《古兰经》含义的翻译 - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - 翻译目录

下载 XML - 下载 CSV - 下载 Excel

含义的翻译 章: Maryam
段:
 

Maryam

كٓهيعٓصٓ
Kāf, Hā, Yā, `Ayn, Ṣād.
阿拉伯语经注:
ذِكۡرُ رَحۡمَتِ رَبِّكَ عَبۡدَهُۥ زَكَرِيَّآ
Ang pagbanggit ng awa ng Panginoon mo sa lingkod Niyang si Zacarias
阿拉伯语经注:
إِذۡ نَادَىٰ رَبَّهُۥ نِدَآءً خَفِيّٗا
noong nanawagan siya sa Panginoon niya sa isang panawagang kubli.
阿拉伯语经注:
قَالَ رَبِّ إِنِّي وَهَنَ ٱلۡعَظۡمُ مِنِّي وَٱشۡتَعَلَ ٱلرَّأۡسُ شَيۡبٗا وَلَمۡ أَكُنۢ بِدُعَآئِكَ رَبِّ شَقِيّٗا
Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay napanghinaan ng mga buto mula sa akin, nagliyab ang ulo sa uban, at hindi naging malumbay sa pagdalangin sa Iyo, Panginoon ko.
阿拉伯语经注:
وَإِنِّي خِفۡتُ ٱلۡمَوَٰلِيَ مِن وَرَآءِي وَكَانَتِ ٱمۡرَأَتِي عَاقِرٗا فَهَبۡ لِي مِن لَّدُنكَ وَلِيّٗا
Tunay na ako ay nangamba sa mga kaanak kabilang sa maiiwan ko. Ang maybahay ko naman ay baog. Kaya magkaloob ka sa akin mula sa nasa Iyo ng isang kalapit,
阿拉伯语经注:
يَرِثُنِي وَيَرِثُ مِنۡ ءَالِ يَعۡقُوبَۖ وَٱجۡعَلۡهُ رَبِّ رَضِيّٗا
na magmamana sa akin at magmamana mula sa angkan ni Jacob. Gawin Mo siya, Panginoon ko, na isang lugod.
阿拉伯语经注:
يَٰزَكَرِيَّآ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَٰمٍ ٱسۡمُهُۥ يَحۡيَىٰ لَمۡ نَجۡعَل لَّهُۥ مِن قَبۡلُ سَمِيّٗا
[Sinabi sa kanya:] "O Zacarias, tunay na Kami ay nagbabalita ng nakagagalak sa iyo hinggil sa isang batang lalaking ang pangalan niya ay Juan. Hindi Kami gumawa para sa kanya noong bago pa niyan ng isang kapangalan."
阿拉伯语经注:
قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَكَانَتِ ٱمۡرَأَتِي عَاقِرٗا وَقَدۡ بَلَغۡتُ مِنَ ٱلۡكِبَرِ عِتِيّٗا
Nagsabi ito: "Panginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang ang maybahay ko ay baog at umabot na ako sa katandaan bilang hukluban?"
阿拉伯语经注:
قَالَ كَذَٰلِكَ قَالَ رَبُّكَ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٞ وَقَدۡ خَلَقۡتُكَ مِن قَبۡلُ وَلَمۡ تَكُ شَيۡـٔٗا
Nagsabi [ang anghel]: "Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Iyon sa Akin ay madali at lumikha nga Ako sa iyo bago pa niyan, samantalang hindi ka dati isang bagay."
阿拉伯语经注:
قَالَ رَبِّ ٱجۡعَل لِّيٓ ءَايَةٗۖ قَالَ ءَايَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ ٱلنَّاسَ ثَلَٰثَ لَيَالٖ سَوِيّٗا
Nagsabi ito: "Panginoon ko, gumawa ka para sa akin ng isang tanda." Nagsabi siya: "Ang tanda mo ay na hindi ka magsalita sa mga tao nang tatlong gabi, gayong malusog."
阿拉伯语经注:
فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ مِنَ ٱلۡمِحۡرَابِ فَأَوۡحَىٰٓ إِلَيۡهِمۡ أَن سَبِّحُواْ بُكۡرَةٗ وَعَشِيّٗا
Kaya lumabas siya sa mga kalipi niya mula sa dasalan saka nagpahiwatig sa kanila na magluwalhati sila sa umaga at hapon.
阿拉伯语经注:

يَٰيَحۡيَىٰ خُذِ ٱلۡكِتَٰبَ بِقُوَّةٖۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡحُكۡمَ صَبِيّٗا
[Sinabi:] "O Juan, kunin mo ang kasulatan nang may lakas." Nagbigay Kami sa kanya ng paghahatol habang isang paslit pa,
阿拉伯语经注:
وَحَنَانٗا مِّن لَّدُنَّا وَزَكَوٰةٗۖ وَكَانَ تَقِيّٗا
ng pagsinta mula sa nasa Amin, at ng kadalisayan. Siya noon ay isang mapangilag magkasala,
阿拉伯语经注:
وَبَرَّۢا بِوَٰلِدَيۡهِ وَلَمۡ يَكُن جَبَّارًا عَصِيّٗا
isang nagpapakabuti sa mga magulang niya, at hindi naging isang mapaniil na masuwayin.
阿拉伯语经注:
وَسَلَٰمٌ عَلَيۡهِ يَوۡمَ وُلِدَ وَيَوۡمَ يَمُوتُ وَيَوۡمَ يُبۡعَثُ حَيّٗا
Kapayapaan ay sumakanya sa araw na ipinanganak siya, sa araw na mamamatay siya, at sa araw na bubuhayin siyang isang buhay.
阿拉伯语经注:
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مَرۡيَمَ إِذِ ٱنتَبَذَتۡ مِنۡ أَهۡلِهَا مَكَانٗا شَرۡقِيّٗا
Bumanggit ka sa Aklat kay Maria noong nagpakalayu-layo siya mula sa mag-anak niya sa isang pook na silanganin.
阿拉伯语经注:
فَٱتَّخَذَتۡ مِن دُونِهِمۡ حِجَابٗا فَأَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرٗا سَوِيّٗا
Saka gumawa siya, mula sa pagbukod sa kanila, ng isang tabing, saka nagsugo Kami sa kanya ng espiritu Namin, saka nag-anyo ito sa kanya bilang taong lubos.
阿拉伯语经注:
قَالَتۡ إِنِّيٓ أَعُوذُ بِٱلرَّحۡمَٰنِ مِنكَ إِن كُنتَ تَقِيّٗا
Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpapakupkop sa Napakamaawain laban sa iyo; [lumayo ka,] kung ikaw ay isang mapangilag magkasala."
阿拉伯语经注:
قَالَ إِنَّمَآ أَنَا۠ رَسُولُ رَبِّكِ لِأَهَبَ لَكِ غُلَٰمٗا زَكِيّٗا
Nagsabi ito: "Ako ay sugo ng Panginoon mo lamang upang maghandog ako sa iyo ng isang batang lalaking dalisay."
阿拉伯语经注:
قَالَتۡ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَلَمۡ يَمۡسَسۡنِي بَشَرٞ وَلَمۡ أَكُ بَغِيّٗا
Nagsabi siya: "Paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang walang sumaling sa akin na isang lalaki at hindi ako naging isang mapakiapid?"
阿拉伯语经注:
قَالَ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٞۖ وَلِنَجۡعَلَهُۥٓ ءَايَةٗ لِّلنَّاسِ وَرَحۡمَةٗ مِّنَّاۚ وَكَانَ أَمۡرٗا مَّقۡضِيّٗا
Nagsabi ito: "Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Ito sa Akin ay madali, at upang gumawa Kami sa kanya bilang tanda para sa mga tao at bilang awa mula sa Amin. Ito ay naging isang bagay na naitadhana."
阿拉伯语经注:
۞فَحَمَلَتۡهُ فَٱنتَبَذَتۡ بِهِۦ مَكَانٗا قَصِيّٗا
Kaya nagdalang-tao siya nito at nagpakalayu-layo siya kasama nito sa isang pook na liblib.
阿拉伯语经注:
فَأَجَآءَهَا ٱلۡمَخَاضُ إِلَىٰ جِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ قَالَتۡ يَٰلَيۡتَنِي مِتُّ قَبۡلَ هَٰذَا وَكُنتُ نَسۡيٗا مَّنسِيّٗا
Saka nagpapunta sa kanya ang sakit ng panganganak tungo sa katawan ng punong datiles. Nagsabi siya: "O sana ako ay namatay bago nito at naging isang limot na kinalimutan."
阿拉伯语经注:
فَنَادَىٰهَا مِن تَحۡتِهَآ أَلَّا تَحۡزَنِي قَدۡ جَعَلَ رَبُّكِ تَحۡتَكِ سَرِيّٗا
Saka may nanawagan sa kanya mula sa ilalim niya: "Huwag kang malungkot; naglagay nga ang Panginoon mo sa ilalim mo ng isang batis.
阿拉伯语经注:
وَهُزِّيٓ إِلَيۡكِ بِجِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ تُسَٰقِطۡ عَلَيۡكِ رُطَبٗا جَنِيّٗا
Yumugyog ka patungo sa iyo sa katawan ng punong datiles, may maglalaglagan sa iyo na mga hinog na datiles na sariwa.
阿拉伯语经注:

فَكُلِي وَٱشۡرَبِي وَقَرِّي عَيۡنٗاۖ فَإِمَّا تَرَيِنَّ مِنَ ٱلۡبَشَرِ أَحَدٗا فَقُولِيٓ إِنِّي نَذَرۡتُ لِلرَّحۡمَٰنِ صَوۡمٗا فَلَنۡ أُكَلِّمَ ٱلۡيَوۡمَ إِنسِيّٗا
Kaya kumain ka, uminom ka, at magalak ka. Saka kung makakikita ka nga kabilang sa mga tao ng isa man ay sabihin mo: Tunay na Ako ay namanata para sa Napakamaawain ng isang pananahimik kaya hindi ako mangungusap ngayong araw sa isang tao."
阿拉伯语经注:
فَأَتَتۡ بِهِۦ قَوۡمَهَا تَحۡمِلُهُۥۖ قَالُواْ يَٰمَرۡيَمُ لَقَدۡ جِئۡتِ شَيۡـٔٗا فَرِيّٗا
Saka nagdala siya nito sa mga kalipi niya habang kinakarga ito. Nagsabi sila: "O Maria, talaga ngang nagdala ka ng isang bagay na mapanirang-puri!
阿拉伯语经注:
يَـٰٓأُخۡتَ هَٰرُونَ مَا كَانَ أَبُوكِ ٱمۡرَأَ سَوۡءٖ وَمَا كَانَتۡ أُمُّكِ بَغِيّٗا
O kapatid ni Aaron, ang ama mo ay hindi naging isang lalaki ng kasagwaan at ang ina mo ay hindi naging isang mapang-apid."
阿拉伯语经注:
فَأَشَارَتۡ إِلَيۡهِۖ قَالُواْ كَيۡفَ نُكَلِّمُ مَن كَانَ فِي ٱلۡمَهۡدِ صَبِيّٗا
Kaya tumuro siya rito. Nagsabi sila: "Papaano kaming mangungusap sa sinumang nasa lampin na isang paslit?"
阿拉伯语经注:
قَالَ إِنِّي عَبۡدُ ٱللَّهِ ءَاتَىٰنِيَ ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلَنِي نَبِيّٗا
Nagsabi ito: "Tunay na ako ay alipin ni Allāh. Nagbigay Siya sa akin ng Kasulatan at gumawa Siya sa akin bilang propeta.
阿拉伯语经注:
وَجَعَلَنِي مُبَارَكًا أَيۡنَ مَا كُنتُ وَأَوۡصَٰنِي بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ مَا دُمۡتُ حَيّٗا
Gumawa Siya sa akin bilang pinagpala saan man ako naroon at nagsatagubilin Siya sa akin ng pagdarasal at pagkakawanggawa hanggat nananatili akong buhay.
阿拉伯语经注:
وَبَرَّۢا بِوَٰلِدَتِي وَلَمۡ يَجۡعَلۡنِي جَبَّارٗا شَقِيّٗا
[Gumawa Siya sa akin] bilang nagpapakabuti sa ina ko at hindi Siya gumawa sa akin bilang mapaniil na malumbay.
阿拉伯语经注:
وَٱلسَّلَٰمُ عَلَيَّ يَوۡمَ وُلِدتُّ وَيَوۡمَ أَمُوتُ وَيَوۡمَ أُبۡعَثُ حَيّٗا
Ang kapayapaan ay sumaakin sa araw na ipinanganak ako, sa araw na mamamatay ako, at sa araw na bubuhayin ako bilang buhay."
阿拉伯语经注:
ذَٰلِكَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَۖ قَوۡلَ ٱلۡحَقِّ ٱلَّذِي فِيهِ يَمۡتَرُونَ
Iyon si Jesus na anak ni Maria, bilang pagsasabi ng katotohanan na hinggil dito ay nag-aalangan sila.
阿拉伯语经注:
مَا كَانَ لِلَّهِ أَن يَتَّخِذَ مِن وَلَدٖۖ سُبۡحَٰنَهُۥٓۚ إِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Hindi nangyaring ukol kay Allāh na gumawa Siya ng anumang anak – kaluwalhatian sa Kanya! Kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.
阿拉伯语经注:
وَإِنَّ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
[Nagsabi si Jesus:] "Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya; ito ay isang landasing tuwid."
阿拉伯语经注:
فَٱخۡتَلَفَ ٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَيۡنِهِمۡۖ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن مَّشۡهَدِ يَوۡمٍ عَظِيمٍ
Ngunit nagkaiba-iba ang mga lapian sa gitna nila kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa isang masasaksihan sa isang araw na sukdulan.
阿拉伯语经注:
أَسۡمِعۡ بِهِمۡ وَأَبۡصِرۡ يَوۡمَ يَأۡتُونَنَا لَٰكِنِ ٱلظَّـٰلِمُونَ ٱلۡيَوۡمَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Kay husay ng pagkarinig nila at kay husay ng pagkakita sa Araw na pupunta sila sa Amin, subalit ang mga tagalabag sa katarungan sa araw na ito ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.
阿拉伯语经注:

وَأَنذِرۡهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡحَسۡرَةِ إِذۡ قُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ وَهُمۡ فِي غَفۡلَةٖ وَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat habang sila ay hindi sumasampalataya.
阿拉伯语经注:
إِنَّا نَحۡنُ نَرِثُ ٱلۡأَرۡضَ وَمَنۡ عَلَيۡهَا وَإِلَيۡنَا يُرۡجَعُونَ
Tunay na Kami ay magmamana ng lupa at ng sinumang nasa ibabaw nito, at tungo sa Amin sila pababalikin.
阿拉伯语经注:
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ إِبۡرَٰهِيمَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صِدِّيقٗا نَّبِيًّا
Banggitin mo sa Aklat si Abraham. Tunay na siya noon ay isang napakatapat, isang propeta.
阿拉伯语经注:
إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ يَـٰٓأَبَتِ لِمَ تَعۡبُدُ مَا لَا يَسۡمَعُ وَلَا يُبۡصِرُ وَلَا يُغۡنِي عَنكَ شَيۡـٔٗا
[Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niya: "O ama ko, bakit ka sumasamba sa hindi nakaririnig, hindi nakakikita, at hindi nagdudulot sa iyo ng anuman?
阿拉伯语经注:
يَـٰٓأَبَتِ إِنِّي قَدۡ جَآءَنِي مِنَ ٱلۡعِلۡمِ مَا لَمۡ يَأۡتِكَ فَٱتَّبِعۡنِيٓ أَهۡدِكَ صِرَٰطٗا سَوِيّٗا
O ama ko, tunay na ako ay dinatnan nga ng kaalamang hindi pumunta sa iyo; kaya sumunod ka sa akin, magpapatnubay ako sa iyo sa isang landasing patag.
阿拉伯语经注:
يَـٰٓأَبَتِ لَا تَعۡبُدِ ٱلشَّيۡطَٰنَۖ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ كَانَ لِلرَّحۡمَٰنِ عَصِيّٗا
O ama ko, huwag kang sumamba sa demonyo; tunay na ang demonyo laging para sa Napakamaawain ay isang masuwayin.
阿拉伯语经注:
يَـٰٓأَبَتِ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يَمَسَّكَ عَذَابٞ مِّنَ ٱلرَّحۡمَٰنِ فَتَكُونَ لِلشَّيۡطَٰنِ وَلِيّٗا
O ama ko, tunay na ako ay nangangamba na salingin ka ng isang pagdurusa mula sa Napakamaawain para ikaw para sa demonyo ay maging isang katangkilik."
阿拉伯语经注:
قَالَ أَرَاغِبٌ أَنتَ عَنۡ ءَالِهَتِي يَـٰٓإِبۡرَٰهِيمُۖ لَئِن لَّمۡ تَنتَهِ لَأَرۡجُمَنَّكَۖ وَٱهۡجُرۡنِي مَلِيّٗا
Nagsabi ito: "Tumututol ka ba sa mga diyos ko, O Abraham? Talagang kung hindi ka titigil ay talagang mambabato nga ako sa iyo, kaya umiwas ka sa akin nang matagal."
阿拉伯语经注:
قَالَ سَلَٰمٌ عَلَيۡكَۖ سَأَسۡتَغۡفِرُ لَكَ رَبِّيٓۖ إِنَّهُۥ كَانَ بِي حَفِيّٗا
Nagsabi siya: "Kapayapaan ay sumaiyo! Hihingi ako ng tawad para sa iyo sa Panginoon ko. Tunay na Siya laging sa akin ay Magiliw.
阿拉伯语经注:
وَأَعۡتَزِلُكُمۡ وَمَا تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَأَدۡعُواْ رَبِّي عَسَىٰٓ أَلَّآ أَكُونَ بِدُعَآءِ رَبِّي شَقِيّٗا
Hihiwalay ako sa inyo at sa anumang dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh at dadalangin ako sa Panginoon ko; marahil hindi ako, sa pagdalangin sa Panginoon ko, maging isang malumbay."
阿拉伯语经注:
فَلَمَّا ٱعۡتَزَلَهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَهَبۡنَا لَهُۥٓ إِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَۖ وَكُلّٗا جَعَلۡنَا نَبِيّٗا
Kaya noong humiwalay siya sa kanila at sa anumang sinasamba nila bukod pa kay Allāh ay ipinagkaloob para sa kanya sina Isaac at Jacob. Bawat isa ay ginawa Naming propeta.
阿拉伯语经注:
وَوَهَبۡنَا لَهُم مِّن رَّحۡمَتِنَا وَجَعَلۡنَا لَهُمۡ لِسَانَ صِدۡقٍ عَلِيّٗا
Nagkaloob Kami para sa kanila mula sa awa Namin at gumawa Kami para sa kanila ng isang mataas na pagbanggit ng kagandahan.
阿拉伯语经注:
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مُوسَىٰٓۚ إِنَّهُۥ كَانَ مُخۡلَصٗا وَكَانَ رَسُولٗا نَّبِيّٗا
Banggitin mo sa Aklat si Moises. Tunay na siya noon ay isang itinangi at naging isang sugong propeta.
阿拉伯语经注:

وَنَٰدَيۡنَٰهُ مِن جَانِبِ ٱلطُّورِ ٱلۡأَيۡمَنِ وَقَرَّبۡنَٰهُ نَجِيّٗا
Nanawagan Kami sa kanya mula sa gilid ng bundok sa kanan [niya] at nagpalapit Kami sa kanya, na nakikipagtapatan.
阿拉伯语经注:
وَوَهَبۡنَا لَهُۥ مِن رَّحۡمَتِنَآ أَخَاهُ هَٰرُونَ نَبِيّٗا
Nagkaloob Kami sa kanya mula sa awa Namin ng kapatid niyang si Aaron bilang propeta.
阿拉伯语经注:
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ إِسۡمَٰعِيلَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صَادِقَ ٱلۡوَعۡدِ وَكَانَ رَسُولٗا نَّبِيّٗا
Banggitin mo sa Aklat si Ismael. Tunay na siya noon ay tapat sa pangako at naging isang sugong propeta.
阿拉伯语经注:
وَكَانَ يَأۡمُرُ أَهۡلَهُۥ بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ وَكَانَ عِندَ رَبِّهِۦ مَرۡضِيّٗا
Siya noon ay nag-uutos sa mag-anak niya ng pagdarasal at pagkakawanggawa at siya noon sa ganang Panginoon niya ay isang kinalulugdan.
阿拉伯语经注:
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ إِدۡرِيسَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صِدِّيقٗا نَّبِيّٗا
Banggitin mo sa Aklat si Enoc. Tunay na siya noon ay isang napakatapat, isang propeta.
阿拉伯语经注:
وَرَفَعۡنَٰهُ مَكَانًا عَلِيًّا
Nag-angat Kami sa kanya sa isang pook na mataas.
阿拉伯语经注:
أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ مِن ذُرِّيَّةِ ءَادَمَ وَمِمَّنۡ حَمَلۡنَا مَعَ نُوحٖ وَمِن ذُرِّيَّةِ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡرَـٰٓءِيلَ وَمِمَّنۡ هَدَيۡنَا وَٱجۡتَبَيۡنَآۚ إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُ ٱلرَّحۡمَٰنِ خَرُّواْۤ سُجَّدٗاۤ وَبُكِيّٗا۩
Ang mga iyon ay ang mga nagbibiyaya si Allāh sa kanila kabilang sa mga propeta kabilang sa mga supling ni Adan, kabilang sa dinala Namin kasama kay Noe, kabilang sa mga supling ni Abraham at ni Israel, at kabilang sa sinumang pinatnubayan Namin at hinirang Namin. Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda ng Napakamaawain ay bumabagsak sila na mga nakapatirapa, na mga umiiyak.
阿拉伯语经注:
۞فَخَلَفَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ خَلۡفٌ أَضَاعُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَٱتَّبَعُواْ ٱلشَّهَوَٰتِۖ فَسَوۡفَ يَلۡقَوۡنَ غَيًّا
Saka may humalili, nang matapos nila, na mga kahalili na nagwalang-bahala sa pagdarasal at sumunod sa mga nasa, kaya magkikita sila ng isang pagkalisya,
阿拉伯语经注:
إِلَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَأُوْلَـٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ وَلَا يُظۡلَمُونَ شَيۡـٔٗا
maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos sapagkat ang mga iyon ay papasok sa Paraiso at hindi sila lalabagin sa katarungan sa anuman.
阿拉伯语经注:
جَنَّـٰتِ عَدۡنٍ ٱلَّتِي وَعَدَ ٱلرَّحۡمَٰنُ عِبَادَهُۥ بِٱلۡغَيۡبِۚ إِنَّهُۥ كَانَ وَعۡدُهُۥ مَأۡتِيّٗا
[Papasok sila] sa mga Hardin ng Eden na ipinangako ng Napakamaawain sa mga lingkod Niya sa Lingid. Tunay na laging ang pangako Niya ay darating.
阿拉伯语经注:
لَّا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوًا إِلَّا سَلَٰمٗاۖ وَلَهُمۡ رِزۡقُهُمۡ فِيهَا بُكۡرَةٗ وَعَشِيّٗا
Hindi sila makaririnig sa mga iyon ng kabalbalan maliban sa kapayapaan. Ukol sa kanila ang panustos nila sa mga iyon sa umaga at sa hapon.
阿拉伯语经注:
تِلۡكَ ٱلۡجَنَّةُ ٱلَّتِي نُورِثُ مِنۡ عِبَادِنَا مَن كَانَ تَقِيّٗا
Iyon ay ang Paraiso na ipamamana Namin sa kabilang sa mga lingkod Namin na naging mapangilaging magkasala.
阿拉伯语经注:
وَمَا نَتَنَزَّلُ إِلَّا بِأَمۡرِ رَبِّكَۖ لَهُۥ مَا بَيۡنَ أَيۡدِينَا وَمَا خَلۡفَنَا وَمَا بَيۡنَ ذَٰلِكَۚ وَمَا كَانَ رَبُّكَ نَسِيّٗا
[Sabihin mo, O Gabriel:] "Hindi kami nagbababaan kundi ayon sa utos ng Panginoon mo. Sa Kanya ang nasa pagitan ng mga namin at ang nasa likuran namin at ang nasa pagitan niyon. Laging ang Panginoon mo ay hindi malilimutin.
阿拉伯语经注:

رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا فَٱعۡبُدۡهُ وَٱصۡطَبِرۡ لِعِبَٰدَتِهِۦۚ هَلۡ تَعۡلَمُ لَهُۥ سَمِيّٗا
Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kaya sumamba ka sa Kanya at magpakamatiisin ka para sa pagsamba sa Kanya. Nakaaalam ka kaya para sa Kanya ng isang kapangalan?"
阿拉伯语经注:
وَيَقُولُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَءِذَا مَا مِتُّ لَسَوۡفَ أُخۡرَجُ حَيًّا
Magsasabi ang tao: "Kapag namatay ba ako ay talagang ilalabas akong buhay?"
阿拉伯语经注:
أَوَلَا يَذۡكُرُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَٰهُ مِن قَبۡلُ وَلَمۡ يَكُ شَيۡـٔٗا
Hindi ba nakaaalaala ang tao na Kami ay lumikha sa kanya bago pa niyan, samantalang hindi siya dati isang bagay?
阿拉伯语经注:
فَوَرَبِّكَ لَنَحۡشُرَنَّهُمۡ وَٱلشَّيَٰطِينَ ثُمَّ لَنُحۡضِرَنَّهُمۡ حَوۡلَ جَهَنَّمَ جِثِيّٗا
Kaya sumpa man sa Panginoon mo, talagang kakalap nga Kami sa kanila at sa mga demonyo. Pagkatapos talagang magpapadalo nga Kami sa kanila sa paligid ng Impiyerno na nakaluhod.
阿拉伯语经注:
ثُمَّ لَنَنزِعَنَّ مِن كُلِّ شِيعَةٍ أَيُّهُمۡ أَشَدُّ عَلَى ٱلرَّحۡمَٰنِ عِتِيّٗا
Pagkatapos talagang huhugot nga Kami mula sa bawat kampihan kung alin sa kanila ang pinakamatindi laban sa Napakamaawain sa pagkapalalo.
阿拉伯语经注:
ثُمَّ لَنَحۡنُ أَعۡلَمُ بِٱلَّذِينَ هُمۡ أَوۡلَىٰ بِهَا صِلِيّٗا
Pagkatapos talagang Kami ay higit na maalam sa mga higit na naaangkop doon sa pagsunog.
阿拉伯语经注:
وَإِن مِّنكُمۡ إِلَّا وَارِدُهَاۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ حَتۡمٗا مَّقۡضِيّٗا
Walang kabilang sa inyo malibang sasapit doon. Laging ito sa Panginoon mo ay isang kapasyahang itinadhana.
阿拉伯语经注:
ثُمَّ نُنَجِّي ٱلَّذِينَ ٱتَّقَواْ وَّنَذَرُ ٱلظَّـٰلِمِينَ فِيهَا جِثِيّٗا
Pagkatapos magliligtas Kami sa mga nangilag magkasala at mag-iiwan Kami sa mga tagalabag sa katarungan doon na nakaluhod.
阿拉伯语经注:
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَيُّ ٱلۡفَرِيقَيۡنِ خَيۡرٞ مَّقَامٗا وَأَحۡسَنُ نَدِيّٗا
Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: "Alin sa dalawang pangkat [natin] ang higit na mabuti sa katayuan at ang higit na maganda sa kapisanan?"
阿拉伯语经注:
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هُمۡ أَحۡسَنُ أَثَٰثٗا وَرِءۡيٗا
Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na salinlahi na higit na maganda sa ari-arian at anyong nakikita!
阿拉伯语经注:
قُلۡ مَن كَانَ فِي ٱلضَّلَٰلَةِ فَلۡيَمۡدُدۡ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ مَدًّاۚ حَتَّىٰٓ إِذَا رَأَوۡاْ مَا يُوعَدُونَ إِمَّا ٱلۡعَذَابَ وَإِمَّا ٱلسَّاعَةَ فَسَيَعۡلَمُونَ مَنۡ هُوَ شَرّٞ مَّكَانٗا وَأَضۡعَفُ جُندٗا
Sabihin mo: "Ang sinumang nasa kaligawan ay magpapalawig para sa kanya ang Napakamaawain ng isang pagpapalawig hanggang sa kapag nakita nila ang ipinangangako sa kanila na maaaring ang pagdurusa at maaaring ang Oras [ng pagkabuhay] kaya makaaalam sila sa kung sino ang higit na masama sa kalagayan at higit na mahina sa hukbo."
阿拉伯语经注:
وَيَزِيدُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ٱهۡتَدَوۡاْ هُدٗىۗ وَٱلۡبَٰقِيَٰتُ ٱلصَّـٰلِحَٰتُ خَيۡرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابٗا وَخَيۡرٞ مَّرَدًّا
Nagdaragdag si Allāh sa mga napatnubayan ng patnubay. Ang mga nananatiling maayos na gawa ay higit na mabuti sa ganang Panginoon ninyo sa gantimpala at higit na mabuti sa kauuwian.
阿拉伯语经注:

أَفَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي كَفَرَ بِـَٔايَٰتِنَا وَقَالَ لَأُوتَيَنَّ مَالٗا وَوَلَدًا
Saka nakita mo ba ang tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin? Nagsabi siya: "Talagang magbibigay nga sa akin ng yaman at anak?"
阿拉伯语经注:
أَطَّلَعَ ٱلۡغَيۡبَ أَمِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَٰنِ عَهۡدٗا
Nakabatid ba siya sa Lingid o nakagawa siya sa ganang Napakamaawain ng isang kasunduan?
阿拉伯语经注:
كَلَّاۚ سَنَكۡتُبُ مَا يَقُولُ وَنَمُدُّ لَهُۥ مِنَ ٱلۡعَذَابِ مَدّٗا
Aba'y hindi! Magsusulat Kami ng sinasabi niya at magpapalawig Kami para sa kanya ng pagdurusa sa isang pagpapalawig.
阿拉伯语经注:
وَنَرِثُهُۥ مَا يَقُولُ وَيَأۡتِينَا فَرۡدٗا
Magmamana Kami sa kanya ng sinasabi niya at pupunta siya sa Amin nang bukod.
阿拉伯语经注:
وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةٗ لِّيَكُونُواْ لَهُمۡ عِزّٗا
Gumawa sila sa bukod pa kay Allāh bilang mga diyos upang magkaroon sila ng isang dangal.
阿拉伯语经注:
كَلَّاۚ سَيَكۡفُرُونَ بِعِبَادَتِهِمۡ وَيَكُونُونَ عَلَيۡهِمۡ ضِدًّا
Aba'y hindi! Magkakaila ang mga ito sa pagsamba nila at ang mga ito laban sa kanila ay magiging katunggali.
阿拉伯语经注:
أَلَمۡ تَرَ أَنَّآ أَرۡسَلۡنَا ٱلشَّيَٰطِينَ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ تَؤُزُّهُمۡ أَزّٗا
Hindi ka ba nakakita na Kami ay nagsugo sa mga demonyo sa mga tagatangging sumampalataya, na nanunulsol sa kanila sa isang panunulsol?
阿拉伯语经注:
فَلَا تَعۡجَلۡ عَلَيۡهِمۡۖ إِنَّمَا نَعُدُّ لَهُمۡ عَدّٗا
Kaya huwag kang magmabilis sa kanila; nagbibilang lamang Kami para sa kanila ng isang pagbilang.
阿拉伯语经注:
يَوۡمَ نَحۡشُرُ ٱلۡمُتَّقِينَ إِلَى ٱلرَّحۡمَٰنِ وَفۡدٗا
Sa Araw na kakalap sa mga tagapangilag magkasala patungo sa Napakamaawain sa isang delegasyon.
阿拉伯语经注:
وَنَسُوقُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ إِلَىٰ جَهَنَّمَ وِرۡدٗا
Maghahatid Kami sa mga salarin tungo sa Impiyerno sa isang pagkauhaw.
阿拉伯语经注:
لَّا يَمۡلِكُونَ ٱلشَّفَٰعَةَ إِلَّا مَنِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَٰنِ عَهۡدٗا
Hindi sila makapagdudulot ng Pamamagitan maliban sa sinumang gumawa sa ganang Napakamaawain ng isang kasunduan.
阿拉伯语经注:
وَقَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَلَدٗا
Nagsabi sila: "Gumawa ang Napakamaawain ng anak."
阿拉伯语经注:
لَّقَدۡ جِئۡتُمۡ شَيۡـًٔا إِدّٗا
Talaga ngang nakagawa kayo ng isang bagay na kakila-kilabot.
阿拉伯语经注:
تَكَادُ ٱلسَّمَٰوَٰتُ يَتَفَطَّرۡنَ مِنۡهُ وَتَنشَقُّ ٱلۡأَرۡضُ وَتَخِرُّ ٱلۡجِبَالُ هَدًّا
Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak dahil dito, nabibiyak ang lupa, at bumabagsak ang mga bundok nang durug-durog,
阿拉伯语经注:
أَن دَعَوۡاْ لِلرَّحۡمَٰنِ وَلَدٗا
dahil nag-angkin sila para sa Napakamaawain ng anak.
阿拉伯语经注:
وَمَا يَنۢبَغِي لِلرَّحۡمَٰنِ أَن يَتَّخِذَ وَلَدًا
Hindi nararapat para sa Napakamaawain na gumawa ng anak.
阿拉伯语经注:
إِن كُلُّ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّآ ءَاتِي ٱلرَّحۡمَٰنِ عَبۡدٗا
Walang [magagawa] ang bawat sinumang nasa mga langit at lupa kundi pupunta sa Napakamaawain bilang alipin.
阿拉伯语经注:
لَّقَدۡ أَحۡصَىٰهُمۡ وَعَدَّهُمۡ عَدّٗا
Talaga ngang nag-isa-isa Siya sa kanila at bumilang Siya sa kanila sa isang pagbilang.
阿拉伯语经注:
وَكُلُّهُمۡ ءَاتِيهِ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فَرۡدًا
Lahat sila ay pupunta sa Kanya sa Araw ng Pagbangon nang bukod.
阿拉伯语经注:

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ سَيَجۡعَلُ لَهُمُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وُدّٗا
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magtatalaga para sa kanila ang Napakamaawain ng pagmamahal.
阿拉伯语经注:
فَإِنَّمَا يَسَّرۡنَٰهُ بِلِسَانِكَ لِتُبَشِّرَ بِهِ ٱلۡمُتَّقِينَ وَتُنذِرَ بِهِۦ قَوۡمٗا لُّدّٗا
Kaya nagpadali lamang Kami nito sa wika mo upang magbalita ka ng nakagagalak hinggil dito sa mga tagapangilag magkasala at magbabala ka hinggil dito sa mga taong palaban.
阿拉伯语经注:
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هَلۡ تُحِسُّ مِنۡهُم مِّنۡ أَحَدٍ أَوۡ تَسۡمَعُ لَهُمۡ رِكۡزَۢا
Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na salinlahi! Nakadarama ka kaya mula sa kanila ng isa man o nakarinig ka sa kanila ng isang tunog?
阿拉伯语经注:

 
含义的翻译 章: Maryam
章节目录 页码
 
《古兰经》含义的翻译 - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - 翻译目录

www.islamhouse.com ترجمة معاني القرآن الكريم إلى اللغة الفلبينية (تجالوج)، ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

关闭