Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (19) Surah: Al-Baqarah
أَوۡ كَصَيِّبٖ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فِيهِ ظُلُمَٰتٞ وَرَعۡدٞ وَبَرۡقٞ يَجۡعَلُونَ أَصَٰبِعَهُمۡ فِيٓ ءَاذَانِهِم مِّنَ ٱلصَّوَٰعِقِ حَذَرَ ٱلۡمَوۡتِۚ وَٱللَّهُ مُحِيطُۢ بِٱلۡكَٰفِرِينَ
Tungkol naman sa pantubig na paghahalintulad sa kanila, sila ay katulad ng masaganang ulan mula sa mga ulap na sa loob nito ay may mga kadilimang nagkakapatung-patong, kulog, at kidlat. Bumaba ito sa mga tao at tinatamaan sila ng isang matinding pangingilabot kaya nagsimula silang magpasak sa mga tainga nila ng mga dulo ng mga daliri nila dahil sa tindi ng tunog ng mga lintik dala ng pangamba sa kamatayan. Si Allāh ay Tagasaklaw sa mga tagatangging sumampalataya; hindi sila nagpapawalang-kakayahan sa Kanya.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• أن الله تعالى يخذل المنافقين في أشد أحوالهم حاجة وأكثرها شدة؛ جزاء نفاقهم وإعراضهم عن الهدى.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay mag-iiwan sa mga mapagpaimbabaw sa pinakamatindi sa mga kalagayan nila sa pangangailangan at pinakamadalas sa mga ito sa katindihan bilang ganti sa pagpapaimbabaw nila at pag-ayaw nila sa patnubay.

• من أعظم الأدلة على وجوب إفراد الله بالعبادة أنه تعالى هو الذي خلق لنا ما في الكون وجعله مسخَّرًا لنا.
Kabilang sa pinakamabigat sa mga patunay sa pagkakailangan ng pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba ay na Siya – pagkataas-taas Siya – ay ang lumikha para sa atin ng anumang nasa Sansinukob at gumawa nito bilang pinagsisilbi para sa atin.

• عجز الخلق عن الإتيان بمثل سورة من القرآن الكريم يدل على أنه تنزيل من حكيم عليم.
Ang kawalang-kakayahan ng nilikha sa paglalahad ng tulad sa isang kabanata ng Marangal na Qur'ān ay nagpapatunay na ito ay isang pagbababa mula sa Marunong, Maalam.

 
Translation of the meanings Ayah: (19) Surah: Al-Baqarah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close