Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Dịch thuật tiếng Philippin (Tajaluj) * - Mục lục các bản dịch

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Ý nghĩa nội dung Chương: Chương Al-Kahf   Câu:

Al-Kahf

ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ عَلَىٰ عَبۡدِهِ ٱلۡكِتَٰبَ وَلَمۡ يَجۡعَل لَّهُۥ عِوَجَاۜ
Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpababa sa lingkod Niya ng Aklat at hindi Siya naglagay rito ng isang kabaluktutan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَيِّمٗا لِّيُنذِرَ بَأۡسٗا شَدِيدٗا مِّن لَّدُنۡهُ وَيُبَشِّرَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أَنَّ لَهُمۡ أَجۡرًا حَسَنٗا
[Ginawa Niya itong] matuwid upang magbabala ng isang matinding parusa mula sa nasa Kanya, magbalita ng nakagagalak sa mga mananampalatayang gumagawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay isang pabuyang maganda
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
مَّٰكِثِينَ فِيهِ أَبَدٗا
bilang mga mamamalagi roon magpakailanman,
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَيُنذِرَ ٱلَّذِينَ قَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدٗا
at magbabala sa mga nagsabing gumawa si Allāh ng isang anak.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
مَّا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٖ وَلَا لِأٓبَآئِهِمۡۚ كَبُرَتۡ كَلِمَةٗ تَخۡرُجُ مِنۡ أَفۡوَٰهِهِمۡۚ إِن يَقُولُونَ إِلَّا كَذِبٗا
Walang ukol sa kanila hinggil dito na kaalaman at walang ukol sa mga magulang nila. May bumigat na isang salitang lumalabas sa mga bibig nila; wala silang sinasabi kundi kasinungalingan!
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَلَعَلَّكَ بَٰخِعٞ نَّفۡسَكَ عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِمۡ إِن لَّمۡ يُؤۡمِنُواْ بِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ أَسَفًا
Kaya baka ikaw ay kikitil sa sarili mo dahil sa mga bakas nila, kung hindi sila sumampalataya sa salaysay na ito, dala ng dalamhati.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
إِنَّا جَعَلۡنَا مَا عَلَى ٱلۡأَرۡضِ زِينَةٗ لَّهَا لِنَبۡلُوَهُمۡ أَيُّهُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلٗا
Tunay na Kami ay gumawa sa anumang nasa lupa bilang gayak para rito upang sumubok Kami sa kanila kung alin sa kanila ang pinakamaganda sa gawa.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَإِنَّا لَجَٰعِلُونَ مَا عَلَيۡهَا صَعِيدٗا جُرُزًا
Tunay na Kami ay talagang gagawa sa nasa ibabaw nito na isang lupang tigang.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
أَمۡ حَسِبۡتَ أَنَّ أَصۡحَٰبَ ٱلۡكَهۡفِ وَٱلرَّقِيمِ كَانُواْ مِنۡ ءَايَٰتِنَا عَجَبًا
O nag-akala ka na ang magkakasama sa yungib at pinag-ukitan ay noon kataka-takang kabilang sa mga tanda Namin?
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
إِذۡ أَوَى ٱلۡفِتۡيَةُ إِلَى ٱلۡكَهۡفِ فَقَالُواْ رَبَّنَآ ءَاتِنَا مِن لَّدُنكَ رَحۡمَةٗ وَهَيِّئۡ لَنَا مِنۡ أَمۡرِنَا رَشَدٗا
[Banggitin]noong] nagpakanlong ang mga binata sa yungib[300] saka nagsabi sila: “Panginoon namin, magbigay Ka sa amin ng awa mula sa nasa Iyo at maglaan Ka para sa amin, kaugnay sa nauukol sa amin, ng isang kagabayan.”
[300] dahil tumakas sila, alang-alang sa pananampalataya nila, mula sa mga tagatangging sumampalataya
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَضَرَبۡنَا عَلَىٰٓ ءَاذَانِهِمۡ فِي ٱلۡكَهۡفِ سِنِينَ عَدَدٗا
Kaya nagtakip Kami sa mga tainga nila [para makatulog] sa yungib sa [loob ng] mga taon ayon sa bilang.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
ثُمَّ بَعَثۡنَٰهُمۡ لِنَعۡلَمَ أَيُّ ٱلۡحِزۡبَيۡنِ أَحۡصَىٰ لِمَا لَبِثُوٓاْ أَمَدٗا
Pagkatapos pumukaw Kami sa kanila upang magpaalam Kami kung alin sa dalawang panig ang higit na magaling sa pagtataya sa ipinamalagi nila ayon sa yugto.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
نَّحۡنُ نَقُصُّ عَلَيۡكَ نَبَأَهُم بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّهُمۡ فِتۡيَةٌ ءَامَنُواْ بِرَبِّهِمۡ وَزِدۡنَٰهُمۡ هُدٗى
Kami ay nagsasalaysay sa iyo ng balita sa kanila ayon sa katotohanan. Tunay na sila ay mga binatang sumampalataya sa Panginoon nila. Nagdagdag Kami sa kanila ng patnubay.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَرَبَطۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ إِذۡ قَامُواْ فَقَالُواْ رَبُّنَا رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ لَن نَّدۡعُوَاْ مِن دُونِهِۦٓ إِلَٰهٗاۖ لَّقَدۡ قُلۡنَآ إِذٗا شَطَطًا
Nagpatibay Kami sa mga puso nila noong tumindig sila saka nagsabi:[301] “Ang Panginoon Namin ay ang Panginoon ng mga langit at lupa. Hindi kami mananalangin sa bukod pa sa Kanya bilang diyos [dahil] talaga ngang makapagsasabi Kami, samakatuwid, ng isang pagkalayu-layo [sa katotohanan].”
[301] sa harapan ng haring tagatangging sumampalataya na naninisi sa kanila sa pag-iwan sa pagsamba sa mga anito
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمُنَا ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةٗۖ لَّوۡلَا يَأۡتُونَ عَلَيۡهِم بِسُلۡطَٰنِۭ بَيِّنٖۖ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا
Ang mga ito, ang mga tao namin, ay gumawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga diyos. Bakit kaya hindi sila naghahatid sa mga ito ng isang katunayang malinaw? Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan?
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَإِذِ ٱعۡتَزَلۡتُمُوهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ إِلَّا ٱللَّهَ فَأۡوُۥٓاْ إِلَى ٱلۡكَهۡفِ يَنشُرۡ لَكُمۡ رَبُّكُم مِّن رَّحۡمَتِهِۦ وَيُهَيِّئۡ لَكُم مِّنۡ أَمۡرِكُم مِّرۡفَقٗا
[Nagsabi ang magkakasama]: “Kung nagpakalayu-layo kayo sa kanila at sa anumang sinasamba nila maliban kay Allāh ay kumanlong kayo sa yungib; magpapalaganap para sa inyo ang Panginoon ninyo ng awa Niya at maglalaan Siya para sa inyo kaugnay sa nauukol sa inyo ng isang magagamit.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
۞ وَتَرَى ٱلشَّمۡسَ إِذَا طَلَعَت تَّزَٰوَرُ عَن كَهۡفِهِمۡ ذَاتَ ٱلۡيَمِينِ وَإِذَا غَرَبَت تَّقۡرِضُهُمۡ ذَاتَ ٱلشِّمَالِ وَهُمۡ فِي فَجۡوَةٖ مِّنۡهُۚ ذَٰلِكَ مِنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِۗ مَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلۡمُهۡتَدِۖ وَمَن يُضۡلِلۡ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ وَلِيّٗا مُّرۡشِدٗا
[Kung sakaling naroon ka,] makikita mo ang araw, kapag lumitaw iyon, na humihilig palayo sa yungib nila sa gawing kanan, at kapag lumubog iyon, na lumalampas sa kanila sa gawing kaliwa habang sila ay nasa isang puwang mula roon. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni Allāh. Ang sinumang pinapatnubayan ni Allāh ay siya ang napapatnubayan. Ang sinumang pinaliligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para rito ng isang katangkilik na tagagabay [sa kapatnubayan].
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَتَحۡسَبُهُمۡ أَيۡقَاظٗا وَهُمۡ رُقُودٞۚ وَنُقَلِّبُهُمۡ ذَاتَ ٱلۡيَمِينِ وَذَاتَ ٱلشِّمَالِۖ وَكَلۡبُهُم بَٰسِطٞ ذِرَاعَيۡهِ بِٱلۡوَصِيدِۚ لَوِ ٱطَّلَعۡتَ عَلَيۡهِمۡ لَوَلَّيۡتَ مِنۡهُمۡ فِرَارٗا وَلَمُلِئۡتَ مِنۡهُمۡ رُعۡبٗا
Mag-aakala kang sila ay mga gising samantalang sila ay mga tulog. Nagpapabaling Kami sa kanila sa gawing kanan at sa gawing kaliwa habang ang aso nila ay nakaunat ang dalawang unahang biyas nito sa bungad. Kung sakaling tumingin ka sa kanila ay talaga sanang tumalikod ka mula sa kanila sa pagtakas at talaga sanang napuno ka dahil sa kanila ng hilakbot.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَكَذَٰلِكَ بَعَثۡنَٰهُمۡ لِيَتَسَآءَلُواْ بَيۡنَهُمۡۚ قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ كَمۡ لَبِثۡتُمۡۖ قَالُواْ لَبِثۡنَا يَوۡمًا أَوۡ بَعۡضَ يَوۡمٖۚ قَالُواْ رَبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِمَا لَبِثۡتُمۡ فَٱبۡعَثُوٓاْ أَحَدَكُم بِوَرِقِكُمۡ هَٰذِهِۦٓ إِلَى ٱلۡمَدِينَةِ فَلۡيَنظُرۡ أَيُّهَآ أَزۡكَىٰ طَعَامٗا فَلۡيَأۡتِكُم بِرِزۡقٖ مِّنۡهُ وَلۡيَتَلَطَّفۡ وَلَا يُشۡعِرَنَّ بِكُمۡ أَحَدًا
Gayon din, pumukaw Kami sa kanila upang magtanungan sila sa pagitan nila. May nagsabing isang tagapagsabi kabilang sa kanila: “Gaano katagal kayo namalagi?” Nagsabi sila: “Namalagi kami nang isang araw o isang bahagi ng araw.” Nagsabi pa sila: “Ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa ipinamalagi ninyo. Kaya magpadala kayo ng isa sa inyo kalakip ng salaping pilak ninyong ito sa lungsod saka tumingin siya kung alin doon ang pinakabusilak bilang pagkain saka magdala siya sa inyo ng isang panustos mula rito at magpakaingat-ingat siya. Huwag nga siyang magparamdam hinggil sa inyo sa isa man.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
إِنَّهُمۡ إِن يَظۡهَرُواْ عَلَيۡكُمۡ يَرۡجُمُوكُمۡ أَوۡ يُعِيدُوكُمۡ فِي مِلَّتِهِمۡ وَلَن تُفۡلِحُوٓاْ إِذًا أَبَدٗا
Tunay na sila, kung makababatid sa inyo, ay mambabato sa inyo o magpapanumbalik sa inyo sa kapaniwalaan nila at hindi kayo magtatagumpay, samakatuwid, magpakailanman.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَكَذَٰلِكَ أَعۡثَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ لِيَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَأَنَّ ٱلسَّاعَةَ لَا رَيۡبَ فِيهَآ إِذۡ يَتَنَٰزَعُونَ بَيۡنَهُمۡ أَمۡرَهُمۡۖ فَقَالُواْ ٱبۡنُواْ عَلَيۡهِم بُنۡيَٰنٗاۖ رَّبُّهُمۡ أَعۡلَمُ بِهِمۡۚ قَالَ ٱلَّذِينَ غَلَبُواْ عَلَىٰٓ أَمۡرِهِمۡ لَنَتَّخِذَنَّ عَلَيۡهِم مَّسۡجِدٗا
Gayon din, ipinatuklas sa kanila upang makaalam sila na ang pangako ni Allāh ay totoo at na ang Huling Sandali ay walang pag-aalinlangan doon. [Iyon ay] noong naghihidwaan ang mga ito sa pagitan ng mga ito sa nauukol sa kanila kaya nagsabi ang mga ito: “Magpatayo kayo sa ibabaw nila ng isang gusali. Ang Panginoon nila ay higit na maalam sa kanila.” Nagsabi ang mga nanaig sa usapin nila: “Talagang gagawa nga kami sa ibabaw nila ng isang patirapaan.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
سَيَقُولُونَ ثَلَٰثَةٞ رَّابِعُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ وَيَقُولُونَ خَمۡسَةٞ سَادِسُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ رَجۡمَۢا بِٱلۡغَيۡبِۖ وَيَقُولُونَ سَبۡعَةٞ وَثَامِنُهُمۡ كَلۡبُهُمۡۚ قُل رَّبِّيٓ أَعۡلَمُ بِعِدَّتِهِم مَّا يَعۡلَمُهُمۡ إِلَّا قَلِيلٞۗ فَلَا تُمَارِ فِيهِمۡ إِلَّا مِرَآءٗ ظَٰهِرٗا وَلَا تَسۡتَفۡتِ فِيهِم مِّنۡهُمۡ أَحَدٗا
Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] tatlo, na ang ikaapat sa kanila ay ang aso nila; at magsasabi pa ang mga iyon na [sila ay] lima, na ang ikaanim sa kanila ay ang aso nila – bilang panghuhula sa nakalingid. Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] pito, na ang ikawalo sa kanila ay ang aso nila. Sabihin mo: “Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa bilang nila; walang nakaaalam sa kanila kundi kaunti. Kaya huwag kayong makipagtaltalan hinggil sa kanila [sa bilang] malibang ayon sa pakikipagtaltalang hayag at huwag kayong magsiyasat hinggil sa kanila mula sa mga iyon[302] sa isa man.”
[302] Ibig sabihin: sa mga Hudyo at mga Kristiyano.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَلَا تَقُولَنَّ لِشَاْيۡءٍ إِنِّي فَاعِلٞ ذَٰلِكَ غَدًا
Huwag ka ngang magsasabi sa anuman: “Tunay na ako ay gagawa niyon bukas,”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ وَٱذۡكُر رَّبَّكَ إِذَا نَسِيتَ وَقُلۡ عَسَىٰٓ أَن يَهۡدِيَنِ رَبِّي لِأَقۡرَبَ مِنۡ هَٰذَا رَشَدٗا
maliban na [magsabing] loobin ni Allāh. Alalahanin mo ang Panginoon mo kapag nakalimot ka at sabihin mo: “Harinawang magpatnubay sa akin ang Panginoon ko para sa higit na malapit kaysa rito sa kagabayan.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَلَبِثُواْ فِي كَهۡفِهِمۡ ثَلَٰثَ مِاْئَةٖ سِنِينَ وَٱزۡدَادُواْ تِسۡعٗا
Namalagi sila sa yungib nila nang tatlong daang taon at nadagdagan sila ng siyam.[303]
[303] Ibig sabihin: namalagi sila sa yungib nang 300 taon sa kalendaryong solar at 309 sa kalendaryong lunar.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قُلِ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا لَبِثُواْۖ لَهُۥ غَيۡبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ أَبۡصِرۡ بِهِۦ وَأَسۡمِعۡۚ مَا لَهُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَلِيّٖ وَلَا يُشۡرِكُ فِي حُكۡمِهِۦٓ أَحَدٗا
Sabihin mo: “Si Allāh ay higit na maalam sa tagal ng ipinamalagi nila. Ukol sa Kanya ang [kaalaman sa] nakalingid sa mga langit at lupa. Kay husay ng pagkakita Niya at kay husay ng pagkarinig Niya. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik. Hindi Siya nagpapatambal sa paghahatol Niya ng isa man.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَٱتۡلُ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِن كِتَابِ رَبِّكَۖ لَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَٰتِهِۦ وَلَن تَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلۡتَحَدٗا
Bumigkas ka ng ikinasi sa iyo mula sa Aklat ng Panginoon mo. Walang tagapagpalit sa mga salita Niya at hindi ka makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang madadaupan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَٱصۡبِرۡ نَفۡسَكَ مَعَ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ رَبَّهُم بِٱلۡغَدَوٰةِ وَٱلۡعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجۡهَهُۥۖ وَلَا تَعۡدُ عَيۡنَاكَ عَنۡهُمۡ تُرِيدُ زِينَةَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَا تُطِعۡ مَنۡ أَغۡفَلۡنَا قَلۡبَهُۥ عَن ذِكۡرِنَا وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ وَكَانَ أَمۡرُهُۥ فُرُطٗا
Magpatiis ka ng sarili mo kasama sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at gabi, na nagnanais [ng kaluguran] ng mukha Niya. Huwag lumampas ang dalawang mata mo palayo sa kanila, na nagnanais ng gayak ng buhay na pangmundo. Huwag kang tumalima sa sinumang nagpalingat Kami sa puso niya palayo sa pag-aalaala sa Amin at sumunod sa pithaya niya habang ang nauukol sa kanya ay naging kapabayaan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَقُلِ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكُمۡۖ فَمَن شَآءَ فَلۡيُؤۡمِن وَمَن شَآءَ فَلۡيَكۡفُرۡۚ إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلظَّٰلِمِينَ نَارًا أَحَاطَ بِهِمۡ سُرَادِقُهَاۚ وَإِن يَسۡتَغِيثُواْ يُغَاثُواْ بِمَآءٖ كَٱلۡمُهۡلِ يَشۡوِي ٱلۡوُجُوهَۚ بِئۡسَ ٱلشَّرَابُ وَسَآءَتۡ مُرۡتَفَقًا
Sabihin mo: “Ang katotohanan ay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang lumuob ay sumampalataya siya, at ang sinumang lumuob ay tumanggi siyang sumampalataya.” Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang apoy na papaligid sa kanila ang mga pader nito. Kung magpapasaklolo sila ay sasakloluhan sila ng isang tubig na gaya ng kumukulong langis, na iihaw sa mga mukha nila. Kay saklap ang inumin at kay sagwa ito bilang pahingahan!
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجۡرَ مَنۡ أَحۡسَنَ عَمَلًا
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, tunay na Kami ay hindi nagsasayang sa pabuya sa sinumang nagpaganda ng gawa.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ جَنَّٰتُ عَدۡنٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمُ ٱلۡأَنۡهَٰرُ يُحَلَّوۡنَ فِيهَا مِنۡ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٖ وَيَلۡبَسُونَ ثِيَابًا خُضۡرٗا مِّن سُندُسٖ وَإِسۡتَبۡرَقٖ مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۚ نِعۡمَ ٱلثَّوَابُ وَحَسُنَتۡ مُرۡتَفَقٗا
Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga hardin ng Eden, na dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog, habang ginagayakan sila roon mula sa mga pulseras na ginto at nagsusuot sila ng mga kasuutang luntian mula sa manipis na sutla at makapal na sutla, habang mga nakasandal doon sa mga sopa. Kay inam ang pabuya at kay ganda iyon bilang pahingahan!
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
۞ وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلٗا رَّجُلَيۡنِ جَعَلۡنَا لِأَحَدِهِمَا جَنَّتَيۡنِ مِنۡ أَعۡنَٰبٖ وَحَفَفۡنَٰهُمَا بِنَخۡلٖ وَجَعَلۡنَا بَيۡنَهُمَا زَرۡعٗا
Maglahad ka para sa kanila ng isang paghahalintulad na dalawang lalaki. Nagtalaga Kami para sa isa sa kanilang dalawa ng dalawang hardin ng mga ubas, nagpalibot Kami sa dalawang ito ng mga punong-datiles, at naglagay Kami sa pagitan ng dalawang ito ng mga pananim.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
كِلۡتَا ٱلۡجَنَّتَيۡنِ ءَاتَتۡ أُكُلَهَا وَلَمۡ تَظۡلِم مِّنۡهُ شَيۡـٔٗاۚ وَفَجَّرۡنَا خِلَٰلَهُمَا نَهَرٗا
Ang kapwa hardin ay nagbigay ng bunga nito at hindi nagkulang ito roon ng anuman. Nagpabulwak Kami sa gitna ng dalawang ito ng isang ilog.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَكَانَ لَهُۥ ثَمَرٞ فَقَالَ لِصَٰحِبِهِۦ وَهُوَ يُحَاوِرُهُۥٓ أَنَا۠ أَكۡثَرُ مِنكَ مَالٗا وَأَعَزُّ نَفَرٗا
Nagkaroon siya ng bunga kaya nagsabi siya sa kasamahan niya habang siya ay nakikipagtalakayan dito: “Ako ay higit na marami kaysa sa iyo sa yaman at higit na makapangyarihan sa mga tauhan.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَدَخَلَ جَنَّتَهُۥ وَهُوَ ظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ قَالَ مَآ أَظُنُّ أَن تَبِيدَ هَٰذِهِۦٓ أَبَدٗا
Pumasok siya sa hardin niya habang siya ay lumalabag sa katarungan sa sarili niya. Nagsabi siya: “Hindi ako nagpapalagay na mapupuksa ito magpakailanman.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَمَآ أَظُنُّ ٱلسَّاعَةَ قَآئِمَةٗ وَلَئِن رُّدِدتُّ إِلَىٰ رَبِّي لَأَجِدَنَّ خَيۡرٗا مِّنۡهَا مُنقَلَبٗا
Hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay magaganap. Talagang kung isasauli ako sa Panginoon ko ay talagang makatatagpo nga ako ng higit na mabuti kaysa rito bilang uwian.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ لَهُۥ صَاحِبُهُۥ وَهُوَ يُحَاوِرُهُۥٓ أَكَفَرۡتَ بِٱلَّذِي خَلَقَكَ مِن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ سَوَّىٰكَ رَجُلٗا
Nagsabi sa kanya ang kasamahan niya habang ito ay nakikipagtalakayan sa kanya: “Tumanggi ka bang sumampalataya sa lumikha sa iyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos bumuo sa iyo bilang lalaki?
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
لَّٰكِنَّا۠ هُوَ ٱللَّهُ رَبِّي وَلَآ أُشۡرِكُ بِرَبِّيٓ أَحَدٗا
Subalit Siyang si Allāh ay Panginoon ko, at hindi ako nagtatambal sa Panginoon ko ng isa man.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَلَوۡلَآ إِذۡ دَخَلۡتَ جَنَّتَكَ قُلۡتَ مَا شَآءَ ٱللَّهُ لَا قُوَّةَ إِلَّا بِٱللَّهِۚ إِن تَرَنِ أَنَا۠ أَقَلَّ مِنكَ مَالٗا وَوَلَدٗا
Bakit hindi ka, noong pumasok ka sa hardin mo, nagsabi: “Ang niloob ni Allāh [ay naganap]; walang lakas maliban sa kay Allāh. Kung nakikita mo man ako mismo na higit na kaunti kaysa sa iyo sa yaman at anak,
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَعَسَىٰ رَبِّيٓ أَن يُؤۡتِيَنِ خَيۡرٗا مِّن جَنَّتِكَ وَيُرۡسِلَ عَلَيۡهَا حُسۡبَانٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَتُصۡبِحَ صَعِيدٗا زَلَقًا
marahil ang Panginoon ko ay magbigay sa akin ng higit na mabuti kaysa sa hardin mo at magpadala riyan ng isang sakuna mula sa langit para iyan ay maging isang lupaing madulas,
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
أَوۡ يُصۡبِحَ مَآؤُهَا غَوۡرٗا فَلَن تَسۡتَطِيعَ لَهُۥ طَلَبٗا
o ang tubig niyan ay maging lubog [sa lupa] kaya hindi mo kakayaning makahanap nito.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَأُحِيطَ بِثَمَرِهِۦ فَأَصۡبَحَ يُقَلِّبُ كَفَّيۡهِ عَلَىٰ مَآ أَنفَقَ فِيهَا وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَيَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي لَمۡ أُشۡرِكۡ بِرَبِّيٓ أَحَدٗا
Pumaligid sa mga bunga niya [ang pagkawasak] kaya nagsimula siyang nagbaling-baling ng mga kamay niya [sa panghihinayang] sa ginugol niya roon, samantalang iyon ay gumuho sa mga balag niyon, at nagsasabi: “O kung sana ako ay hindi nagtambal sa Panginoon ko ng isa man!”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَلَمۡ تَكُن لَّهُۥ فِئَةٞ يَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مُنتَصِرًا
Hindi siya nagkaroon ng isang pangkatin na mag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi siya naging isang naiaadya.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
هُنَالِكَ ٱلۡوَلَٰيَةُ لِلَّهِ ٱلۡحَقِّۚ هُوَ خَيۡرٞ ثَوَابٗا وَخَيۡرٌ عُقۡبٗا
Doon, ang pagtangkilik ay ukol kay Allāh, ang Totoo. Siya ay pinakamabuti sa gantimpala at pinakamabuti sa kinahihinatnan [sa Kabilang-buhay].
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا كَمَآءٍ أَنزَلۡنَٰهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَٱخۡتَلَطَ بِهِۦ نَبَاتُ ٱلۡأَرۡضِ فَأَصۡبَحَ هَشِيمٗا تَذۡرُوهُ ٱلرِّيَٰحُۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ مُّقۡتَدِرًا
Maglahad ka para sa kanila ng paghahalintulad sa buhay na pangmundo, na gaya ng tubig na pinababa Namin mula sa langit saka nahalo rito ang halaman ng lupa saka ito ay naging durog na tuyot na ikinakalat ng mga hangin. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Tagakaya.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
ٱلۡمَالُ وَٱلۡبَنُونَ زِينَةُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَٱلۡبَٰقِيَٰتُ ٱلصَّٰلِحَٰتُ خَيۡرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابٗا وَخَيۡرٌ أَمَلٗا
Ang yaman at ang mga anak ay gayak ng buhay na pangmundo samantalang ang mga nanatiling gawang maayos ay higit na mabuti sa ganang Panginoon mo sa gantimpala at higit na mabuti sa pag-asa.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَيَوۡمَ نُسَيِّرُ ٱلۡجِبَالَ وَتَرَى ٱلۡأَرۡضَ بَارِزَةٗ وَحَشَرۡنَٰهُمۡ فَلَمۡ نُغَادِرۡ مِنۡهُمۡ أَحَدٗا
[Banggitin] ang araw na mag-uusad Kami ng mga bundok at makikita mo ang lupa na nakalitaw at kakalap Kami sa kanila saka hindi lilisan sa isa man mula sa kanila.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَعُرِضُواْ عَلَىٰ رَبِّكَ صَفّٗا لَّقَدۡ جِئۡتُمُونَا كَمَا خَلَقۡنَٰكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةِۭۚ بَلۡ زَعَمۡتُمۡ أَلَّن نَّجۡعَلَ لَكُم مَّوۡعِدٗا
Itatanghal sila sa Panginoon mo na nakahanay [at sasabihin:] “Talaga ngang pumunta kayo sa Amin gaya ng nilikha Namin kayo sa unang pagkakataon. Bagkus nag-angkin kayo na hindi Kami gagawa para sa inyo ng isang tipanan [na paggagantihan sa inyo].”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَوُضِعَ ٱلۡكِتَٰبُ فَتَرَى ٱلۡمُجۡرِمِينَ مُشۡفِقِينَ مِمَّا فِيهِ وَيَقُولُونَ يَٰوَيۡلَتَنَا مَالِ هَٰذَا ٱلۡكِتَٰبِ لَا يُغَادِرُ صَغِيرَةٗ وَلَا كَبِيرَةً إِلَّآ أَحۡصَىٰهَاۚ وَوَجَدُواْ مَا عَمِلُواْ حَاضِرٗاۗ وَلَا يَظۡلِمُ رَبُّكَ أَحَدٗا
Ilalagay ang talaan saka makikita mo ang mga salarin habang mga nababagabag dahil sa nasaad dito at magsasabi sila: “O kapighatian sa amin; ano ang mayroon sa talaang ito na hindi lumilisan sa isang maliit ni isang malaki malibang inisa-isa nito iyon.” Matatagpuan nila ang anumang ginawa nila na nakadalo. Hindi lumalabag sa katarungan ang Panginoon mo sa isa man.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ كَانَ مِنَ ٱلۡجِنِّ فَفَسَقَ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِۦٓۗ أَفَتَتَّخِذُونَهُۥ وَذُرِّيَّتَهُۥٓ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِي وَهُمۡ لَكُمۡ عَدُوُّۢۚ بِئۡسَ لِلظَّٰلِمِينَ بَدَلٗا
[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan],” kaya nagpatirapa naman sila maliban si Satanas; siya noon ay kabilang sa mga jinn [hindi mga anghel] ngunit nagpakasuwail siya sa utos ng Panginoon niya. Kaya ba gagawa kayo sa kanya at sa mga supling niya bilang mga katangkilik bukod pa sa Akin, samantalang sila para sa inyo ay kaaway? Kay saklap ito para sa mga tagalabag sa katarungan bilang pamalit!
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
۞ مَّآ أَشۡهَدتُّهُمۡ خَلۡقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَا خَلۡقَ أَنفُسِهِمۡ وَمَا كُنتُ مُتَّخِذَ ٱلۡمُضِلِّينَ عَضُدٗا
Hindi Ko sila pinasaksi sa paglikha sa mga langit at lupa ni sa paglikha sa mga sarili nila. Hindi nangyaring Ako ay gagawa sa mga tagapagligaw bilang mga tagakatig.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَيَوۡمَ يَقُولُ نَادُواْ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ زَعَمۡتُمۡ فَدَعَوۡهُمۡ فَلَمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَهُمۡ وَجَعَلۡنَا بَيۡنَهُم مَّوۡبِقٗا
[Banggitin] ang araw na magsasabi Siya: “Manawagan kayo sa mga katambal sa Akin na inangkin ninyo,” kaya tatawag sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa kanila at maglalagay Kami sa pagitan nila ng isang [lambak ng] kapahamakan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَرَءَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ ٱلنَّارَ فَظَنُّوٓاْ أَنَّهُم مُّوَاقِعُوهَا وَلَمۡ يَجِدُواْ عَنۡهَا مَصۡرِفٗا
Makikita ng mga salarin ng Apoy saka makatitiyak sila na sila ay babagsak doon at hindi sila makatatagpo palayo roon ng isang malilihisan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَا فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ لِلنَّاسِ مِن كُلِّ مَثَلٖۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ أَكۡثَرَ شَيۡءٖ جَدَلٗا
Talaga ngang nagsarisari Kami sa Qur’ān na ito para sa mga tao ng bawat [uri ng] paghahalintulad. Laging ang tao ay pinakamadalas na bagay sa pakikipagtalo.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَمَا مَنَعَ ٱلنَّاسَ أَن يُؤۡمِنُوٓاْ إِذۡ جَآءَهُمُ ٱلۡهُدَىٰ وَيَسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّهُمۡ إِلَّآ أَن تَأۡتِيَهُمۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِينَ أَوۡ يَأۡتِيَهُمُ ٱلۡعَذَابُ قُبُلٗا
Walang pumigil sa mga tao na sumampalataya sila noong dumating sa kanila ang patnubay at humingi sila ng tawad sa Panginoon nila kundi [ang paghiling] na pumunta sa kanila ang kalakaran ng mga sinauna o pumunta sa kanila ang pagdurusa nang harapan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَمَا نُرۡسِلُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَۚ وَيُجَٰدِلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِٱلۡبَٰطِلِ لِيُدۡحِضُواْ بِهِ ٱلۡحَقَّۖ وَٱتَّخَذُوٓاْ ءَايَٰتِي وَمَآ أُنذِرُواْ هُزُوٗا
Hindi Kami nagsusugo ng mga isinugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at bilang mga tagapagbabala. Nakikipagtalo ang mga tumangging sumampalataya [kay Allāh at sa mga sugo] sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Gumawa sila sa mga tanda Ko at sa ibinabala sa kanila bilang pangungutya.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦ فَأَعۡرَضَ عَنۡهَا وَنَسِيَ مَا قَدَّمَتۡ يَدَاهُۚ إِنَّا جَعَلۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ أَكِنَّةً أَن يَفۡقَهُوهُ وَفِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرٗاۖ وَإِن تَدۡعُهُمۡ إِلَى ٱلۡهُدَىٰ فَلَن يَهۡتَدُوٓاْ إِذًا أَبَدٗا
Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang napaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon niya ngunit umayaw siya rito at lumimot siya ipinauna ng mga kamay niya. Tunay na Kami ay naglagay sa mga puso nila ng mga panakip sa pag-unawa nila nito at sa mga tainga nila ng pagkabingi. Kung mag-aanyaya ka sa kanila tungo sa patnubay ay hindi sila mapapatnubayan, samakatuwid, magpakailanman.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَرَبُّكَ ٱلۡغَفُورُ ذُو ٱلرَّحۡمَةِۖ لَوۡ يُؤَاخِذُهُم بِمَا كَسَبُواْ لَعَجَّلَ لَهُمُ ٱلۡعَذَابَۚ بَل لَّهُم مَّوۡعِدٞ لَّن يَجِدُواْ مِن دُونِهِۦ مَوۡئِلٗا
Ang Panginoon mo ay ang Mapagpatawad, ang may awa. Kung sakaling magpapanagot Siya sa kanila dahil sa nakamit nila ay talaga sanang nagpamadali Siya para sa kanila ng pagdurusa. Bagkus ukol sa kanila ay isang tipanang hindi sila makatatagpo bukod pa rito ng isang malulusutan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَتِلۡكَ ٱلۡقُرَىٰٓ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡ لَمَّا ظَلَمُواْ وَجَعَلۡنَا لِمَهۡلِكِهِم مَّوۡعِدٗا
Ang [mga mamamayan ng] mga pamayanang iyon,[304] nagpahamak Kami sa kanila noong lumabag sila sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya] at gumawa Kami para sa pagkakapahamakan nila ng isang tipanan.
[304] ng mga kalipi nina Hūd, Ṣāliḥ, at Shu`ayb
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِفَتَىٰهُ لَآ أَبۡرَحُ حَتَّىٰٓ أَبۡلُغَ مَجۡمَعَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ أَوۡ أَمۡضِيَ حُقُبٗا
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa alila niya [na si Josue]: “Hindi ako lulubay [sa paglalakbay] hanggang sa umabot ako sa pinagtitipunan ng dalawang dagat o isang magpatuloy ako sa mahabang panahon.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَلَمَّا بَلَغَا مَجۡمَعَ بَيۡنِهِمَا نَسِيَا حُوتَهُمَا فَٱتَّخَذَ سَبِيلَهُۥ فِي ٱلۡبَحۡرِ سَرَبٗا
Kaya noong umabot silang dalawa sa pinagtitipunan sa pagitan ng dalawang [dagat] ay nakalimot silang dalawa sa isda nilang dalawa kaya gumawa ito ng landas nito sa dagat nang pailalim.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَلَمَّا جَاوَزَا قَالَ لِفَتَىٰهُ ءَاتِنَا غَدَآءَنَا لَقَدۡ لَقِينَا مِن سَفَرِنَا هَٰذَا نَصَبٗا
Kaya noong lumampas silang dalawa ay nagsabi si Moises sa alila niya [na si Josue]: “Dalhin mo sa atin ang agahan natin. Talaga ngang dumanas tayo mula sa paglalakbay nating ito ng isang pagkapagal.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ أَرَءَيۡتَ إِذۡ أَوَيۡنَآ إِلَى ٱلصَّخۡرَةِ فَإِنِّي نَسِيتُ ٱلۡحُوتَ وَمَآ أَنسَىٰنِيهُ إِلَّا ٱلشَّيۡطَٰنُ أَنۡ أَذۡكُرَهُۥۚ وَٱتَّخَذَ سَبِيلَهُۥ فِي ٱلۡبَحۡرِ عَجَبٗا
Nagsabi [si Josue]: “Nakita mo ba noong kumanlong tayo sa bato sapagkat tunay na ako ay nakalimot sa isda [doon]? Walang nagpalimot sa akin niyon kundi ang demonyo, na bumanggit sana ako niyon. Gumawa iyon ng landas niyon sa dagat nang kataka-taka.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ ذَٰلِكَ مَا كُنَّا نَبۡغِۚ فَٱرۡتَدَّا عَلَىٰٓ ءَاثَارِهِمَا قَصَصٗا
Nagsabi [si Moises]: “Iyon ay ang dati na nating hinahangad.” Kaya bumalik silang dalawa sa mga bakas nilang dalawa sa pagtunton.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَوَجَدَا عَبۡدٗا مِّنۡ عِبَادِنَآ ءَاتَيۡنَٰهُ رَحۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَا وَعَلَّمۡنَٰهُ مِن لَّدُنَّا عِلۡمٗا
Kaya nakatagpo silang dalawa ng isang lingkod [na si Khiḍr] kabilang sa mga lingkod Namin, na nagbigay Kami rito ng awa mula sa ganang Amin at nagturo Kami rito, mula sa nasa Amin, ng kaalaman.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰ هَلۡ أَتَّبِعُكَ عَلَىٰٓ أَن تُعَلِّمَنِ مِمَّا عُلِّمۡتَ رُشۡدٗا
Nagsabi [kay Khiḍr si Moises]: “Susunod kaya ako sa iyo para magturo ka sa akin mula sa itinuro sa iyo bilang gabay?”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا
Nagsabi [si Khiḍr]: “Tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa akin sa pagtitiis.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَكَيۡفَ تَصۡبِرُ عَلَىٰ مَا لَمۡ تُحِطۡ بِهِۦ خُبۡرٗا
Papaano kang magtitiis sa hindi ka nakapaligid doon sa kabatiran?”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ صَابِرٗا وَلَآ أَعۡصِي لَكَ أَمۡرٗا
Nagsabi [si Moises]: “Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na isang magtitiis at hindi ako susuway sa iyo ng isang utos.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ فَإِنِ ٱتَّبَعۡتَنِي فَلَا تَسۡـَٔلۡنِي عَن شَيۡءٍ حَتَّىٰٓ أُحۡدِثَ لَكَ مِنۡهُ ذِكۡرٗا
Nagsabi [si Khiḍr]: “Kaya kung susunod ka sa akin ay huwag kang magtanong sa akin tungkol sa isang bagay hanggang sa magpasimula ako para sa iyo mula rito ng isang pagbanggit.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا رَكِبَا فِي ٱلسَّفِينَةِ خَرَقَهَاۖ قَالَ أَخَرَقۡتَهَا لِتُغۡرِقَ أَهۡلَهَا لَقَدۡ جِئۡتَ شَيۡـًٔا إِمۡرٗا
Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakasakay silang dalawa sa daong ay binutas niyon ito. Nagsabi si Moises: “Binutas mo ba ito upang lumunod ka sa may-ari nito? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na minamasama.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ أَلَمۡ أَقُلۡ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا
Nagsabi [si Khiḍr]: “Hindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa pagtitiis sa akin?”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ لَا تُؤَاخِذۡنِي بِمَا نَسِيتُ وَلَا تُرۡهِقۡنِي مِنۡ أَمۡرِي عُسۡرٗا
Nagsabi [si Moises]: “Huwag kang magpanagot sa akin sa nakalimutan ko at huwag kang magpabigat sa akin sa nauukol sa akin ng isang pahirap.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا لَقِيَا غُلَٰمٗا فَقَتَلَهُۥ قَالَ أَقَتَلۡتَ نَفۡسٗا زَكِيَّةَۢ بِغَيۡرِ نَفۡسٖ لَّقَدۡ جِئۡتَ شَيۡـٔٗا نُّكۡرٗا
Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakasalubong silang dalawa ng isang batang lalaki ay pinatay niya iyon. Nagsabi [si Moises]: “Pumatay ka ba ng isang kaluluwang busilak nang hindi dahil [sa pagpatay nito] sa isang kaluluwa? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na pagkasama-sama.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
۞ قَالَ أَلَمۡ أَقُل لَّكَ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا
Nagsabi [si Khiḍr]: “Hindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa akin sa pagtitiis?”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ إِن سَأَلۡتُكَ عَن شَيۡءِۭ بَعۡدَهَا فَلَا تُصَٰحِبۡنِيۖ قَدۡ بَلَغۡتَ مِن لَّدُنِّي عُذۡرٗا
Nagsabi [si Moises]: “Kung magtatanong ako sa iyo tungkol sa isang bagay matapos nito ay huwag kang makisama sa akin. Nagtamo ka nga mula sa nasa akin ng isang paumanhin.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَآ أَتَيَآ أَهۡلَ قَرۡيَةٍ ٱسۡتَطۡعَمَآ أَهۡلَهَا فَأَبَوۡاْ أَن يُضَيِّفُوهُمَا فَوَجَدَا فِيهَا جِدَارٗا يُرِيدُ أَن يَنقَضَّ فَأَقَامَهُۥۖ قَالَ لَوۡ شِئۡتَ لَتَّخَذۡتَ عَلَيۡهِ أَجۡرٗا
Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakapunta silang dalawa sa mga naninirahan sa isang pamayanan ay humingi silang dalawa ng makakain sa mga naninirahan doon ngunit tumanggi ang mga iyon na tumanggap sa kanilang dalawa bilang panauhin, saka nakatagpo silang dalawa roon ng isang pader na napipintong gumuho kaya itinayo niya iyon. Nagsabi [si Moises]: “Kung sakaling niloob mo ay talagang nakakuha ka para roon ng isang upa.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ هَٰذَا فِرَاقُ بَيۡنِي وَبَيۡنِكَۚ سَأُنَبِّئُكَ بِتَأۡوِيلِ مَا لَمۡ تَسۡتَطِع عَّلَيۡهِ صَبۡرًا
Nagsabi [si Khiḍr]: “Ito ay ang paghihiwalay sa pagitan natin. Magbabalita ako sa iyo hinggil sa pagpapakahulugan ng hindi ka nakakaya roon ng isang pagtitiis.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
أَمَّا ٱلسَّفِينَةُ فَكَانَتۡ لِمَسَٰكِينَ يَعۡمَلُونَ فِي ٱلۡبَحۡرِ فَأَرَدتُّ أَنۡ أَعِيبَهَا وَكَانَ وَرَآءَهُم مَّلِكٞ يَأۡخُذُ كُلَّ سَفِينَةٍ غَصۡبٗا
Hinggil sa daong, iyon ay pag-aari ng mga dukhang nagtatrabaho sa dagat. Kaya nagnais akong puminsala niyon, sa hulihan nila ay may haring nangunguha ng bawat daong bilang pangingikil.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَأَمَّا ٱلۡغُلَٰمُ فَكَانَ أَبَوَاهُ مُؤۡمِنَيۡنِ فَخَشِينَآ أَن يُرۡهِقَهُمَا طُغۡيَٰنٗا وَكُفۡرٗا
Hinggil sa batang lalaki, ang mga magulang niya ay mga mananampalataya kaya natakot kami na magpabigat siya sa kanilang dalawa ng isang pagmamalabis at isang kawalang-pananampalataya.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَأَرَدۡنَآ أَن يُبۡدِلَهُمَا رَبُّهُمَا خَيۡرٗا مِّنۡهُ زَكَوٰةٗ وَأَقۡرَبَ رُحۡمٗا
Kaya nagnais kami na magpalit sa kanilang dalawa ang Panginoon nilang dalawa ng isang higit na mabuti kaysa sa kanya sa kadalisayan at higit na malapit sa pagkaawa [sa mga magulang].
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَأَمَّا ٱلۡجِدَارُ فَكَانَ لِغُلَٰمَيۡنِ يَتِيمَيۡنِ فِي ٱلۡمَدِينَةِ وَكَانَ تَحۡتَهُۥ كَنزٞ لَّهُمَا وَكَانَ أَبُوهُمَا صَٰلِحٗا فَأَرَادَ رَبُّكَ أَن يَبۡلُغَآ أَشُدَّهُمَا وَيَسۡتَخۡرِجَا كَنزَهُمَا رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۚ وَمَا فَعَلۡتُهُۥ عَنۡ أَمۡرِيۚ ذَٰلِكَ تَأۡوِيلُ مَا لَمۡ تَسۡطِع عَّلَيۡهِ صَبۡرٗا
Hinggil sa pader, iyon ay pag-aari ng dalawang batang lalaking ulila sa lungsod. Sa ilalim nito ay may kayaman para sa kanilang dalawa. Ang ama nilang dalawa ay matuwid. Kaya nagnais ang Panginoon mo na umabot silang dalawa sa katindihan nilang dalawa at magpalabas silang dalawa ng kayamanan nilang dalawa bilang awa mula sa Panginoon mo. Hindi ako gumawa niyon dala ng pagkukusa ko. Iyon ay ang pagpapakahulugan ng hindi ka nakakaya roon ng isang pagtitiis.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَن ذِي ٱلۡقَرۡنَيۡنِۖ قُلۡ سَأَتۡلُواْ عَلَيۡكُم مِّنۡهُ ذِكۡرًا
Nagtatanong sila sa iyo tungkol kay Dhulqarnayn. Sabihin mo: “Bibigkas ako sa inyo mula sa kanya ng isang pagbanggit.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
إِنَّا مَكَّنَّا لَهُۥ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَءَاتَيۡنَٰهُ مِن كُلِّ شَيۡءٖ سَبَبٗا
Tunay na Kami ay nagbigay-kapangyarihan para sa kanya sa lupain at nagbigay sa kanya mula sa bawat ng isang daanan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَأَتۡبَعَ سَبَبًا
Kaya sumunod siya sa isang daanan;
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ مَغۡرِبَ ٱلشَّمۡسِ وَجَدَهَا تَغۡرُبُ فِي عَيۡنٍ حَمِئَةٖ وَوَجَدَ عِندَهَا قَوۡمٗاۖ قُلۡنَا يَٰذَا ٱلۡقَرۡنَيۡنِ إِمَّآ أَن تُعَذِّبَ وَإِمَّآ أَن تَتَّخِذَ فِيهِمۡ حُسۡنٗا
hanggang sa nang umabot siya sa lubugan ng araw ay nakatagpo siya rito na [parang] lumulubog sa isang bukal na maburak at nakatagpo siya sa tabi niyon ng mga tao. Nagsabi Kami: O Dhulqarnayn, maaari na magparusa ka at maaari na gumawa ka sa kanila ng isang kagandahan.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ أَمَّا مَن ظَلَمَ فَسَوۡفَ نُعَذِّبُهُۥ ثُمَّ يُرَدُّ إِلَىٰ رَبِّهِۦ فَيُعَذِّبُهُۥ عَذَابٗا نُّكۡرٗا
Nagsabi [si Dhulqarnayn]: “Hinggil sa sinumang lumabag sa katarungan, pagdurusahin namin ito. Pagkatapos isasauli ito sa Panginoon nito saka pagdurusahin Niya ito ng isang pagdurusang pagkasama-sama [sa Impiyerno].
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَأَمَّا مَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَلَهُۥ جَزَآءً ٱلۡحُسۡنَىٰۖ وَسَنَقُولُ لَهُۥ مِنۡ أَمۡرِنَا يُسۡرٗا
Hinggil sa sinumang sumampalataya at gumawa ng gawang maayos, ukol dito bilang ganti ang Pinakamaganda. Magsasabi kami rito mula sa utos namin nang magaan.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
ثُمَّ أَتۡبَعَ سَبَبًا
Pagkatapos sumunod siya sa isang daanan;
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ مَطۡلِعَ ٱلشَّمۡسِ وَجَدَهَا تَطۡلُعُ عَلَىٰ قَوۡمٖ لَّمۡ نَجۡعَل لَّهُم مِّن دُونِهَا سِتۡرٗا
hanggang sa nang umabot siya sa litawan ng araw ay nakatagpo siya rito na [parang] lumilitaw sa mga taong hindi Kami gumawa para sa kanila laban dito ng isang panakip.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
كَذَٰلِكَۖ وَقَدۡ أَحَطۡنَا بِمَا لَدَيۡهِ خُبۡرٗا
Gayon, at pumaligid nga Kami sa anumang taglay niyang kabatiran.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
ثُمَّ أَتۡبَعَ سَبَبًا
Pagkatapos sumunod siya sa isang daanan;
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ بَيۡنَ ٱلسَّدَّيۡنِ وَجَدَ مِن دُونِهِمَا قَوۡمٗا لَّا يَكَادُونَ يَفۡقَهُونَ قَوۡلٗا
hanggang sa nang umabot siya sa pagitan ng dalawang bundok ay nakatagpo siya sa paanan ng dalawang ito ng mga taong hindi halos nakauunawa ng sinasabi.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالُواْ يَٰذَا ٱلۡقَرۡنَيۡنِ إِنَّ يَأۡجُوجَ وَمَأۡجُوجَ مُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَهَلۡ نَجۡعَلُ لَكَ خَرۡجًا عَلَىٰٓ أَن تَجۡعَلَ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَهُمۡ سَدّٗا
Nagsabi sila: “O Dhulqarnayn, tunay na ang Gog at ang Magog ay mga tagagulo sa lupain. Kaya magtatalaga kaya kami para sa iyo ng isang gugulin para gumawa ka sa pagitan namin at nila ng isang saplad?”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ مَا مَكَّنِّي فِيهِ رَبِّي خَيۡرٞ فَأَعِينُونِي بِقُوَّةٍ أَجۡعَلۡ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُمۡ رَدۡمًا
Nasabi [si Dhulqarnayn]: “Ang nagbigay-kapangyarihan sa akin doon ang Panginoon ko ay higit na mabuti [kaysa sa salapi ninyo]; ngunit tulungan ninyo ako ng isang lakas, gagawa ako sa pagitan ninyo at nila ng isang saplad.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
ءَاتُونِي زُبَرَ ٱلۡحَدِيدِۖ حَتَّىٰٓ إِذَا سَاوَىٰ بَيۡنَ ٱلصَّدَفَيۡنِ قَالَ ٱنفُخُواْۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَعَلَهُۥ نَارٗا قَالَ ءَاتُونِيٓ أُفۡرِغۡ عَلَيۡهِ قِطۡرٗا
Magbigay kayo sa akin ng mga kimpal ng bakal.” Hanggang sa nang nagpantay siya sa pagitan ng dalawang bangin ay nagsabi siya: “Umihip kayo.” Hanggang sa nang nakagawa siya rito na apoy ay nagsabi siya: “Magbigay kayo sa akin, magbubuhos ako rito ng lusaw ng tanso.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَمَا ٱسۡطَٰعُوٓاْ أَن يَظۡهَرُوهُ وَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ لَهُۥ نَقۡبٗا
Kaya hindi sila[305] nakakaya na umakyat roon at hindi sila nakakaya roon ng isang paglagos.
[305] Ibig sabihin: ang Gog at ang Magog.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قَالَ هَٰذَا رَحۡمَةٞ مِّن رَّبِّيۖ فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ رَبِّي جَعَلَهُۥ دَكَّآءَۖ وَكَانَ وَعۡدُ رَبِّي حَقّٗا
Nagsabi [si Dhulqarnayn]: “[Ang sagabal na] ito ay isang awa mula sa Panginoon ko; ngunit kapag dumating ang pangako ng Panginoon ko, gagawin Niya itong durog. Laging ang pangako ng Panginoon ko ay totoo.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
۞ وَتَرَكۡنَا بَعۡضَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ يَمُوجُ فِي بَعۡضٖۖ وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَجَمَعۡنَٰهُمۡ جَمۡعٗا
Mag-iiwan Kami sa iba sa kanila sa araw na iyon na dumadaluyong sa iba pa. Iihip sa tambuli saka magtitipon Kami sa kanila sa isang pagkakatipon.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَعَرَضۡنَا جَهَنَّمَ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡكَٰفِرِينَ عَرۡضًا
Maglalahad Kami ng Impiyerno sa araw na iyon para sa mga tagatangging sumampalataya sa isang paglalahad.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
ٱلَّذِينَ كَانَتۡ أَعۡيُنُهُمۡ فِي غِطَآءٍ عَن ذِكۡرِي وَكَانُواْ لَا يَسۡتَطِيعُونَ سَمۡعًا
[Sila] ang mga [taong] dati ang mga mata nila ay nasa isang takip palayo sa pag-aalaala sa Akin at sila dati ay hindi nakakakaya ng isang pagdinig.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
أَفَحَسِبَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَن يَتَّخِذُواْ عِبَادِي مِن دُونِيٓ أَوۡلِيَآءَۚ إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا جَهَنَّمَ لِلۡكَٰفِرِينَ نُزُلٗا
Kaya nag-akala ba ang mga tumangging sumampalataya [kay Allāh] na makagawa sila sa mga alipin Ko bukod pa sa Akin bilang mga katangkilik? Tunay na Kami ay naglaan sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang tuluyan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قُلۡ هَلۡ نُنَبِّئُكُم بِٱلۡأَخۡسَرِينَ أَعۡمَٰلًا
Sabihin mo: “Magbabalita kaya kami sa inyo hinggil sa mga pinakalugi sa mga gawain,
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
ٱلَّذِينَ ضَلَّ سَعۡيُهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَهُمۡ يَحۡسَبُونَ أَنَّهُمۡ يُحۡسِنُونَ صُنۡعًا
na mga nawala ang pinagsumikapan nila sa buhay na pangmundo habang sila ay nag-aakala na sila ay nagpapaganda sa paggawa?
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ وَلِقَآئِهِۦ فَحَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فَلَا نُقِيمُ لَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَزۡنٗا
Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila at pakikipagkita sa Kanya kaya nawalang-kabuluhan ang mga gawain nila saka hindi Kami mag-uukol para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ng isang timbang.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
ذَٰلِكَ جَزَآؤُهُمۡ جَهَنَّمُ بِمَا كَفَرُواْ وَٱتَّخَذُوٓاْ ءَايَٰتِي وَرُسُلِي هُزُوًا
Iyon ay ang ganti sa kanila: Impiyerno, dahil tumanggi silang sumampalataya at gumawa sila sa mga tanda Ko at mga sugo Ko bilang pangungutya.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ كَانَتۡ لَهُمۡ جَنَّٰتُ ٱلۡفِرۡدَوۡسِ نُزُلًا
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magiging ukol sa kanila ang mga Hardin ng Firdaws bilang tuluyan,
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
خَٰلِدِينَ فِيهَا لَا يَبۡغُونَ عَنۡهَا حِوَلٗا
bilang mga mananatili sa mga iyon, na hindi sila maghahangad palayo sa mga iyon ng isang paglipat.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قُل لَّوۡ كَانَ ٱلۡبَحۡرُ مِدَادٗا لِّكَلِمَٰتِ رَبِّي لَنَفِدَ ٱلۡبَحۡرُ قَبۡلَ أَن تَنفَدَ كَلِمَٰتُ رَبِّي وَلَوۡ جِئۡنَا بِمِثۡلِهِۦ مَدَدٗا
Sabihin mo: “Kung sakaling ang dagat ay tinta para sa mga salita ng Panginoon ko, talaga sanang naubos ang dagat bago maubos [isulat] ang mga salita ng Panginoon ko, kahit pa naghatid kami ng tulad nito na tinta.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يُوحَىٰٓ إِلَيَّ أَنَّمَآ إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ فَمَن كَانَ يَرۡجُواْ لِقَآءَ رَبِّهِۦ فَلۡيَعۡمَلۡ عَمَلٗا صَٰلِحٗا وَلَا يُشۡرِكۡ بِعِبَادَةِ رَبِّهِۦٓ أَحَدَۢا
Sabihin mo: “Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man.”
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
 
Ý nghĩa nội dung Chương: Chương Al-Kahf
Mục lục các chương Kinh Số trang
 
Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Dịch thuật tiếng Philippin (Tajaluj) - Mục lục các bản dịch

Bản dịch ý nghĩa nội dung Kinh Qur'an bằng tiếng Philippines (Tagalog), dịch thuật bởi Trung tâm Dịch thuật Rowwad, phối hợp với trang web www.Islamhouse.com

Đóng lại