Check out the new design

ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ * - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ


ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಅಧ್ಯಾಯ: ಅಲ್ -ಮಆರಿಜ್   ಶ್ಲೋಕ:

Al-Ma‘ārij

ಅಧ್ಯಾಯದ ಉದ್ದೇಶಗಳು:
بيان حال وجزاء الخلق يوم القيامة.
Ang paglilinaw sa kalagayan at ganti sa nilikha sa Araw ng Pagbangon.

سَأَلَ سَآئِلُۢ بِعَذَابٖ وَاقِعٖ
Nanawagan ang isang nananawagan, kabilang sa mga tagapagtambal, laban sa sarili niya at mga tao niya ng isang pagdurusa kung ang pagdurusang ito ay mangyayari. Ito ay isang panunuya mula sa kanya. Ito ay magaganap sa Araw ng Pagbangon.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
لِّلۡكَٰفِرِينَ لَيۡسَ لَهُۥ دَافِعٞ
Para sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh, wala para sa pagdurusang ito na sinumang pipigil
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
مِّنَ ٱللَّهِ ذِي ٱلۡمَعَارِجِ
laban kay Allāh na may kataasan, mga baytang, mga pampainam, at mga biyaya.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
تَعۡرُجُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٖ كَانَ مِقۡدَارُهُۥ خَمۡسِينَ أَلۡفَ سَنَةٖ
Aakyat sa Kanya ang mga anghel at si anghel Gabriel sa mga baytang na iyon sa Araw ng Pagbangon. Ito ay isang araw na mahaba, na ang sukat nito ay limampung libong taon.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَٱصۡبِرۡ صَبۡرٗا جَمِيلًا
Kaya magtiis ka, O Sugo, nang pagtitiis na walang panghihinawa at walang hinaing.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
إِنَّهُمۡ يَرَوۡنَهُۥ بَعِيدٗا
Tunay na sila ay nagtuturing na ang pagdurusang ito ay malayo, na imposibleng maganap
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَنَرَىٰهُ قَرِيبٗا
samantalang nagtuturing Kami mismo na ito ay malapit, na magaganap nang walang pasubali,
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
يَوۡمَ تَكُونُ ٱلسَّمَآءُ كَٱلۡمُهۡلِ
sa Araw na ang langit ay magiging tulad ng nalusaw na tanso, ginto, at iba pa sa dalawang ito,
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ
ang mga bundok ay magiging tulad ng lana sa gaan,
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَا يَسۡـَٔلُ حَمِيمٌ حَمِيمٗا
at walang magtatanong na isang kamag-anak sa isang kamag-anak tungkol sa kalagayan nito dahil ang bawat isa ay abala sa sarili niya.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• تنزيه القرآن عن الشعر والكهانة.
Ang pagpapawalang-kaugnayan sa Qur'ān sa tula at panghuhula.

• خطر التَّقَوُّل على الله والافتراء عليه سبحانه.
Ang panganib ng pagsabi-sabi laban kay Allāh at paggawa-gawa [ng kasinungalingan] laban sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.

• الصبر الجميل الذي يحتسب فيه الأجر من الله ولا يُشكى لغيره.
Ang pagtitiis na marikit na inaasahan dito ang pabuya mula kay Allāh at hindi naghihinaing sa iba.

 
ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಅಧ್ಯಾಯ: ಅಲ್ -ಮಆರಿಜ್
ಅಧ್ಯಾಯಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ
 
ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

ಪ್ರಕಾಶನ - ಕುರ್‌ಆನ್ ತಫ್ಸೀರ್ ಸ್ಟಡಿ ಸೆಂಟರ್

ಮುಚ್ಚಿ