Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Fussilat   Ayah:
فَقَضَىٰهُنَّ سَبۡعَ سَمَٰوَاتٖ فِي يَوۡمَيۡنِ وَأَوۡحَىٰ فِي كُلِّ سَمَآءٍ أَمۡرَهَاۚ وَزَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِمَصَٰبِيحَ وَحِفۡظٗاۚ ذَٰلِكَ تَقۡدِيرُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ
Saka lumubos si Allāh sa paglikha ng mga langit sa dalawang araw: ang araw ng Huwebes at ang araw ng Biyernes. Sa dalawang [araw na] ito, nalubos ang paglikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Kumasi si Allāh sa bawat langit ng itinatakda Niya rito at ipinag-uutos Niya rito na pagtalima at pagsamba. Ginayakan Niya ang langit na pinakamababa ng mga bituin at pinangalagaan Niya ang langit sa pamamagitan ng mga ito laban sa panakaw na pakikinig ng mga demonyo. Ang nabanggit na iyon sa kabuuan niyon ay ang pagtatakda [Niya], ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Maalam sa mga nilikha Niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَإِنۡ أَعۡرَضُواْ فَقُلۡ أَنذَرۡتُكُمۡ صَٰعِقَةٗ مِّثۡلَ صَٰعِقَةِ عَادٖ وَثَمُودَ
Kaya kung umayaw ang mga ito sa pananampalataya sa inihatid mo ay sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nagpangamba ako sa inyo ng isang pagdurusang babagsak sa inyo tulad ng pagdurusang bumagsak sa `Ād na mga kalipi ni Hūd, at sa Thamūd na mga kalipi ni Ṣāliḥ noong nagpasinungaling sila sa dalawang ito.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِذۡ جَآءَتۡهُمُ ٱلرُّسُلُ مِنۢ بَيۡنِ أَيۡدِيهِمۡ وَمِنۡ خَلۡفِهِمۡ أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَۖ قَالُواْ لَوۡ شَآءَ رَبُّنَا لَأَنزَلَ مَلَٰٓئِكَةٗ فَإِنَّا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ
[Nangyari iyon] nang dumating sa kanila ang mga sugo sa kanila, na sumusunod ang ilan sa mga iyon sa iba pa kalakip ng nag-iisang paanyaya, na nag-uutos sa kanila na huwag silang sumamba maliban kay Allāh lamang." Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila: "Kung sakaling niloob ng Panginoon namin ang magpababa ng mga anghel sa amin ay talaga sanang nagpababa Siya sa kanila; kaya tunay na kami ay mga tagatangging sumampalataya sa ipinasugo sa inyo dahil kayo ay mga taong tulad namin."
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَمَّا عَادٞ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَقَالُواْ مَنۡ أَشَدُّ مِنَّا قُوَّةًۖ أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِي خَلَقَهُمۡ هُوَ أَشَدُّ مِنۡهُمۡ قُوَّةٗۖ وَكَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَجۡحَدُونَ
Tungkol sa `Ād na mga kalipi ni Hūd, kasama ng kawalang-pananampalataya nila kay Allāh ay nagpakamalaki sila sa lupain ayon sa hindi karapatan, lumabag sila sa katarungan sa mga nakapaligid sa kanila, at nagsabi sila habang sila ay nadadaya dahil sa lakas nila: "Sino ang higit na matindi kaysa sa amin sa lakas?" Walang isang higit na matindi sa kanila sa lakas ayon sa paghahaka-haka nila kaya tumugon si Allāh sa kanila: "Kaya ba hindi nakaaalam ang mga ito at nakasasaksi na si Allāh na lumikha sa kanila at naglagak sa kanila ng lakas na nagsanhi ng pagpapalabis nila ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Sila dati ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh na dinala ni Hūd – sumakanya ang pangangalaga."
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا صَرۡصَرٗا فِيٓ أَيَّامٖ نَّحِسَاتٖ لِّنُذِيقَهُمۡ عَذَابَ ٱلۡخِزۡيِ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَخۡزَىٰۖ وَهُمۡ لَا يُنصَرُونَ
Kaya nagpadala Kami sa kanila ng isang hanging may tunog na nakababagabag sa mga araw na malas sa kanila dahil sa dulot nito na pagdurusa upang magpalasap Kami sa kanila ng pagdurusang dulot ng pagkaaba at pagkahamak para sa kanila sa buhay na pangmundo. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay na naghihintay sa kanila ay higit na matindi sa pang-aaba sa kanila habang sila ay hindi nakatatagpo ng mag-aadya sa kanila sa pamamagitan ng pagsagip sa kanila mula sa pagdurusa.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَمَّا ثَمُودُ فَهَدَيۡنَٰهُمۡ فَٱسۡتَحَبُّواْ ٱلۡعَمَىٰ عَلَى ٱلۡهُدَىٰ فَأَخَذَتۡهُمۡ صَٰعِقَةُ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡهُونِ بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Hinggil sa Thamūd na mga kalipi ni Ṣāliḥ, nagpatnubay nga Kami sa kanila sa pamamagitan ng paglilinaw sa kanila ng daan ng katotohanan ngunit minagaling nila ang pagkaligaw kaysa sa kapatnubayan tungo sa katotohanan, kaya nagpahamak sa kanila ang lintik ng pagdurusang nang-aaba dahilan sa dati nilang nakakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَنَجَّيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ
Nagligtas Kami sa mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya habang sila noon ay nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Nagligtas Kami sa kanila mula sa pagdurusang dumapo sa mga kalipi nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَيَوۡمَ يُحۡشَرُ أَعۡدَآءُ ٱللَّهِ إِلَى ٱلنَّارِ فَهُمۡ يُوزَعُونَ
Sa Araw na kakalap si Allāh sa mga kaaway Niya patungo sa Apoy, itutulak ng mga bantay ang una sa kanila hanggang sa huli sa kanila. Hindi nila makakakayang tumakas mula sa Apoy
Arabic explanations of the Qur’an:
حَتَّىٰٓ إِذَا مَا جَآءُوهَا شَهِدَ عَلَيۡهِمۡ سَمۡعُهُمۡ وَأَبۡصَٰرُهُمۡ وَجُلُودُهُم بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
hanggang sa, kapag dumating sila sa Apoy na pinag-akayan sa kanila at nagkaila sila sa dati nilang nalalaman sa Mundo, sasaksi laban sa kanila ang mga pandinig nila, ang mga paningin nila, at mga balat nila sa dati nilang ginagawa sa Mundo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• الإعراض عن الحق سبب المهالك في الدنيا والآخرة.
Ang pag-ayaw sa katotohanan ay isang kadahilanan ng mga kapahamakan sa Mundo at Kabilang-buhay.

• التكبر والاغترار بالقوة مانعان من الإذعان للحق.
Ang pagpapakamalaki at ang pagkalinlang dahil sa lakas ay mga tagahadlang sa pagpapasakop sa katotohanan.

• الكفار يُجْمَع لهم بين عذاب الدنيا وعذاب الآخرة.
Ang mga tagatangging sumampalataya ay titipunin sa pagitan ng pagdurusa sa Mundo at pagdurusa sa Kabilang-buhay.

• شهادة الجوارح يوم القيامة على أصحابها.
Ang pagsaksi ng mga bahagi ng katawan sa Araw ng Pagbangon laban sa mga may-ari ng mga ito.

 
Translation of the meanings Surah: Fussilat
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close