Check out the new design

《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)翻译 - 拉瓦德翻译中心。 * - 译解目录

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

含义的翻译 章: 讨拜   段:
وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مَسۡجِدٗا ضِرَارٗا وَكُفۡرٗا وَتَفۡرِيقَۢا بَيۡنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَإِرۡصَادٗا لِّمَنۡ حَارَبَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ مِن قَبۡلُۚ وَلَيَحۡلِفُنَّ إِنۡ أَرَدۡنَآ إِلَّا ٱلۡحُسۡنَىٰۖ وَٱللَّهُ يَشۡهَدُ إِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
[May] mga gumawa sa isang masjid bilang pamiminsala, bilang kawalang-pananampalataya, bilang paghahati-hati sa pagitan ng mga mananampalataya, at bilang pagtatambang para sa sinumang nakidigma kay Allāh at sa Sugo Niya bago pa niyan. Talagang manunumpa nga sila: “Wala kaming ninais kundi ang pinakamaganda,” samantalang si Allāh ay sumasaksi na tunay na sila ay talagang mga sinungaling.
阿拉伯语经注:
لَا تَقُمۡ فِيهِ أَبَدٗاۚ لَّمَسۡجِدٌ أُسِّسَ عَلَى ٱلتَّقۡوَىٰ مِنۡ أَوَّلِ يَوۡمٍ أَحَقُّ أَن تَقُومَ فِيهِۚ فِيهِ رِجَالٞ يُحِبُّونَ أَن يَتَطَهَّرُواْۚ وَٱللَّهُ يُحِبُّ ٱلۡمُطَّهِّرِينَ
Huwag kang tumayo sa loob niyon magpakailanman. Talagang ang isang masjid na itinatag sa pangingilag magkasala sa unang araw ay higit na karapat-dapat na tumayo ka sa loob niyon [para magdasal]. Doon ay may mga lalaking naiibigang magpakadalisay. Si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakadalisay.
阿拉伯语经注:
أَفَمَنۡ أَسَّسَ بُنۡيَٰنَهُۥ عَلَىٰ تَقۡوَىٰ مِنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٍ خَيۡرٌ أَم مَّنۡ أَسَّسَ بُنۡيَٰنَهُۥ عَلَىٰ شَفَا جُرُفٍ هَارٖ فَٱنۡهَارَ بِهِۦ فِي نَارِ جَهَنَّمَۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya ang nagtatag ba ng gusali niya sa isang pangingilag magkasala kay Allāh at isang pagkalugod ay higit na mabuti, o ang nagtatag ng gusali niya sa bingit ng isang pampang na paguho kaya gumuho ito kalakip sa kanya sa Apoy ng Impiyerno? Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
阿拉伯语经注:
لَا يَزَالُ بُنۡيَٰنُهُمُ ٱلَّذِي بَنَوۡاْ رِيبَةٗ فِي قُلُوبِهِمۡ إِلَّآ أَن تَقَطَّعَ قُلُوبُهُمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
Hindi titigil ang gusali nila na itinayo nila bilang isang alinlangan sa mga puso nila maliban na magkakaputul-putol ang mga puso nila.[18] Si Allāh ay Maalam, Marunong.
[18] sa pagkamatay o pagkatapatay
阿拉伯语经注:
۞ إِنَّ ٱللَّهَ ٱشۡتَرَىٰ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ أَنفُسَهُمۡ وَأَمۡوَٰلَهُم بِأَنَّ لَهُمُ ٱلۡجَنَّةَۚ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَيَقۡتُلُونَ وَيُقۡتَلُونَۖ وَعۡدًا عَلَيۡهِ حَقّٗا فِي ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَٱلۡإِنجِيلِ وَٱلۡقُرۡءَانِۚ وَمَنۡ أَوۡفَىٰ بِعَهۡدِهِۦ مِنَ ٱللَّهِۚ فَٱسۡتَبۡشِرُواْ بِبَيۡعِكُمُ ٱلَّذِي بَايَعۡتُم بِهِۦۚ وَذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Tunay na si Allāh ay bumili mula sa mga mananampalataya ng mga sarili nila at mga yaman nila kapalit ng pagiging ukol sa kanila ang Paraiso. Nakikipaglaban sila ayon sa landas ni Allāh kaya nakapapatay sila at napapatay sila, bilang pangako [na tutuparin] Niya na totoo sa Torah, Ebanghelyo, at Qur’ān. Sino pa ang higit na palatupad sa kasunduan kaysa kay Allāh? Kaya magalak kayo sa pagbibilihan ninyong nakipagbilihan kayo. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
阿拉伯语经注:
 
含义的翻译 章: 讨拜
章节目录 页码
 
《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)翻译 - 拉瓦德翻译中心。 - 译解目录

由拉瓦德翻译中心团队与拉布瓦 الدعوة协会和伊斯兰内容服务协会合作翻译。

关闭