Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: An-Najm   Ayah:
وَأَنَّهُۥ خَلَقَ ٱلزَّوۡجَيۡنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰ
Na Siya ay lumikha sa dalawang kasarian, ang lalaki at ang babae,
Arabic explanations of the Qur’an:
مِن نُّطۡفَةٍ إِذَا تُمۡنَىٰ
mula sa patak kapag inilagay ito sa sinapupunan.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَنَّ عَلَيۡهِ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰ
Na nasa Kanya ang pag-uulit sa paglikha sa kanilang dalawa, matapos ng kamatayan nilang dalawa, para sa pagbubuhay na muli.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَنَّهُۥ هُوَ أَغۡنَىٰ وَأَقۡنَىٰ
Na Siya ay nagpayaman sa sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya sa pamamagitan ng pagpapaari rito ng yaman at nagbigay ng yaman na ginagawa ng mga tao na isang pag-aaring kinakamit nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَنَّهُۥ هُوَ رَبُّ ٱلشِّعۡرَىٰ
Na Siya ay ang Panginoon ng Sirius, na isang bituing sinasamba ng ilan sa mga tagapagtambal ng iba pa kay Allāh.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَنَّهُۥٓ أَهۡلَكَ عَادًا ٱلۡأُولَىٰ
Na Siya ay nagpahamak sa [liping] `Ād na sinauna. Sila ay ang mga kalipi ni Hūd noong nagpumilit sila sa kawalang-pananampalataya nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَثَمُودَاْ فَمَآ أَبۡقَىٰ
Nagpahamak Siya sa [liping] Thamūd, ang mga kalipi ni Ṣāliḥ, saka hindi Siya nagtira mula sa kanila ng isa man.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَوۡمَ نُوحٖ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ هُمۡ أَظۡلَمَ وَأَطۡغَىٰ
[Nagpahamak Siya] sa mga kababayan ni Noe bago pa ng [liping] `Ād at [liping] Thamūd. Tunay na ang mga kababayan ni Noe noon ay higit na matindi sa paglabag sa katarungan at higit na mabigat sa pagmamalabis kaysa sa [liping] `Ād at [liping] Thamūd dahil si Noe ay nanatili sa kanila ng isang libong taon maliban sa limampung taon, habang nag-aanyaya sa kanila sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit hindi sila tumugon.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلۡمُؤۡتَفِكَةَ أَهۡوَىٰ
Ang mga pamayanan ng mga kababayan ni Lot ay iniangat niya tungo sa langit. Pagkatapos ibinagsak Niya ang mga ito sa lupa,
Arabic explanations of the Qur’an:
فَغَشَّىٰهَا مَا غَشَّىٰ
saka nagtakip Siya sa mga ito – at nagpatama Siya sa mga ito ng mga bato – ng itinakip Niya sa mga ito matapos ng pag-angat sa mga ito tungo sa langit at ng pagpapabagsak sa mga ito sa lupa.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكَ تَتَمَارَىٰ
Kaya sa alin sa mga tanda ng Panginoon mo na nagpapatunay sa kakayahan Niya nakikipagtalo ka, O tao, para hindi ka mapangaralan sa pamamagitan ng mga ito?
Arabic explanations of the Qur’an:
هَٰذَا نَذِيرٞ مِّنَ ٱلنُّذُرِ ٱلۡأُولَىٰٓ
Ang Sugong isinugong ito sa inyo ay kabilang sa uri ng mga sugong sinauna.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَزِفَتِ ٱلۡأٓزِفَةُ
Lumapit ang Pagbangong malapit.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَيۡسَ لَهَا مِن دُونِ ٱللَّهِ كَاشِفَةٌ
Walang ukol dito na isang tagatulak na magtutulak dito at walang tagapabatid na babatid dito maliban kay Allāh.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَفَمِنۡ هَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ تَعۡجَبُونَ
Kaya ba sa Qur'ān na ito na binibigkas sa inyo nagtataka kayo na ito ay mula sa ganang kay Allāh?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَتَضۡحَكُونَ وَلَا تَبۡكُونَ
Tumatawa kayo rito bilang pangungutya rito at hindi kayo umiiyak sa sandali ng pagkadinig ng mga pangaral nito,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَنتُمۡ سَٰمِدُونَ
habang kayo ay mga naglilibang palayo rito, na hindi pumapansin dito.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَٱسۡجُدُواْۤ لِلَّهِۤ وَٱعۡبُدُواْ۩
Kaya magpatirapa kayo kay Allāh lamang at magpakawagas kayo para sa Kanya sa pagsamba.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• عدم التأثر بالقرآن نذير شؤم.
Ang kawalan ng pagkakaapekto dahil sa Qur'ān ay isang mapagbabala ng isang masama.

• خطر اتباع الهوى على النفس في الدنيا والآخرة.
Ang panganib ng pagsunod sa pithaya para sa sarili sa Mundo at Kabilang-buhay.

• عدم الاتعاظ بهلاك الأمم صفة من صفات الكفار.
Ang kawalan ng pagkapangaral sa pagkapahamak ng mga kalipunan ay isa sa mga katangian ng mga tagatangging sumampalataya.

 
Translation of the meanings Surah: An-Najm
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close