Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippin (Tajaluj), phân tích ngắn gọn về Qur'an * - Mục lục các bản dịch


Ý nghĩa nội dung Câu: (24) Chương: Chương Fatir
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ بَشِيرٗا وَنَذِيرٗاۚ وَإِن مِّنۡ أُمَّةٍ إِلَّا خَلَا فِيهَا نَذِيرٞ
Tunay na Kami ay nagpadala sa iyo, O Sugo, kalakip ng katotohanan na walang pag-aalinlangan hinggil dito, bilang tagapagbalita ng nakagagalak para sa mga mananampalataya hinggil sa inihanda ni Allāh para sa kanila na gantimpalang masagana at bilang tagapagbabala sa mga tagatangging sumampalataya laban sa inihanda Niya para sa kanila na pagdurusang masakit. Walang anumang kalipunan kabilang sa mga kalipunang nauna malibang may nagdaan doon na isang sugo mula sa ganang kay Allāh, na nagbababala roon laban sa pagdurusang dulot Niya.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
Trong những bài học trích được của các câu Kinh trên trang này:
• نفي التساوي بين الحق وأهله من جهة، والباطل وأهله من جهة أخرى.
Ang pagkakaila sa pagpapantayan sa pagitan ng katotohanan at mga alagad nito sa isang dako at ng kabulaanan at mga alagad nito sa kabilang dako.

• كثرة عدد الرسل عليهم السلام قبل رسولنا صلى الله عليه وسلم دليل على رحمة الله وعناد الخلق.
Ang dami ng bilang ng mga sugo – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – bago ng Sugo natin – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay patunay sa awa ni Allāh at pagmamatigas ng nilikha.

• إهلاك المكذبين سُنَّة إلهية.
Ang pagpapahamak sa mga tagapasinungaling ay isang kalakaran (sunnah) na pandiyos.

• صفات الإيمان تجارة رابحة، وصفات الكفر تجارة خاسرة.
Ang mga katangian ng pananampalataya ay [gaya ng] isang pangangalakal na tumutubo at ang mga katangian ng kawalang-pananampalataya ay [gaya ng] pangangalakal na nalulugi.

 
Ý nghĩa nội dung Câu: (24) Chương: Chương Fatir
Mục lục các chương Kinh Số trang
 
Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippin (Tajaluj), phân tích ngắn gọn về Qur'an - Mục lục các bản dịch

Bản dịch tiếng Philippin (Tajaluj), phân tích ngắn gọn về Qur'an do Trung Tâm Tafsir Nghiên Cứu Qur'an phát triển

Đóng lại