Check out the new design

《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释。 * - 译解目录


含义的翻译 章: 瓦格尔   段:
إِنَّهُۥ لَقُرۡءَانٞ كَرِيمٞ
Tunay na ang Qur'ān na binibigkas sa inyo, O mga tao, ay isang Qur’ān na marangal dahil sa taglay nito na mga pakinabang na sukdulan,
阿拉伯语经注:
فِي كِتَٰبٖ مَّكۡنُونٖ
na nasa isang Aklat na pinangangalagaan sa mga mata ng mga tao, ang Tablerong Pinag-iingatan,
阿拉伯语经注:
لَّا يَمَسُّهُۥٓ إِلَّا ٱلۡمُطَهَّرُونَ
na walang nakasasaling dito kundi ang mga anghel na dinalisay mula sa mga pagkakasala at mga kapintasan,
阿拉伯语经注:
تَنزِيلٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
na pinababa mula sa Panginoon ng mga nilikha sa Propeta Niyang si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
阿拉伯语经注:
أَفَبِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ أَنتُم مُّدۡهِنُونَ
Kaya sa salaysay na ito ba kayo, O mga tagapagtambal, ay mga tagapagpasinungaling na hindi mga tagapaniwala?
阿拉伯语经注:
وَتَجۡعَلُونَ رِزۡقَكُمۡ أَنَّكُمۡ تُكَذِّبُونَ
Gumagawa kayo sa pagtatambal ninyo kay Allāh sa kabila ng pagtustos sa inyo ng mga biyaya na kayo ay nagpapasinungaling sa Kanya sapagkat nag-uugnay kayo ng ulan sa bituin sapagkat nagsasabi kayo: "Inulan kami dahil sa bituing ganito at bituing ganito."
阿拉伯语经注:
فَلَوۡلَآ إِذَا بَلَغَتِ ٱلۡحُلۡقُومَ
Kaya bakit kaya hindi [kayo magpabalik ng kaluluwa] kapag dumating ang kaluluwa sa lalamunan
阿拉伯语经注:
وَأَنتُمۡ حِينَئِذٖ تَنظُرُونَ
habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin sa naghihingalo sa harapan ninyo.
阿拉伯语经注:
وَنَحۡنُ أَقۡرَبُ إِلَيۡهِ مِنكُمۡ وَلَٰكِن لَّا تُبۡصِرُونَ
Kami dahil sa kaalaman Namin, kakayahan Namin, at mga anghel Namin ay higit na malapit sa patay ninyo kaysa sa inyo subalit hindi kayo nakasasaksi sa mga anghel na ito.
阿拉伯语经注:
فَلَوۡلَآ إِن كُنتُمۡ غَيۡرَ مَدِينِينَ
Kaya bakit ba hindi – kung kayo, gaya ng inaakala ninyo, ay hindi mga bubuhayin para makaganti sa inyo sa mga gawa ninyo –
阿拉伯语经注:
تَرۡجِعُونَهَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
nagpapabalik kayo sa kaluluwang ito na lumalabas sa patay ninyo kung kayo ay mga tapat? Hindi kayo makakakaya niyon!
阿拉伯语经注:
فَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ
Kaya tungkol naman sa kung ang patay ay kabilang sa mga nangunguna sa mga kabutihan,
阿拉伯语经注:
فَرَوۡحٞ وَرَيۡحَانٞ وَجَنَّتُ نَعِيمٖ
ukol sa kanya ay pahinga: walang pagod matapos nito, panustos na kaaya-aya, awa, at hardin na magiginhawahan siya roon sa pamamagitan ng ninanasa ng sarili niya.
阿拉伯语经注:
وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ
90-91. Tungkol naman sa kung ang patay ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan, huwag kang mag-alala sa pumapatungkol sa kanila sapagkat ukol sa kanila ang kaligtasan at ang katiwasayan.
阿拉伯语经注:
فَسَلَٰمٞ لَّكَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ
90-91. Tungkol naman sa kung ang patay ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan, huwag kang mag-alala sa pumapatungkol sa kanila sapagkat ukol sa kanila ang kaligtasan at ang katiwasayan.
阿拉伯语经注:
وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُكَذِّبِينَ ٱلضَّآلِّينَ
Tungkol naman sa kung ang patay ay kabilang sa mga tagapagpasinungaling sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na mga naliligaw palayo sa landasing tuwid,
阿拉伯语经注:
فَنُزُلٞ مِّنۡ حَمِيمٖ
ang pagtanggap sa kanya na ipinansasalubong sa kanya ay isang tubig na mainit na matindi ang init
阿拉伯语经注:
وَتَصۡلِيَةُ جَحِيمٍ
ukol sa kanya ang pagsunog sa pamamagitan ng apoy ng Impiyerno.
阿拉伯语经注:
إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ حَقُّ ٱلۡيَقِينِ
Tunay na ang isinalaysay Naming ito sa iyo, O Sugo, ay talagang ito ang katotohanan ng katiyakan na walang pag-aalinlangan.
阿拉伯语经注:
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ
Kaya magpawalang-kapintasan ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan, at magbanal ka sa Kanya palayo sa mga kakulangan.
阿拉伯语经注:
这业中每段经文的优越:
• شدة سكرات الموت وعجز الإنسان عن دفعها.
Ang tindi ng mga hapdi ng kamatayan at ang kawalang-kakayahan ng tao sa pagtulak niyon.

• الأصل أن البشر لا يرون الملائكة إلا إن أراد الله لحكمة.
Ang pangunahing panuntunan ay na ang mga tao ay hindi nakakikita sa mga anghel maliban kung ninais ni Allāh dahil sa isang kasanhian.

• أسماء الله (الأول، الآخر، الظاهر، الباطن) تقتضي تعظيم الله ومراقبته في الأعمال الظاهرة والباطنة.
Ang mga pangalan ni Allāh [na nangangahulugang] ang Una, ang Huli, ang Nakatataas, at ang Nakalalalim ay humihiling ng pagdakila kay Allāh at pagmamasid sa Kanya sa mga gawaing panlabas at panloob.

 
含义的翻译 章: 瓦格尔
章节目录 页码
 
《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释。 - 译解目录

古兰经注释研究中心发行。

关闭