa mga salarin.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa banta ni Allāh]!
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Mursalāt
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara