Dịch nội dung ý nghĩa của Thiên Kinh Qur'an - Dịch thuật tiếng Philippin (Tajaluj) * - Mục lục các bản dịch


Dịch nội dung ý nghĩa Chương kinh: Chương Al-Tawbah
Câu kinh:
 

Chương Al-Tawbah

بَرَآءَةٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦٓ إِلَى ٱلَّذِينَ عَٰهَدتُّم مِّنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
[Ito ay pagpapahayag ng] isang kawalang-kaugnayan, mula kay Allāh at sa Sugo Niya, sa mga nakipagtipan kayo kabilang sa mga tagapagtambal.
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَسِيحُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَرۡبَعَةَ أَشۡهُرٖ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّكُمۡ غَيۡرُ مُعۡجِزِي ٱللَّهِ وَأَنَّ ٱللَّهَ مُخۡزِي ٱلۡكَٰفِرِينَ
Kaya maglakbay kayo sa lupain sa apat na buwan, ngunit alamin ninyo na kayo ay hindi makapagpapahina kay Allāh, at na si Allāh ay magpapahiya sa mga tumatangging sumampalataya.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَأَذَٰنٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦٓ إِلَى ٱلنَّاسِ يَوۡمَ ٱلۡحَجِّ ٱلۡأَكۡبَرِ أَنَّ ٱللَّهَ بَرِيٓءٞ مِّنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ وَرَسُولُهُۥۚ فَإِن تُبۡتُمۡ فَهُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡۖ وَإِن تَوَلَّيۡتُمۡ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّكُمۡ غَيۡرُ مُعۡجِزِي ٱللَّهِۗ وَبَشِّرِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
[Ito ay] isang pagpapahayag, mula kay Allāh at sa Sugo Niya, sa mga tao sa araw ng pinakamalaking ḥajj, na si Allāh ay walang-kaugnayan sa mga tagapagtambal, at ang Sugo Niya. Kaya kung nagbalik-loob kayo, ito ay higit na mabuti para sa inyo; ngunit kung tumalikod kayo ay alamin ninyo na kayo ay hindi makapagpapahina kay Allāh. Balitaan mo ang mga tumangging sumampalataya ng isang pagdurusang masakit.
Giải thích tiếng Ả-rập:
إِلَّا ٱلَّذِينَ عَٰهَدتُّم مِّنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ ثُمَّ لَمۡ يَنقُصُوكُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَمۡ يُظَٰهِرُواْ عَلَيۡكُمۡ أَحَدٗا فَأَتِمُّوٓاْ إِلَيۡهِمۡ عَهۡدَهُمۡ إِلَىٰ مُدَّتِهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُتَّقِينَ
Maliban sa mga nakipagtipan kayo kabilang sa mga tagapagtambal, pagkatapos ay hindi nagkulang sa inyo ng anuman at hindi nakipagtulungan laban sa inyo sa isa man, kaya lubusin ninyo sa kanila ang tipan sa kanila hanggang sa yugto nila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag sa pagkakasala.
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَإِذَا ٱنسَلَخَ ٱلۡأَشۡهُرُ ٱلۡحُرُمُ فَٱقۡتُلُواْ ٱلۡمُشۡرِكِينَ حَيۡثُ وَجَدتُّمُوهُمۡ وَخُذُوهُمۡ وَٱحۡصُرُوهُمۡ وَٱقۡعُدُواْ لَهُمۡ كُلَّ مَرۡصَدٖۚ فَإِن تَابُواْ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَوُاْ ٱلزَّكَوٰةَ فَخَلُّواْ سَبِيلَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Kaya kapag lumipas ang mga buwang pinakababanal ay patayin ninyo ang mga tagapagtambal saanman ninyo sila natagpuan, kunin ninyo sila, kubkubin ninyo sila, at abangan ninyo sila sa bawat tambangan. Ngunit kung nagbalik-loob sila, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh ay hayaan ninyo ang landas nila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَإِنۡ أَحَدٞ مِّنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ ٱسۡتَجَارَكَ فَأَجِرۡهُ حَتَّىٰ يَسۡمَعَ كَلَٰمَ ٱللَّهِ ثُمَّ أَبۡلِغۡهُ مَأۡمَنَهُۥۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَعۡلَمُونَ
Kung may isang kabilang sa mga tagapagtambal na nagpakandili sa iyo ay kandiliin mo siya hanggang sa marinig niya ang pananalita ni Allāh. Pagkatapos ay paabutin mo siya sa pook na ligtas siya. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakaaalam.
Giải thích tiếng Ả-rập:

كَيۡفَ يَكُونُ لِلۡمُشۡرِكِينَ عَهۡدٌ عِندَ ٱللَّهِ وَعِندَ رَسُولِهِۦٓ إِلَّا ٱلَّذِينَ عَٰهَدتُّمۡ عِندَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۖ فَمَا ٱسۡتَقَٰمُواْ لَكُمۡ فَٱسۡتَقِيمُواْ لَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُتَّقِينَ
Papaanong magkakaroon ang mga tagapagtambal ng isang tipan sa ganang kay Allāh at sa ganang Sugo Niya maliban sa mga nakipagtipan kayo sa tabi ng Masjid na Pinakababanal? Kaya hanggat nanatili sila [sa tipan] sa inyo ay manatili kayo [sa tipan] sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag sa pagkakasala.
Giải thích tiếng Ả-rập:
كَيۡفَ وَإِن يَظۡهَرُواْ عَلَيۡكُمۡ لَا يَرۡقُبُواْ فِيكُمۡ إِلّٗا وَلَا ذِمَّةٗۚ يُرۡضُونَكُم بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَتَأۡبَىٰ قُلُوبُهُمۡ وَأَكۡثَرُهُمۡ فَٰسِقُونَ
Papaanong [magkakaroon ng isang tipan] samantalang kung mangingibabaw sila sa inyo ay hindi sila magpapakundangan sa inyo sa pagkakamag-anak ni sa kasunduan. Pinalulugod nila kayo sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang tumatanggi ang mga puso nila. Ang higit na marami sa kanila ay mga suwail.
Giải thích tiếng Ả-rập:
ٱشۡتَرَوۡاْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ ثَمَنٗا قَلِيلٗا فَصَدُّواْ عَن سَبِيلِهِۦٓۚ إِنَّهُمۡ سَآءَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ipinagbili nila ang mga tanda ni Allāh sa isang halagang kakaunti kaya sumagabal sila sa landas Niya. Tunay na sila ay kay sagwa ng ginagawa noon.
Giải thích tiếng Ả-rập:
لَا يَرۡقُبُونَ فِي مُؤۡمِنٍ إِلّٗا وَلَا ذِمَّةٗۚ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُعۡتَدُونَ
Hindi sila magpapakundangan sa isang mananampalataya sa pagkakamag-anak ni sa kasunduan. Ang mga iyon ay ang mga lumalabag.
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَإِن تَابُواْ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَوُاْ ٱلزَّكَوٰةَ فَإِخۡوَٰنُكُمۡ فِي ٱلدِّينِۗ وَنُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Ngunit kung nagbalik-loob sila, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh, mga kapatid ninyo sila sa relihiyon. Masusing ipinaliliwanag Namin ang mga tanda para sa mga taong umaalam.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَإِن نَّكَثُوٓاْ أَيۡمَٰنَهُم مِّنۢ بَعۡدِ عَهۡدِهِمۡ وَطَعَنُواْ فِي دِينِكُمۡ فَقَٰتِلُوٓاْ أَئِمَّةَ ٱلۡكُفۡرِ إِنَّهُمۡ لَآ أَيۡمَٰنَ لَهُمۡ لَعَلَّهُمۡ يَنتَهُونَ
Ngunit kung lumabag sila sa mga sinumpaan nila matapos ng tipan sa kanila at tumuligsa sila sa relihiyon ninyo, makipaglaban kayo sa mga pasimuno ng kawalang-pananampalataya – tunay na sila ay walang mga sinumpaang ukol sa kanila - nang sa gayon sila ay titigil.
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَلَا تُقَٰتِلُونَ قَوۡمٗا نَّكَثُوٓاْ أَيۡمَٰنَهُمۡ وَهَمُّواْ بِإِخۡرَاجِ ٱلرَّسُولِ وَهُم بَدَءُوكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةٍۚ أَتَخۡشَوۡنَهُمۡۚ فَٱللَّهُ أَحَقُّ أَن تَخۡشَوۡهُ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Hindi ba kayo makikipaglaban sa mga taong lumabag sa mga sinumpaan nila at nagbalak ng pagpapalayas sa Sugo samantalang sila ay nagpasimula [sa pakikipag-away] sa inyo sa unang pagkakataon? Kinatatakutan ba ninyo sila gayong si Allāh ay higit na karapat-dapat na katakutan ninyo kung kayo ay mga mananampalataya?
Giải thích tiếng Ả-rập:

قَٰتِلُوهُمۡ يُعَذِّبۡهُمُ ٱللَّهُ بِأَيۡدِيكُمۡ وَيُخۡزِهِمۡ وَيَنصُرۡكُمۡ عَلَيۡهِمۡ وَيَشۡفِ صُدُورَ قَوۡمٖ مُّؤۡمِنِينَ
Makipaglaban kayo sa kanila, magpaparusa sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng mga kamay ninyo, magpapahiya Siya sa kanila, mag-aadya Siya sa inyo laban sa kanila, magpapagaling Siya sa mga dibdib ng mga taong mananampalataya,
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَيُذۡهِبۡ غَيۡظَ قُلُوبِهِمۡۗ وَيَتُوبُ ٱللَّهُ عَلَىٰ مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
at mag-aalis Siya ng ngitngit sa mga puso nila. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَمۡ حَسِبۡتُمۡ أَن تُتۡرَكُواْ وَلَمَّا يَعۡلَمِ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ جَٰهَدُواْ مِنكُمۡ وَلَمۡ يَتَّخِذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلَا رَسُولِهِۦ وَلَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَلِيجَةٗۚ وَٱللَّهُ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
O ipinagpalagay ba ninyo na iiwan kayo samantalang hindi pa nasubok ni Allāh ang mga nakibaka kabilang sa inyo at hindi gumawa sa halip kay Allāh ni sa Sugo ni sa mga mananampalataya ng kapalagayang-loob? Si Allāh ay Tagabatid sa anumang ginagawa ninyo.
Giải thích tiếng Ả-rập:
مَا كَانَ لِلۡمُشۡرِكِينَ أَن يَعۡمُرُواْ مَسَٰجِدَ ٱللَّهِ شَٰهِدِينَ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِم بِٱلۡكُفۡرِۚ أُوْلَـٰٓئِكَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ وَفِي ٱلنَّارِ هُمۡ خَٰلِدُونَ
Hindi ukol sa mga tagapagtambal na magtaguyod sa mga masjid ni Allāh habang mga saksi laban sa mga sarili nila sa kawalang-pananampalataya nila. Ang mga iyon ay bumagsak ang mga gawa nila, at sa Impiyerno sila ay mga mamamalagi.
Giải thích tiếng Ả-rập:
إِنَّمَا يَعۡمُرُ مَسَٰجِدَ ٱللَّهِ مَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَأَقَامَ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَى ٱلزَّكَوٰةَ وَلَمۡ يَخۡشَ إِلَّا ٱللَّهَۖ فَعَسَىٰٓ أُوْلَـٰٓئِكَ أَن يَكُونُواْ مِنَ ٱلۡمُهۡتَدِينَ
Nangangalaga lamang sa mga masjid ni Allāh ang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, nagpapanatili ng pagdarasal at nagbibigay ng zakāh, at hindi natakot kundi kay Allāh. Kaya naman maaasahang ang mga iyon ay maging kabilang sa mga napapatnubayan.
Giải thích tiếng Ả-rập:
۞أَجَعَلۡتُمۡ سِقَايَةَ ٱلۡحَآجِّ وَعِمَارَةَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ كَمَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَجَٰهَدَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۚ لَا يَسۡتَوُۥنَ عِندَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Ginawa ba ninyo ang [nakatalaga sa] pagpapainom sa tagapagsagawa ng ḥajj at sa pagtataguyod sa Masjid na Pinakababanal gaya ng sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at nakibaka ayon sa landas ni Allāh? Hindi sila nagkakapantay sa ganang kay Allāh. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong lumalabag sa katarungan.
Giải thích tiếng Ả-rập:
ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَهَاجَرُواْ وَجَٰهَدُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ أَعۡظَمُ دَرَجَةً عِندَ ٱللَّهِۚ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَآئِزُونَ
Ang mga sumampalataya, lumikas, at nakibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila ay higit na dakila sa antas sa ganang kay Allāh. Ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
Giải thích tiếng Ả-rập:

يُبَشِّرُهُمۡ رَبُّهُم بِرَحۡمَةٖ مِّنۡهُ وَرِضۡوَٰنٖ وَجَنَّـٰتٖ لَّهُمۡ فِيهَا نَعِيمٞ مُّقِيمٌ
Nagbabalita ng nakagagalak sa kanila ang Panginoon nila hinggil sa awa mula sa Kanya, pagkalugod, at mga harding may ukol sa kanila sa mga iyon na kaalwanang mamamalagi,
Giải thích tiếng Ả-rập:
خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥٓ أَجۡرٌ عَظِيمٞ
habang mga mananatili sa mga iyon magpakailanman. Tunay na si Allāh, sa ganang Kanya, ay may pabuyang sukdulan.
Giải thích tiếng Ả-rập:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُوٓاْ ءَابَآءَكُمۡ وَإِخۡوَٰنَكُمۡ أَوۡلِيَآءَ إِنِ ٱسۡتَحَبُّواْ ٱلۡكُفۡرَ عَلَى ٱلۡإِيمَٰنِۚ وَمَن يَتَوَلَّهُم مِّنكُمۡ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّـٰلِمُونَ
O mga sumampalataya, huwag ninyong gawin ang mga magulang ninyo at ang mga kapatid ninyo bilang mga katangkilik kung pakaiibigin nila ang kawalang-pananampalataya higit sa pananampalataya. Ang sinumang tumangkilik sa kanila kabilang sa inyo, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.
Giải thích tiếng Ả-rập:
قُلۡ إِن كَانَ ءَابَآؤُكُمۡ وَأَبۡنَآؤُكُمۡ وَإِخۡوَٰنُكُمۡ وَأَزۡوَٰجُكُمۡ وَعَشِيرَتُكُمۡ وَأَمۡوَٰلٌ ٱقۡتَرَفۡتُمُوهَا وَتِجَٰرَةٞ تَخۡشَوۡنَ كَسَادَهَا وَمَسَٰكِنُ تَرۡضَوۡنَهَآ أَحَبَّ إِلَيۡكُم مِّنَ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَجِهَادٖ فِي سَبِيلِهِۦ فَتَرَبَّصُواْ حَتَّىٰ يَأۡتِيَ ٱللَّهُ بِأَمۡرِهِۦۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Sabihin mo: "Kung ang mga magulang ninyo, ang mga kapatid ninyo, ang mga asawa ninyo, ang angkan ninyo, ang ilang yamang nakamtan ninyo, ang isang pangangalakal na kinatatakutan ninyo ang katumalan nito, at ang ilang tirahang kinalulugdan ninyo ay higit na kaibig-ibig sa inyo kaysa kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa pakikibaka ayon sa landas Niya ay mag-abang kayo hanggang sa magparating si Allāh ng utos Niya." Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.
Giải thích tiếng Ả-rập:
لَقَدۡ نَصَرَكُمُ ٱللَّهُ فِي مَوَاطِنَ كَثِيرَةٖ وَيَوۡمَ حُنَيۡنٍ إِذۡ أَعۡجَبَتۡكُمۡ كَثۡرَتُكُمۡ فَلَمۡ تُغۡنِ عَنكُمۡ شَيۡـٔٗا وَضَاقَتۡ عَلَيۡكُمُ ٱلۡأَرۡضُ بِمَا رَحُبَتۡ ثُمَّ وَلَّيۡتُم مُّدۡبِرِينَ
Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh sa maraming larangan ng labanan, at sa araw ng [labanan sa] Ḥunayn noong nagpahanga sa inyo ang dami ninyo ngunit hindi nagdulot sa inyo ng anuman at sumikip sa inyo ang lupa gayong malawak ito, pagkatapos ay lumisan kayo na mga tumatalikod.
Giải thích tiếng Ả-rập:
ثُمَّ أَنزَلَ ٱللَّهُ سَكِينَتَهُۥ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ وَعَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَأَنزَلَ جُنُودٗا لَّمۡ تَرَوۡهَا وَعَذَّبَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ وَذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Pagkatapos ay nagbaba si Allāh ng kapanatagan Niya sa Sugo Niya at sa mga mananampalataya. Nagbaba Siya ng mga kawal na hindi ninyo nakita. Pinagdusa Niya ang mga tumangging sumampalataya. Iyon ay ang ganti sa mga tumatangging sumampalataya.
Giải thích tiếng Ả-rập:

ثُمَّ يَتُوبُ ٱللَّهُ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ عَلَىٰ مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Pagkatapos ay tumatanggap ng pagbabalik-loob si Allāh matapos niyon sa sinumang loloobin Niya. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Giải thích tiếng Ả-rập:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّمَا ٱلۡمُشۡرِكُونَ نَجَسٞ فَلَا يَقۡرَبُواْ ٱلۡمَسۡجِدَ ٱلۡحَرَامَ بَعۡدَ عَامِهِمۡ هَٰذَاۚ وَإِنۡ خِفۡتُمۡ عَيۡلَةٗ فَسَوۡفَ يُغۡنِيكُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦٓ إِن شَآءَۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
O mga sumampalataya, ang mga tagapagtambal ay salaula lamang kaya huwag silang lumapit sa Masjid na Pinakababanal matapos ng taon nilang ito. Kung nangamba kayo sa paghihikahos ay magpapayaman sa inyo si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya kung niloob Niya. Tunay na si Allāh ay Maalam, Marunong.
Giải thích tiếng Ả-rập:
قَٰتِلُواْ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَلَا بِٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَلَا يُحَرِّمُونَ مَا حَرَّمَ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ وَلَا يَدِينُونَ دِينَ ٱلۡحَقِّ مِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ حَتَّىٰ يُعۡطُواْ ٱلۡجِزۡيَةَ عَن يَدٖ وَهُمۡ صَٰغِرُونَ
Makipaglaban kayo sa mga hindi sumasampalataya kay Allāh ni sa Huling Araw, hindi nagbabawal sa ipinagbawal ni Allāh at ng Sugo Niya, at hindi nagrerelihiyon ng Relihiyon ng katotohanan kabilang sa mga binigyan ng kasulatan hanggang sa magbigay sila ng jizyah nang kusang-loob habang sila ay mga mahihina.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَقَالَتِ ٱلۡيَهُودُ عُزَيۡرٌ ٱبۡنُ ٱللَّهِ وَقَالَتِ ٱلنَّصَٰرَى ٱلۡمَسِيحُ ٱبۡنُ ٱللَّهِۖ ذَٰلِكَ قَوۡلُهُم بِأَفۡوَٰهِهِمۡۖ يُضَٰهِـُٔونَ قَوۡلَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَبۡلُۚ قَٰتَلَهُمُ ٱللَّهُۖ أَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ
Nagsabi ang mga Hudyo: "Si Ezra ay anak ni Allāh," at nagsabi ang mga Kristiyano: "Ang Kristo ay anak ni Allāh." Iyon ay ang sabi nila sa pamamagitan ng mga bibig nila. Gumagaya sila sa sabi ng mga tumangging sumampalataya noong una. Isinumpa sila ni Allāh! Paano silang naililihis?
Giải thích tiếng Ả-rập:
ٱتَّخَذُوٓاْ أَحۡبَارَهُمۡ وَرُهۡبَٰنَهُمۡ أَرۡبَابٗا مِّن دُونِ ٱللَّهِ وَٱلۡمَسِيحَ ٱبۡنَ مَرۡيَمَ وَمَآ أُمِرُوٓاْ إِلَّا لِيَعۡبُدُوٓاْ إِلَٰهٗا وَٰحِدٗاۖ لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ سُبۡحَٰنَهُۥ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Ginawa nila ang mga pantas nila at ang mga pari nila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh at pati na ang Kristo na anak ni Maria samantalang walang ipinag-utos sa kanila kundi sumamba sila sa nag-iisang Diyos – walang Diyos kundi Siya. Napakamaluwalhati Niya kaysa sa mga itinatambal nila!
Giải thích tiếng Ả-rập:

يُرِيدُونَ أَن يُطۡفِـُٔواْ نُورَ ٱللَّهِ بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَيَأۡبَى ٱللَّهُ إِلَّآ أَن يُتِمَّ نُورَهُۥ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Ninanais nila na apulain ang liwanag ni Allāh sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang tumatanggi si Allāh kung hindi Niya malubos ang liwanag Niya, kahit pa nasuklam ang mga tumatangging sumampalataya.
Giải thích tiếng Ả-rập:
هُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ رَسُولَهُۥ بِٱلۡهُدَىٰ وَدِينِ ٱلۡحَقِّ لِيُظۡهِرَهُۥ عَلَى ٱلدِّينِ كُلِّهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُشۡرِكُونَ
Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya dala ang Patnubay at ang relihiyon ng katotohanan upang pangibabawin Niya ito sa relihiyon sa kabuuan, kahit pa man nasuklam ang mga tagpagtambal.
Giải thích tiếng Ả-rập:
۞يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلۡأَحۡبَارِ وَٱلرُّهۡبَانِ لَيَأۡكُلُونَ أَمۡوَٰلَ ٱلنَّاسِ بِٱلۡبَٰطِلِ وَيَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۗ وَٱلَّذِينَ يَكۡنِزُونَ ٱلذَّهَبَ وَٱلۡفِضَّةَ وَلَا يُنفِقُونَهَا فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٖ
O mga sumampalataya, tunay na marami sa mga pantas at mga monghe ay talagang kumakain ng mga yaman ng mga tao ayon sa kabulaanan at sumasagabal sa landas ni Allāh. Ang mga nag-iimbak ng ginto at pilak at hindi gumugugol sa mga ito ayon sa landas ni Allāh ay balitaan mo sila ng isang pagdurusang masakit.
Giải thích tiếng Ả-rập:
يَوۡمَ يُحۡمَىٰ عَلَيۡهَا فِي نَارِ جَهَنَّمَ فَتُكۡوَىٰ بِهَا جِبَاهُهُمۡ وَجُنُوبُهُمۡ وَظُهُورُهُمۡۖ هَٰذَا مَا كَنَزۡتُمۡ لِأَنفُسِكُمۡ فَذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَكۡنِزُونَ
Sa araw na papainitan ang mga ito sa apoy ng Impiyerno at heheruhan sa pamamagitan ng mga ito ang mga noo nila, ang mga tagiliran nila, at ang mga likod nila [at sasabihin]: "Ito ang inimbak ninyo para sa mga sarili ninyo kaya lasapin ninyo ang iniimbak ninyo noon."
Giải thích tiếng Ả-rập:
إِنَّ عِدَّةَ ٱلشُّهُورِ عِندَ ٱللَّهِ ٱثۡنَا عَشَرَ شَهۡرٗا فِي كِتَٰبِ ٱللَّهِ يَوۡمَ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ مِنۡهَآ أَرۡبَعَةٌ حُرُمٞۚ ذَٰلِكَ ٱلدِّينُ ٱلۡقَيِّمُۚ فَلَا تَظۡلِمُواْ فِيهِنَّ أَنفُسَكُمۡۚ وَقَٰتِلُواْ ٱلۡمُشۡرِكِينَ كَآفَّةٗ كَمَا يُقَٰتِلُونَكُمۡ كَآفَّةٗۚ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُتَّقِينَ
Tunay na ang bilang ng mga buwan sa ganang kay Allāh ay labindalawang buwan sa talaan ni Allāh sa araw na nilikha Niya ang mga langit at lupa; kabilang sa mga ito ay apat na pinakababanal. Iyon ay ang relihiyong matuwid kaya huwag kayong lumabag sa mga [buwang] ito sa katarungan sa mga sarili ninyo. Makipaglaban kayo sa mga tagapagtambal nang sama-sama kung paanong nakikipaglaban sila sa inyo nang sama-sama. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama ng mga tagapangilag sa pagkakasala.
Giải thích tiếng Ả-rập:

إِنَّمَا ٱلنَّسِيٓءُ زِيَادَةٞ فِي ٱلۡكُفۡرِۖ يُضَلُّ بِهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُحِلُّونَهُۥ عَامٗا وَيُحَرِّمُونَهُۥ عَامٗا لِّيُوَاطِـُٔواْ عِدَّةَ مَا حَرَّمَ ٱللَّهُ فَيُحِلُّواْ مَا حَرَّمَ ٱللَّهُۚ زُيِّنَ لَهُمۡ سُوٓءُ أَعۡمَٰلِهِمۡۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Ang pag-aantala [sa kabanalan ng buwang pinakababanal] ay isang karagdagan sa kawalang-pananampalataya. Pinaliligaw dahil dito ang mga tumangging sumampalataya. Nagpapahintulot sila nito sa isang taon at nagbabawal sila nito sa [ibang] taon upang itugma nila sa bilang ng ipinagbawal ni Allāh kaya ipinahintulot nila ang ipinagbawal ni Allāh. Pinaganda para sa kanila ang kasagwaan ng mga gawain nila. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tumatangging sumampalataya.
Giải thích tiếng Ả-rập:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَا لَكُمۡ إِذَا قِيلَ لَكُمُ ٱنفِرُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ٱثَّاقَلۡتُمۡ إِلَى ٱلۡأَرۡضِۚ أَرَضِيتُم بِٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا مِنَ ٱلۡأٓخِرَةِۚ فَمَا مَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا فِي ٱلۡأٓخِرَةِ إِلَّا قَلِيلٌ
O mga sumampalataya, ano ang mayroon sa inyo na kapag sinabi sa inyo na humayo kayo ayon sa landas ni Allāh ay kumakapit kayo nang mabigat sa lupa? Nalugod ba kayo sa buhay sa Mundo kaysa sa Kabilang-buhay? Ngunit ano ang kasiyahan ng buhay sa Mundo sa paghahambing sa Kabilang-buhay kundi kakaunti.
Giải thích tiếng Ả-rập:
إِلَّا تَنفِرُواْ يُعَذِّبۡكُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا وَيَسۡتَبۡدِلۡ قَوۡمًا غَيۡرَكُمۡ وَلَا تَضُرُّوهُ شَيۡـٔٗاۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Kung hindi kayo hahayo ay pagdurusahin kayo ni Allāh ng isang pagdurusang masakit, papalitan Niya [kayo] ng mga taong iba sa inyo, at hindi kayo makapipinsala sa Kanya ng anuman. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
Giải thích tiếng Ả-rập:
إِلَّا تَنصُرُوهُ فَقَدۡ نَصَرَهُ ٱللَّهُ إِذۡ أَخۡرَجَهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ثَانِيَ ٱثۡنَيۡنِ إِذۡ هُمَا فِي ٱلۡغَارِ إِذۡ يَقُولُ لِصَٰحِبِهِۦ لَا تَحۡزَنۡ إِنَّ ٱللَّهَ مَعَنَاۖ فَأَنزَلَ ٱللَّهُ سَكِينَتَهُۥ عَلَيۡهِ وَأَيَّدَهُۥ بِجُنُودٖ لَّمۡ تَرَوۡهَا وَجَعَلَ كَلِمَةَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلسُّفۡلَىٰۗ وَكَلِمَةُ ٱللَّهِ هِيَ ٱلۡعُلۡيَاۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Kung hindi kayo mag-aadya sa kanya, nag-adya na sa kanya si Allāh noong nagpalayas sa kanya ang mga tumangging sumampalataya bilang ikalawa sa dalawa noong silang dalawa ay nasa yungib noong nagsasabi siya sa kasamahan niya: "Huwag kang malungkot; tunay na si Allāh ay kasama natin." Kaya nagbaba si Allāh ng katiwasayan Niya rito. Nag-alalay Siya rito ng mga kawal na hindi ninyo nakita. Ginawa Niya ang salita ng mga tumangging sumampalataya bilang pinakamababa. At ang salita ni Allāh ay ang pinakamataas. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
Giải thích tiếng Ả-rập:

ٱنفِرُواْ خِفَافٗا وَثِقَالٗا وَجَٰهِدُواْ بِأَمۡوَٰلِكُمۡ وَأَنفُسِكُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Humayo kayo nang magagaan at mabibigat at makibaka kayo sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo ayon sa landas ni Allāh. Iyon ay mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.
Giải thích tiếng Ả-rập:
لَوۡ كَانَ عَرَضٗا قَرِيبٗا وَسَفَرٗا قَاصِدٗا لَّٱتَّبَعُوكَ وَلَٰكِنۢ بَعُدَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلشُّقَّةُۚ وَسَيَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ لَوِ ٱسۡتَطَعۡنَا لَخَرَجۡنَا مَعَكُمۡ يُهۡلِكُونَ أَنفُسَهُمۡ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ إِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
Kung ito ay naging isang mahihitang malapit o isang paglalakbay na katamtaman, talaga sanang sumunod sila sa iyo, subalit nalayo para sa kanila ang layo. Manunumpa sila kay Allāh: "Kung sakaling nakaya namin ay talaga sanang lumisan kami kasama ninyo," habang nagpapahamak sila sa mga sarili nila. Si Allāh ay nakaaalam na tunay na sila ay talagang mga nagsisinungaling.
Giải thích tiếng Ả-rập:
عَفَا ٱللَّهُ عَنكَ لِمَ أَذِنتَ لَهُمۡ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكَ ٱلَّذِينَ صَدَقُواْ وَتَعۡلَمَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Magpaumanhin si Allāh sa iyo. Bakit ka pumayag sa kanila [na manatili]? [Sana ay] hanggang sa luminaw sa iyo ang mga nagtotoo at nalaman mo ang mga nagsisinungaling.
Giải thích tiếng Ả-rập:
لَا يَسۡتَـٔۡذِنُكَ ٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ أَن يُجَٰهِدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِٱلۡمُتَّقِينَ
Hindi nagpapaalam sa iyo ang mga sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na makibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagapangilag sa pagkakasala.
Giải thích tiếng Ả-rập:
إِنَّمَا يَسۡتَـٔۡذِنُكَ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَٱرۡتَابَتۡ قُلُوبُهُمۡ فَهُمۡ فِي رَيۡبِهِمۡ يَتَرَدَّدُونَ
Nagpaalam lamang sa iyo ang mga hindi sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at nag-aalinlangan ang mga puso nila kaya sila sa pag-aalinlangan nila ay nag-aatubili.
Giải thích tiếng Ả-rập:
۞وَلَوۡ أَرَادُواْ ٱلۡخُرُوجَ لَأَعَدُّواْ لَهُۥ عُدَّةٗ وَلَٰكِن كَرِهَ ٱللَّهُ ٱنۢبِعَاثَهُمۡ فَثَبَّطَهُمۡ وَقِيلَ ٱقۡعُدُواْ مَعَ ٱلۡقَٰعِدِينَ
Kung sakaling ninais nila ang paglisan ay talaga sanang naghanda sila para roon ng isang paghahanda, subalit kinasuklaman ni Allāh ang pagpapadala sa kanila kaya nagpatamlay Siya sa kanila at nagsabi: "Umupo kayo kasama ng mga nakaupo."
Giải thích tiếng Ả-rập:
لَوۡ خَرَجُواْ فِيكُم مَّا زَادُوكُمۡ إِلَّا خَبَالٗا وَلَأَوۡضَعُواْ خِلَٰلَكُمۡ يَبۡغُونَكُمُ ٱلۡفِتۡنَةَ وَفِيكُمۡ سَمَّـٰعُونَ لَهُمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِٱلظَّـٰلِمِينَ
Kung sakaling lumisan sila kasama ninyo ay wala sanang naidagdag sila sa inyo kundi paninira at talaga sanang kumaripas sila [sa paninira] sa gitna ninyo, na naghahangad sa inyo ng sigalot at mayroon sa inyong mga palakinig sa kanila. Si Allāh ay Maalam sa mga lumalabag sa katarungan.
Giải thích tiếng Ả-rập:

لَقَدِ ٱبۡتَغَوُاْ ٱلۡفِتۡنَةَ مِن قَبۡلُ وَقَلَّبُواْ لَكَ ٱلۡأُمُورَ حَتَّىٰ جَآءَ ٱلۡحَقُّ وَظَهَرَ أَمۡرُ ٱللَّهِ وَهُمۡ كَٰرِهُونَ
Talaga ngang naghangad sila ng sigalot noon pa. Binulabog nila sa iyo ang mga usapin hanggang sa dumating ang katotohanan at lumitaw ang atas ni Allāh samantalang sila ay mga nasusuklam.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَمِنۡهُم مَّن يَقُولُ ٱئۡذَن لِّي وَلَا تَفۡتِنِّيٓۚ أَلَا فِي ٱلۡفِتۡنَةِ سَقَطُواْۗ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِيطَةُۢ بِٱلۡكَٰفِرِينَ
Mayroon sa kanila na nagsasabi: "Magpahintulot ka sa akin na magpaiwan at huwag mo akong subukin." Kaingat, sa pagsubok bumagsak sila. Tunay na ang Impiyerno ay talagang papalibot sa mga tumatangging sumampalataya.
Giải thích tiếng Ả-rập:
إِن تُصِبۡكَ حَسَنَةٞ تَسُؤۡهُمۡۖ وَإِن تُصِبۡكَ مُصِيبَةٞ يَقُولُواْ قَدۡ أَخَذۡنَآ أَمۡرَنَا مِن قَبۡلُ وَيَتَوَلَّواْ وَّهُمۡ فَرِحُونَ
Kung dinadapuan ka ng isang maganda ay ikinasasama ng loob nila ito. Kung dinadapuan ka ng isang kasawian ay nagsasabi sila: "Gumawa na kami ng pag-iingat namin dati na," at tumatalikod sila habang sila ay masaya.
Giải thích tiếng Ả-rập:
قُل لَّن يُصِيبَنَآ إِلَّا مَا كَتَبَ ٱللَّهُ لَنَا هُوَ مَوۡلَىٰنَاۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
Sabihin mo: "Walang dadapo sa amin kundi ang itinakda ni Allāh ukol sa amin. Siya ay ang Tagatangkilik namin. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.
Giải thích tiếng Ả-rập:
قُلۡ هَلۡ تَرَبَّصُونَ بِنَآ إِلَّآ إِحۡدَى ٱلۡحُسۡنَيَيۡنِۖ وَنَحۡنُ نَتَرَبَّصُ بِكُمۡ أَن يُصِيبَكُمُ ٱللَّهُ بِعَذَابٖ مِّنۡ عِندِهِۦٓ أَوۡ بِأَيۡدِينَاۖ فَتَرَبَّصُوٓاْ إِنَّا مَعَكُم مُّتَرَبِّصُونَ
Sabihin mo: "Wala kayong inaabangan sa amin kundi ang isa sa dalawang pinakamaganda samantalang kami ay nag-aabang sa inyo na magpadapo sa inyo si Allāh ng isang pagdurusang mula sa ganang Kanya o sa pamamagitan ng mga kamay namin. Kaya mag-abang kayo; tunay na kami ay kasama ninyo na mga nag-aabang."
Giải thích tiếng Ả-rập:
قُلۡ أَنفِقُواْ طَوۡعًا أَوۡ كَرۡهٗا لَّن يُتَقَبَّلَ مِنكُمۡ إِنَّكُمۡ كُنتُمۡ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Sabihin mo: "Gumugol man kayo dala ng pagtalima o pamimilit; hindi ito tatanggapin mula sa inyo. Tunay na kayo ay laging mga taong suwail."
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَمَا مَنَعَهُمۡ أَن تُقۡبَلَ مِنۡهُمۡ نَفَقَٰتُهُمۡ إِلَّآ أَنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِٱللَّهِ وَبِرَسُولِهِۦ وَلَا يَأۡتُونَ ٱلصَّلَوٰةَ إِلَّا وَهُمۡ كُسَالَىٰ وَلَا يُنفِقُونَ إِلَّا وَهُمۡ كَٰرِهُونَ
Walang humadlang sa kanila na tanggapin mula sa kanila ang mga gugol nila kundi dahil sa sila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, hindi pumupunta sa dasal kundi sila ay mga tamad, at hindi gumugugol kundi habang sila ay mga nasusuklam.
Giải thích tiếng Ả-rập:

فَلَا تُعۡجِبۡكَ أَمۡوَٰلُهُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُهُمۡۚ إِنَّمَا يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيُعَذِّبَهُم بِهَا فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَتَزۡهَقَ أَنفُسُهُمۡ وَهُمۡ كَٰفِرُونَ
Kaya huwag magpahanga sa iyo ang mga yaman nila ni ang mga anak nila. Nagnanais lamang si Allāh na pagdusahin sila sa pamamagitan ng mga ito sa buhay sa Mundo at lumisan ang mga kaluluwa nila habang sila ay mga tumatangging sumampalataya.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَيَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ إِنَّهُمۡ لَمِنكُمۡ وَمَا هُم مِّنكُمۡ وَلَٰكِنَّهُمۡ قَوۡمٞ يَفۡرَقُونَ
Nanunumpa sila kay Allāh na tunay na sila ay talagang kabilang sa inyo samantalang hindi sila kabilang sa inyo, subalit sila ay mga taong nahihintakutan.
Giải thích tiếng Ả-rập:
لَوۡ يَجِدُونَ مَلۡجَـًٔا أَوۡ مَغَٰرَٰتٍ أَوۡ مُدَّخَلٗا لَّوَلَّوۡاْ إِلَيۡهِ وَهُمۡ يَجۡمَحُونَ
Kung sakaling nakatatagpo sila ng isang kandilihan o mga yungib o isang pasukan, talaga sanang babaling sila roon habang sila ay humahagibis.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَمِنۡهُم مَّن يَلۡمِزُكَ فِي ٱلصَّدَقَٰتِ فَإِنۡ أُعۡطُواْ مِنۡهَا رَضُواْ وَإِن لَّمۡ يُعۡطَوۡاْ مِنۡهَآ إِذَا هُمۡ يَسۡخَطُونَ
Kabilang sa kanila na ang namumuna sa iyo kaugnay sa mga kawanggawa ngunit kung nabigyan sila mula sa mga ito, malulugod sila. Kung hindi sila nabigyan mula sa mga ito, biglang sila ay naiinis.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَلَوۡ أَنَّهُمۡ رَضُواْ مَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ وَقَالُواْ حَسۡبُنَا ٱللَّهُ سَيُؤۡتِينَا ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦ وَرَسُولُهُۥٓ إِنَّآ إِلَى ٱللَّهِ رَٰغِبُونَ
Kung sakaling sila ay nalugod sa ibinigay sa kanila ni Allāh at ng Sugo Niya at nagsabi: "Sapat na sa amin si Allāh; magbibigay sa amin si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya at ang Sugo Niya. Tunay na kami kay Allāh ay mga nagmimithi."
Giải thích tiếng Ả-rập:
۞إِنَّمَا ٱلصَّدَقَٰتُ لِلۡفُقَرَآءِ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱلۡعَٰمِلِينَ عَلَيۡهَا وَٱلۡمُؤَلَّفَةِ قُلُوبُهُمۡ وَفِي ٱلرِّقَابِ وَٱلۡغَٰرِمِينَ وَفِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِۖ فَرِيضَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
Ang mga kawanggawa ay ukol lamang sa mga maralita, mga dukha, mga manggagawa sa mga ito, at napalulubag-loob ang mga puso, alang-alang sa pagpapalaya ng alipin at mga nagkakautang, ayon sa landas ni Allāh, at manlalakbay na kinapos – isang tungkuling iniatang ni Allāh. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَمِنۡهُمُ ٱلَّذِينَ يُؤۡذُونَ ٱلنَّبِيَّ وَيَقُولُونَ هُوَ أُذُنٞۚ قُلۡ أُذُنُ خَيۡرٖ لَّكُمۡ يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَيُؤۡمِنُ لِلۡمُؤۡمِنِينَ وَرَحۡمَةٞ لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنكُمۡۚ وَٱلَّذِينَ يُؤۡذُونَ رَسُولَ ٱللَّهِ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Kabilang sa kanila ang mga nananakit sa Propeta at nagsasabi: "Siya ay isang tainga [na dumidinig]." Sabihin mo: "[Siya ay] isang tainga [na dumidinig] ng kabutihan para sa inyo, na sumasampalataya kay Allāh, naniniwala sa mga mananampalataya, at awa para sa mga sumampalataya kabilang sa inyo. Ang mga nananakit sa Sugo ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
Giải thích tiếng Ả-rập:

يَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ لَكُمۡ لِيُرۡضُوكُمۡ وَٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥٓ أَحَقُّ أَن يُرۡضُوهُ إِن كَانُواْ مُؤۡمِنِينَ
Sumusumpa sila kay Allāh sa harap ninyo upang palugurin nila kayo samantalang si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na karapat-dapat na palugurin nila kung sila ay mga mananampalataya.
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَلَمۡ يَعۡلَمُوٓاْ أَنَّهُۥ مَن يُحَادِدِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَأَنَّ لَهُۥ نَارَ جَهَنَّمَ خَٰلِدٗا فِيهَاۚ ذَٰلِكَ ٱلۡخِزۡيُ ٱلۡعَظِيمُ
Hindi ba nila nalaman na ang sinumang sumasalangsang kay Allāh at sa Sugo Niya ay ukol sa kanya ang Apoy ng Impiyerno bilang mananatili roon. Iyon ay ang kahihiyang sukdulan.
Giải thích tiếng Ả-rập:
يَحۡذَرُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ أَن تُنَزَّلَ عَلَيۡهِمۡ سُورَةٞ تُنَبِّئُهُم بِمَا فِي قُلُوبِهِمۡۚ قُلِ ٱسۡتَهۡزِءُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ مُخۡرِجٞ مَّا تَحۡذَرُونَ
Nangingilabot ang mga mapagpaimbabaw na magpapababa sa kanila ng isang kabanata na magbabalita sa kanila sa nasa mga puso nila. Sabihin mo: "Mangutya kayo; tunay na si Allāh ay magpapalabas sa pinangingilabutan ninyo."
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَلَئِن سَأَلۡتَهُمۡ لَيَقُولُنَّ إِنَّمَا كُنَّا نَخُوضُ وَنَلۡعَبُۚ قُلۡ أَبِٱللَّهِ وَءَايَٰتِهِۦ وَرَسُولِهِۦ كُنتُمۡ تَسۡتَهۡزِءُونَ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila ay talaga ngang magsasabi: "Kami ay nag-uusap-usap at nagbibiru-biruan lamang." Sabihin mo: "Kay Allāh, sa mga tanda Niya, at sa Sugo Niya ba kayo nangungutya?
Giải thích tiếng Ả-rập:
لَا تَعۡتَذِرُواْ قَدۡ كَفَرۡتُم بَعۡدَ إِيمَٰنِكُمۡۚ إِن نَّعۡفُ عَن طَآئِفَةٖ مِّنكُمۡ نُعَذِّبۡ طَآئِفَةَۢ بِأَنَّهُمۡ كَانُواْ مُجۡرِمِينَ
Huwag kayong magdahilan; tumanggi nga kayong sumampalataya matapos ng pananampalataya ninyo. Kung magpapaumanhin Kami sa isang pangkatin kabilang sa inyo, pagdurusahin naman Namin ang isang pangkatin dahil sila ay mga tagasalansang."
Giải thích tiếng Ả-rập:
ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتُ بَعۡضُهُم مِّنۢ بَعۡضٖۚ يَأۡمُرُونَ بِٱلۡمُنكَرِ وَيَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَقۡبِضُونَ أَيۡدِيَهُمۡۚ نَسُواْ ٱللَّهَ فَنَسِيَهُمۡۚ إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ هُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw ay bahagi ng isa’t-isa sa kanila. Nag-uutos sila ng nakasasama, sumasaway sila sa nakabubuti, at nagkukuyom sila ng mga kamay nila. Kinalimutan nila si Allāh kaya kinalilimutan Niya sila. Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay ang mga suwail.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتِ وَٱلۡكُفَّارَ نَارَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ هِيَ حَسۡبُهُمۡۚ وَلَعَنَهُمُ ٱللَّهُۖ وَلَهُمۡ عَذَابٞ مُّقِيمٞ
Nangako si Allāh sa mga lalaking mapagpaimbabaw, mga babaing mapagpaimbabaw, at tagatangging sumampalataya ng Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Ito ay sapat sa kanila. Isinumpa sila ni Allāh at ukol sa kanila ay isang pagdurusang mamamalagi.
Giải thích tiếng Ả-rập:

كَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ كَانُوٓاْ أَشَدَّ مِنكُمۡ قُوَّةٗ وَأَكۡثَرَ أَمۡوَٰلٗا وَأَوۡلَٰدٗا فَٱسۡتَمۡتَعُواْ بِخَلَٰقِهِمۡ فَٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِخَلَٰقِكُمۡ كَمَا ٱسۡتَمۡتَعَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُم بِخَلَٰقِهِمۡ وَخُضۡتُمۡ كَٱلَّذِي خَاضُوٓاْۚ أُوْلَـٰٓئِكَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۖ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
Gaya ng mga kabilang sa nauna sa inyo, sila noon ay higit na matindi kaysa sa inyo sa lakas at higit na marami sa mga yaman at mga anak kaya nagtamasa sila ng bahagi nila at nagtamasa kayo ng bahagi ninyo kung paanong nagtamasa ang mga kabilang sa nauna sa inyo ng bahagi nila. Sumuong kayo sa gaya ng sinuong nila. Ang mga iyon ay napawalang-bisa ang mga gawa nila sa Mundo sa Kabilang-buhay, at ang mga iyon ay ang mga lugi.
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَلَمۡ يَأۡتِهِمۡ نَبَأُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ قَوۡمِ نُوحٖ وَعَادٖ وَثَمُودَ وَقَوۡمِ إِبۡرَٰهِيمَ وَأَصۡحَٰبِ مَدۡيَنَ وَٱلۡمُؤۡتَفِكَٰتِۚ أَتَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِۖ فَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيَظۡلِمَهُمۡ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ
Hindi ba dumating sa kanila ang balita sa kabilang sa nauna sa kanila, na mga tao ni Noe, `Ad, ni Thamud, mga tao ni Abraham, at mga naninirahan sa Madyan at mga bayang itinaob? Dumating sa kanila ang mga sugo sa kanila dala ang mga patunay na malinaw kaya hindi nangyaring si Allāh ay ukol na lalabag sa katarungan sa kanila subalit sila sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلِيَآءُ بَعۡضٖۚ يَأۡمُرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَيُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَيُطِيعُونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓۚ أُوْلَـٰٓئِكَ سَيَرۡحَمُهُمُ ٱللَّهُۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٞ
Ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ay mga katangkilik ng isa’t isa. Nag-uutos sila sa nakabubuti, sumasaway sila sa nakasasama, nagpapanatili sila ng pagdarasal, nagbibigay sila ng zakāh, at tumatalima sila kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang mga iyon ay kaaawaan sila ni Allāh. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا وَمَسَٰكِنَ طَيِّبَةٗ فِي جَنَّـٰتِ عَدۡنٖۚ وَرِضۡوَٰنٞ مِّنَ ٱللَّهِ أَكۡبَرُۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Nangako si Allāh sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito, at ng mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Eden; at may pagkalugod mula kay Allāh na pinakamalaki. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
Giải thích tiếng Ả-rập:

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ جَٰهِدِ ٱلۡكُفَّارَ وَٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱغۡلُظۡ عَلَيۡهِمۡۚ وَمَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
O Propeta, makibaka ka laban sa mga tumatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw at maghigpit ka sa kanila. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kaaba-aba ang kahahantungan!
Giải thích tiếng Ả-rập:
يَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ مَا قَالُواْ وَلَقَدۡ قَالُواْ كَلِمَةَ ٱلۡكُفۡرِ وَكَفَرُواْ بَعۡدَ إِسۡلَٰمِهِمۡ وَهَمُّواْ بِمَا لَمۡ يَنَالُواْۚ وَمَا نَقَمُوٓاْ إِلَّآ أَنۡ أَغۡنَىٰهُمُ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ مِن فَضۡلِهِۦۚ فَإِن يَتُوبُواْ يَكُ خَيۡرٗا لَّهُمۡۖ وَإِن يَتَوَلَّوۡاْ يُعَذِّبۡهُمُ ٱللَّهُ عَذَابًا أَلِيمٗا فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۚ وَمَا لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ
Sumusumpa sila kay Allāh na hindi sila nagsabi samantalang talaga ngang nagsabi sila ng salita ng kawalang-pananampalataya. Tumanggi silang sumampalataya matapos ng pagyakap nila sa Islām at naghangad sila ng hindi nila natamo. Wala silang ipinaghinanakit malibang nagpayaman sa kanila si Allāh at ang Sugo Niya mula sa kabutihang-loob Niya. Kung magbabalik-loob sila, ito ay magiging mabuti para sa kanila. Kung tatalikod sila; pagdurusahin sila ni Allāh ng isang pagdurusang masakit sa Mundo at Kabilang-buhay. Walang ukol sa kanila sa lupa na isang katangkilik ni isang mapag-adya.
Giải thích tiếng Ả-rập:
۞وَمِنۡهُم مَّنۡ عَٰهَدَ ٱللَّهَ لَئِنۡ ءَاتَىٰنَا مِن فَضۡلِهِۦ لَنَصَّدَّقَنَّ وَلَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ
Kabilang sa kanila ang nakipagtipan kay Allāh, [na nagsabi:] "Talagang kung binigyan Niya kami mula sa kabutihang-loob Niya ay talagang magkakawanggawa nga kami at talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga mabubuti"
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَلَمَّآ ءَاتَىٰهُم مِّن فَضۡلِهِۦ بَخِلُواْ بِهِۦ وَتَوَلَّواْ وَّهُم مُّعۡرِضُونَ
Ngunit noong nagbigay Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya ay nagmaramot sila nito at tumalikod sila samantalang sila ay mga umaayaw.
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَأَعۡقَبَهُمۡ نِفَاقٗا فِي قُلُوبِهِمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ يَلۡقَوۡنَهُۥ بِمَآ أَخۡلَفُواْ ٱللَّهَ مَا وَعَدُوهُ وَبِمَا كَانُواْ يَكۡذِبُونَ
Kaya nagparesulta Siya sa kanila ng pagpapaimbabaw sa mga puso nila hanggang sa araw na makikipagtagpo sila sa Kanya dahil sumira sila kay Allāh sa ipinangako nila sa Kanya at dahil sila noon ay nagsisinungaling.
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَلَمۡ يَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ سِرَّهُمۡ وَنَجۡوَىٰهُمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ عَلَّـٰمُ ٱلۡغُيُوبِ
Hindi ba nila nalaman na si Allāh ay nakaaalam sa lihim nila at sarilinang pag-uusap nila at na si Allāh ay Maalam sa mga lingid?
Giải thích tiếng Ả-rập:
ٱلَّذِينَ يَلۡمِزُونَ ٱلۡمُطَّوِّعِينَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ فِي ٱلصَّدَقَٰتِ وَٱلَّذِينَ لَا يَجِدُونَ إِلَّا جُهۡدَهُمۡ فَيَسۡخَرُونَ مِنۡهُمۡ سَخِرَ ٱللَّهُ مِنۡهُمۡ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Ang mga namimintas sa mga nagkukusang-loob kabilang sa mga mananampalataya kaugnay sa mga kawanggawa at sa mga walang natatagpuan kundi ang pinagpunyagian nila kaya naman nanunuya sila sa mga ito, ay manunuya si Allāh sa kanila at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
Giải thích tiếng Ả-rập:

ٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ أَوۡ لَا تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ إِن تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ سَبۡعِينَ مَرَّةٗ فَلَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Humingi ka ng kapatawaran para sa kanila o huwag kang humingi ng kapatawaran para sa kanila. Kung hihingi ka ng kapatawaran para sa kanila nang pitumpong ulit ay hindi magpapatawad si Allāh sa kanila. Iyon ay dahil sila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَرِحَ ٱلۡمُخَلَّفُونَ بِمَقۡعَدِهِمۡ خِلَٰفَ رَسُولِ ٱللَّهِ وَكَرِهُوٓاْ أَن يُجَٰهِدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَقَالُواْ لَا تَنفِرُواْ فِي ٱلۡحَرِّۗ قُلۡ نَارُ جَهَنَّمَ أَشَدُّ حَرّٗاۚ لَّوۡ كَانُواْ يَفۡقَهُونَ
Natuwa ang mga iniwanan sa pananatili nila dahil sa pag-iwan ng Sugo ni Allāh at nasuklam sila na makibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila ayon sa landas ni Allāh. Nagsabi sila: "Huwag kayong humayo sa init." Sabihin mo: "Ang apoy ng Impiyerno ay higit na matindi sa init kung sakaling sila ay nakauunawa."
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَلۡيَضۡحَكُواْ قَلِيلٗا وَلۡيَبۡكُواْ كَثِيرٗا جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Kaya tumawa sila nang kaunti at umiyak sila nang marami bilang isang ganti sa nakakamit nila noon.
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَإِن رَّجَعَكَ ٱللَّهُ إِلَىٰ طَآئِفَةٖ مِّنۡهُمۡ فَٱسۡتَـٔۡذَنُوكَ لِلۡخُرُوجِ فَقُل لَّن تَخۡرُجُواْ مَعِيَ أَبَدٗا وَلَن تُقَٰتِلُواْ مَعِيَ عَدُوًّاۖ إِنَّكُمۡ رَضِيتُم بِٱلۡقُعُودِ أَوَّلَ مَرَّةٖ فَٱقۡعُدُواْ مَعَ ٱلۡخَٰلِفِينَ
Kaya kung nagpabalik sa iyo si Allāh sa isang pangkatin kabilang sa kanila at nagpaalam sila sa iyo para sa paglisan ay sabihin mo: "Hindi kayo lilisan kasama ko magpakailanman at hindi kayo makikipaglaban kasama ko sa kaaway. Tunay na kayo ay nalugod sa pananatili sa unang pagkakataon kaya manatili kayo kasama ng mga nagpapaiwan."
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَلَا تُصَلِّ عَلَىٰٓ أَحَدٖ مِّنۡهُم مَّاتَ أَبَدٗا وَلَا تَقُمۡ عَلَىٰ قَبۡرِهِۦٓۖ إِنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَمَاتُواْ وَهُمۡ فَٰسِقُونَ
Huwag kang magdasal para sa isa kabilang sa kanila na namatay – kailanman – at huwag kang tumayo sa puntod niya. Tunay na sila ay tumangging manampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at namatay samantalang sila ay mga suwail.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَلَا تُعۡجِبۡكَ أَمۡوَٰلُهُمۡ وَأَوۡلَٰدُهُمۡۚ إِنَّمَا يُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُعَذِّبَهُم بِهَا فِي ٱلدُّنۡيَا وَتَزۡهَقَ أَنفُسُهُمۡ وَهُمۡ كَٰفِرُونَ
Huwag magpahanga sa iyo ang mga yaman nila ni ang mga anak nila. Nagnanais lamang si Allāh na pagdusahin Niya sila sa pamamagitan ng mga ito sa Mundo at lumisan ang mga kaluluwa nila habang sila ay mga tumatangging sumampalataya.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَإِذَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٌ أَنۡ ءَامِنُواْ بِٱللَّهِ وَجَٰهِدُواْ مَعَ رَسُولِهِ ٱسۡتَـٔۡذَنَكَ أُوْلُواْ ٱلطَّوۡلِ مِنۡهُمۡ وَقَالُواْ ذَرۡنَا نَكُن مَّعَ ٱلۡقَٰعِدِينَ
Kapag nagbaba ng isang kabanata, [na nag-uutos:] "Sumampalataya kayo kay Allāh at makibaka kayo kasama ng Sugo Niya," nagpaalam sa iyo ang mga may kaya kabilang sa kanila at nagsabi sila: "Hayaan mo kami, kami ay magiging kasama ng mga nananatili."
Giải thích tiếng Ả-rập:

رَضُواْ بِأَن يَكُونُواْ مَعَ ٱلۡخَوَالِفِ وَطُبِعَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَهُمۡ لَا يَفۡقَهُونَ
Nalugod sila na sila ay maging kasama ng mga nagpapaiwan. Nagpinid sa mga puso nila kaya sila ay hindi nakauunawa.
Giải thích tiếng Ả-rập:
لَٰكِنِ ٱلرَّسُولُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ جَٰهَدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡۚ وَأُوْلَـٰٓئِكَ لَهُمُ ٱلۡخَيۡرَٰتُۖ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Subalit ang Sugo at ang mga sumampalataya kasama niya ay nakibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Ang mga iyon ay magkakaroon ng mga mabuti at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمۡ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Naghanda si Allāh para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ang pagkatamong sukdulan.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَجَآءَ ٱلۡمُعَذِّرُونَ مِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ لِيُؤۡذَنَ لَهُمۡ وَقَعَدَ ٱلَّذِينَ كَذَبُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥۚ سَيُصِيبُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Dumating ang mga nagdadahilan kabilang sa mga Arabeng disyerto upang magpahintulot sa kanila at nanatili naman ang mga nagpasinungaling kay Allāh at sa Sugo Niya. Dadapuan ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
Giải thích tiếng Ả-rập:
لَّيۡسَ عَلَى ٱلضُّعَفَآءِ وَلَا عَلَى ٱلۡمَرۡضَىٰ وَلَا عَلَى ٱلَّذِينَ لَا يَجِدُونَ مَا يُنفِقُونَ حَرَجٌ إِذَا نَصَحُواْ لِلَّهِ وَرَسُولِهِۦۚ مَا عَلَى ٱلۡمُحۡسِنِينَ مِن سَبِيلٖۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Walang maisisi sa mga mahina ni sa mga may-sakit ni sa mga walang natatagpuang maipanggugugol kapag nagpakatapat sila kay Allāh at sa Sugo Niya. Walang daan [sa paninisi] sa mga nagmamagandang-loob. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَلَا عَلَى ٱلَّذِينَ إِذَا مَآ أَتَوۡكَ لِتَحۡمِلَهُمۡ قُلۡتَ لَآ أَجِدُ مَآ أَحۡمِلُكُمۡ عَلَيۡهِ تَوَلَّواْ وَّأَعۡيُنُهُمۡ تَفِيضُ مِنَ ٱلدَّمۡعِ حَزَنًا أَلَّا يَجِدُواْ مَا يُنفِقُونَ
Walang [maisisi] sa mga [taong nagpaiwan na] kapag pumunta sila sa iyo upang pasakayin sila ay nagsabi ka: "Wala akong natatagpuang maipasasakay ko sa inyo." Tumalikod sila habang ang mga mata nila ay nag-uumapaw sa luha bilang pagkalungkot na hindi sila nakatatagpo ng maigugugol nila.
Giải thích tiếng Ả-rập:
۞إِنَّمَا ٱلسَّبِيلُ عَلَى ٱلَّذِينَ يَسۡتَـٔۡذِنُونَكَ وَهُمۡ أَغۡنِيَآءُۚ رَضُواْ بِأَن يَكُونُواْ مَعَ ٱلۡخَوَالِفِ وَطَبَعَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Ang daan [para masisi] ay sa mga nagpapaalam sa iyo [na magpaiwan] samantalang sila ay mga mayaman. Nalugod sila na sila ay maging kasama ng mga nagpapaiwan. Nagpinid si Allāh sa mga puso nila kaya sila ay hindi nakauunawa.
Giải thích tiếng Ả-rập:

يَعۡتَذِرُونَ إِلَيۡكُمۡ إِذَا رَجَعۡتُمۡ إِلَيۡهِمۡۚ قُل لَّا تَعۡتَذِرُواْ لَن نُّؤۡمِنَ لَكُمۡ قَدۡ نَبَّأَنَا ٱللَّهُ مِنۡ أَخۡبَارِكُمۡۚ وَسَيَرَى ٱللَّهُ عَمَلَكُمۡ وَرَسُولُهُۥ ثُمَّ تُرَدُّونَ إِلَىٰ عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Nagdadahi-dahilan sila sa inyo kapag bumalik kayo sa kanila. Sabihin mo: "Huwag kayong magdahi-dahilan; hindi kami maniniwala sa inyo. Nagbalita na sa amin si Allāh ng mga ulat sa inyo. Makakikita si Allāh sa gawa ninyo at ang Sugo Niya, pagkatapos isasauli kayo sa Nakaaalam sa Lingid at Hayag saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa."
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
سَيَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ لَكُمۡ إِذَا ٱنقَلَبۡتُمۡ إِلَيۡهِمۡ لِتُعۡرِضُواْ عَنۡهُمۡۖ فَأَعۡرِضُواْ عَنۡهُمۡۖ إِنَّهُمۡ رِجۡسٞۖ وَمَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Manunumpa sila kay Allāh para sa inyo kapag umuwi kayo sa kanila upang umayaw kayo sa kanila kaya umayaw kayo sa kanila. Tunay na sila ay kasalaulaan. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno bilang ganti sa dati nilang nakakamit.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
يَحۡلِفُونَ لَكُمۡ لِتَرۡضَوۡاْ عَنۡهُمۡۖ فَإِن تَرۡضَوۡاْ عَنۡهُمۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يَرۡضَىٰ عَنِ ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Nanunumpa sila para sa inyo upang malugod kayo sa kanila. Ngunit kung malulugod kayo sa kanila, tunay na si Allāh ay hindi nalulugod sa mga taong suwail.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
ٱلۡأَعۡرَابُ أَشَدُّ كُفۡرٗا وَنِفَاقٗا وَأَجۡدَرُ أَلَّا يَعۡلَمُواْ حُدُودَ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِۦۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
Ang mga Arabeng disyerto ay higit na matindi sa kawalang-pananampalataya at sa pagpapaimbabaw at higit na nababagay na hindi makaalam sa mga hangganan na pinababa ni Allāh sa Sugo Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَمِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ مَن يَتَّخِذُ مَا يُنفِقُ مَغۡرَمٗا وَيَتَرَبَّصُ بِكُمُ ٱلدَّوَآئِرَۚ عَلَيۡهِمۡ دَآئِرَةُ ٱلسَّوۡءِۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٞ
Kabilang sa mga Arabeng disyerto ang nagtuturing sa ginugugol nila bilang pagkakamulta at nag-aabang sa inyo ng mga pananalanta. Sumakanila ang pananalanta ng kasagwaan! Si Allāh ay Madinigin, Maalam.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَمِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ مَن يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَيَتَّخِذُ مَا يُنفِقُ قُرُبَٰتٍ عِندَ ٱللَّهِ وَصَلَوَٰتِ ٱلرَّسُولِۚ أَلَآ إِنَّهَا قُرۡبَةٞ لَّهُمۡۚ سَيُدۡخِلُهُمُ ٱللَّهُ فِي رَحۡمَتِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Kabilang sa mga Arabeng disyerto ang sumasampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay at gumagawa sa ginugugol niya bilang mga pampalapit-loob sa ganang kay Allāh at [pagkamit ng] mga panalangin ng Sugo. Pansinin, tunay na ito ay pampalapit-loob para sa kanila. Magpapasok sa kanila si Allāh sa awa Niya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:

وَٱلسَّـٰبِقُونَ ٱلۡأَوَّلُونَ مِنَ ٱلۡمُهَٰجِرِينَ وَٱلۡأَنصَارِ وَٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُم بِإِحۡسَٰنٖ رَّضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُ وَأَعَدَّ لَهُمۡ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي تَحۡتَهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Ang mga nangungunang kauna-unahan kabilang sa mga lumikas at mga tagaadya at ang mga sumunod sa kanila ayon sa paggawa ng maganda ay nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Naghanda Siya para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ang pagkatamong sukdulan.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَمِمَّنۡ حَوۡلَكُم مِّنَ ٱلۡأَعۡرَابِ مُنَٰفِقُونَۖ وَمِنۡ أَهۡلِ ٱلۡمَدِينَةِ مَرَدُواْ عَلَى ٱلنِّفَاقِ لَا تَعۡلَمُهُمۡۖ نَحۡنُ نَعۡلَمُهُمۡۚ سَنُعَذِّبُهُم مَّرَّتَيۡنِ ثُمَّ يُرَدُّونَ إِلَىٰ عَذَابٍ عَظِيمٖ
Kabilang sa nasa paligid ninyo kabilang sa mga Arabeng disyerto ay mga mapagpaimbabaw at kabilang sa mga naninirahan sa Madīnah. Namihasa sila sa pagpapaimbabaw. Hindi ka nakaaalam sa kanila; Kami ay nakaaalam sa kanila. Pagdurusahin Namin sila nang dalawang ulit, pagkatapos itutulak sila sa isang pagdurusang sukdulan.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَءَاخَرُونَ ٱعۡتَرَفُواْ بِذُنُوبِهِمۡ خَلَطُواْ عَمَلٗا صَٰلِحٗا وَءَاخَرَ سَيِّئًا عَسَى ٱللَّهُ أَن يَتُوبَ عَلَيۡهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ
May mga ibang umamin sa mga pagkakasala nila. Naghalo sila sa isang gawang maayos ng iba pang masagwa. Marahil si Allāh ay tatanggap ng pagbabalik-loob sa kanila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
خُذۡ مِنۡ أَمۡوَٰلِهِمۡ صَدَقَةٗ تُطَهِّرُهُمۡ وَتُزَكِّيهِم بِهَا وَصَلِّ عَلَيۡهِمۡۖ إِنَّ صَلَوٰتَكَ سَكَنٞ لَّهُمۡۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
Kumuha ka mula sa mga yaman nila ng isang kawanggawang magdadalisay sa kanila at magpapalago sa kanila sa pamamagitan nito, at manalangin ka para sa kanila. Tunay na ang panalangin mo ay isang katiwasayan para sa kanila. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَلَمۡ يَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ هُوَ يَقۡبَلُ ٱلتَّوۡبَةَ عَنۡ عِبَادِهِۦ وَيَأۡخُذُ ٱلصَّدَقَٰتِ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ
Hindi ba sila nakaalam na si Allāh ay tumatanggap ng pagbabalik-loob buhat sa mga lingkod Niya at kumukuha sa mga kawanggawa, at na si Allāh ay ang Palatanggap sa pagbabalik-loob, ang Maawain?
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَقُلِ ٱعۡمَلُواْ فَسَيَرَى ٱللَّهُ عَمَلَكُمۡ وَرَسُولُهُۥ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَۖ وَسَتُرَدُّونَ إِلَىٰ عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Sabihin mo: "Gumawa kayo sapagkat makakikita si Allāh sa gawa ninyo, ang Sugo Niya, at ang mga mananampalataya. Ibabalik kayo sa Nakaaalam sa Lingid at Hayag saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa."
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَءَاخَرُونَ مُرۡجَوۡنَ لِأَمۡرِ ٱللَّهِ إِمَّا يُعَذِّبُهُمۡ وَإِمَّا يَتُوبُ عَلَيۡهِمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
May mga ibang inaantala para sa atas ni Allāh: magpaparusa Siya sa kanila o tatanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:

وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مَسۡجِدٗا ضِرَارٗا وَكُفۡرٗا وَتَفۡرِيقَۢا بَيۡنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَإِرۡصَادٗا لِّمَنۡ حَارَبَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ مِن قَبۡلُۚ وَلَيَحۡلِفُنَّ إِنۡ أَرَدۡنَآ إِلَّا ٱلۡحُسۡنَىٰۖ وَٱللَّهُ يَشۡهَدُ إِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
[May] mga gumawa sa isang masjid bilang pamiminsala, bilang kawalang-pananampalataya, bilang paghahati-hati sa pagitan ng mga mananampalataya, at bilang pagtatambang para sa sinumang nakidigma kay Allāh at sa Sugo Niya bago pa niyan. Talagang manunumpa nga sila: "Wala kaming ninais kundi ang pinakamaganda," samantalang si Allāh ay sumasaksi na tunay na sila ay talagang mga sinungaling.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
لَا تَقُمۡ فِيهِ أَبَدٗاۚ لَّمَسۡجِدٌ أُسِّسَ عَلَى ٱلتَّقۡوَىٰ مِنۡ أَوَّلِ يَوۡمٍ أَحَقُّ أَن تَقُومَ فِيهِۚ فِيهِ رِجَالٞ يُحِبُّونَ أَن يَتَطَهَّرُواْۚ وَٱللَّهُ يُحِبُّ ٱلۡمُطَّهِّرِينَ
Huwag kang tumayo sa loob niyon magpakailanman. Talagang ang isang masjid na itinatag sa pangingilag magkasala sa unang araw ay higit na karapat-dapat na tumayo ka sa loob niyon. Doon ay may mga lalaking naiibigang magpakadalisay. Si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakadalisay.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَفَمَنۡ أَسَّسَ بُنۡيَٰنَهُۥ عَلَىٰ تَقۡوَىٰ مِنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٍ خَيۡرٌ أَم مَّنۡ أَسَّسَ بُنۡيَٰنَهُۥ عَلَىٰ شَفَا جُرُفٍ هَارٖ فَٱنۡهَارَ بِهِۦ فِي نَارِ جَهَنَّمَۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Kaya ang nagtatag ba ng gusali niya sa isang pangingilag magkasala kay Allāh at isang pagkalugod ay higit na mabuti, o ang nagtatag ng gusali niya sa bingit ng isang pampang na paguho kaya gumuho ito kalakip sa kanya sa Apoy ng Impiyerno? Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
لَا يَزَالُ بُنۡيَٰنُهُمُ ٱلَّذِي بَنَوۡاْ رِيبَةٗ فِي قُلُوبِهِمۡ إِلَّآ أَن تَقَطَّعَ قُلُوبُهُمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
Hindi titigil ang gusali nilang itinayo nila sa pagiging isang alinlangan sa mga puso nila maliban na magkakapira-piraso ang mga puso nila. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
۞إِنَّ ٱللَّهَ ٱشۡتَرَىٰ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ أَنفُسَهُمۡ وَأَمۡوَٰلَهُم بِأَنَّ لَهُمُ ٱلۡجَنَّةَۚ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَيَقۡتُلُونَ وَيُقۡتَلُونَۖ وَعۡدًا عَلَيۡهِ حَقّٗا فِي ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَٱلۡإِنجِيلِ وَٱلۡقُرۡءَانِۚ وَمَنۡ أَوۡفَىٰ بِعَهۡدِهِۦ مِنَ ٱللَّهِۚ فَٱسۡتَبۡشِرُواْ بِبَيۡعِكُمُ ٱلَّذِي بَايَعۡتُم بِهِۦۚ وَذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Tunay na si Allāh ay bumili mula sa mga mananampalataya ng mga sarili nila at mga yaman nila dahil tataglayin nila ang Paraiso. Nakikipaglaban sila ayon sa landas ni Allāh kaya nakapapatay sila at napapatay sila, bilang pangako [na tutuparin] Niya na totoo sa Torah, Ebanghelyo, at Qur’ān. Sino pa ang higit na palatupad sa kasunduan kaysa kay Allāh? Kaya magalak kayo sa pagbibilihan ninyong nakipagbilihan kayo. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:

ٱلتَّـٰٓئِبُونَ ٱلۡعَٰبِدُونَ ٱلۡحَٰمِدُونَ ٱلسَّـٰٓئِحُونَ ٱلرَّـٰكِعُونَ ٱلسَّـٰجِدُونَ ٱلۡأٓمِرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَٱلنَّاهُونَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَٱلۡحَٰفِظُونَ لِحُدُودِ ٱللَّهِۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
[Sila] ang mga nagbabalik-loob, na mga sumasamba, na mga nagpupuri, na mga nag-aayuno, na mga yumuyukod, na mga nagpapatirapa, na mga nag-uutos sa nakabubuti, na mga sumasaway sa nakasasama, at mga nag-iingat sa mga hangganan ni Allāh. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
مَا كَانَ لِلنَّبِيِّ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَن يَسۡتَغۡفِرُواْ لِلۡمُشۡرِكِينَ وَلَوۡ كَانُوٓاْ أُوْلِي قُرۡبَىٰ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمۡ أَنَّهُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ
Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal kahit pa man ang mga ito ay mga may pagkakamag-anak nang matapos na luminaw para sa kanila na ang mga ito ay mga maninirahan sa Impiyerno.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَمَا كَانَ ٱسۡتِغۡفَارُ إِبۡرَٰهِيمَ لِأَبِيهِ إِلَّا عَن مَّوۡعِدَةٖ وَعَدَهَآ إِيَّاهُ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُۥٓ أَنَّهُۥ عَدُوّٞ لِّلَّهِ تَبَرَّأَ مِنۡهُۚ إِنَّ إِبۡرَٰهِيمَ لَأَوَّـٰهٌ حَلِيمٞ
Walang iba ang paghingi ng tawad ni Abraham para sa ama niya kundi dala ng isang kapangakuang ipinangako niya roon;, ngunit noong luminaw para sa kanya na iyon ay isang kaaway kay Allāh, nagpawalang-kaugnayan siya roon. Tunay na si Abraham ay talagang palataghoy, matimpiin.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُضِلَّ قَوۡمَۢا بَعۡدَ إِذۡ هَدَىٰهُمۡ حَتَّىٰ يُبَيِّنَ لَهُم مَّا يَتَّقُونَۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ
Hindi nangyaring si Allāh ay ukol na magligaw sa mga tao matapos noong nagpatnubay Siya sa kanila hanggang sa nagpalinaw siya sa kanila ng pangingilagan nilang magkasala. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
إِنَّ ٱللَّهَ لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۚ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ
Tunay na si Allāh ay nagtataglay ng paghahari sa mga langit at lupa. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
لَّقَد تَّابَ ٱللَّهُ عَلَى ٱلنَّبِيِّ وَٱلۡمُهَٰجِرِينَ وَٱلۡأَنصَارِ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُ فِي سَاعَةِ ٱلۡعُسۡرَةِ مِنۢ بَعۡدِ مَا كَادَ يَزِيغُ قُلُوبُ فَرِيقٖ مِّنۡهُمۡ ثُمَّ تَابَ عَلَيۡهِمۡۚ إِنَّهُۥ بِهِمۡ رَءُوفٞ رَّحِيمٞ
Talaga ngang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa Propeta, mga lumikas, at mga tagaadya na mga sumunod sa kanya sa oras ng kagipitan nang matapos na halos lumiko ang mga puso ng isang pangkat kabilang sa kanila. Pagkatapos tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila. Tunay na Siya sa kanila ay Mahabagin, Maawain.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:

وَعَلَى ٱلثَّلَٰثَةِ ٱلَّذِينَ خُلِّفُواْ حَتَّىٰٓ إِذَا ضَاقَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَرۡضُ بِمَا رَحُبَتۡ وَضَاقَتۡ عَلَيۡهِمۡ أَنفُسُهُمۡ وَظَنُّوٓاْ أَن لَّا مَلۡجَأَ مِنَ ٱللَّهِ إِلَّآ إِلَيۡهِ ثُمَّ تَابَ عَلَيۡهِمۡ لِيَتُوبُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ
[Nagpatawad Siya] sa tatlo na iniwan hanggang sa nang sumikip sa kanila ang lupa sa kabila ng luwang nito, sumikip sa kanila ang mga sarili nila, at nakatiyak sila na walang kalingaan laban kay Allāh kundi tungo sa Kanya. Pagkatapos tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila upang makapagbalik-loob sila. Tunay na si Allāh ay ang Palatanggap ng pagsisisi, ang Maawain.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَكُونُواْ مَعَ ٱلصَّـٰدِقِينَ
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at maging kasama kayo sa mga tapat.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
مَا كَانَ لِأَهۡلِ ٱلۡمَدِينَةِ وَمَنۡ حَوۡلَهُم مِّنَ ٱلۡأَعۡرَابِ أَن يَتَخَلَّفُواْ عَن رَّسُولِ ٱللَّهِ وَلَا يَرۡغَبُواْ بِأَنفُسِهِمۡ عَن نَّفۡسِهِۦۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ لَا يُصِيبُهُمۡ ظَمَأٞ وَلَا نَصَبٞ وَلَا مَخۡمَصَةٞ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَا يَطَـُٔونَ مَوۡطِئٗا يَغِيظُ ٱلۡكُفَّارَ وَلَا يَنَالُونَ مِنۡ عَدُوّٖ نَّيۡلًا إِلَّا كُتِبَ لَهُم بِهِۦ عَمَلٞ صَٰلِحٌۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Hindi naging ukol sa mga naninirahan sa Madīnah at sinumang nasa palibot nila kabilang sa mga Arabeng disyerto na magpaiwan sila palayo sa Sugo ni Allāh ni magtangi sila sa mga sarili nila kaysa sa sarili niya. Iyon ay dahil sila ay hindi dinadapuan ng isang pagkauhaw ni ng isang pagkapagal ni ng isang pagkagutom dahil sa landas ni Allāh, hindi humahakbang ng isang hakbang na nagpapangitngit sa mga tagatangging sumampalataya, at hindi nagtatamo mula sa kaaway ng isang kapinsalaan malibang may itinala para sa kanila dahil doon na isang gawang maayos. Tunay na si Allāh ay hindi magwawala ng pabuya sa mga tagagawa ng maganda.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَلَا يُنفِقُونَ نَفَقَةٗ صَغِيرَةٗ وَلَا كَبِيرَةٗ وَلَا يَقۡطَعُونَ وَادِيًا إِلَّا كُتِبَ لَهُمۡ لِيَجۡزِيَهُمُ ٱللَّهُ أَحۡسَنَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Hindi sila gumugugol ng isang guguling maliit ni malaki at hindi sila tumatawid ng isang lambak malibang itinala para sa kanila upang gumanti sa kanila si Allāh ng higit na maganda sa dati nilang ginagawa.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
۞وَمَا كَانَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ لِيَنفِرُواْ كَآفَّةٗۚ فَلَوۡلَا نَفَرَ مِن كُلِّ فِرۡقَةٖ مِّنۡهُمۡ طَآئِفَةٞ لِّيَتَفَقَّهُواْ فِي ٱلدِّينِ وَلِيُنذِرُواْ قَوۡمَهُمۡ إِذَا رَجَعُوٓاْ إِلَيۡهِمۡ لَعَلَّهُمۡ يَحۡذَرُونَ
Hindi nangyaring ang mga mananampalataya ay ukol na humayo sa kalahatan. Kaya bakit kasi hindi humayo mula sa bawat pulutong kabilang sa kanila ang isang pangkatin upang magpakaunawa sa relihiyon [ang mga naiwan] at upang magbabala sila sa mga tao nila kapag bumalik ang mga ito tungo sa kanila, nang sa gayon ang mga ito ay mag-iingat.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ قَٰتِلُواْ ٱلَّذِينَ يَلُونَكُم مِّنَ ٱلۡكُفَّارِ وَلۡيَجِدُواْ فِيكُمۡ غِلۡظَةٗۚ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُتَّقِينَ
O mga sumampalataya, makipaglaban kayo sa mga nalalapit sa inyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at makatagpo sila sa inyo ng kabagsikan. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama sa mga tagapangilag magkasala.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَإِذَا مَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٞ فَمِنۡهُم مَّن يَقُولُ أَيُّكُمۡ زَادَتۡهُ هَٰذِهِۦٓ إِيمَٰنٗاۚ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ فَزَادَتۡهُمۡ إِيمَٰنٗا وَهُمۡ يَسۡتَبۡشِرُونَ
Kapag may pinababa na isang kabanata ay mayroon sa kanila na nagsasabi: "Alin sa inyo ang nakadagdag sa kanya ito ng pananampalataya?" Kaya tungkol sa mga sumampalataya, nakadagdag ito sa kanila ng pananampalataya habang sila ay nagagalak.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ فَزَادَتۡهُمۡ رِجۡسًا إِلَىٰ رِجۡسِهِمۡ وَمَاتُواْ وَهُمۡ كَٰفِرُونَ
Tungkol naman sa mga may karamdaman sa mga puso nila, nakadagdag ito sa kanila ng kasalaulaan sa [dating] kasalaulaan nila at namatay sila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
أَوَلَا يَرَوۡنَ أَنَّهُمۡ يُفۡتَنُونَ فِي كُلِّ عَامٖ مَّرَّةً أَوۡ مَرَّتَيۡنِ ثُمَّ لَا يَتُوبُونَ وَلَا هُمۡ يَذَّكَّرُونَ
Hindi ba sila nakakikita na sila ay sinusubok sa bawat taon nang isang ulit o dalawang ulit, pagkatapos, hindi nagbabalik-loob, ni sila ay nagsasaalaala?
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
وَإِذَا مَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٞ نَّظَرَ بَعۡضُهُمۡ إِلَىٰ بَعۡضٍ هَلۡ يَرَىٰكُم مِّنۡ أَحَدٖ ثُمَّ ٱنصَرَفُواْۚ صَرَفَ ٱللَّهُ قُلُوبَهُم بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَفۡقَهُونَ
Kapag may pinababa na isang kabanata ay tumitingin ang iba sa kanila sa iba, [na nagtatanong]: "May nakakikita kaya sa inyo na isa man?" pagkatapos lumilisan sila. Naglihis si Allāh sa mga puso nila dahil sila ay mga taong hindi umuunawa.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
لَقَدۡ جَآءَكُمۡ رَسُولٞ مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ عَزِيزٌ عَلَيۡهِ مَا عَنِتُّمۡ حَرِيصٌ عَلَيۡكُم بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ رَءُوفٞ رَّحِيمٞ
Talaga ngang may dumating sa inyo na isang Sugo kabilang sa mga sarili ninyo, na mabigat sa kanya ang anumang ininda ninyo, na masigasig sa inyo, na sa mga mananampalataya ay mahabaging maawain.
-
Giải thích tiếng Ả-rập:
فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَقُلۡ حَسۡبِيَ ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُۖ وَهُوَ رَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِيمِ
Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin mo: "Kasapatan sa akin si Allāh. Walang Diyos kundi Siya; sa Kanya ako nanalig. Siya ay ang Panginoon ng tronong dakila."
-
Giải thích tiếng Ả-rập:

 
Dịch nội dung ý nghĩa Chương kinh: Chương Al-Tawbah
Mục lục các chương kinh Số trang
 
Dịch nội dung ý nghĩa của Thiên Kinh Qur'an - Dịch thuật tiếng Philippin (Tajaluj) - Mục lục các bản dịch

Dịch ý nghĩa nội dung Qur'an sang tiếng Philippin (Tajaluj), dịch thuật bởi tập thể Trung tâm dịch thuật Ruwad, với sự hợp tác của trang web www.islamhouse.com

Đóng lại