Check out the new design

قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى * - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى


مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: تۇر   ئايەت:

At-Toor

سۈرىنىڭ مەقسەتلىرىدىن:
الحجج والبراهين لرد شبهات المكذبين للنبي صلى الله عليه وسلم.
Ang mga katwiran at ang mga patotoo para sa pagtugon sa mga maling akala ng mga tagapagpasinungaling sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

وَٱلطُّورِ
Sumumpa si Allāh sa bundok na kinausap Niya sa ibabaw nito si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَكِتَٰبٖ مَّسۡطُورٖ
Sumumpa Siya sa Aklat na tinitikan
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
فِي رَقّٖ مَّنشُورٖ
sa isang pahinang nakalatag, na nakabukas gaya ng mga kasulatang pinababa.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَٱلۡبَيۡتِ ٱلۡمَعۡمُورِ
Sumumpa si Allāh sa Bahay na dinadalaw ng mga anghel sa langit dahil sa pagsamba sa Kanya.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَٱلسَّقۡفِ ٱلۡمَرۡفُوعِ
Sumumpa Siya sa langit na iniangat na siyang bubong ng lupa.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَٱلۡبَحۡرِ ٱلۡمَسۡجُورِ
Sumumpa Siya sa dagat na pinupuno ng tubig.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
إِنَّ عَذَابَ رَبِّكَ لَوَٰقِعٞ
Tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon mo, O Sugo, ay talagang magaganap nang walang pasubali sa mga tagatangging sumampalataya.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
مَّا لَهُۥ مِن دَافِعٖ
Walang ukol dito na anumang tagatulak na tutulak rito palayo sa kanila at magtatanggol sa kanila laban sa pagkaganap nito sa kanila,
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
يَوۡمَ تَمُورُ ٱلسَّمَآءُ مَوۡرٗا
sa araw na kikilos ang langit sa isang pagkilos at manginginig ito bilang pagpapahayag ng pagbangon [ng mga patay],
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَتَسِيرُ ٱلۡجِبَالُ سَيۡرٗا
at uusad ang mga bundok mula sa mga kinaroroonan ng mga ito sa isang pag-usad.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
فَوَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kaya kapahamakan at kalugihan sa araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa ipinangako ni Allāh sa mga tagatangging sumampalataya sa Kanya na pagdurusa,
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي خَوۡضٖ يَلۡعَبُونَ
na sila sa pagsuong sa kabulaanan ay naglalaro, na hindi pumapansin sa pagbubuhay at pagtitipon [sa mga patay].
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
يَوۡمَ يُدَعُّونَ إِلَىٰ نَارِ جَهَنَّمَ دَعًّا
Sa araw na itutulak sila nang matindi at marahas patungo sa apoy ng Impiyerno sa isang pagtutulak.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
هَٰذِهِ ٱلنَّارُ ٱلَّتِي كُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ
sasabihin sa kanila bilang panunumbat sa kanila: "Ito ay ang Apoy na kayo dati hinggil dito ay nagpapasinungaling nang nagpapangamba sa inyo ang mga sugo ninyo laban dito.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• الكفر ملة واحدة وإن اختلفت وسائله وتنوع أهله ومكانه وزمانه.
Ang Kawalang-pananampalataya ay nag-iisang kapaniwalaan kahit nagkaiba-iba man ang mga kaparaanan nito at nagsarisari man ang mga alagad nito, ang pook nito, at ang panahon nito.

• شهادة الله لرسوله صلى الله عليه وسلم بتبليغ الرسالة.
Ang pagsaksi ni Allāh sa Sugo Niya – basbasan ito ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay sa pamamagitan ng pagpapaabot ng mensahe.

• الحكمة من خلق الجن والإنس تحقيق عبادة الله بكل مظاهرها.
Ang kasanhian sa paglikha sa jinn at tao ay ang pagsasakatuparan sa pagsamba kay Allāh sa lahat ng mga pagkakahayag nito.

• سوف تتغير أحوال الكون يوم القيامة.
Mapapalitan ang mga kalagayan ng Sansinukob sa Araw ng Pagbangon.

 
مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: تۇر
سۈرە مۇندەرىجىسى بەت نومۇرى
 
قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

قۇرئان تەتقىقاتى تەپسىر مەركىزى چىقارغان.

تاقاش