Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: An-Najm   Ayah:

An-Najm

Purposes of the Surah:
إثبات صدق الوحي وأنه من عند الله.
Ang pagtitibay sa katapatan ng kasi at na ito ay mula sa ganang kay Allāh.

وَٱلنَّجۡمِ إِذَا هَوَىٰ
Sumumpa Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa bituin kapag bumagsak ito.
Arabic explanations of the Qur’an:
مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمۡ وَمَا غَوَىٰ
Hindi lumihis si Muḥammad na Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – palayo sa daan ng kapatnubayan at siya ay hindi naging lisya, bagkus siya ay nagabayan.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَا يَنطِقُ عَنِ ٱلۡهَوَىٰٓ
Hindi siya nagsasalita hinggil sa Qur'ān na ito dala ng pagsunod sa pithaya niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنۡ هُوَ إِلَّا وَحۡيٞ يُوحَىٰ
Walang iba ang Qur'ān na ito kundi isang kasi na ikinakasi ni Allāh sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Arabic explanations of the Qur’an:
عَلَّمَهُۥ شَدِيدُ ٱلۡقُوَىٰ
Nagturo sa kanya nito ang isang anghel na matindi ang lakas, si Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Arabic explanations of the Qur’an:
ذُو مِرَّةٖ فَٱسۡتَوَىٰ
Si Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay may anyong maganda saka tumindig ito nang lantad harap ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa anyo nito na nilikha ito ni Allāh,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَهُوَ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡأَعۡلَىٰ
habang si [Anghel] Gabriel ay nasa [bahagi ng] abot-tanaw na pinakamataas ng langit.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ دَنَا فَتَدَلَّىٰ
Pagkatapos lumapit si [Anghel] Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – pagkatapos nadagdagan ito ng kalapitan mula sa kanya.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَكَانَ قَابَ قَوۡسَيۡنِ أَوۡ أَدۡنَىٰ
Kaya ang kalapitan nito mula sa kanya ay sa sukat na layong dalawang pana o higit na malapit.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَوۡحَىٰٓ إِلَىٰ عَبۡدِهِۦ مَآ أَوۡحَىٰ
Kaya nagkasi si Anghel Gabriel sa lingkod ni Allāh na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng ikinasi Niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
مَا كَذَبَ ٱلۡفُؤَادُ مَا رَأَىٰٓ
Hindi nagsinungaling ang puso ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa nakita niya sa pamamagitan ng niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَفَتُمَٰرُونَهُۥ عَلَىٰ مَا يَرَىٰ
Kaya makikipagtalo ba kayo sa kanya, O mga tagapagtambal, hinggil sa ipinakikita ni Allāh sa kanya sa gabi ng pagpapalakbay sa kanya?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ رَءَاهُ نَزۡلَةً أُخۡرَىٰ
Talaga ngang nakita ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – si Anghel Gabriel sa anyo nito isa pang pagkakataon sa gabi ng pagpapalakbay sa kanya,
Arabic explanations of the Qur’an:
عِندَ سِدۡرَةِ ٱلۡمُنتَهَىٰ
sa tabi ng [punong] Sidrah ng Pinagwawakasan. Ito ay isang punong-kahoy na lubhang malaki sa ikapitong langit.
Arabic explanations of the Qur’an:
عِندَهَا جَنَّةُ ٱلۡمَأۡوَىٰٓ
Sa tabi ng punong-kahoy na ito ang Hardin ng Kanlungan.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِذۡ يَغۡشَى ٱلسِّدۡرَةَ مَا يَغۡشَىٰ
[Ito ay] noong may bumabalot sa [punong] Sidrah dahil sa utos ni Allāh na isang bagay na malaki, na walang nakakikilala sa kakanyahan nito kundi si Allāh.
Arabic explanations of the Qur’an:
مَا زَاغَ ٱلۡبَصَرُ وَمَا طَغَىٰ
Hindi kumiling ang paningin niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kanan ni sa kaliwa at hindi ito lumampas sa itinakda para rito.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَقَدۡ رَأَىٰ مِنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ
Talaga ngang may nakita si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – nang gabi ng pagpapaakyat sa kanya mula sa pinakadakilang mga tanda ng Panginoon Niya, na nagpapatunay sa kakayahan ng Panginoon, sapagkat nakita niya ang Paraiso at nakita niya ang Impiyerno at ang iba pa sa mga ito.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَفَرَءَيۡتُمُ ٱللَّٰتَ وَٱلۡعُزَّىٰ
Kaya nagsaalang-alang ba kayo, O mga tagapagtambal, sa mga anitong ito na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, na sina Allāt at Al`uzzā,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَنَوٰةَ ٱلثَّالِثَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰٓ
at kay Manāh, ang ikatlong iba pa, kabilang sa mga anito ninyo? Magpabatid kayo sa akin, nakapagdudulot ba ang mga ito para sa inyo ng isang pakinabang o isang pinsala?
Arabic explanations of the Qur’an:
أَلَكُمُ ٱلذَّكَرُ وَلَهُ ٱلۡأُنثَىٰ
Ukol ba sa inyo, O mga tagapagtambal, ang [anak na] lalaki na naiibigan ninyo at ukol sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ang [anak na] babae na kinasusuklaman ninyo?
Arabic explanations of the Qur’an:
تِلۡكَ إِذٗا قِسۡمَةٞ ضِيزَىٰٓ
Ang paghahating iyon na inihati ninyo dahil sa mga pithaya ninyo ay isang paghahating di-makatarungan.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنۡ هِيَ إِلَّآ أَسۡمَآءٞ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٍۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَمَا تَهۡوَى ٱلۡأَنفُسُۖ وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّن رَّبِّهِمُ ٱلۡهُدَىٰٓ
Walang iba ang mga anitong ito kundi mga pangalang hubad sa kahulugan – sapagkat walang bahagi para sa mga ito sa mga katangian ng pagkadiyos – na ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo mula sa pagkukusa ng mga sarili ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang patunay. Hindi sumusunod ang mga tagapagtambal sa paniniwala nila kundi sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili nila kabilang sa ipinang-akit ng demonyo sa mga puso nila. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay sa pamamagitan ng dila ng Propeta ni Allāh – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – ngunit hindi sila napatnubayan sa pamamagitan nito.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَمۡ لِلۡإِنسَٰنِ مَا تَمَنَّىٰ
O ukol ba sa tao ang minithi niya na pamamagitan ng mga anito kay Allāh?
Arabic explanations of the Qur’an:
فَلِلَّهِ ٱلۡأٓخِرَةُ وَٱلۡأُولَىٰ
Hindi; hindi ukol dito ang minithi nito sapagkat sa kay Allāh lamang ang huling buhay at ang unang buhay; nagbibigay Siya mula sa dalawang ito ng niloloob Niya at nagkakait Siya ng niloloob Niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
۞ وَكَم مِّن مَّلَكٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ لَا تُغۡنِي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـًٔا إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ أَن يَأۡذَنَ ٱللَّهُ لِمَن يَشَآءُ وَيَرۡضَىٰٓ
Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman kung sakaling nagnais sila na mamagitan sa isa man malibang matapos na magpahintulot si Allāh ng pamamagitan sa sinumang niloloob Niya kabilang sa kanila at kinalulugdan Niya ang pamamagitanan. Hindi magpapahintulot si Allāh sa sinumang gumawa ng isang katambal [sa Kanya] na mamagitan at hindi malulugod si Allāh sa pinamamagitanan nito na sumasamba roon bukod pa kay Allāh.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• كمال أدب النبي صلى الله عليه وسلم حيث لم يَزغْ بصره وهو في السماء السابعة.
Ang kalubusan ng kaasalan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – yayamang hindi lumiko ang paningin niya habang siya ay nasa ikapitong langit.

• سفاهة عقل المشركين حيث عبدوا شيئًا لا يضر ولا ينفع، ونسبوا لله ما يكرهون واصطفوا لهم ما يحبون.
Ang kahunghangan ng pag-iisip ng mga tagapagtambal yayamang sumamba sila sa isang bagay na hindi nakapipinsala at hindi nakapagpapakinabang, at nag-ugnay sila kay Allāh ng kinasusuklaman nila at humirang sila para sa kanila ng naiibigan nila.

• الشفاعة لا تقع إلا بشرطين: الإذن للشافع، والرضا عن المشفوع له.
Ang pamamagitan ay hindi nagaganap malibang ayon sa dalawang kundisyon: ang pahintulot sa tagapamagitan at ang pagkalugod sa pinamamagitanan.

 
Translation of the meanings Surah: An-Najm
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close