Check out the new design

Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippines (Tagalog) về diễn giải ngắn gọn Kinh Qur'an * - Mục lục các bản dịch


Ý nghĩa nội dung Chương: Al-Muminun   Câu:
أَلَمۡ تَكُنۡ ءَايَٰتِي تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَكُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ
Sasabihin sa kanila bilang paninisi sa kanila: "Hindi ba ang mga talata ng Qur'ān dati ay binibigkas sa inyo sa Mundo ngunit kayo dati sa mga ito ay nagpapasinungaling?"
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالُواْ رَبَّنَا غَلَبَتۡ عَلَيۡنَا شِقۡوَتُنَا وَكُنَّا قَوۡمٗا ضَآلِّينَ
Nagsabi sila: "Panginoon namin, nanaig sa amin ang nauna sa kaalaman Mo kabilang sa kalumbayan namin; at kami dati ay mga taong naliligaw palayo sa katotohanan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
رَبَّنَآ أَخۡرِجۡنَا مِنۡهَا فَإِنۡ عُدۡنَا فَإِنَّا ظَٰلِمُونَ
Panginoon namin, magpalabas Ka sa amin mula sa Apoy; saka kung bumalik kami sa dati naming kalagayan na kawalang-pananampalataya at pagkaligaw, tunay na kami ay mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili namin samantalang naputol na ang pagdadahi-dahilan namin.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ ٱخۡسَـُٔواْ فِيهَا وَلَا تُكَلِّمُونِ
Magsasabi si Allāh: "Manirahan kayo bilang mga hamak na inaaba sa Apoy at huwag kayong magsalita sa Akin."
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
إِنَّهُۥ كَانَ فَرِيقٞ مِّنۡ عِبَادِي يَقُولُونَ رَبَّنَآ ءَامَنَّا فَٱغۡفِرۡ لَنَا وَٱرۡحَمۡنَا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلرَّٰحِمِينَ
Tunay na may isang pangkat noon kabilang sa mga lingkod Ko, na sumampalataya sa Akin, na nagsasabi: "Panginoon namin, sumampalataya kami sa Iyo kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala Namin at maawa Ka sa amin sa pamamagitan ng awa Mo; at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga naaawa."
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَٱتَّخَذۡتُمُوهُمۡ سِخۡرِيًّا حَتَّىٰٓ أَنسَوۡكُمۡ ذِكۡرِي وَكُنتُم مِّنۡهُمۡ تَضۡحَكُونَ
Ngunit gumawa kayo sa mga mananampalatayang dumadalangin na ito sa Panginoon nila bilang tampulan ng pangungutya. Nanunuya kayo sa kanila at nangungutya kayo sa kanila hanggang sa nagpalimot sa inyo sa pag-alaala kay Allāh ang pagkaabala sa panunuya sa kanila habang kayo noon ay tumatawa sa kanila bilang panunuya at pangungutya.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
إِنِّي جَزَيۡتُهُمُ ٱلۡيَوۡمَ بِمَا صَبَرُوٓاْ أَنَّهُمۡ هُمُ ٱلۡفَآئِزُونَ
Tunay na Ako ay gaganti sa mga mananampalatayang ito ng pagtamo ng Paraiso sa Araw ng Pagbangon dahil sa pagtitiis nila sa pagtalima sa Akin sa kabila ng dati nilang tinatanggap mula sa inyo na pananakit.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَٰلَ كَمۡ لَبِثۡتُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ عَدَدَ سِنِينَ
Magsasabi Siya: "Gaano katagal kayo nanatili sa lupa sa mga taon? Ilang panahon ang sinayang ninyo roon?"
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالُواْ لَبِثۡنَا يَوۡمًا أَوۡ بَعۡضَ يَوۡمٖ فَسۡـَٔلِ ٱلۡعَآدِّينَ
Kaya sasagot sila sa pamamagitan ng pagsabi nila: "Nanatili kami nang isang araw o isang parte ng isang araw; ngunit magtanong Ka sa mga pinatutungkulan ng pagtutuos sa mga araw at mga buwan."
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَٰلَ إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا قَلِيلٗاۖ لَّوۡ أَنَّكُمۡ كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Magsasabi Siya: "Hindi kayo nanatili sa Mundo kundi sa kaunting panahon upang mapadali ang pagtitiis doon sa pagtalima, kung sakaling kayo ay nakaaalam noon sa sukat ng pananatili ninyo."
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
أَفَحَسِبۡتُمۡ أَنَّمَا خَلَقۡنَٰكُمۡ عَبَثٗا وَأَنَّكُمۡ إِلَيۡنَا لَا تُرۡجَعُونَ
Kaya nagpalagay ba kayo, O mga tao, na lumikha lamang Kami sa inyo bilang laro na walang kasanhian, kaya walang gantimpala at walang parusa tulad ng mga hayop, at na kayo tungo sa Amin ay hindi pababalikin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti?
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَتَعَٰلَى ٱللَّهُ ٱلۡمَلِكُ ٱلۡحَقُّۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡكَرِيمِ
Kaya nagpawalang-kaugnayan si Allāh, ang Hari, ang Tagapamahala sa nilikha Niya ayon sa niloloob Niya, ang Siyang totoo, ang pangako Niya ay totoo at ang sabi Niya ay totoo, na walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya, ang Panginoon ng tronong marangal, na siyang pinakadakila sa mga nilikha. Ang sinumang isang panginoon para sa pinakadakila sa mga nilikha, Siya ay Panginoon ng mga ito sa kabuuan ng mga ito.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَمَن يَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ لَا بُرۡهَٰنَ لَهُۥ بِهِۦ فَإِنَّمَا حِسَابُهُۥ عِندَ رَبِّهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Ang sinumang mananalangin kasama kay Allāh sa isang sinasambang iba pa, nang walang katwiran para sa kanya sa pagiging karapat-dapat nito sa pagsamba (ito ay nauukol sa bawat sinasambang iba pa kay Allāh), ang ganti sa gawa niyang masagwa ay nasa ganang Panginoon niya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat si Allāh ay ang gaganti sa kanya sa pamamagitan ng pagdudulot ng pagdurusa sa kanya. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya sa pagtamo ng hinihiling nila, ni sa pagkaligtas sa pinangingilabutan nila.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَقُل رَّبِّ ٱغۡفِرۡ وَٱرۡحَمۡ وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلرَّٰحِمِينَ
Sabihin mo, O Sugo: "Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakasala ko at maawa Ka sa akin sa pamamagitan ng awa Mo yayamang Ikaw ay ang pinakamabuti sa sinumang naawa sa isang may pagkakasala sapagkat tumatanggap ka ng pagbabalik-loob niya."
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
Trong những bài học trích được của các câu Kinh trên trang này:
• الكافر حقير مهان عند الله.
Ang tagatangging sumampalataya ay isang kalait-lait na hinahamak sa ganang kay Allāh.

• الاستهزاء بالصالحين ذنب عظيم يستحق صاحبه العذاب.
Ang pangungutya sa mga maayos [na tao] ay isang pagkakasalang mabigat na nagiging karapat-dapat ang tagapagsagawa nito sa pagdurusa.

• تضييع العمر لازم من لوازم الكفر.
Ang pagsasayang ng buhay ay isa sa mga kinakasama ng kawalang-pananampalataya.

• الثناء على الله مظهر من مظاهر الأدب في الدعاء.
Ang pagbubunyi kay Allāh ay isa sa mga aspeto ng kaasalan sa panalangin.

• لما افتتح الله سبحانه السورة بذكر صفات فلاح المؤمنين ناسب أن تختم السورة بذكر خسارة الكافرين وعدم فلاحهم.
Noong binuksan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ang kabanata sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian ng pananagumpay ng mga mananampalataya, umalinsabay naman na magwakas ang kabanata sa pamamagitan ng pagbanggit sa pagkalugi ng mga tagatangging sumampalataya at hindi pananagumpay nila.

 
Ý nghĩa nội dung Chương: Al-Muminun
Mục lục các chương Kinh Số trang
 
Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippines (Tagalog) về diễn giải ngắn gọn Kinh Qur'an - Mục lục các bản dịch

Được phát hành bởi Trung tâm Tafsir Nghiên cứu Kinh Qur'an.

Đóng lại