Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Қуръон Карим мухтасар тафсирининг филиппинча (тагалогча) таржимаси * - Таржималар мундарижаси


Маънолар таржимаси Оят: (78) Сура: Ғофир сураси
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا رُسُلٗا مِّن قَبۡلِكَ مِنۡهُم مَّن قَصَصۡنَا عَلَيۡكَ وَمِنۡهُم مَّن لَّمۡ نَقۡصُصۡ عَلَيۡكَۗ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَن يَأۡتِيَ بِـَٔايَةٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ فَإِذَا جَآءَ أَمۡرُ ٱللَّهِ قُضِيَ بِٱلۡحَقِّ وَخَسِرَ هُنَالِكَ ٱلۡمُبۡطِلُونَ
Talaga ngang nagpadala Kami ng mga sugong marami bago mo pa, O Sugo, sa mga kalipunan nila ngunit nagpasinungaling ang mga iyon sa kanila at nanakit ang mga iyon sa kanila ngunit nagtiis sila sa pagpapasinungaling sa kanila at pananakit sa kanila. Kabilang sa mga sugong ito ang isinalaysay Namin sa iyo ang ulat tungkol sa kanila at kabilang sa kanila ang hindi Namin isinalaysay sa iyo ng ulat tungkol sa kanila. Hindi natutumpak para sa isang sugo na magdala ito sa mga kababayan nito ng isang tanda mula sa Panginoon nito malibang ayon sa kalooban Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya ang pagmumungkahi ng mga tagatangging sumampalataya sa mga sugo nila na magdala ng mga tanda ay isang kawalang-katarungan. Kaya kapag dumating ang utos ni Allāh ng pagpapawagi o pagpapahiwalay sa pagitan ng mga sugo at mga kababayan nila, magpapahiwalay Siya sa pagitan nila ayon sa katarungan. Kaya magpapahamak Siya sa mga tagatangging sumampalataya at magliligtas Siya sa mga sugo. Magpapalugi, sa gayong katayuan na magpapahiwalay sa mga tao, ang mga alagad ng kabulaanan ng mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• لله رسل غير الذين ذكرهم الله في القرآن الكريم نؤمن بهم إجمالًا.
Si Allāh ay may mga sugong iba pa sa binanggit Niya sa Marangal na Qur'ān. Sumasampalataya tayo sa kanila sa kabuuan.

• من نعم الله تبيينه الآيات الدالة على توحيده.
Kabilang sa mga biyaya ni Allāh ang paglilinaw Niya sa mga tandang nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya.

• خطر الفرح بالباطل وسوء عاقبته على صاحبه.
Ang panganib ng pagkatuwa sa kabulaanan at ang kasagwaan ng kahihinatnan nito sa tao.

• بطلان الإيمان عند معاينة العذاب المهلك.
Ang kawalang-kabuluhan ng pananampalataya sa sandali ng pagkakita ng pagdurusang nagpapahamak.

 
Маънолар таржимаси Оят: (78) Сура: Ғофир сураси
Суралар мундарижаси Бет рақами
 
Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Қуръон Карим мухтасар тафсирининг филиппинча (тагалогча) таржимаси - Таржималар мундарижаси

Қуръон Каримнинг мухтасар тафсирининг филиппин (тагалог)ча таржимаси, ношир: Қуръон тадқиқотлари тафсир маркази

Ёпиш