Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (180) Surah: Al-Baqarah
كُتِبَ عَلَيۡكُمۡ إِذَا حَضَرَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ إِن تَرَكَ خَيۡرًا ٱلۡوَصِيَّةُ لِلۡوَٰلِدَيۡنِ وَٱلۡأَقۡرَبِينَ بِٱلۡمَعۡرُوفِۖ حَقًّا عَلَى ٱلۡمُتَّقِينَ
Inobliga sa inyo, kapag darating sa isa sa inyo ang mga palatandaan ng kamatayan at ang mga dahilan nito kung mag-iiwan siya ng maraming yaman, na magsatagubilin para sa mga magulang at mga may pagkakamag-anak ng ayon sa nilimitahan sa kanya ng Batas ng Islām, na hindi lalampas sa isang katlo ng yaman. Ang paggawa nito ay isang tungkuling binigyang-diin sa mga tagapangilag magkasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Nangyari nga ang patakarang ito bago ng pagbaba ng mga talata ng mga pagmamana; ngunit noong bumaba na ang mga talata ng pagmamana, nilinaw ng mga ito kung sino ang magmamana sa patay at ang kantidad ng mamanahin.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• البِرُّ الذي يحبه الله يكون بتحقيق الإيمان والعمل الصالح، وأما التمسك بالمظاهر فقط فلا يكفي عنده تعالى.
Ang pagpapakabuting iniibig ni Allāh ay sa pamamagitan ng pagsasakatotohanan ng pananampalataya at gawang maayos samantalang ang pagsunod sa mga panlabas lamang ay hindi nakasasapat sa ganang Kanya – pagkataas-taas Siya.

• من أعظم ما يحفظ الأنفس، ويمنع من التعدي والظلم؛ تطبيق مبدأ القصاص الذي شرعه الله في النفس وما دونها.
Kabilang sa pinakamalaki sa nangangalaga sa mga buhay at pumipigil sa pangangaway at paglabag sa katarungan ay ang pagpapatupad ng simulain ng ganting-pinsala na isinabatas ni Allāh kaugnay sa buhay at anumang mababa pa rito.

• عِظَمُ شأن الوصية، ولا سيما لمن كان عنده شيء يُوصي به، وإثمُ من غيَّر في وصية الميت وبدَّل ما فيها.
Ang bigat ng nauukol sa tagubilin, lalo na para sa sinumang mayroong itatagubilin, at ang kasalanan ng sinumang nagbago sa tagubilin ng patay at nagpalit sa nilalaman nito.

 
Translation of the meanings Ayah: (180) Surah: Al-Baqarah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close