Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (11) Surah: Al-Ahqāf
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَوۡ كَانَ خَيۡرٗا مَّا سَبَقُونَآ إِلَيۡهِۚ وَإِذۡ لَمۡ يَهۡتَدُواْ بِهِۦ فَسَيَقُولُونَ هَٰذَآ إِفۡكٞ قَدِيمٞ
Nagsabi sa mga sumampalataya ang mga tumangging sumampalataya sa Qur'ān at sa inihatid sa kanila ng Sugo sa kanila: "Kung sakaling ang inihatid ni Muḥammad ay katotohanang nagpapatnubay tungo sa kabutihan, hindi sana nakauna sa amin dito itong mga maralita, mga alipin, at mga mahina." Dahil sila ay hindi napatnubayan sa pamamagitan ng inihatid sa kanila ng Sugo sa kanila, magsasabi sila: "Itong inihatid niya sa amin ay isang kasinungalingang luma at kami ay hindi sumusunod sa kasinungalingan."
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• كل من عُبِد من دون الله ينكر على من عبده من الكافرين.
Ang bawat sinamba bukod pa kay Allāh ay magkakaila sa mga sumamba sa kanya kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.

• عدم معرفة النبي صلى الله عليه وسلم بالغيب إلا ما أطلعه الله عليه منه.
Ang kawalan ng kaalaman ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa Lingid, maliban sa ipinabatid ni Allāh sa kanya.

• وجود ما يثبت نبوّة نبينا صلى الله عليه وسلم في الكتب السابقة.
Ang pagkakaroon ng nagpapatibay sa pagkapropeta ng Propeta natin – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa mga kasulatang nauna.

• بيان فضل الاستقامة وجزاء أصحابها.
Ang paglilinaw sa kainaman ng pagpapakatatag at sa ganti sa mga nagsagawa nito.

 
Translation of the meanings Ayah: (11) Surah: Al-Ahqāf
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close