Dịch nội dung ý nghĩa của Thiên Kinh Qur'an - Dịch thuật tiếng Philippin (Tajaluj) * - Mục lục các bản dịch


Dịch nội dung ý nghĩa Chương kinh: Chương Al-Jathiyah
Câu kinh:
 

Chương Al-Jathiyah

حمٓ
Ḥā. Mīm.
Giải thích tiếng Ả-rập:
تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ
Ang pagbababa ng Aklat ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
Giải thích tiếng Ả-rập:
إِنَّ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na sa mga langit at lupa ay talagang may mga tanda para sa mga mananampalataya.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَفِي خَلۡقِكُمۡ وَمَا يَبُثُّ مِن دَآبَّةٍ ءَايَٰتٞ لِّقَوۡمٖ يُوقِنُونَ
Sa pagkalikha sa inyo at anumang ikinakalat Niya na kumikilos na nilalang ay may mga tanda para sa mga taong nakatitiyak,
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَٱخۡتِلَٰفِ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ وَمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مِن رِّزۡقٖ فَأَحۡيَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَا وَتَصۡرِيفِ ٱلرِّيَٰحِ ءَايَٰتٞ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ
at sa pagsasalitan ng gabi at maghapon, anumang ibinaba ni Allāh mula sa langit na panustos kaya nagbigay-buhay Siya sa pamamagitan niyon sa lupa matapos ng kamatayan nito, at pagpihit sa mga hangin ay may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.
Giải thích tiếng Ả-rập:
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ نَتۡلُوهَا عَلَيۡكَ بِٱلۡحَقِّۖ فَبِأَيِّ حَدِيثِۭ بَعۡدَ ٱللَّهِ وَءَايَٰتِهِۦ يُؤۡمِنُونَ
Ang mga iyon ay mga tanda ni Allāh, na binibigkas sa iyo sa katotohanan. Kaya sa aling pakikipag-usap matapos ni Allāh at sa mga tanda Niya sasampalataya sila?
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَيۡلٞ لِّكُلِّ أَفَّاكٍ أَثِيمٖ
Kapighatian ay ukol sa bawat palasinungaling na makasalanan
Giải thích tiếng Ả-rập:
يَسۡمَعُ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ثُمَّ يُصِرُّ مُسۡتَكۡبِرٗا كَأَن لَّمۡ يَسۡمَعۡهَاۖ فَبَشِّرۡهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٖ
Nakaririnig siya sa mga tanda ni Allāh na binibigkas sa kanya, pagkatapos ay nagpupumilit siya habang nagmamalaki na para bang hindi nakarinig sa mga iyon. Kaya magbalita ka sa kanya hinggil sa isang pagdurusang masakit.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَإِذَا عَلِمَ مِنۡ ءَايَٰتِنَا شَيۡـًٔا ٱتَّخَذَهَا هُزُوًاۚ أُوْلَـٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ
Kapag nakaalam siya mula sa mga tanda ng anuman ay gumagawa siya rito ng isang pangungutya. Ang mga iyon, ukol sa kanila ay isang pagdurusang manghahamak.
Giải thích tiếng Ả-rập:
مِّن وَرَآئِهِمۡ جَهَنَّمُۖ وَلَا يُغۡنِي عَنۡهُم مَّا كَسَبُواْ شَيۡـٔٗا وَلَا مَا ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡلِيَآءَۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Sa unahan nila ay Impiyerno. Hindi makapagdudulot sa kanila ang nakamit nila na anuman ni ang ginawa nila bukod pa kay Allāh bilang mga katangkilik. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mabigat.
Giải thích tiếng Ả-rập:
هَٰذَا هُدٗىۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ لَهُمۡ عَذَابٞ مِّن رِّجۡزٍ أَلِيمٌ
[Ang Qur’an na] ito ay isang patnubay. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila, ukol sa kanila ay isang pagdurusa mula sa pasakit na masakit.
Giải thích tiếng Ả-rập:
۞ٱللَّهُ ٱلَّذِي سَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡبَحۡرَ لِتَجۡرِيَ ٱلۡفُلۡكُ فِيهِ بِأَمۡرِهِۦ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Si Allāh ay ang nagpalingkod para sa inyo ng dagat upang maglayag ang mga daong dito ayon sa utos Niya at upang humanap kayo ng kabutihang-loob Niya at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَسَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا مِّنۡهُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ
Nagpalingkod Siya para sa inyo ng anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa sa kalahatan mula sa Kanya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.
Giải thích tiếng Ả-rập:

قُل لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ يَغۡفِرُواْ لِلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ أَيَّامَ ٱللَّهِ لِيَجۡزِيَ قَوۡمَۢا بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Sabihin mo sa mga sumampalataya na magpatawad sila sa mga hindi umaasa sa mga araw ni Allāh upang gumanti Siya sa mga tao dahil sa dati nilang nakakamit.
Giải thích tiếng Ả-rập:
مَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا فَلِنَفۡسِهِۦۖ وَمَنۡ أَسَآءَ فَعَلَيۡهَاۖ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمۡ تُرۡجَعُونَ
Ang sinumang gumawa ng maayos ay para sa sarili niya; at ang sinumang gumawa ng masagwa ay laban sa sarili. Pagkatapos ay tungo sa Panginoon ninyo panunumbalikin kayo.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحُكۡمَ وَٱلنُّبُوَّةَ وَرَزَقۡنَٰهُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَفَضَّلۡنَٰهُمۡ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ
Talaga ngang nagbigay Kami sa mga anak ni Israel ng kasulatan, paghatol, at pagkapropeta; tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay; at nagtangi Kami sa kanila higit sa mga nilalang.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَءَاتَيۡنَٰهُم بَيِّنَٰتٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡرِۖ فَمَا ٱخۡتَلَفُوٓاْ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۚ إِنَّ رَبَّكَ يَقۡضِي بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Nagbigay Kami sa kanila ng mga malinaw na patunay ng usapin ngunit hindi sila nagkaiba-iba malibang noong matapos na dumating sa kanila ang kaalaman dala ng paglabag sa pagitan nila. Tunay na ang Panginoon mo ay huhusga sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila noon ay nagkakaiba-iba.
Giải thích tiếng Ả-rập:
ثُمَّ جَعَلۡنَٰكَ عَلَىٰ شَرِيعَةٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡرِ فَٱتَّبِعۡهَا وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَ
Pagkatapos ay naglagay Kami sa iyo sa isang batas mula sa kautusan kaya sumunod ka rito at huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga hindi nakaaalam.
Giải thích tiếng Ả-rập:
إِنَّهُمۡ لَن يُغۡنُواْ عَنكَ مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـٔٗاۚ وَإِنَّ ٱلظَّـٰلِمِينَ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلِيَآءُ بَعۡضٖۖ وَٱللَّهُ وَلِيُّ ٱلۡمُتَّقِينَ
Tunay na sila ay hindi makapagdudulot sa iyo laban kay Allāh ng anuman. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan, ang iba sa kanila ay mga katangkilik ng iba pa. Si Allāh ay Mapagtangkilik ng mga tagapangilag magkasala.
Giải thích tiếng Ả-rập:
هَٰذَا بَصَـٰٓئِرُ لِلنَّاسِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّقَوۡمٖ يُوقِنُونَ
[Ang Qur’an na] ito ay mga pagpapatalos sa mga tao, isang patnubay, at isang awa para sa mga taong nakatitiyak.
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَمۡ حَسِبَ ٱلَّذِينَ ٱجۡتَرَحُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ أَن نَّجۡعَلَهُمۡ كَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ سَوَآءٗ مَّحۡيَاهُمۡ وَمَمَاتُهُمۡۚ سَآءَ مَا يَحۡكُمُونَ
O nag-akala ang mga nakagawa ng mga masagwang gawa na magtuturing Kami sa kanila gaya ng mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos na magkapantay ang pagkabuhay nila at ang pagkamatay nila? Sumagwa ang ihinahatol nila!
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَخَلَقَ ٱللَّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّ وَلِتُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Lumikha si Allāh ng mga langit at lupa sa katotohanan at upang gantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan.
Giải thích tiếng Ả-rập:

أَفَرَءَيۡتَ مَنِ ٱتَّخَذَ إِلَٰهَهُۥ هَوَىٰهُ وَأَضَلَّهُ ٱللَّهُ عَلَىٰ عِلۡمٖ وَخَتَمَ عَلَىٰ سَمۡعِهِۦ وَقَلۡبِهِۦ وَجَعَلَ عَلَىٰ بَصَرِهِۦ غِشَٰوَةٗ فَمَن يَهۡدِيهِ مِنۢ بَعۡدِ ٱللَّهِۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Kaya nakakita ka ba sa gumawa bilang diyos niya sa pithaya niya? Nagpaligaw rito si Allāh ayon sa kaalaman, nagpinid Siya sa pandinig nito at puso nito, at naglagay Siya sa paningin nito ng isang takip, kaya sino pa ang papatnubay rito matapos ni Allāh? Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَقَالُواْ مَا هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنۡيَا نَمُوتُ وَنَحۡيَا وَمَا يُهۡلِكُنَآ إِلَّا ٱلدَّهۡرُۚ وَمَا لَهُم بِذَٰلِكَ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِنۡ هُمۡ إِلَّا يَظُنُّونَ
Nagsabi sila: "Walang iba ito kundi ang buhay naming pangmundo; namamatay kami at nabubuhay kami, at walang nagpasawi sa amin kundi ang panahon." Walang ukol sa kanila hinggil doon na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagpapalagay.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ مَّا كَانَ حُجَّتَهُمۡ إِلَّآ أَن قَالُواْ ٱئۡتُواْ بِـَٔابَآئِنَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
At kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay, walang naging iba ang katwiran nila kundi na nagsabi sila: "Maghatid kayo sa amin ng mga ninuno namin, kung kayo ay naging mga tapat."
Giải thích tiếng Ả-rập:
قُلِ ٱللَّهُ يُحۡيِيكُمۡ ثُمَّ يُمِيتُكُمۡ ثُمَّ يَجۡمَعُكُمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا رَيۡبَ فِيهِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Sabihin mo: "Si Allāh ay nagbibigay-buhay sa inyo, pagkatapos ay nagbibigay-kamatayan sa inyo, pagkatapos ay kakalap sa inyo tungo sa Araw ng Pagbangon na walang pagdududa hinggil doon subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam."
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَيَوۡمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ يَوۡمَئِذٖ يَخۡسَرُ ٱلۡمُبۡطِلُونَ
Ukol kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali, sa Araw na iyon ay malulugi ang mga nagpapabula.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَتَرَىٰ كُلَّ أُمَّةٖ جَاثِيَةٗۚ كُلُّ أُمَّةٖ تُدۡعَىٰٓ إِلَىٰ كِتَٰبِهَا ٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَوۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Makakikita ka sa bawat kalipunan na nakaluhod. Bawat kalipunan ay tatawagin sa talaan nito: "Ngayong Araw ay gagantihan kayo sa anumang dati ninyong ginagawa.
Giải thích tiếng Ả-rập:
هَٰذَا كِتَٰبُنَا يَنطِقُ عَلَيۡكُم بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّا كُنَّا نَسۡتَنسِخُ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Ito, ang talaan Namin, ay bibigkasin sa inyo ayon sa katotohanan. Tunay na Kami noon ay nagtatala ng dati ninyong ginagawa."
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ فَيُدۡخِلُهُمۡ رَبُّهُمۡ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡمُبِينُ
Kaya tungkol sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, magpapapasok sa kanila ang Panginoon mo sa awa Niya. Iyon ay ang pagkatamong malinaw.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَفَلَمۡ تَكُنۡ ءَايَٰتِي تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَٱسۡتَكۡبَرۡتُمۡ وَكُنتُمۡ قَوۡمٗا مُّجۡرِمِينَ
Tungkol naman sa mga tumangging sumampalataya, [sasabihin]: "Hindi ba nangyaring ang mga tanda Ko ay binibigkas sa inyo ngunit nagmalaki kayo at kayo noon ay mga taong salarin?
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَإِذَا قِيلَ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَٱلسَّاعَةُ لَا رَيۡبَ فِيهَا قُلۡتُم مَّا نَدۡرِي مَا ٱلسَّاعَةُ إِن نَّظُنُّ إِلَّا ظَنّٗا وَمَا نَحۡنُ بِمُسۡتَيۡقِنِينَ
Kapag sinabi: "Tunay na ang pangako ni Allāh ay katotohanan at ang Huling Sandali ay walang duda hinggil dito,' ay nagsasabi kayo: "Hindi kami nakababatid kung ano ang Huling Sandali. Hindi kami nagpapalagay kundi ng isang pagpapalagay at hindi kami mga nakatitiyak.'"
Giải thích tiếng Ả-rập:

وَبَدَا لَهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا عَمِلُواْ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Matatambad sa kanila ang mga masagwa sa ginawa nila at papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَقِيلَ ٱلۡيَوۡمَ نَنسَىٰكُمۡ كَمَا نَسِيتُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَا وَمَأۡوَىٰكُمُ ٱلنَّارُ وَمَا لَكُم مِّن نَّـٰصِرِينَ
Sasabihin: "Ngayong Araw, lilimot Kami sa inyo gaya ng paglimot ninyo sa pagkikita sa Araw ninyong ito, ang kanlungan ninyo ay ang Apoy, at walang ukol sa inyo na mga tagaadya.
Giải thích tiếng Ả-rập:
ذَٰلِكُم بِأَنَّكُمُ ٱتَّخَذۡتُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ هُزُوٗا وَغَرَّتۡكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَاۚ فَٱلۡيَوۡمَ لَا يُخۡرَجُونَ مِنۡهَا وَلَا هُمۡ يُسۡتَعۡتَبُونَ
Iyon ay dahil kayo ay gumawa sa mga tanda ni Allāh ng isang pangungutya at luminlang sa inyo ang buhay na pangmundo." Kaya sa Araw na iyon, hindi sila ilalabas mula roon at hindi sila hihilinging magpasiya [kay Allāh].
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَلِلَّهِ ٱلۡحَمۡدُ رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَرَبِّ ٱلۡأَرۡضِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Kaya ukol kay Allāh ang papuri, ang Panginoon ng mga langit, ang Panginoon ng lupa, at ang Panginoon ng mga nilalang.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَلَهُ ٱلۡكِبۡرِيَآءُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Sa Kanya ang kadakilaan sa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
Giải thích tiếng Ả-rập:

 
Dịch nội dung ý nghĩa Chương kinh: Chương Al-Jathiyah
Mục lục các chương kinh Số trang
 
Dịch nội dung ý nghĩa của Thiên Kinh Qur'an - Dịch thuật tiếng Philippin (Tajaluj) - Mục lục các bản dịch

Dịch ý nghĩa nội dung Qur'an sang tiếng Philippin (Tajaluj), dịch thuật bởi tập thể Trung tâm dịch thuật Ruwad, với sự hợp tác của trang web www.islamhouse.com

Đóng lại