Dịch nội dung ý nghĩa của Thiên Kinh Qur'an - Dịch thuật tiếng Philippin (Tajaluj) * - Mục lục các bản dịch


Dịch nội dung ý nghĩa Chương kinh: Chương Al-Sajadah
Câu kinh:
 

Chương Al-Sajadah

الٓمٓ
Alif. Lām. Mīm.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ لَا رَيۡبَ فِيهِ مِن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ang pagbababa ng Aklat, walang alinlangan hinggil dito, ay mula sa Panginoon ng mga nilalang.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۚ بَلۡ هُوَ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ لِتُنذِرَ قَوۡمٗا مَّآ أَتَىٰهُم مِّن نَّذِيرٖ مِّن قَبۡلِكَ لَعَلَّهُمۡ يَهۡتَدُونَ
O nagsasabi sila na ginawa-gawa niya ito? Bagkus ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong walang pumunta sa kanila na anumang mapagbabala bago mo pa, nang sa gayon sila ay mapapatnubayan.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ مَا لَكُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَلِيّٖ وَلَا شَفِيعٍۚ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ
Si Allāh ay ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Walang ukol sa inyo bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni mapagpamagitan. Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
يُدَبِّرُ ٱلۡأَمۡرَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ثُمَّ يَعۡرُجُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٖ كَانَ مِقۡدَارُهُۥٓ أَلۡفَ سَنَةٖ مِّمَّا تَعُدُّونَ
Nangangasiwa Siya sa usapin mula sa langit patungo sa lupa, pagkatapos papanik iyon sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay isang libong taon mula sa binibilang ninyo.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
ذَٰلِكَ عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Iyon ay ang Nakaaalam sa Lingid at Nasasaksihan, ang Makapangyarihan, ang Maawain,
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
ٱلَّذِيٓ أَحۡسَنَ كُلَّ شَيۡءٍ خَلَقَهُۥۖ وَبَدَأَ خَلۡقَ ٱلۡإِنسَٰنِ مِن طِينٖ
na nagpaganda sa bawat bagay na nilikha Niya. Nagsimula Siya ng paglikha ng tao mula sa putik.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
ثُمَّ جَعَلَ نَسۡلَهُۥ مِن سُلَٰلَةٖ مِّن مَّآءٖ مَّهِينٖ
Pagkatapos gumawa Siya sa mga inapo nito mula sa isang hinango mula sa isang tubig na hamak.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
ثُمَّ سَوَّىٰهُ وَنَفَخَ فِيهِ مِن رُّوحِهِۦۖ وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِيلٗا مَّا تَشۡكُرُونَ
Pagkatapos humubog Siya rito at umihip Siya rito mula sa espiritu Niya. Gumawa Siya para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo!
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَقَالُوٓاْ أَءِذَا ضَلَلۡنَا فِي ٱلۡأَرۡضِ أَءِنَّا لَفِي خَلۡقٖ جَدِيدِۭۚ بَلۡ هُم بِلِقَآءِ رَبِّهِمۡ كَٰفِرُونَ
Nagsabi sila: "Kapag ba nawala kami sa lupa, tunay bang kami ay talagang [bubuhayin] sa isang paglikhang bago?" Bagkus sila, sa pakikipagkita sa Panginoon nila, ay mga tagatangging sumampalataya.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
۞قُلۡ يَتَوَفَّىٰكُم مَّلَكُ ٱلۡمَوۡتِ ٱلَّذِي وُكِّلَ بِكُمۡ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمۡ تُرۡجَعُونَ
Sabihin mo: "Papapanawin kayo ng anghel ng kamatayan na itinalaga sa inyo, pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo pababalikin kayo."
-
Giải thích tiếng Ả-rập:

وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذِ ٱلۡمُجۡرِمُونَ نَاكِسُواْ رُءُوسِهِمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ رَبَّنَآ أَبۡصَرۡنَا وَسَمِعۡنَا فَٱرۡجِعۡنَا نَعۡمَلۡ صَٰلِحًا إِنَّا مُوقِنُونَ
Kung sakaling nakikita mo kapag ang mga salarin ay mga nakatungo ang mga ulo nila sa piling ng Panginoon nila, [na nagsasabi]: "Panginoon namin, nakakita kami at nakarinig kami. Kaya magpabalik Ka sa amin, gagawa kami ng maayos. Tunay na kami ay mga nakatitiyak."
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَلَوۡ شِئۡنَا لَأٓتَيۡنَا كُلَّ نَفۡسٍ هُدَىٰهَا وَلَٰكِنۡ حَقَّ ٱلۡقَوۡلُ مِنِّي لَأَمۡلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ ٱلۡجِنَّةِ وَٱلنَّاسِ أَجۡمَعِينَ
Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagbigay Kami sa bawat kaluluwa ng patnubay niya, subalit nagindapat ang hatol mula sa Akin: "Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno ng mga jinn at mga tao nang magkakasama.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَذُوقُواْ بِمَا نَسِيتُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَآ إِنَّا نَسِينَٰكُمۡۖ وَذُوقُواْ عَذَابَ ٱلۡخُلۡدِ بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa] dahil lumimot kayo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito. Tunay na Kami ay lilimot sa inyo. Lumasap kayo ng pagdurusa ng kawalang-hanggan dahil sa dati ninyong ginagawa."
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
إِنَّمَا يُؤۡمِنُ بِـَٔايَٰتِنَا ٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُواْ بِهَا خَرُّواْۤ سُجَّدٗاۤ وَسَبَّحُواْ بِحَمۡدِ رَبِّهِمۡ وَهُمۡ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ۩
Sumasampalataya lamang sa mga talata Namin ang mga kapag pinaalalahanan sa mga ito ay bumabagsak na mga nakapatirapa at nagluluwalhati kalakip ng papuri sa Panginoon nila habang sila ay hindi nagmamalaki.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
تَتَجَافَىٰ جُنُوبُهُمۡ عَنِ ٱلۡمَضَاجِعِ يَدۡعُونَ رَبَّهُمۡ خَوۡفٗا وَطَمَعٗا وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ
Naghihiwalayan ang mga tagiliran nila palayo sa mga higaan habang dumadalangin sila sa Panginoon nila dala ng pangamba at paghahangad. Mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَلَا تَعۡلَمُ نَفۡسٞ مَّآ أُخۡفِيَ لَهُم مِّن قُرَّةِ أَعۡيُنٖ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na kasiyahan ng mga mata bilang ganti sa anumang dati nilang ginagawa.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَفَمَن كَانَ مُؤۡمِنٗا كَمَن كَانَ فَاسِقٗاۚ لَّا يَسۡتَوُۥنَ
Kaya ba ang sinumang naging isang mananampalataya ay gaya ng sinumang naging isang suwail? Hindi sila nagkakapantay.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ فَلَهُمۡ جَنَّـٰتُ ٱلۡمَأۡوَىٰ نُزُلَۢا بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Tungkol naman sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga hardin ng kanlungan bilang tuluyan dahil sa dati nilang ginagawa.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ فَسَقُواْ فَمَأۡوَىٰهُمُ ٱلنَّارُۖ كُلَّمَآ أَرَادُوٓاْ أَن يَخۡرُجُواْ مِنۡهَآ أُعِيدُواْ فِيهَا وَقِيلَ لَهُمۡ ذُوقُواْ عَذَابَ ٱلنَّارِ ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
Tungkol naman sa mga nagpakasuwail, ang kanlungan nila ay ang Apoy. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon, pinanunumbalik sila roon at sinasabi sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayo ay nagpapasinungaling dito."
-
Giải thích tiếng Ả-rập:

وَلَنُذِيقَنَّهُم مِّنَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَدۡنَىٰ دُونَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَكۡبَرِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Talagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng pagdurusang pinakamalapit bukod pa sa pagdurusang pinakamalaki, nang sa gayon sila ay babalik.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦ ثُمَّ أَعۡرَضَ عَنۡهَآۚ إِنَّا مِنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَ مُنتَقِمُونَ
Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinaalalahanan sa pamamagitan ng mga tanda ng Panginoon niya, pagkatapos umaayaw sa mga ito? Tunay na Kami sa mga salarin ay maghihiganti.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ فَلَا تَكُن فِي مِرۡيَةٖ مِّن لِّقَآئِهِۦۖ وَجَعَلۡنَٰهُ هُدٗى لِّبَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan sa pakikipagkita sa kanya. Gumawa Kami rito bilang patnubay para sa mga anak ni Israel.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَجَعَلۡنَا مِنۡهُمۡ أَئِمَّةٗ يَهۡدُونَ بِأَمۡرِنَا لَمَّا صَبَرُواْۖ وَكَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يُوقِنُونَ
Gumawa Kami mula sa kanila ng mga pinuno na nagpapatnubay ayon sa kautusan Namin noong nagtiis sila at sila noon sa mga tanda Namin ay nakatitiyak.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَفۡصِلُ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Tunay na ang Panginoon mo ay magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَوَلَمۡ يَهۡدِ لَهُمۡ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ يَمۡشُونَ فِي مَسَٰكِنِهِمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٍۚ أَفَلَا يَسۡمَعُونَ
Hindi ba napaglinawan para sa kanila kung ilan ang ipinahamak Namin bago pa nila kabilang sa mga salinlahi habang naglalakad ang mga iyon sa mga tirahan ng mga iyon? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda; kaya hindi ba sila dumidinig?
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا نَسُوقُ ٱلۡمَآءَ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ٱلۡجُرُزِ فَنُخۡرِجُ بِهِۦ زَرۡعٗا تَأۡكُلُ مِنۡهُ أَنۡعَٰمُهُمۡ وَأَنفُسُهُمۡۚ أَفَلَا يُبۡصِرُونَ
Hindi ba sila nakakita na Kami ay umaakay sa tubig patungo sa lupang tigang saka nagpapalabas Kami sa pamamagitan niyon ng pananim na kumakain mula rito ang mga hayupan nila at ang mga sarili nila? Kaya hindi ba sila tumitingin?
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡفَتۡحُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Nagsasabi sila: "Kailan ang pagsakop na ito kung kayo ay mga tapat?"
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
قُلۡ يَوۡمَ ٱلۡفَتۡحِ لَا يَنفَعُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِيمَٰنُهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ
Sabihin mo: "Sa araw ng pagsakop, hindi magpapakinabang sa mga tumangging sumampalataya ang pagsampalataya nila at hindi sila palulugitan."
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ وَٱنتَظِرۡ إِنَّهُم مُّنتَظِرُونَ
Kaya umayaw ka sa kanila at maghintay ka sa kanila; tunay na sila ay mga naghihintay.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:

 
Dịch nội dung ý nghĩa Chương kinh: Chương Al-Sajadah
Mục lục các chương kinh Số trang
 
Dịch nội dung ý nghĩa của Thiên Kinh Qur'an - Dịch thuật tiếng Philippin (Tajaluj) - Mục lục các bản dịch

Dịch ý nghĩa nội dung Qur'an sang tiếng Philippin (Tajaluj), dịch thuật bởi tập thể Trung tâm dịch thuật Ruwad, với sự hợp tác của trang web www.islamhouse.com

Đóng lại