Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Al-Hijr   Ayah:
ٱلَّذِينَ جَعَلُواْ ٱلۡقُرۡءَانَ عِضِينَ
na mga gumawa sa Qur’ān bilang mga bahagi saka nagsabi: "Ito ay isang panggagaway o isang panghuhula o isang tula."
Arabic explanations of the Qur’an:
فَوَرَبِّكَ لَنَسۡـَٔلَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Kaya sumpa man sa Panginoon mo, O Sugo, talaga ngang magtatanong Kami sa Araw ng Pagbangon sa lahat ng gumawa rito bilang mga bahagi.
Arabic explanations of the Qur’an:
عَمَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Talagang magtatanong nga Kami sa kanila tungkol sa anumang dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway sa Mundo.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَٱصۡدَعۡ بِمَا تُؤۡمَرُ وَأَعۡرِضۡ عَنِ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Kaya magpahayag ka, O Sugo, ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh na pag-aanyaya tungo sa Kanya at huwag kang lumingon sa sinasabi at ginagawa ng mga tagapagtambal.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّا كَفَيۡنَٰكَ ٱلۡمُسۡتَهۡزِءِينَ
Huwag kang mangamba sa kanila sapagkat nakasapat nga Kami sa iyo sa pakana ng mga tagatuya kabilang sa mga pinuno ng kawalang-pananampalataya kabilang sa [liping] Quraysh
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِينَ يَجۡعَلُونَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
na gumagawa kasama kay Allāh ng sinasambang iba pa sa Kanya, ngunit malalaman nila ang kahihinatnan ng masagwang pagtatambal nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ نَعۡلَمُ أَنَّكَ يَضِيقُ صَدۡرُكَ بِمَا يَقُولُونَ
Talaga ngang nakaaalam Kami na ikaw, O Sugo, ay napaninikipan ng dibdib mo dahil sa namumutawi mula sa kanila na pagpapasinungaling nila sa iyo at panunuya nila sa iyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ وَكُن مِّنَ ٱلسَّٰجِدِينَ
Kaya dumulog ka kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapawalang-kaugnayan sa Kanya sa anumang hindi naaangkop sa Kanya at ng pagbubunyi sa Kanya sa pamamagitan ng mga katangian ng kalubusan Niya. Maging kabilang ka sa mga tagasamba kay Allāh, na mga tagapagdasal sa Kanya sapagkat sa gayon ay may lunas sa paninikip ng dibdib mo.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱعۡبُدۡ رَبَّكَ حَتَّىٰ يَأۡتِيَكَ ٱلۡيَقِينُ
Mamalagi ka sa pagsamba mo sa Panginoon mo at magpatuloy ka roon hanggat nanatili kang buhay hanggang sa pumunta sa iyo ang kamatayan habang ikaw ay nasa gayon.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• عناية الله ورعايته بصَوْن النبي صلى الله عليه وسلم وحمايته من أذى المشركين.
Ang pag-aaruga ni Allāh at ang pagmamalasakit Niya sa pamamagitan ng pangangalaga sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at pagsasanggalang Niya rito laban sa pananakit ng mga tagapagtambal.

• التسبيح والتحميد والصلاة علاج الهموم والأحزان، وطريق الخروج من الأزمات والمآزق والكروب.
Ang pagluluwalhati, ang pagpapapuri, at ang pagdarasal ay lunas sa mga alalahanin at mga lungkot, at daan ng paglabas mula sa mga krisis, mga kagipitan, at mga pighati.

• المسلم مطالب على سبيل الفرضية بالعبادة التي هي الصلاة على الدوام حتى يأتيه الموت، ما لم يغلب الغشيان أو فقد الذاكرة على عقله.
Ang Muslim ay hinihilingan, dahil sa pagkatungkulin, ng pagsamba na pagdarasal nang palagian hanggang sa sumapit sa kanya ang kamatayan hanggat hindi nanaig ang kawalang-malay o ang pagkawala ng alaala sa isip niya.

• سمى الله الوحي روحًا؛ لأنه تحيا به النفوس.
Nagpangalan si Allāh sa pagkakasi bilang espiritu dahil ito ay ikinabubuhay ng mga kaluluwa.

• مَلَّكَنا الله تعالى الأنعام والدواب وذَلَّلها لنا، وأباح لنا تسخيرها والانتفاع بها؛ رحمة منه تعالى بنا.
Pinagmay-ari tayo ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ng mga hayupan at mga hayop, pinaamo Niya ang mga ito sa atin, at ipinahintulot Niya sa atin ang pagpapasilbi ng mga ito at pakikinabang sa mga ito bilang awa mula sa Kanya – pagkataas-taas Siya – sa atin.

 
Translation of the meanings Surah: Al-Hijr
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close