Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Yūsuf   Ayah:
وَٱتَّبَعۡتُ مِلَّةَ ءَابَآءِيٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَۚ مَا كَانَ لَنَآ أَن نُّشۡرِكَ بِٱللَّهِ مِن شَيۡءٖۚ ذَٰلِكَ مِن فَضۡلِ ٱللَّهِ عَلَيۡنَا وَعَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَشۡكُرُونَ
Sumunod ako sa relihiyon ng mga ninuno kong sina Abraham, Isaac, at Jacob. Ito ay ang relihiyon ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh. Hindi natutumpak para sa amin na magtambal kami kay Allāh ng iba pa sa Kanya. Siya ay ang namumukod-tangi sa kaisahan. Ang paniniwala sa kaisahan Niya at ang pananampalatayang iyon na ako at ang mga ninuno ko ay nakabatay ay bahagi ng kabutihang-loob ni Allāh sa amin, na nagtuon Siya sa amin doon, at bahagi ng kabutihang-loob Niya sa mga tao sa kalahatan nang nagpadala Siya sa kanila ng mga propeta dahil doon. Subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya bagkus tumatangging sumampalataya sa Kanya.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَٰصَٰحِبَيِ ٱلسِّجۡنِ ءَأَرۡبَابٞ مُّتَفَرِّقُونَ خَيۡرٌ أَمِ ٱللَّهُ ٱلۡوَٰحِدُ ٱلۡقَهَّارُ
Pagkatapos kinausap ni Jose ang dalawang binata sa kulungan, na nagsasabi: "Ang pagsamba ba sa mga diyos na sarisari ay higit na mabuti o ang pagsamba kay Allāh, ang Nag-iisa, na walang katambal sa Kanya, ang Palalupig sa iba sa Kanya, na hindi nalulupig?"
Arabic explanations of the Qur’an:
مَا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِهِۦٓ إِلَّآ أَسۡمَآءٗ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٍۚ إِنِ ٱلۡحُكۡمُ إِلَّا لِلَّهِ أَمَرَ أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّآ إِيَّاهُۚ ذَٰلِكَ ٱلدِّينُ ٱلۡقَيِّمُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Wala kayong sinasamba bukod pa kay Allāh kundi mga pangalan sa hindi mga pinangalanan, na tinawag ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo na mga diyos. Walang ukol sa mga ito na isang bahagi sa pagkadiyos. Hindi nagpababa si Allāh sa pagpapangalan ninyo sa mga ito ng katwirang nagpapatunay sa katumpakan ng mga ito. Walang iba ang paghahatol sa lahat ng mga nilikha kundi ukol kay Allāh lamang, hindi ukol sa mga pangalang ito na ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Nag-utos si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na pakaisahin ninyo Siya sa pagsamba at sumaway Siya na magtambal kayo kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya. Ang paniniwala sa kaisahang iyon ay ang Relihiyong tuwid na walang kabaluktutan dito, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam niyon. Dahil doon, nagtatambal sila kay Allāh kaya sumasamba sila sa ilan sa mga nilikha Niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَٰصَٰحِبَيِ ٱلسِّجۡنِ أَمَّآ أَحَدُكُمَا فَيَسۡقِي رَبَّهُۥ خَمۡرٗاۖ وَأَمَّا ٱلۡأٓخَرُ فَيُصۡلَبُ فَتَأۡكُلُ ٱلطَّيۡرُ مِن رَّأۡسِهِۦۚ قُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ ٱلَّذِي فِيهِ تَسۡتَفۡتِيَانِ
O dalawang kapisan ko sa bilangguan, hinggil sa nanaginip na siya ay pumipiga ng ubas upang maging alak, tunay na siya ay lalabas mula sa kulungan at manunumbalik sa gawain niya para magpainom siya sa hari; at hinggil naman sa nanaginip na sa ibabaw ng ulo niya ay may tinapay na kumakain ang mga ibon mula roon, tunay na siya ay papatayin at bibitayin kaya kakain ang mga ibon mula sa karne ng ulo niya. Natapos ang usapin na humiling kayong dalawa ng habilin hinggil doon at nalubos sapagkat ito ay magaganap nang walang pasubali."
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَالَ لِلَّذِي ظَنَّ أَنَّهُۥ نَاجٖ مِّنۡهُمَا ٱذۡكُرۡنِي عِندَ رَبِّكَ فَأَنسَىٰهُ ٱلشَّيۡطَٰنُ ذِكۡرَ رَبِّهِۦ فَلَبِثَ فِي ٱلسِّجۡنِ بِضۡعَ سِنِينَ
Nagsabi si Jose sa natiyak niya na ito ay maliligtas mula sa dalawang ito – ang tagapagpainom ng hari: "Bumanggit ka ng kasaysayan ko at lagay ko sa piling ng hari, nang sa gayon siya ay magpalabas sa akin mula sa bilangguan," ngunit nagpalimot ang Demonyo sa tagapagpainom ng pagbanggit kay Jose sa piling ng hari, kaya nanatili si Jose sa bilangguan matapos niyon nang ilang taon.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَالَ ٱلۡمَلِكُ إِنِّيٓ أَرَىٰ سَبۡعَ بَقَرَٰتٖ سِمَانٖ يَأۡكُلُهُنَّ سَبۡعٌ عِجَافٞ وَسَبۡعَ سُنۢبُلَٰتٍ خُضۡرٖ وَأُخَرَ يَابِسَٰتٖۖ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَأُ أَفۡتُونِي فِي رُءۡيَٰيَ إِن كُنتُمۡ لِلرُّءۡيَا تَعۡبُرُونَ
Nagsabi ang hari: "Tunay na ako ay nakakita sa panaginip ng pitong bakang matataba na kinakain ng pitong bakang payat at nakakita ng pitong uhay na luntian at pitong uhay na tuyot. O mga ginoo at mga maharlika, magpabatid kayo sa akin ng pagpapakahulugan sa panaginip kong ito kung nangyaring kayo ay mga nakaaalam ng pagpapakahulugan ng panaginip."
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• وجوب اتباع ملة إبراهيم، والبراءة من الشرك وأهله.
Ang pagkatungkulin ng pagsunod sa kapaniwalaan ni Abraham at ang pagpapawalang-kaugnayan sa shirk at mga alagad nito.

• في قوله:﴿ءَأَرْبَابٌ مُّتَفَرِّقُونَ ...﴾ دليل على أن هؤلاء المصريين كانوا أصحاب ديانة سماوية لكنهم أهل إشراك.
Sa sabi ni Allāh: "mga panginoong magkakahiwa-hiwalay ba..." ay may patunay na ang mga Ehipsiyong ito noon ay mga may relihiyong makalangit subalit sila ay mga kampon ng pagtatambal [kay Allāh].

• كلُّ الآلهة التي تُعبد من دون الله ما هي إلا أسماء على غير مسميات، ليس لها في الألوهية نصيب.
Ang lahat ng mga diyos na sinasamba bukod pa kay Allāh ay walang iba kundi mga pangalan sa hindi mga pinangalanan, na walang ukol sa mga ito na isang bahagi sa pagkadiyos.

• استغلال المناسبات للدعوة إلى الله، كما استغلها يوسف عليه السلام في السجن.
Ang pagsasamantala sa mga pagkakataon para sa pag-anyaya tungo kay Allāh kung paanong sinamantala ang mga ito ni Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa kulungan.

 
Translation of the meanings Surah: Yūsuf
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close