Check out the new design

Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippines (Tagalog) về diễn giải ngắn gọn Kinh Qur'an * - Mục lục các bản dịch


Ý nghĩa nội dung Câu: (51) Chương: Al-'Araf
ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ دِينَهُمۡ لَهۡوٗا وَلَعِبٗا وَغَرَّتۡهُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَاۚ فَٱلۡيَوۡمَ نَنسَىٰهُمۡ كَمَا نَسُواْ لِقَآءَ يَوۡمِهِمۡ هَٰذَا وَمَا كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَجۡحَدُونَ
Ang mga tagatangging sumampalatayang ito ay ang mga gumawa sa relihiyon nila bilang biro at walang-kapararakan. Dumaya sa kanila ang buhay na pangmundo sa pamamagitan ng mga gayak nito at pang-akit nito. Kaya sa Araw ng Pagbangon ay kakalimutan sila ni Allāh at iiwan Niya silang dumaranas ng pagdurusa gaya ng paglimot nila sa pakikipagkita sa Araw ng Pagbangon kaya naman hindi sila gumawa para rito at hindi sila naghanda, at dahil sa pagkakaila nila sa mga katwiran ni Allāh at mga patotoo Niya at pagmamasama nila sa mga ito sa kabila ng kaalaman nila na ang mga ito ay totoo.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
Trong những bài học trích được của các câu Kinh trên trang này:
• عدم الإيمان بالبعث سبب مباشر للإقبال على الشهوات.
Ang kawalan ng pananampalataya sa pagbubuhay [ng patay] ay isang direktang kadahilanan para sa pagkawili sa mga pagnanasa.

• يتيقن الناس يوم القيامة تحقق وعد الله لأهل طاعته، وتحقق وعيده للكافرين.
Makatitiyak ang mga tao sa Araw ng Pagbangon sa pagsasakatuparan ng pangako ni Allāh para sa mga alagad ng pagtalima sa Kanya at pagsasakatuparan sa banta Niya sa mga tagatangging sumampalataya.

• الناس يوم القيامة فريقان: فريق في الجنة وفريق في النار، وبينهما فريق في مكان وسط لتساوي حسناتهم وسيئاتهم، ومصيرهم إلى الجنة.
Ang mga tao sa Araw ng Pagbangon ay dalawang pangkat: isang pangkat sa Paraiso at isang pangkat sa Apoy, at sa pagitan ng dalawang ito ay may isang pangkat sa isang gitnang lugar dahil sa pagkakapantay ng mga magandang gawa nila at mga masagwang gawa nila, ngunit ang kahahantungan nila ay ang Paraiso.

• على الذين يملكون المال والجاه وكثرة الأتباع أن يعلموا أن هذا كله لن يغني عنهم من الله شيئًا، ولن ينجيهم من عذاب الله.
Kailangan sa mga nagmamay-ari ng yaman, impluwensiya, at dami ng mga tagasunod, na malaman nila na ito sa kabuuan nito ay hindi makagagawa laban kay Allāh ng anuman at hindi makapagliligtas sa kanila laban sa parusa ni Allāh.

 
Ý nghĩa nội dung Câu: (51) Chương: Al-'Araf
Mục lục các chương Kinh Số trang
 
Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippines (Tagalog) về diễn giải ngắn gọn Kinh Qur'an - Mục lục các bản dịch

Được phát hành bởi Trung tâm Tafsir Nghiên cứu Kinh Qur'an.

Đóng lại