Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Қуръон Карим мухтасар тафсирининг филиппинча (тагалогча) таржимаси * - Таржималар мундарижаси


Маънолар таржимаси Оят: (17) Сура: Моида сураси
لَّقَدۡ كَفَرَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡمَسِيحُ ٱبۡنُ مَرۡيَمَۚ قُلۡ فَمَن يَمۡلِكُ مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔا إِنۡ أَرَادَ أَن يُهۡلِكَ ٱلۡمَسِيحَ ٱبۡنَ مَرۡيَمَ وَأُمَّهُۥ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗاۗ وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَاۚ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsasabi kabilang sa mga Kristiyano na si Allāh ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Sino ang nakakakaya na pumigil kay Allāh sa pagpuksa kay Kristo Jesus na anak ni Maria, at [nakakakaya] na pumuksa sa ina niya at pumuksa sa mga nasa lupa sa kabuuan nila kapag nagnais Siya ng pagpuksa sa kanila? Kapag hindi nakakaya ang isa man na pumigil sa Kanya roon, nagpapatunay iyon na walang Diyos kundi si Allāh at na ang lahat – si Jesus, ang ina niya, at ang lahat ng nilikha – ay nilikha ni Allāh. Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Kabilang sa niloob Niyang likhain ay si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kaya ito ay lingkod Niya at Sugo Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan.
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• تَرْك العمل بمواثيق الله وعهوده قد يوجب وقوع العداوة وإشاعة البغضاء والتنافر والتقاتل بين المخالفين لأمر الله تعالى.
Ang pag-iwan sa pagsasagawa sa mga kasunduan kay Allāh at mga tipan sa Kanya ay maaaring mag-obliga ng pagkakaganap ng pagkamuhi at ng pagpapalaganap ng pagkasuklam, pagkakalayuan ng loob, at pag-aawayan sa pagitan ng mga sumasalungat sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• الرد على النصارى القائلين بأن الله تعالى تجسد في المسيح عليه السلام، وبيان كفرهم وضلال قولهم.
Ang pagtugon sa mga Kristiyanong nagsasabing si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nagkatawang-tao kay Kristo – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ang paglilinaw sa kawalang-pananampalataya nila at kaligawan ng sinasabi nila.

• من أدلة بطلان ألوهية المسيح أن الله تعالى إن أراد أن يهلك المسيح وأمه عليهما السلام وجميع أهل الأرض فلن يستطيع أحد رده، وهذا يثبت تفرده سبحانه بالأمر وأنه لا إله غيره.
Kabilang sa mga patunay sa kabulaanan ng pagkadiyos ni Kristo ay na si Allāh – pagkataas-taas Siya – kung nagnais Siya na magpahamak kay Kristo, sa ina niya – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – at sa lahat ng mga naninirahan sa lupa, ay hindi makakakaya ng isa man na mapigilan. Ito ay nagpapatibay sa pamumukod-tangi Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pag-uutos at na walang Diyos na iba pa sa Kanya.

• من أدلة بطلان ألوهية المسيح أن الله تعالى يُذَكِّر بكونه تعالى ﴿ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ﴾ (المائدة: 17)، فهو يخلق من الأبوين، ويخلق من أم بلا أب كعيسى عليه السلام، ويخلق من الجماد كحية موسى عليه السلام، ويخلق من رجل بلا أنثى كحواء من آدم عليهما السلام.
Kabilang sa mga patunay sa kabulaanan ng pagkadiyos ni Kristo ay na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nagpapaalaala na Siya – pagkataas-taas Siya – ay "Lumilikha ng anumang niloloob Niya." (Qur'ān 5:17) sapagkat Siya ay lumilikha mula sa mga magulang, lumilikha mula sa isang ina nang walang ama gaya ni Hesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – lumilikha mula sa isang walang-buhay na bagay gaya ng ahas ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at lumilikha mula sa isang lalaki nang walang babae gaya ni Eva mula kay Adan – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan.

 
Маънолар таржимаси Оят: (17) Сура: Моида сураси
Суралар мундарижаси Бет рақами
 
Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Қуръон Карим мухтасар тафсирининг филиппинча (тагалогча) таржимаси - Таржималар мундарижаси

Қуръон Каримнинг мухтасар тафсирининг филиппин (тагалог)ча таржимаси, ношир: Қуръон тадқиқотлари тафсир маркази

Ёпиш