Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (109) Surah: Hūd
فَلَا تَكُ فِي مِرۡيَةٖ مِّمَّا يَعۡبُدُ هَٰٓؤُلَآءِۚ مَا يَعۡبُدُونَ إِلَّا كَمَا يَعۡبُدُ ءَابَآؤُهُم مِّن قَبۡلُۚ وَإِنَّا لَمُوَفُّوهُمۡ نَصِيبَهُمۡ غَيۡرَ مَنقُوصٖ
Kaya huwag ka, O Sugo, maging nasa isang pag-aalinlangan at isang pagdududa sa katiwalian ng sinasamba ng mga tagapagtambal na ito sapagkat wala silang patunay na pangkaisipan at pambatas sa katumpakan nito. Ang nagbubuyo lamang sa kanila sa pagsamba sa iba pa kay Allāh ay ang paggaya nila sa mga ninuno nila. Tunay na Kami ay talagang maglulubos sa kanila ng bahagi nila mula sa pagdurusa nang walang pagkukulang.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• وجوب الاستقامة على دين الله تعالى.
Ang pagkatungkulin ng pagpapakatuwid sa Relihiyon ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• التحذير من الركون إلى الكفار الظالمين بمداهنة أو مودة.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagsandal sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng paglalangis o pagmamahal.

• بيان سُنَّة الله تعالى في أن الحسنة تمحو السيئة.
Ang paglilinaw sa kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – kaugnay sa pagpawi ng magandang gawa sa masagwang gawa.

• الحث على إيجاد جماعة من أولي الفضل يأمرون بالمعروف، وينهون عن الفساد والشر، وأنهم عصمة من عذاب الله.
Ang paghimok sa pagpapalitaw ng isang pangkat ng mga may kainaman na nag-uutos sa nakabubuti at sumasaway sa katiwalian at kasamaan, at na sila ay isang pananggalang laban sa pagdurusa mula kay Allāh.

 
Translation of the meanings Ayah: (109) Surah: Hūd
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close