Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Al-Hijr   Ayah:
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمٗا قَالَ إِنَّا مِنكُمۡ وَجِلُونَ
Nang pumasok sila sa kanya at nagsabi sila sa kanya: "Kapayapaan" ay sumagot siya sa kanila ng higit na maganda kaysa sa pagbati nila. Naghain siya sa kanila ng isang inihaw na guya upang kainin nila sapagkat nagpalagay siya na sila ay mga mortal ngunit noong hindi sila kumain mula roon ay nagsabi siya: "Tunay na kami sa inyo ay mga nangangamba."
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ لَا تَوۡجَلۡ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٖ
Nagsabi ang mga sugo kabilang sa mga anghel: "Huwag kang mangamba; tunay na kami ay magpapabatid sa iyo ng ikagagalak mo: na magkakaroon ka ng isang anak na lalaking maalam."
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ أَبَشَّرۡتُمُونِي عَلَىٰٓ أَن مَّسَّنِيَ ٱلۡكِبَرُ فَبِمَ تُبَشِّرُونَ
Nagsabi sa kanila si Abraham noong nagtaka siya sa pagbabalita nila ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang anak: "Nagbalita ba kayo ng nakalulugod sa akin hinggil sa isang anak sa kabila ng dumapo sa akin na kagulangan at katandaan? Kaya sa aling paraan magbabalita kayo ng nakalulugod sa akin?"
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ بَشَّرۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ فَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡقَٰنِطِينَ
Nagsabi ang mga sugo kabilang sa mga anghel kay Abraham: "Nagbalita kami ng nakagagalak sa iyo hinggil sa katotohanang walang pag-aalangan hinggil dito kaya huwag kang maging kabilang sa mga nawawalan ng pag-asa sa ibinabalita naming nakagagalak sa iyo."
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ وَمَن يَقۡنَطُ مِن رَّحۡمَةِ رَبِّهِۦٓ إِلَّا ٱلضَّآلُّونَ
Nagsabi si Abraham: "May nawawalan kaya ng pag-asa sa awa ng Panginoon niya kundi ang mga nalilihis palayo sa landasing tuwid ni Allāh?"
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Nagsabi si Abraham: "Kaya ano ang sadya ninyong naghatid sa inyo, O mga isinugo, mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya?"
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٖ مُّجۡرِمِينَ
Nagsabi ang mga sugo kabilang sa mga anghel: "Tunay na kami ay isinugo ni Allāh para sa pagpapahamak sa mga taong mabibigat ang kasagwaan, mabibigat ang kasamaan. Sila ay mga kababayan ni Lot.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِلَّآ ءَالَ لُوطٍ إِنَّا لَمُنَجُّوهُمۡ أَجۡمَعِينَ
maliban sa mag-anak ni Lot at mga tagasunod niya kabilang sa mga mananampalataya sapagkat hindi sasaklaw sa kanila ang pagpapahamak. Tunay na kami ay mga magbibigay-kaligtasan sa kanila sa kalahatan mula roon,
Arabic explanations of the Qur’an:
إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَآ إِنَّهَا لَمِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
maliban sa maybahay niya sapagkat [nagsabi si Allāh:] Humatol na Kami na ito ay kabilang sa mga matitirang sasaklawan ng kapahamakan."
Arabic explanations of the Qur’an:
فَلَمَّا جَآءَ ءَالَ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Kaya noong sumapit ang mga anghel na isinugo sa mag-anak ni Lot sa mga anyo ng mga lalaki,
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ إِنَّكُمۡ قَوۡمٞ مُّنكَرُونَ
nagsabi sa kanila si Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Mga taong hindi kilala."
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ بَلۡ جِئۡنَٰكَ بِمَا كَانُواْ فِيهِ يَمۡتَرُونَ
Nagsabi ang mga sugo kabilang sa mga anghel: "Huwag kang mangamba. Bagkus naghatid kami sa iyo, O Lot, ng bagay na noon ay nagdududa hinggil dito ang mga kababayan mo: ang pagdurusang magpapahamak sa kanila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَتَيۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Naghatid kami sa iyo ng katotohanang walang biro rito, at tunay na kami ay talagang mga tapat sa ipinabatid namin sa iyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَسۡرِ بِأَهۡلِكَ بِقِطۡعٖ مِّنَ ٱلَّيۡلِ وَٱتَّبِعۡ أَدۡبَٰرَهُمۡ وَلَا يَلۡتَفِتۡ مِنكُمۡ أَحَدٞ وَٱمۡضُواْ حَيۡثُ تُؤۡمَرُونَ
Kaya humayo ka kasama ng mag-anak mo matapos ng paglipas ng isang bahagi ng gabi. Humayo ka sa likuran nila at walang lilingong isa man kabilang sa inyo sa hulihan upang tumingin sa dumapo sa kanila. Tumuloy kayo sa kung saan kayo inutusan ni Allāh na tumuloy."
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَضَيۡنَآ إِلَيۡهِ ذَٰلِكَ ٱلۡأَمۡرَ أَنَّ دَابِرَ هَٰٓؤُلَآءِ مَقۡطُوعٞ مُّصۡبِحِينَ
Nagpaalam Kami kay Lot ng tungkol sa paraan ng pagkakasi, ang bagay na iyon na itinakda Namin: na ang mga taong ito ay pupuksain sa pamamagitan ng pagpapahamak sa kahuli-hulihan sa kanila kapag sumapit sila sa umaga.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَجَآءَ أَهۡلُ ٱلۡمَدِينَةِ يَسۡتَبۡشِرُونَ
Dumating ang mga naninirahan sa Sodom na mga nagagalak sa mga panauhin ni Lot, sa paghahangad sa paggawa ng mahalay.
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ ضَيۡفِي فَلَا تَفۡضَحُونِ
Nagsabi sa kanila si Lot: "Tunay na ang mga taong ito ay mga panauhin ko kaya huwag kayong mag-iskandalo sa akin dahil sa ninanais ninyo sa kanila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُخۡزُونِ
Mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagtigil sa gawaing mahalay na ito at huwag kayong manghamak sa akin dahil sa gawain ninyong karumal-dumal."
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُوٓاْ أَوَلَمۡ نَنۡهَكَ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Hindi ba sumaway kami sa iyo laban sa pagtanggap bilang panauhin sa isa man sa mga tao?"
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• تعليم أدب الضيف بالتحية والسلام حين القدوم على الآخرين.
Ang pagtuturo ng kaasalan sa panauhin sa pamamagitan ng pagbati at [pagdalangin ng] kapayapaan sa pagdating sa mga ibang tao.

• من أنعم الله عليه بالهداية والعلم العظيم لا سبيل له إلى القنوط من رحمة الله.
Ang sinumang biniyayaan ni Allāh ng kapatnubayan at kaalamang dakila ay walang daan para sa kanya tungo sa kawalang pag-asa sa awa ni Allāh.

• نهى الله تعالى لوطًا وأتباعه عن الالتفات أثناء نزول العذاب بقوم لوط حتى لا تأخذهم الشفقة عليهم.
Sinaway ni Allāh – pagkataas-taas Siya – si Lot at ang mga tagasunod niya laban sa paglingon sa sandali ng pagbaba ng parusa sa mga kababayan ni Lot nang sa gayon ay hindi sila madala ng habag sa mga iyon.

• تصميم قوم لوط على ارتكاب الفاحشة مع هؤلاء الضيوف دليل على طمس فطرتهم، وشدة فحشهم.
Ang pagpapasya ng mga kababayan ni Lot sa paggawa ng mahalay sa mga panauhing ito ay isang patunay ng pagkapawi ng kalikasan ng pagkakalalang sa kanila at tindi ng kahalayan nila.

 
Translation of the meanings Surah: Al-Hijr
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close