Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Bayyinah   Ayah:

Al-Bayyinah

لَمۡ يَكُنِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ وَٱلۡمُشۡرِكِينَ مُنفَكِّينَ حَتَّىٰ تَأۡتِيَهُمُ ٱلۡبَيِّنَةُ
Ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan [na mga Hudyo at mga Kristiyano] at mga tagapagtambal ay hindi naging mga kumakalas [sa kawalang-pananampalataya] hanggang sa pumunta sa kanila ang malinaw na patunay:
Ang mga Tafsir na Arabe:
رَسُولٞ مِّنَ ٱللَّهِ يَتۡلُواْ صُحُفٗا مُّطَهَّرَةٗ
[si Propeta Muḥammad na] isang Sugo mula kay Allāh, na bumibigkas ng mga pahinang dinalisay,
Ang mga Tafsir na Arabe:
فِيهَا كُتُبٞ قَيِّمَةٞ
na sa mga ito ay may mga nakasulat na matuwid.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا تَفَرَّقَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَةُ
Hindi nagkawatak-watak [sa maraming sekta] ang mga binigyan ng kasulatan [na mga Hudyo at mga Kristiyano] kundi matapos na dumating sa kanila ang malinaw na patunay.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَآ أُمِرُوٓاْ إِلَّا لِيَعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ حُنَفَآءَ وَيُقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُواْ ٱلزَّكَوٰةَۚ وَذَٰلِكَ دِينُ ٱلۡقَيِّمَةِ
Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon [sa pagsamba] bilang mga makatotoo, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Iyon ay ang relihiyon ng pagkamatuwid.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ وَٱلۡمُشۡرِكِينَ فِي نَارِ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَآۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمۡ شَرُّ ٱلۡبَرِيَّةِ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal ay magiging nasa Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Ang mga iyon ay ang pinakamasama sa sangkinapal.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أُوْلَٰٓئِكَ هُمۡ خَيۡرُ ٱلۡبَرِيَّةِ
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ang mga iyon ay ang pinakamabuti sa sangkinapal.
Ang mga Tafsir na Arabe:
جَزَآؤُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ جَنَّٰتُ عَدۡنٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ رَّضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُۚ ذَٰلِكَ لِمَنۡ خَشِيَ رَبَّهُۥ
Ang ganti sa kanila sa ganang Panginoon nila ay mga Hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Iyon ay ukol sa sinumang natakot sa Panginoon niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Bayyinah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) - Indise ng mga Salin

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an sa wikang Filipino (Tagalog). Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng website ng Islamhouse: www.islamhouse.com.

Isara