Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Yūsuf   Ayah:
فَلَمَّا ذَهَبُواْ بِهِۦ وَأَجۡمَعُوٓاْ أَن يَجۡعَلُوهُ فِي غَيَٰبَتِ ٱلۡجُبِّۚ وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡهِ لَتُنَبِّئَنَّهُم بِأَمۡرِهِمۡ هَٰذَا وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Kaya ipinadala siya ni Jacob kasama sa kanila. Kaya noong nakaalis sila kasama niya at nagpasya sila na itapon siya sa ilalim ng balon, nagkasi Kami kay Jose sa kalagayang ito: "Talagang magpapabatid ka nga sa kanila hinggil sa pinaggagawa nilang ito samantalang sila ay hindi nakararamdam sa iyo sa sandali ng pagpapabatid mo sa kanila."
Arabic explanations of the Qur’an:
وَجَآءُوٓ أَبَاهُمۡ عِشَآءٗ يَبۡكُونَ
Dumating ang mga kapatid ni Jose sa ama nila sa oras ng gabi na nag-iiyak-iyakan bilang pagsusulong sa panlalansi nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ يَٰٓأَبَانَآ إِنَّا ذَهَبۡنَا نَسۡتَبِقُ وَتَرَكۡنَا يُوسُفَ عِندَ مَتَٰعِنَا فَأَكَلَهُ ٱلذِّئۡبُۖ وَمَآ أَنتَ بِمُؤۡمِنٖ لَّنَا وَلَوۡ كُنَّا صَٰدِقِينَ
Nagsabi sila: "O ama namin, tunay na kami ay umalis, na nag-uunahan sa pagtakbo at nagbabatuhan ng mga sibat. Iniwan namin si Jose sa tabi ng mga kasuutan namin at mga baon namin upang magbantay sa mga ito, saka kinain siya ng lobo. Ikaw ay hindi maniniwala sa amin kahit pa kami sa tunay na pangyayari ay mga tapat sa ipinabatid namin sa iyo."
Arabic explanations of the Qur’an:
وَجَآءُو عَلَىٰ قَمِيصِهِۦ بِدَمٖ كَذِبٖۚ قَالَ بَلۡ سَوَّلَتۡ لَكُمۡ أَنفُسُكُمۡ أَمۡرٗاۖ فَصَبۡرٞ جَمِيلٞۖ وَٱللَّهُ ٱلۡمُسۡتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ
Nagbigay-diin sila sa ulat nila sa pamamagitan ng isang panggugulang sapagkat naghatid sila ng kamisa ni Jose na nabahiran ng dugo na hindi dugo niya, habang mga nagpapaakala na ito ay bakas ng pagkakain ng lobo sa kanya. Ngunit nakatalos si Jacob – sa pamamagitan ng isang pahiwatig na ang damit ay hindi nagkapunit-punit – sa kasinungalingan nila, kaya nagsabi siya sa kanila: "Ang nangyari ay hindi gaya ng ipinabatid ninyo, bagkus nang-akit sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang masagwang bagay na ginawa ninyo. Kaya ang nauukol sa akin ay isang pagtitiis na marilag, na walang panghihinawa rito. Si Allāh ay ang hinihilingan ng tulong laban sa binabanggit ninyo na nangyari kay Jose."
Arabic explanations of the Qur’an:
وَجَآءَتۡ سَيَّارَةٞ فَأَرۡسَلُواْ وَارِدَهُمۡ فَأَدۡلَىٰ دَلۡوَهُۥۖ قَالَ يَٰبُشۡرَىٰ هَٰذَا غُلَٰمٞۚ وَأَسَرُّوهُ بِضَٰعَةٗۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِمَا يَعۡمَلُونَ
May dumating na isang karabang napararaan; saka nagpadala sila ng umiigib sa kanila ng tubig kaya naglugay ito ng timba nito sa balon. Kaya lumambitin si Jose sa lubid. Kaya noong nakakita sa kanya ang naglugay niyon ay nagsabi ito na nagagalak: "O balitang nakagagalak sa akin! Ito ay isang batang lalaki." Ikinubli siya ng tagaigib nila at ng ilan sa mga kasamahan nito sa nalalabi sa karaban, habang mga nag-aangkin na siya ay isang paninda na maititinda nila. Si Allāh ay Maalam sa ginagawa nila kay Jose na kawalang-dangal at pagbebenta: walang nakakukubli sa Kanya mula sa gawa nila na anuman.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَشَرَوۡهُ بِثَمَنِۭ بَخۡسٖ دَرَٰهِمَ مَعۡدُودَةٖ وَكَانُواْ فِيهِ مِنَ ٱلزَّٰهِدِينَ
Ibinenta siya ng tagaigib at ng mga kasamahan nito sa Ehipto sa halagang katiting sapagkat ito ay mga dirham na madaling bilangin dahil sa kakauntian ng mga ito. Sila ay kabilang sa mga nagwawalang-halaga sa kanya dahil sa sigasig nila sa paghahangad nila sa pagwawaksi sa kanya nang mabilisan sapagkat nalaman nga nila mula sa kalagayan niya na siya ay hindi isang alipin. Nangamba sila para sa mga sarili nila mula sa mag-anak niya. Ito ay bahagi ng kalubusan ng awa ni Allāh sa kanya upang hindi siya manatili kasama sa kanila nang matagal.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَالَ ٱلَّذِي ٱشۡتَرَىٰهُ مِن مِّصۡرَ لِٱمۡرَأَتِهِۦٓ أَكۡرِمِي مَثۡوَىٰهُ عَسَىٰٓ أَن يَنفَعَنَآ أَوۡ نَتَّخِذَهُۥ وَلَدٗاۚ وَكَذَٰلِكَ مَكَّنَّا لِيُوسُفَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلِنُعَلِّمَهُۥ مِن تَأۡوِيلِ ٱلۡأَحَادِيثِۚ وَٱللَّهُ غَالِبٌ عَلَىٰٓ أَمۡرِهِۦ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Nagsabi ang lalaking bumili sa kanya mula sa Ehipto sa maybahay nito: "Gumawa ka ng maganda sa kanya at magparangal ka sa pananatili niya kasama sa atin. Harinawa siya ay magpapakinabang sa atin sa pagsasagawa sa ilan sa kinakailangan natin, o gawin nating anak sa pamamagitan ng pag-ampon." Kung paanong nagligtas si Allāh kay Jose mula sa pagkakapatay, nagpalabas Siya rito mula sa balon, at nagpairog dito sa puso ng Makapangyarihan, nagbigay-kapangyarihan si Allāh para sa kanya sa Ehipto at upang magturo Siya sa kanya ng pagpapakahulugan ng mga panaginip. Si Allāh ay nananaig sa pinangyayari Niya sapagkat ang pinangyayari Niya ay matutupad, saka walang nakapipilit sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – subalit ang karamihan sa mga tao – ang mga tagatangging sumampalataya – ay hindi nakaaalam niyon.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَمَّا بَلَغَ أَشُدَّهُۥٓ ءَاتَيۡنَٰهُ حُكۡمٗا وَعِلۡمٗاۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Noong umabot si Jose sa edad ng kalakasan ng katawan ay nagbigay si Allāh sa kanya ng pagkaintindi at kaalaman. Tulad ng ganting ito na iginanti ni Allāh sa kanya, gaganti Siya sa mga tagagawa ng maganda sa pagsamba nila sa Kanya.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• بيان خطورة الحسد الذي جرّ إخوة يوسف إلى الكيد به والمؤامرة على قتله.
Ang paglilinaw sa panganib ng inggit na humila sa mga kapatid ni Jose sa pagpapakana sa kanya at pakikipagsabwatan sa pagpatay sa kanya.

• مشروعية العمل بالقرينة في الأحكام.
Ang pagkaisinasabatas ng paggawa nang may kaugnay na patunay sa mga patakaran.

• من تدبير الله ليوسف عليه السلام ولطفه به أن قذف في قلب عزيز مصر معاني الأبوة بعد أن حجب الشيطان عن إخوته معاني الأخوة.
Bahagi ng pangangasiwa ni Allāh kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at kabaitan Niya rito ay na naglagay Siya sa puso ng Makapangyarihan ng Ehipto ng mga katangian ng pagkaama matapos na nagtabing ang demonyo sa mga kapatid niya ng mga katangian ng kapatiran.

 
Translation of the meanings Surah: Yūsuf
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close