Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (47) Surah: Tā-ha
فَأۡتِيَاهُ فَقُولَآ إِنَّا رَسُولَا رَبِّكَ فَأَرۡسِلۡ مَعَنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَلَا تُعَذِّبۡهُمۡۖ قَدۡ جِئۡنَٰكَ بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّكَۖ وَٱلسَّلَٰمُ عَلَىٰ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلۡهُدَىٰٓ
Kaya pumunta kayong dalawa sa kanya saka magsabi kayong dalawa sa kanya: 'Tunay na kami ay dalawang sugo ng Panginoon mo, O Paraon, kaya ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel at huwag mo silang pagdusahin sa pamamagitan ng pagpatay sa mga anak nila at pagpapanatiling buhay sa mga kababaihan nila. Dumating nga kami sa iyo kalakip ng isang patotoo mula sa Panginoon mo sa katapatan namin. Ang katiwasayan mula sa parusa ni Allāh ay ukol sa sinumang sumampalataya at sumunod sa patnubay ni Allāh.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• كمال اعتناء الله بكليمه موسى عليه السلام والأنبياء والرسل، ولورثتهم نصيب من هذا الاعتناء على حسب أحوالهم مع الله.
Ang kalubusan ng pagmamalasakit ni Allāh sa kausap Niyang si Moises – sumakanya ang pangangalaga – at sa mga propeta at mga sugo. Ang mga tagapagmana nila ay may bahagi mula sa pagmamalasakit na ito alinsunod sa mga kalagayan nila kay Allāh.

• من الهداية العامة للمخلوقات أن تجد كل مخلوق يسعى لما خلق له من المنافع، وفي دفع المضار عن نفسه.
Bahagi ng kapatnubayang pangkalahatan para sa mga nilikha na makatagpo ng mga pakinabang ang bawat nilikha na nagpupunyagi para sa pagkakalikha rito at sa pagtutulak sa mga pinsala palayo sa sarili nito.

• بيان فضيلة الأمر بالمعروف والنهي عن المنكر، وأن ذلك يكون باللين من القول لمن معه القوة، وضُمِنَت له العصمة.
Ang paglilinaw sa kalamangan ng pag-uutos sa nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama at iyon ay sa pamamagitan ng kabanayaran sa pagsasabi sa sinumang mayroong lakas at ginarantiya para sa kanya ang pangangalaga.

• الله هو المختص بعلم الغيب في الماضي والحاضر والمستقبل.
Si Allāh ay ang natatangi sa kaalaman sa Lingid sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.

 
Translation of the meanings Ayah: (47) Surah: Tā-ha
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close