Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippin (Tajaluj), phân tích ngắn gọn về Qur'an * - Mục lục các bản dịch


Ý nghĩa nội dung Câu: (29) Chương: Chương Al-Zumar
ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا رَّجُلٗا فِيهِ شُرَكَآءُ مُتَشَٰكِسُونَ وَرَجُلٗا سَلَمٗا لِّرَجُلٍ هَلۡ يَسۡتَوِيَانِ مَثَلًاۚ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad para sa Mushrik (tagapagtambal kay Allāh) at Muwaḥḥid (naniniwala sa kaisahan ni Allāh). May isang lalaking minamay-ari ng mga magkatambal na naghihidwaan, na kung nagpalugod ito sa iba sa kanila ay nagpagalit naman ito sa iba pa kaya ito ay nasa isang kagitlahanan at pagkalito; at may isang lalaking natatangi para sa isang lalaki lamang na nagmamay-ari rito at nalalaman nito ang ninanais niyon kaya ito ay nasa kapanatagan at katahimikan ng isip. Hindi nagkakapantay ang dalawang lalaking ito. Ang papuri ay ukol kay Allāh. Bagkus ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam kaya dahil doon ay nagtatambal sila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
Trong những bài học trích được của các câu Kinh trên trang này:
• أهل الإيمان والتقوى هم الذين يخشعون لسماع القرآن، وأهل المعاصي والخذلان هم الذين لا ينتفعون به.
Ang mga alagad ng pananampalataya at pangingilag sa pagkakasala ay ang mga nagpapakataimtim sa pagdinig sa Qur'ān samantalang ang mga alagad ng mga pagsuway at pagtatwa ay ang mga hindi nakikinabang dito.

• التكذيب بما جاءت به الرسل سبب نزول العذاب إما في الدنيا أو الآخرة أو فيهما معًا.
Ang pagpapasinungaling sa inihatid ng mga sugo ay isang kadahilanan ng pagbaba ng pagdurusa sa Mundo man o Kabilang-buhay man o sa dalawang ito nang magkasama.

• لم يترك القرآن شيئًا من أمر الدنيا والآخرة إلا بيَّنه، إما إجمالًا أو تفصيلًا، وضرب له الأمثال.
Hindi nag-iwan ang Qur'ān ng anuman sa nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay malibang nilinaw nito iyon sa pagbubuod man o pagdedetalye man at naglahad ito ng mga paghahalintulad.

 
Ý nghĩa nội dung Câu: (29) Chương: Chương Al-Zumar
Mục lục các chương Kinh Số trang
 
Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippin (Tajaluj), phân tích ngắn gọn về Qur'an - Mục lục các bản dịch

Bản dịch tiếng Philippin (Tajaluj), phân tích ngắn gọn về Qur'an do Trung Tâm Tafsir Nghiên Cứu Qur'an phát triển

Đóng lại