Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Қуръон Карим мухтасар тафсирининг филиппинча (тагалогча) таржимаси * - Таржималар мундарижаси


Маънолар таржимаси Оят: (180) Сура: Оли Имрон сураси
وَلَا يَحۡسَبَنَّ ٱلَّذِينَ يَبۡخَلُونَ بِمَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦ هُوَ خَيۡرٗا لَّهُمۖ بَلۡ هُوَ شَرّٞ لَّهُمۡۖ سَيُطَوَّقُونَ مَا بَخِلُواْ بِهِۦ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ وَلِلَّهِ مِيرَٰثُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Huwag ngang magpalagay ang mga nagmamaramot ng ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa mga biyaya bilang pagmamagandang-loob mula sa Kanya kaya nagkakait sila sa karapatan ni Allāh sa mga ito. Huwag silang magpalagay na iyon ay mabuti para sa kanila, bagkus iyon ay masama para sa kanila dahil ang ipinagmamaramot nila ay magiging isang kulyar na kukulyaran sila sa pamamagitan nito sa Araw ng Pagbangon sa mga leeg nila habang pinagdurusa sila sa pamamagitan nito. Sa kay Allāh lamang mananauli ang anumang nasa mga langit at lupa. Siya ang Buhay matapos ng pagkalipol ng nilikha Niya sa kabuuan nila. Si Allāh ay Maalam sa mga kaliit-liitan ng anumang ginagawa ninyo.Gaganti Siya sa inyo rito.
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• ينبغي للمؤمن ألا يلتفت إلى تخويف الشيطان له بأعوانه وأنصاره من الكافرين، فإن الأمر كله لله تعالى.
Nararapat para sa mananampalataya na hindi pumansin sa pagpapangamba ng demonyo sa kanya sa pamamagitan ng mga katulong nito at mga tagaadya nito kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sapagkat tunay na ang pag-uutos sa kalahatan nito ay sa kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• لا ينبغي للعبد أن يغتر بإمهال الله له، بل عليه المبادرة إلى التوبة، ما دام في زمن المهلة قبل فواتها.
Hindi nararapat sa tao na malinlang dahil sa pagpapalugit ni Allāh sa kanya, bagkus kailangan sa kanya ang pagdadali-dali sa pagbabalik-loob kay Allāh hanggat nasa panahon ng palugit bago ng paglipas nito.

• البخيل الذي يمنع فضل الله عليه إنما يضر نفسه بحرمانها المتاجرة مع الله الكريم الوهاب، وتعريضها للعقوبة يوم القيامة.
Ang maramot na nagkakait sa kabutihang-loob ni Allāh sa kanya ay namiminsala lamang ng sarili niya sa pamamagitan ng pagkakait dito ng pakikipagkalakalan kay Allāh, ang Mapagbigay, ang Mapagkaloob, at ng paghahantad dito sa kaparusahan sa Araw ng Pagbangon.

 
Маънолар таржимаси Оят: (180) Сура: Оли Имрон сураси
Суралар мундарижаси Бет рақами
 
Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Қуръон Карим мухтасар тафсирининг филиппинча (тагалогча) таржимаси - Таржималар мундарижаси

Қуръон Каримнинг мухтасар тафсирининг филиппин (тагалог)ча таржимаси, ношир: Қуръон тадқиқотлари тафсир маркази

Ёпиш