আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ * - অনুবাদসমূহৰ সূচীপত্ৰ


অৰ্থানুবাদ ছুৰা: ছুৰা আল-মাআৰিজ   আয়াত:

Al-Ma‘ārij

ছুৰাৰ উদ্দেশ্য:
بيان حال وجزاء الخلق يوم القيامة.
Ang paglilinaw sa kalagayan at ganti sa nilikha sa Araw ng Pagbangon.

سَأَلَ سَآئِلُۢ بِعَذَابٖ وَاقِعٖ
Nanawagan ang isang nananawagan, kabilang sa mga tagapagtambal, laban sa sarili niya at mga tao niya ng isang pagdurusa kung ang pagdurusang ito ay mangyayari. Ito ay isang panunuya mula sa kanya. Ito ay magaganap sa Araw ng Pagbangon.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
لِّلۡكَٰفِرِينَ لَيۡسَ لَهُۥ دَافِعٞ
Para sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh, wala para sa pagdurusang ito na sinumang pipigil
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
مِّنَ ٱللَّهِ ذِي ٱلۡمَعَارِجِ
laban kay Allāh na may kataasan, mga baytang, mga pampainam, at mga biyaya.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
تَعۡرُجُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٖ كَانَ مِقۡدَارُهُۥ خَمۡسِينَ أَلۡفَ سَنَةٖ
Aakyat sa Kanya ang mga anghel at si anghel Gabriel sa mga baytang na iyon sa Araw ng Pagbangon. Ito ay isang araw na mahaba, na ang sukat nito ay limampung libong taon.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
فَٱصۡبِرۡ صَبۡرٗا جَمِيلًا
Kaya magtiis ka, O Sugo, nang pagtitiis na walang panghihinawa at walang hinaing.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
إِنَّهُمۡ يَرَوۡنَهُۥ بَعِيدٗا
Tunay na sila ay nagtuturing na ang pagdurusang ito ay malayo, na imposibleng maganap
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَنَرَىٰهُ قَرِيبٗا
samantalang nagtuturing Kami mismo na ito ay malapit, na magaganap nang walang pasubali,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
يَوۡمَ تَكُونُ ٱلسَّمَآءُ كَٱلۡمُهۡلِ
sa Araw na ang langit ay magiging tulad ng nalusaw na tanso, ginto, at iba pa sa dalawang ito,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ
ang mga bundok ay magiging tulad ng lana sa gaan,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَلَا يَسۡـَٔلُ حَمِيمٌ حَمِيمٗا
at walang magtatanong na isang kamag-anak sa isang kamag-anak tungkol sa kalagayan nito dahil ang bawat isa ay abala sa sarili niya.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• تنزيه القرآن عن الشعر والكهانة.
Ang pagpapawalang-kaugnayan sa Qur'ān sa tula at panghuhula.

• خطر التَّقَوُّل على الله والافتراء عليه سبحانه.
Ang panganib ng pagsabi-sabi laban kay Allāh at paggawa-gawa [ng kasinungalingan] laban sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.

• الصبر الجميل الذي يحتسب فيه الأجر من الله ولا يُشكى لغيره.
Ang pagtitiis na marikit na inaasahan dito ang pabuya mula kay Allāh at hindi naghihinaing sa iba.

يُبَصَّرُونَهُمۡۚ يَوَدُّ ٱلۡمُجۡرِمُ لَوۡ يَفۡتَدِي مِنۡ عَذَابِ يَوۡمِئِذِۭ بِبَنِيهِ
Makasasaksi ang bawat tao sa kamag-anak niya; walang nakakukubli sa kanya. Gayon pa man, hindi magtatanong ang isa sa isa dahil sa hilakbot ng katayuan. Mag-aasam ang naging karapat-dapat sa Apoy na ihain ang mga anak niya sa pagdurusa bilang pamalit sa kanya,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَصَٰحِبَتِهِۦ وَأَخِيهِ
na tubusin siya kapalit ng asawa niya at kapatid niya,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَفَصِيلَتِهِ ٱلَّتِي تُـٔۡوِيهِ
at na tubusin siya kapalit ng angkan niyang mga pinakamalapit sa kanya, na mga umagapay sa kanya sa mga kasawian,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا ثُمَّ يُنجِيهِ
at na tubusin siya kapalit ng sinumang nasa lupa sa kalahatan kabilang sa tao, jinn, at iba pa, pagkatapos magliligtas sa kanya ang pagtubos na iyon at sasagip sa kanya mula sa pagdurusa sa Apoy.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
كَلَّآۖ إِنَّهَا لَظَىٰ
Ang usapin ay hindi gaya ng minimithi ng salaring ito! Tunay na iyon ay Apoy ng Kabilang-buhay, na liliyab at niningas,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
نَزَّاعَةٗ لِّلشَّوَىٰ
na nagpapahiwalay ng balat ng ulo sa isang pagpapahiwalay na matindi dahil sa tindi ng init niyon at pagniningas niyon,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
تَدۡعُواْ مَنۡ أَدۡبَرَ وَتَوَلَّىٰ
na nanawagan sa sinumang umayaw sa katotohanan, lumayo rito, hindi sumampalataya rito, at hindi gumawa,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَجَمَعَ فَأَوۡعَىٰٓ
at umipon ng yaman at nagmaramot sa paggugol mula rito sa landas ni Allāh.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
۞ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ خُلِقَ هَلُوعًا
Tunay na ang tao ay nilikha na matindi ang karamutan:
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
إِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ جَزُوعٗا
kapag may tumama sa kanya na kapinsalaan gaya ng karamdaman o karukhaan, siya ay madalang ang pagtitiis,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَإِذَا مَسَّهُ ٱلۡخَيۡرُ مَنُوعًا
at kapag may tumama sa kanya na anumang nagpapagalak sa kanya gaya ng kasaganaan at pagkayaman, siya ang madalas sa pagkakait sa pagkakaloob nito sa landas ni Allāh,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
إِلَّا ٱلۡمُصَلِّينَ
maliban sa mga nagdarasal sapagkat sila ay mga ligtas sa mga katangiang kapula-pulang iyon,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
ٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ دَآئِمُونَ
na sila, sa pagdarasal nila, ay mga matiyaga: hindi sila nagpapakaabala palayo rito at nagsasagawa nito sa oras nitong itinakda para rito,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَٱلَّذِينَ فِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقّٞ مَّعۡلُومٞ
at na [sila], sa mga yaman nila, ay may bahaging itinakdang isinatungkulin
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ
na ibinibigay nila para sa nanghihingi sa kanila at para sa hindi nanghihingi sa kanila kabilang sa napagkaitan ng panustos dahil sa alinmang kadahilanan,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَٱلَّذِينَ يُصَدِّقُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
at mga nagpapatotoo sa Araw ng Pagbangon, sa Araw na gaganti si Allāh sa bawat isa ayon sa magiging karapat-dapat dito,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَٱلَّذِينَ هُم مِّنۡ عَذَابِ رَبِّهِم مُّشۡفِقُونَ
at na sila, sa pagdurusang dulot ng Panginoon nila, ay mga nangangamba sa kabila na nagpauna sila ng mga gawa nilang maayos
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
إِنَّ عَذَابَ رَبِّهِمۡ غَيۡرُ مَأۡمُونٖ
– tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon nila ay nagpapangamba na walang natitiwasay roon na isang nakapag-uunawa –
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِفُرُوجِهِمۡ حَٰفِظُونَ
at na sila, para sa mga puri nila, ay mga tagapag-ingat sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga ito at pagpapalayo sa mga ito sa mga mahalay,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
إِلَّا عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَإِنَّهُمۡ غَيۡرُ مَلُومِينَ
maliban sa mga maybahay nila o sa minay-ari nila na mga babaing alipin sapagkat tunay na sila ay hindi mga masisisi sa pagtatamasa sa kanila sa pamamagitan ng pakikipagtalik at anumang mababa pa sa pakikipagtalik
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
فَمَنِ ٱبۡتَغَىٰ وَرَآءَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡعَادُونَ
– ngunit ang sinumang naghanap ng pagpapakaligaya ayon sa hindi sa binanggit na mga maybahay at mga babaing alipin, ang mga iyon ay ang mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh –
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِأَمَٰنَٰتِهِمۡ وَعَهۡدِهِمۡ رَٰعُونَ
at na sila, sa mga ipinagkatiwala sa kanila na mga ari-arian, mga lihim, at iba pa sa mga ito, at sa mga kasunduan sa kanila na isinakasunduan nila sa mga tao, ay mga tagapag-ingat: hindi sila nagtataksil sa mga ipinagkakatiwala sa kanila at hindi sila sumisira sa mga kasunduan sa kanila,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَٱلَّذِينَ هُم بِشَهَٰدَٰتِهِمۡ قَآئِمُونَ
at na sila ay mga naninindigan sa mga pagsasaksi nila sa paraang hinihiling, na hindi naaapektuhan ng pagkakamag-anak o pagkakaaway sa mga iyon,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ يُحَافِظُونَ
at na sila, sa pagdarasal nila, ay nangangalaga sa pamamagitan ng pagsasagawa nito sa oras nito nang may kadalisayan at kapanatagan, na walang nakaaabala sa kanila palayo roon na anumang tagaabala,
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
أُوْلَٰٓئِكَ فِي جَنَّٰتٖ مُّكۡرَمُونَ
ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon, sa mga hardin ay mga pararangalan sa pamamagitan ng mararanasan nila na kaginhawahang mananatili at pagtingin sa marangal na mukha ni Allāh.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
فَمَالِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ قِبَلَكَ مُهۡطِعِينَ
Kaya ano ang humila sa mga tagapagtambal na ito kabilang sa mga kababayan mo, O Sugo, na sa paligid mo ay mga nagmamatulin sa pagpapasinungaling sa iyo
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ عِزِينَ
na mga nakapaligid sa iyo sa gawing kanan mo at kaliwa mo na mga pangkat-pangkat?
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
أَيَطۡمَعُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُدۡخَلَ جَنَّةَ نَعِيمٖ
Umaasa ba ang bawat isa kabilang sa kanila na magpapasok sa kanya si Allāh sa hardin ng kaginhawahan, na magiginhawahan siya sa pamamagitan ng anumang naroon na kaginhawahang mananatili, samantalang siya ay namamalagi sa kawalang-pananampalataya niya?
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
كَلَّآۖ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّمَّا يَعۡلَمُونَ
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuguniguni nila! Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa nakikilala nila sapagkat lumikha nga Kami sa kanila mula sa isang likidong hamak. Kaya sila ay mahihina na hindi nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng pakinabang ni pinsala, kaya papaano silang nagpapakamalaki?
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
فَلَآ أُقۡسِمُ بِرَبِّ ٱلۡمَشَٰرِقِ وَٱلۡمَغَٰرِبِ إِنَّا لَقَٰدِرُونَ
Nanumpa si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa sarili Niya, samantalang Siya ay ang Panginoon ng mga silangan at mga kanluran, sa araw, buwan, at mga tala: "Tunay na Kami ay talagang nakakakaya!"
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• شدة عذاب النار حيث يود أهل النار أن ينجوا منها بكل وسيلة مما كانوا يعرفونه من وسائل الدنيا.
Ang tindi ng pagdurusa sa Apoy yayamang magmimithi ang mga mananahan sa Apoy na maligtas sila mula roon sa pamamagitan ng bawat kaparaanan na nalalaman nila dati mula sa mga kaparaanan sa Mundo.

• الصلاة من أعظم ما تكفَّر به السيئات في الدنيا، ويتوقى بها من نار الآخرة.
Ang pagdarasal ay kabilang sa pinakadakila sa ipinananakip-sala sa mga masagwang gawa sa Mundo at ipinanananggalang sa Apoy ng Kabilang-buhay.

• الخوف من عذاب الله دافع للعمل الصالح.
Ang pangamba sa pagdurusang dulot ni Allāh ay nagtutulak para sa gawang maayos.

عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ خَيۡرٗا مِّنۡهُمۡ وَمَا نَحۡنُ بِمَسۡبُوقِينَ
sa pagpapalit sa kanila ng iba pa sa kanila kabilang sa tumatalima kay Allāh. Magpapahamak Kami sa kanila; hindi Kami nawawalang-kakayahan doon. Kami ay hindi madadaig kapag nagnais Kami ng pagpapahamak sa kanila at pagpapalit sa kanila ng iba pa sa kanila."
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ
Kaya pabayaan mo sila, O Sugo, na sumuong sa anumang taglay nila na kabulaanan at pagkaligaw at maglaro sa buhay nilang pangmundo hanggang sa makipagkita sila sa Araw ng Pagbangon na sila dati ay pinangangakuan sa Qur'ān.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
يَوۡمَ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ سِرَاعٗا كَأَنَّهُمۡ إِلَىٰ نُصُبٖ يُوفِضُونَ
sa araw na lalabas sila mula sa mga libingan nang mabibilis na para bang sila tungo sa mga palatandaan ay nag-uunahan.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
خَٰشِعَةً أَبۡصَٰرُهُمۡ تَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٞۚ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمُ ٱلَّذِي كَانُواْ يُوعَدُونَ
Kaaba-aba ang mga paningin nila, may bumabalot sa kanila na isang kaabahan! Iyon ay ang araw na dating ipinangangako sa kanila sa Mundo, habang sila dati ay hindi pumapansin doon.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• خطر الغفلة عن الآخرة.
Ang panganib ng pagkalingat tungkol sa Kabilang-buhay.

• عبادة الله وتقواه سبب لغفران الذنوب.
Ang pagsamba kay Allāh at ang pangingilag magkasala sa Kanya ay isang kadahilanan para sa pagpapatawad sa mga pagkakasala.

• الاستمرار في الدعوة وتنويع أساليبها حق واجب على الدعاة.
Ang pagpapatuloy sa pag-aanyaya tungo sa Islām at ang pagsasarisari sa mga istilo nito ay isang tungkuling kinakailangan sa mga tagapag-anyaya tungo sa Islām.

 
অৰ্থানুবাদ ছুৰা: ছুৰা আল-মাআৰিজ
ছুৰাৰ তালিকা পৃষ্ঠা নং
 
আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ - অনুবাদসমূহৰ সূচীপত্ৰ

আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ, মৰকজ তাফছীৰ লিদ দিৰাছাত আল-কোৰআনিয়্যাৰ তৰফৰ পৰা প্ৰচাৰিত।

বন্ধ