Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Қуръон Карим мухтасар тафсирининг филиппинча (тагалогча) таржимаси * - Таржималар мундарижаси


Маънолар таржимаси Оят: (31) Сура: Анъом сураси
قَدۡ خَسِرَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِلِقَآءِ ٱللَّهِۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَتۡهُمُ ٱلسَّاعَةُ بَغۡتَةٗ قَالُواْ يَٰحَسۡرَتَنَا عَلَىٰ مَا فَرَّطۡنَا فِيهَا وَهُمۡ يَحۡمِلُونَ أَوۡزَارَهُمۡ عَلَىٰ ظُهُورِهِمۡۚ أَلَا سَآءَ مَا يَزِرُونَ
Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa Pagkabuhay sa Araw ng Pagbangon at nagturing na malayong mangyari ang pagtayo sa harap ni Allāh, na hanggang sa kapag dumating sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan nang walang nauunang kaalaman ay magsasabi sila dala ng tindi ng pagsisisi: "O talagang panghihinayang namin at kabiguan ng pag-asa namin dahil nagkulang kami sa nauukol kay Allāh dala sa kawalang-pananampalataya sa Kanya at kawalan ng paghahanda para sa Araw ng Pagkabuhay," habang sila ay nagdadala ng mga masagwang gawa nila sa ibabaw ng mga likod nila. Pansinin, kay pangit ang pinapasan nila mula sa mga masagwang gawang iyon!
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• من عدل الله تعالى أنه يجمع العابد والمعبود والتابع والمتبوع في عَرَصات القيامة ليشهد بعضهم على بعض.
Bahagi ng katarungan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya ay magsasama sa tagasamba at sinasamba at sa tagasunod at ang sinusunod sa mga larangan ng Pagbangon upang sumaksi ang isa't isa sa kanila.

• ليس كل من يسمع القرآن ينتفع به، فربما يوجد حائل مثل ختم القلب أو الصَّمَم عن الانتفاع أو غير ذلك.
Hindi lahat ng nakikinig sa Qur'ān ay pinakikinabang nito sapagkat baka mayroong isang tagahadlang tulad ng pagkapinid ng puso o pagkabingi sa pakikinabang o iba pa roon.

• بيان أن المشركين وإن كانوا يكذبون في الظاهر فهم يستيقنون في دواخلهم بصدق النبي عليه الصلاة والسلام.
Ang paglilinaw na ang mga tagapagtambal, kahit sila noon ay nagpapasinungaling nang hayagan, sila naman ay nakatitiyak sa mga kaibuturan nila sa katapatan ng Propeta – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan.

• تسلية النبي عليه الصلاة والسلام ومواساته بإعلامه أن هذا التكذيب لم يقع له وحده، بل هي طريقة المشركين في معاملة الرسل السابقين.
Ang pag-aaliw sa Propeta – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – at ang pagpapalubag-loob sa kanya sa pamamagitan ng pagpapaalam sa kanya na ang pagpapasinungaling na ito ay hindi naganap sa kanya lamang, bagkus ito ay pamamaraan ng mga tagapagtambal sa pakikitungo sa mga sugong nauna.

 
Маънолар таржимаси Оят: (31) Сура: Анъом сураси
Суралар мундарижаси Бет рақами
 
Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Қуръон Карим мухтасар тафсирининг филиппинча (тагалогча) таржимаси - Таржималар мундарижаси

Қуръон Каримнинг мухтасар тафсирининг филиппин (тагалог)ча таржимаси, ношир: Қуръон тадқиқотлари тафсир маркази

Ёпиш